You are on page 1of 1

Ang Lanao Del Sur

Ang Lanao del Sur ay isa sa limang lalawigang kabilang sa ARMM o Autonomous Region in
Muslim Mindanao. Ang Lanao del Sur ay binubuo ng 39 na bayan at isang lungsod ng Marawi na
isa ring kabisera ng lalawigan.
Ang pangalang Lanao ay nagmula sa salitang ranao na nangangahulugang “lawa”.
Matatagpuan kasi rito ang Lawa ng Lanao na siyang pinakamalaking lawa sa Mindanao at
pangalawang pinakamalaki sa buong Pilipinas (sumusunod ito sa Lawa ng Laguna). Apat na ilog
ang bumubuhay sa lawa habang ang Ilog ng Agus lamang ang ilog na dumadaloy mula rito. Ang
lawa ay mahalagang bahagi ng buhay ng mga tao sa lugar na ito kaya naman, ang mga Meranao
na siyang tawag sa mga taong naninirahan dito ay tinatawag ding “mga tao sa lawa.” Kapag araw
ng palengke, makikitang ang buhay ng mga tao ay nakasentro sa Lawa ng Lanao na labis na
abala sa dami ng mga bangkang nagyayao’t dito sa pagdadala ng mga paninda. Ito rin ang isa sa
mga pangunahing paraan ng transportasyon sa mga bayan ng Lanao del Sur.
Meranao rin ang tawag sa wikang sinasalita ng mga tao sa lalawigang ito. Ang
nakararaming mamamayan sa Lanao ay mga Muslim. Kilala ang mga Meranao sa pagiging
malikhain. Makikita sa kanilang kagamitang panseremonya at iba pang mga kagamitan ang mga
ukit na tinatawag nilang okir kung saan ang pinakakilala ay ang sarimanok at makukulay na nagas
o nakaukit na hugis ahas na madalas makita sa hawakan o puluhan ng kanilang mga kampilan.
Mapalad ang mga Meranao sa pagkakaroon ng magandang klima, hindi masyadong mainit
at lihis din sila sa daanan ng bagyo kaya hindi sila gaanong masasalanta ng mga bagyong
dumaraan sa ating bansa.

dumaraan sa ating bansa

You might also like