You are on page 1of 3

EMILIANO TRIA TIRONA MEMORIAL NATIONAL INTEGRATED HIGH SCHOOL

GAHAK, KAWIT, CAVITE


UNANG MARKAHAN
Filipino 7
Pangalan:___________________________ Marka:_______________________
Baitang at Pangkat:____________________ Guro: _______________________

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang kuwentong-bayan pinamagatang “Ang Punong Kawayan” at sagutan ang
sumusunod na gawain.
Ang Punong Kawayan
Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang Santol, mayabong
ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon
ang payat na Kawayan. Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.
Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.
Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga
sanga.
Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at pulang-pula. Kahit malayo, ako ay kitang-kita
na.
Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga, wika ni Niyog. Tekayo, kaawa-awa
naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang
nagmumukhang kaawa-awa.
Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.
Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang pinalakas ang kanyang
paghihip. At sa isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal
ang puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip
ng malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta.

Gawain 1:
Panuto: Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.Piliin sa mga salitang nasa
loob ng panaklong ang tamang sagot.Isulat ito sa inyong sagutang papel at pagkatapos ay gamitin ito sa sariling pangungusap.
1. Matatagpuan mo sa dako roon ang kanilang munting tahanan na malapit sa mayabong ( malago, malapad, malusog, matatag)
na punongkahoy ng Akasya.
Pangungusap: __________________________________________________________________
2. Pagmasdan mo ang puno ng bayabas na hitik ( mabunga, masagana,mataba, mayaman ) sa bungang tila nag-aanyayang
ito’y iyong pitasin.
Pangungusap: ___________________________________________________________________
3. Ang kanyang buhay ay tila ba isang punongkahoy na ang mga dahon ay unti-unting nalalagas sa pagdaan ng mga araw.
( nadudurog, nalalagot, nawawala, nahuhulog )
Pangungusap: _____________________________________________________________
4. Dahil sa lakas ng bagyo ,ang puno sa aming bakuran ay mga nangabuwal. ( nagsibagsakan, nagsidapa,
nagsitayuan, nagsiyukod )
Pangungusap : __________________________________________________________________
5. Namasdan ko ang kaawa-awang kinasadlakan ng kabuhayan ng mga kababayan nating nasalanta ng baha.
( nadurog , napahamak , napinsala , nawasak )
Pangungusap:___________________________________________________________________

Gawain 2: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang at isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Kung ikaw si Kawayan, ano ang maaari mong gawin sakaling apihin ka ng kapwa mo?
a. Lalabanan ko sila at di uurungan. c. Pagsasabihan ko sila na wag nila akong apihin.
b. Mananahimik ako at di ko sila papansinin. d. Kung ano ang ginawa nila sa akin ay ganun din ang gagawin ko.

2. Bakit nagalit ang hangin sa pag-uusap ng mga puno?


a. dahil mababa ang pagtingin nila sa punong kawayan. c.dahil nagpapataasan sila ng kanilang mga sariling katangian.
b. dahil ayaw nilang kasama bilang puno si kawayan. d. dahil masama ang pag-uugali ni punong kawayan

3. Paano ipinakita ng hangin ang kanyang galit dahil sa pinagtatawanan ng ilang puno ang punong kawayan?
a. Kinausap at pinagsabihan ng hangin ang ilang mga puno na wag na nilang pagtawanan ang punong kawayan.
b. Tinulungan ng hangin ang ulan upang palakasin ang bagsak nito na naging sanhi ng pagkabuwal ng mga puno at
pagkalaglag ng mga bunga nito.
c. Isinumpa ng hangin na mamatay at malipol lahat ng puno na umaalipusta sa punong kawayan.
d. Pinalakas nang pinalakas ang ihip ng hangin hanggang sa mabuwal ang mga puno na tumatawa sa kawayan.

4. Ang hindi pagpatol sa mga pang-aapi at pang-aalipusta ng ilang punong kahoy sa punong kawayan ay nagpapakita
lamang ng isang mabuting asal ng isang nilalang.
a. Pagpapakumbaba
b. Pagmamataas
c. Pagpapatawad
d. Paggalang sa kapwa

5. Batay sa kwentong ating nabasa , pinapaalalahanan tayo na ___________.


a. Ang taong mayabang kadalasa’y napapahiya.
b. Huwag tayong maging mapagmataas sa ating kapwa.
c. Pantay-pantay tayo sa paningin ng Diyos.
d. Huwag nating ipagmalaki ang mga bagay na mayroon tayo.

1
GAWAIN 3. Panuto: Suriin ang kuwentong nabasa batay sa mga nakatalang elemento.

ANG PUNONG KAWAYAN

TAUHAN

TAGPUAN

PAKSA

SIMULA

KATAWAN

WAKAS

MENSAHE

REAKSYON

2
3

You might also like