You are on page 1of 30

10

 






FOR QA

i
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Parabula Mula sa Syria
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyaon Sangay
ng Palawan.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan


Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Natividad P. Bayubay, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Loida P. Olavario, Ph.D.
Felix M. Famaran

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marlon Montante, Katherine S. Tercero, Jheziel M. Usop
Editor: Iryn M. Ilagan
Tagasuri: Jennifer Sornito, Mischelle M. Ismael
Tagaguhit:
Tagalapat: Nora A. Nangit
Tagapamahala: Aurelia B. Marquez
Rodgie S. Demalinao
Nora A. Nangit

Inilimbag sa Pilipinas, ng ________________________


Kagawaran ng Edukasyon – MIMAROPA Region - Sangay ng Palawan
Office Address: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City
Telephone: (048) 433-6392
E-mail Address: palawan@deped.gov.ph
Website: www.depedpalawan.com

ii
10






iii
Panimulang Mensahe
Para sa mga Tagapagdaloy:

Ang Ikalawang Modyul B na ito ay para sa Baitang 10 na magsisilbing


kagamitan sa mga kasanayan para sa taong panuruan 2020-2021. Ang gurong
tagapagdaloy ng modyul na ito ay kinakailangang maging handa sa pagpapaliwanag
sa kanyang mga mag-aaral ng mga tiyak na layunin, gawain, at inaasahang awtput
upang matiyak ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Makatutulong din ang pagbibigay
ng oryentasyon sa mga mag-aaral, magulang, o mga tagagabay tungkol sa
kahalagahan ng pagsasakatuparan ng mga gawain sa loob ng modyul na ito.

Ang kagamitang ito ay pag-aari ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng


Palawan kaya’t pinapayuhan ang mga tagapagdaloy na magtagubilin sa gagamit nito
na ingatan ang modyul. Iwasang tupiin o pilasin ang mga pahina, dumihan, basain,
o alinmang kauri nito na makapipinsala sa kagamitan. Tiyaking masasagutan ng
mga mag-aaral ang bawat palatuntunan ng modyul kagaya ng mga pagsusulit,
gawain, pagsasanay, at mga pagsulat.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino Baitang 10 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Parabula Mula sa Syria
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

iv
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa
iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

v
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Kumusta ka na uli.

Ang modyul na ito ay karugtong ng iyong pinag-aralan sa modyul 2A na may


aralin 1 & 2. Inaasahan ko na magpapatuloy ang daloy ng kaalamang nais kong
iyong matamo para sa iyong paglago sa asignaturang Filipino. Bagaman alam kong
tambak na ang iyong mga inaaral na modyul alam kong interesado ka pa ring matuto
kung kaya magpatuloy ka sa iyong nasimulan.

Kung kailangan mo ng tulong ay huwag kang mag atubiling tawagin ang


iyong miyembro ng pamilya o di naman kaya ay ako na iyong guro sa Filipino.
Sasamahan kita sa pag-aaral ng modyul. Subalit ngayon ay ikaw muna ang
maunang mag-aral nito.

Pagbibigay Puna sa Estilo ng May-akda


Aralin
Batay sa mga Salita at Ekspresyong
3
Ginamit

vi
Ang Aralin 3 ay nakatuon sa pagbibigay-puna sa estilo ng may akda batay sa
mga salita at ekspresyong ginamit sa akda at ang bisa ng paggamit ng mga salitang
nagpapahayag ng matinding damdamin.

Sa pagtatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang makasusulat ng isang


tula na naipakita ang bisa ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng damdamin
batay sa mga sumusunod na pamantayan a) malinaw na mensahe b). nagamit ang
mga salitang nagpapahayag ng damdamin c). may kariktan.

Tutuklasin mo rin kung paanong nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng


parabula ang pagbibigay-puna sa estilo ng may akda batay sa mga salita at
ekspresyong ginamit sa akda at ang bisa ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag
ng matinding damdamin.

Nawa ay maging kapaki-pakinabang sa iyo ang pagbasa at pagsagot sa mga


pagsasanay para sa isang linggong pagtalakay ng mga aralin.

Narito ang iyak na kasanayang inaasahang matamo mo sa aralin na ito:

Nabibigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita at ekspresyong


ginamit sa akda. (F10PT-Ib-c-62). FOR QA

Panimulang Pagtataya

Panuto: Tukuyin ang damdaming nangingibabaw sa bawat pangungusap. Isulat


ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

_______1. Sobrang sipag ng mga magsasaka sa ating bansa!


A. Paghanga C. pagkatuwa
B. Pagkagulat D. pagkalungkot

_______2. Wala na tayong pag-asa kung patuloy tayong magpapaalipin.


A. Pagtataka C. pagkalungkot
B. pagkagalit D. pag-asa

_______3. Wow, may pag-asa pa tayong umunlad.


A. paghanga B. pagkatuwa C.pagkagulat D. pag-asa

Ang buhay mo’y walang patid ng hibla ng pagtataksil


Sa sarili, lipi’t angkan, sa bayan mong dumarating!

1
_______4. Anong damdamin ang nangingibabaw sa saknong?
A. pagkainis B. pagkatuwa C. pagkalungkot D. pag-asa

Kalayaan! Malaya ka, Oo na nga, bakit hindi?


Sa patak ng iyong luha’y malaya kang mamighati!

______5. Anong damdamin ang nangingibabaw sa saknong?


A. pagkatuwa B. pagkagalit C. pagkagulat D. pag-asa

“Pinaghahanap buhay iyan ng mga magulang para may maisugal”.

______6. Anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag?


A. pagkainis B. pagkatuwa C.paghanga D. pag-asa

Para sa bilang 7-10

______7. Kaibigan, pinarurusahan ako ng aking Diyos at mamamatay akong


kahiya- hiya” ang damdaming nangingibabaw sa pahayag ay _______.
A. pagsisisi B.pagkalungkot C. pagkahiya D. pagkatakot

______8. At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang


magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?”

A. panghihinayang C. pagtataka
B. pag-aalinlangan D. pagsisisi

______9. Kaya sinasabi ko sa inyo, gamitin nyo ang kayamanan sa mundong ito sa
paggawa ng mabuti sa inyong kapwa”.
A. pagkalungkot C. pagkagalit
B. pagkaawa D. panghininayang

______10. May taong mayaman na may isang katiwala, may nagsumbong sa


kanyang nilulustay nito ang kanyang ari-arian.
A. pagkalungkot C. pagkagalit
B. pagkaawa D. panghininayang

Panuto: (Para sa bilang 11-15). Ibigay ang damdaming nais ipahayag ng bawat
pangungungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
11. Nakakalungkot ang ang naganap na sunog kanina. ____________________

12. Sadyang kayhirap ng kalagayan ng bansa ngayon. _____________________

13. Yahoo, pumasa ako sa pagsusulit! _______________________

14. Nakakabahala ang nangyayari sa Lebanon ngayon. ___________________

15. Lagi kang maghugas ng kamay at magsuot ng face mask ha? ___________

2
IDEYA KO, ISUSULAT KO

Panuto: Isulat ang mga ideyang natutuhan tungkol sa nilalaman, elemento, at


kakanyahan ng parabula. (1 puntos bawat isa).

Nilalaman Elemento Kakanyahan

Tanong: Paano nakaapekto ang estilo ng may akda at gamit ng mga


ekspresyon sa nilalaman ng isang parabula? (2 puntos.)

Sagot:_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Panuto: Muling basahin sa Aralin 1 ang parabulang “Ang Tusong Katiwala”,


pagkatapos ay suriin ito gamit ang mga gabay na tanong. (2 puntos bawat
bilang).

Mga Gabay na Tanong:


1. Paanong nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng parabula ang pagbibigay-
puna sa estilo ng may akda batay sa mga salita at ekspresyong ginamit sa
akda?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Naging mabisa ba ang paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng matinding


damdamin upang ipahayag ang mensahe ng parabula? Patunayan.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3
Alam mo ba na…
ang estilong masasalamin sa kabuuan ng parabula ay pagsasalaysay ng
mensahe ng sinaunang kulturang nagtataglay ng aral na maaaring iugnay sa
kasalukuyan. Mababakas ito sa paglalahad ng mga pangyayari gayun din sa mga
salita at ekspresyong ginamit sa akda. Nakatutulong ang mga salitang ito upang
maging malinaw na mailarawan at maipahayag ang ating nadarama sa ating kapwa.
Maraming paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin kabilang ang
mga sumusunod:

1. Paraan ng paggamit ng padamdam na pangungusap sa pagpapahayag ng


matinding damdamin. Ginagamit sa pangungusap na ito ang bantas na padamdam
(!) at kung minsa’y ang bantas na patanong (?) tulad ng sumusunod:
a. Paghanga: Wow! Perfect ang iskor mo. Naks! Ganda! Bilib ako!
b. Pagkagulat: Ha? Nakakahiya. Inay! Naku po!
c. Pagkatuwa: Yahoo! Pasado ako. Yehey! Yipee!
d. Pag-asa: Harinawa, Sana sumama ka sa group study namin.
e. Pagkainis/Pagkagalit: Bagsak ako! Kakainis!

Ginagamit din kung minsan ang panandang pananong (?) sa pagpapahayag ng


damdamin lalo na kung ito ay may halong pagtatataka.
Maaaring samahan ang mga ito ng parirala o sugnay na tumitiyak sa
emosyong nadarama. Gaya nito:

a. Paghanga: Wow, ang ganda niyan!


b. Pagkagulat: O, ikaw pala!
c. Pagkalungkot: Naku, kawawa naman sya!
d. Pagtataka: Siyanga? Totoo bang sinabi mo?
e. Pagkatuwa: Yipee! Matutuwa si Mommy.
f. Pagkagalit/Pagkainis: Hmmmp! Nakakainis ka!
g. Pag-asa: Naku, sana nga’y makapasa ka na!

2. Isa ring paraan ang paggamit ng pahayag na tiyakang nagpadama ng damdamin


at/o saloobin ng nagsasalita. Ngunit mahuhulaang hindi masyadong matindi ang
damdaming inihahayag sa ganitong paraan. Pansinin ding ginagamitan ng tuldok ang
mga pahayag bagaman maaari ring gamitan ng padamdam ang bawat isa upang
makapaghudyat ng mas matinding damdamin.
a. Pagtanggi: Dinaramdam ko, hindi na ako lalahok sa paligsahan.
b. Pagkasiya: Mabuti naman at narito na kayo.
c. Pagtataka: Hindi ako makapaniwala. Ngayon ko lang narinig ang balitang iyan.
d. Pagkainis: Nakakaasar talaga ang kinalabasan ng pagsusulit.

4
3. Maihahayag din ang iba pang emosyon sa tulong ng sumusunod na
konstruksyong gramatikal:

● Paggamit ng mga padamdam na pahayag na karaniwang binubuo ng


pariralang nominal at adjectival.
a. Ang ganda ng tulang iyan!
b. Nakapanggigil talaga ang alaga mong aso!
c. Ang ilap ng gansa!

● Paggamit ng mga ekspresyong karaniwang nagpapahiwatig ng antas ng


kasukdulan o kasobrahan.
a. Napakakulit ng lalaking mangingibig!
b. Sobrang bait ng mag-aaral!
c. Ang ganda-ganda nya!
d. Talagang gulat na gulat si Arvyl!

● Paggamit ng negatibong ekspresyon na binibigyang- diin kapag


binibigkas, kasama ang ano man, sino man, saan man at iba pa.
a. Wala kang maaasahang anuman sa kanya.
b. Hindi matatalo ng sino man ang marunong manuyo
c. Saan ka man pumunta, hindi ka makaliligtas sa akin.

● Paggamit ng mga tanong na retorikal (Patayutay na pagtatanong upang


bigyang diin ang isang kaisipan. Ito ay tanong na hindi sinasagot
sapagkat lantad na.)
a. Ang ganda ng ginawa nila, di ba?
(Napakaganda ng ginawa nila!)
b. Dahilan ba’yan para malungkot ka?
(Hindi iyan sapat na dahilan para malungkot ka!)

Malayang Gawain 1: DAMDAMI’Y IPAHAYAG

Panuto: Basahin ang kaugnay na teksto, pagkatapos ay isulat ang damdaming


nais ipahayag sa iyong sagutang papel.

Bilang ng
Damdaming Nangibabaw
Pahayag
Una
Ikalawa
Ikatlo
Ikaapat

5
Malayang Pagtataya 1

Panuto: Tukuyin ang damdaming angkop sa pahayag. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel. Pumili ng sagot sa nakakahong mga salita.

lungkot galit panghihinayang pagtataka pagkaawa pag-aalinlangan

Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka,


1. Narinig niyang nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki.
2. Narinig nitong binabanggit ng kaniyang anak ang hirap at pagod na

nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin.


3. Ayon pa sa anak, nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kaniyang

buhay dahil sa hirap na nararanasan niya.


4. Sa pagkakataong iyon, tiningnan ng ama ang anak at tinawag niya itong pumunta

sa kusina.

Hango sa: Mensahe ng Butil ng Kape “The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean”
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)

1. “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang


nilulustay nito ang kaniyang ari-arian.” __________________________________

2. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong


pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.” ______________

3. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko
kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos.” ____________

4. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa


paggawa nang mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay
tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.” _____________________

5. “At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang


magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?” _________________________________

6
Malayang Gawain 2

Basahin ang teksto sa kahon at sagutin ang inihandang mga tanong.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag, pagkatapos ay bigyang-


puna ang ekspresyong ginamit sa parabula. (1 puntos bawat isa.)

Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy. Walang
narinig na ano mang salitaan sa mga oras na yaon. Hinayaan lamang nila ang
nakasalang na mga palayok. Hindi nagtagal, kumulo ang tubig. Sa unang palayok,
inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay mga itlog. Sa panghuli, butil ng
kape ang inilahok. “Sa tingin mo, ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at butil
ng kape na aking inilahok?” tanong ng ama. “Maluluto?” kibit-balikat na tugon ng
anak. Makalipas ang dalawampung minuto, inalis ng ama ang mga baga at pinalapit
ang anak sa mga palayok.

1. “Damhin mo ang mga ito,” hikayat ng ama. “Ano ang iyong napuna?” bulong ng ama.
Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot.
2. Inutusan naman siya ng ama na kunin ang itlog at hatiin ito. Matapos mabalatan

ang itlog, napansin niya na buo at matigas na ito dahil sa pagkakalaga.


3. “Higupin mo ang kape,” utos ng ama.

4. “Bakit po?” nagugulumihanang tanong ng anak.


5. Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng carrot,

itlog, at butil ng kape.


Mula sa Mensahe ng Butil ng Kape

1. Sa unang pahayag, anong ekspresyon ang nais ipahayag ng nagsasalita?


__________________________________________________________________
2. Sa ikalawa? ______________________________________________________
3. Sa ikatlo? ________________________________________________________
4. Sa ikaapat? ______________________________________________________
5. Sa ikalima? ______________________________________________________

Malayang Pagtataya 2: THINK & REACT

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag, pagkatapos ay bigyang-


puna ang estilo ng may akda batay sa mga salita at ekspresyong
ginamit sa parabula. (1 puntos bawat isa.)

Mga Pahayag Puna


1. 1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga
alagad, “May taong mayaman na may isang
katiwala. May nagsumbong sa kaniyang
nilulustay nito ang kaniyang ari-arian.

2. 13) “Walang aliping maaaring maglingkod


nang sabay sa dalawang panginoon
sapagkat kamumuhian niya ang isa at
iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang
tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa.

7
Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay
sa Diyos at sa kayamanan.”

SIMULAN KO, DUGTUNGAN MO

Panuto: Ipahayag ang iyong natutunan sa pamamagitan ng simulan ko, dugtungan


mo.

Ang natutuhan ko sa Aralin 3 ay _________________________________________


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________.

Pagsagot sa mahalagang tanong


Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.

Tanong: Paanong nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng parabula ang


pagbibigay-puna sa estilo ng may akda batay sa mga salita at ekspresyong
ginamit sa akda?

Sagot: __________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Rubrik:

Puntos Pamantayan
Napakahusay na nailahad ang natutuhan at nasagot nang buong husay
5
ang tanong.
Mahusay na nailahad ang natutuhan ngunit hindi gaanong mahusay
4
na nasagot ang tanong.
3 Nakasulat ngunit nangangailangan ng pag-unlad.
0 Walang naisulat.

8
Paano mo magagamit nang tama sa pakikipagtalastasan ang mga ekspresyon
at wastong paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng matinding damdamin?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Rubrik

Puntos Pamantayan
5 Napakahusay na naipaliwanag ang sagot.
4 Mahusay na naipaliwanag ang sagot.
3 Nakapagliwanag ngunit nangangailangan ng pag-unlad.
0 Walang naisulat.

9
Pangwakas na Pagtataya
Panuto: Basahin ang kaugnay na bahagi ng parabula, pagkatapos ay sumulat sa
iyong sagutang papel ng isang puna tungkol dito gamit ang gabay na
tanong

Read …

“Paano mo ngayon hinaharap ang mga suliranin sa iyong buhay?” Ikaw ba ay


sumusunod lamang sa kung ano ang idinidikta ng sitwasyon o nagsusumikap
kang maging matatag sa harap ng mga pagsubok. Gayundin, patuloy ka rin bang
lumilikha ng positibong pagbabago na dulot ng di magagandang pangyayari?
“Kaya anak, ikaw ba ay carrot, itlog, o butil ng kape?” tanong muli ng ama.
Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon – “ako ay magiging butil ng kape…”
katulad mo mahal na ama.
Mula sa Mensahe ng Butil ng Kape

Ano ang masasabi mo sa estilo ng may akda batay sa mga salita at


ekspresyong ginamit sa parabula? Naging mabisa ba ang paggamit ng mga
salitang nagpapahayag ng matinding damdamin? Patunayan.

React …
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
__________________________________________________________

Panuto: Ibigay ang damdaming nais ipahayag ng bawat pangungusap s.

1. Nakalulungkot ang mga nangyayari ngayon sa bansa. ___________________


2. Ayaw kong may masamang mangyari sa kanila. ________________________
3. Yehey, bati na sila! _______________________________________________
4. Dahilan ba yan para magmukmok ka sa isang tabi? _____________________
5. Mag-iingat kang lagi. ______________________________________________

10
Panimulang Pagtataya: Pagyamanin:
1. A Malayang Gawain 1
2. C 1. pagmamaktol Isaisip:
3. D 2. pagrereklamo Iba-iba ang
4. C 3. paghihirap
sagot/pagbatayan ang
5. B 4. pagiging mahinahon
rubrik
6. A
Malayang Pagtataya 1 Isagawa:
7. C
8. B 1. galit Iba-iba ang
9. A 2. pagtatalo sagot/pagbatayan ang
10. C 3. pag-aalinlangan rubrik
11. pagkalungkot 4. paghihinayang
12. pagkalungkot 5. pagkaawa Tayahin:
13. pagkatuwa Iba-iba ang
14. pagkabahala Malayang Gawain 2
sagot/pagbatayan ang
15. pagpapaalala 1. manghikayat
2. mag-utos rubrik
Balikan: 3. mag-utos
Iba-iba ang sagot. Tingnan 4. magtanong Karagdagang Gawain
ang rubrik sa bahaging 5. magpaliwanag
Balikan Malayang Pagtataya 2 1. pagkalungkot
2. pagtanggi
Iba-iba ang 3. pagkatuwa
Tuklasin:
sagot/pagbatayan ang 4. pagtatanong
Iba-iba ang sagot. Tingnan
5. pagpapaalala
ang rubrik sa bahaging rubrik
Balikan

Wow! Nagawa mong muli ang mga inilaan kong gawain bilang pagtataya sa
iyong natutuhan. Ngayon ay pag-aaralan moa ng guling aralin sa Aralin 4.
Tinitiyak ko sa iyong mapagtatagumpayan mo uli ang mga pagsubok na
nakalaan par sa patuloy mong paglago. Simulan na natin.

11
Aralin
Paggamit ng Angkop ng mga Piling
4 Pang-ugnay sa Pagsasalaysay

Matapos mong pag-aralan ang pagbibigay ng puna sa estilo ng may akda batay
sa mga salita at ekspresyong ginamit sa akda, at ang bisa ng paggamit ng mga
salitang nagpapahayag ng matinding damdamin, ikaw naman ay gagabayan ng
tekstong nagsasalaysay upang suriin ang wastong gamit ng mga piling pang-ugnay.
Ang mga ito ang lilinangin na makatutulong sa pagsusuri ng parabula upang lalong
mapagyaman ang kaalaman sa aralin.

Ang Aralin 4 ay naglalaman ng mga kaalaman tungkol sa mga piling pang-


ugnay sa pagsasalaysay ng parabulang binasa.

Sa pagtatapos ng aralin na ito ikaw ay inaasahang makabubuo ng tuntunin


bilang huwarabg kabataan ng daigdig gamit ang mga angkop na pang-ugnay
(pagsisimula, pagpapatuloy, pagpapadaloy ng mga pangyayari at pagwawakas). Ikaw
ay mamarkahan batay sa sumusunod na pamantayan: a.) binubuo ng sampung
tuntunin, b.) paggamit ng mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay, nagtataglay ng
holistikong dulog na saklaw ang lahat ng kabataan, at d.) baybay at bantas.

Pagkatapos ng aralin na ito, inaasahang masasagot mo ang mga pokus na


tanong na: Paano nakatutulong ang mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay
(pagsisimula, pagpapatuloy, pagpapadaloy ng mga pangyayari at pagwawakas)?

Nawa ay maging kapaki-pakinabang sa iyo ang pagbasa at pagsagot sa mga


pagsasanay para sa isang linggong pagtalakay ng mga aralin.

Narito ang tiyak na kasanayang inaasahang matamo mo sa aralin na ito:

Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay


(pagsisimula, pagpapadaloy ng mga pangyayari at pagwawakas. (F10WG-Ib-c-58).

12
Panimulang Pagtataya
Panuto: (Para sa baitang 1-5) Basahin ang pangungusap na nagsasalaysay,
pagkatapos ay salungguhitan sa loob ng panaklong ang angkop na pang-
ugnay.

1. (Noong unang panahon, Sumunod na araw), may hari na may tatlong


magagandang anak na babae. Ang pinakamaganda sa tatlo ang bunsong si
Psyche.

2. Ipinag-utos niyang bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang damit.


(Pagkatapos, Kaya naman) mabihisan si Psyche, ipinabuhat ng hari ang
anak na parang ihahatid sa kaniyang libingan papunta sa tuktok ng bundok.

3. (Una, Saka), kailangan niyang pumasok sa isang butas na lagusan patungo


sa ilalim ng lupa sa tabi ng ilog ng kamatayan.

4. Hindi sumuko si Psyche sa lahat ng mga pagsubok na ibinigay sa kanya ni


Venus, (kaya naman, gayon din) siya’y nagtagumpay.

5. (Sa wakas, Pagkatapos), nang mahimbing nang natutulog ang lalaki, patiyad
na naglakad si Psyche patungo sa pinaglagyan niya ng punyal at lampara.

Panuto: (Para sa bilang 6-10) Basahin at suriing mabuti ang bawat pangungusap
at bilugan ang titik ng angkop na pang-ugnay sa pagsasalaysay.

6. Samantala, habang siya’y nakatayo sa springboard ng pool na may taas na


tatlumpung talampakan, dahan-dahan niyang itinataas ang kaniyang
dalawang kamay, ___ umaayos nang nakadipa bilang paghahanda sa pagtalon
nang biglang nag-brownout.
A. kaya naman B. ngunit C. saka D. sumunod

7. Pagod siya sa buong araw na pag-aaral _____ pursigido siyang dapat


mapanalunan ang kampeonato.
A. ngunit B. sumunod C. sumunod na araw D. una

8. Alam niyang kahit hindi siya mag-ensayo, matatanggap pa rin siya _____
matalik na kaibigan ng kaniyang ama ang Chairman ng Philippine Sports
Commission.
A. kasi B. pati C. sa dakong huli D. sapagkat

9. _____ kakulangan ng oras sa umaga dulot ng paglalakwatsa, naisip niya sa


gabi na lamang siya mag-eensayo.
A. Dahil sa B. Gayon din C. Pagkatapos D. Sa wakas

13
10. _____ na lamang ang kaniyang pagkabigla nang kaniyang makita ang larawan
ng krus sa kaniyang harapan. Siya’y lumuhod sa kinatatayuang springboard
at umusal.
A. Dahil sa B. Gayon C. Saka D. Una

Panuto: (Para sa mga bilang 11-15). Suriin ang mga pang-ugnay na naitiman, isulat
sa iyong sagutang papel ang A kung pagsisimula, B kung pagpapadaloy at C naman
kung pagwawakas ang gamit nito sa pagsasalaysay.

_____11. Siya’y nahimasmasan saka naisip niyang dapat siyang magpatuloy sa


buhay.
_____12. Hindi na niya itutuloy ang planong pagpunta sa ibang bansa kaya
naman mapipilitan siyang Smaghanap ng trabaho malapit sa kaniyang
pamilya.
_____13. Napakarami na niyang napagtagumpayang pagsubok sa buhay, kung
kaya hindi na niya alintana ang mga darating pa.
_____14. Sa sumunod na araw, nakabenta siya ng muffler.
_____15. Sa wakas ay naging masaya ang kanilang pamilya.

Narito ang gawaing hahamon sa iyong kakayahang maalala ang mga


nagdaang aralin na may kaugnayan sa paksa/kasanayan na lilinangin. Gagabayan
ka nito upang higit na magiging madali ang pagtuklas mo sa mga karunungang
dapat mong taglayin.

Panuto: Ibigay ang iyong kaalaman tungkol sa pag-ugnay sa pamamagitan ng


concept map.

Pang-
ugnay

14
Tanong: Ano ang kaugnayan nito sa tatalakaying aralin?
Sagot:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Panuto: Basahin at unawain ang parabula, pagkatapos ay sagutin ang kaugnay na


mga tanong na inihanda.

Mensahe ng Butil ng Kape


“The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean”
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)

Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyang


nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng kaniyang anak
ang hirap at pagod na nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin. Ayon pa
sa anak, nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kaniyang buhay dahil sa hirap
na nararanasan niya. Sa pagkakataong iyon, tiningnan ng ama ang anak at tinawag niya
papunta sa kusina. Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa
apoy. Walang narinig na ano mang salitaan sa mga oras na yaon. Hinayaan lamang nila
ang nakasalang na mga palayok.

Hindi nagtagal, kumulo ang tubig. Sa unang palayok, inilagay ng ama ang carrot.
Sa pangalawa naman ay mga itlog. Sa panghuli, butil ng kape ang inilahok. “Sa tingin
mo, ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at butil ng kape na aking inilahok?”
tanong ng ama. “Maluluto?” kibit-balikat na tugon ng anak. Makalipas ang
dalawampung minuto, inalis ng ama ang mga baga at pinalapit ang anak sa mga
palayok. “Damhin mo ang mga ito,” hikayat ng ama. “Ano ang iyong napuna?” bulong ng
ama. Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot. Inutusan naman siya ng ama na
kunin ang itlog at hatiin ito. Matapos mabalatan ang itlog, napansin niya na buo at
matigas na ito dahil sa pagkakalaga. “Higupin mo ang kape,” utos ng ama. “Bakit po?”
nagugulumihanang tanong ng anak.

Kapag ito ay kumatok sa ating pinto, paano ka tutugon? Ikaw ba ay magiging


carrot, itlog o butil ng kape?” usal ng ama. “Ikaw ba ay magiging carrot na malakas sa
una subalit nang dumating ang pagsubok ay naging mahina? O kaya naman ay magiging
tulad ng itlog na ang labas na balat ay nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago
ng init ng kumukulong tubig? Ang itlog ay nagpapaalala na minsan may mga taong sa
una ay may mabuting puso subalit kapag dumaan ang pagsubok tulad ng sigalot sa
pamilya o mga kaibigan, sila ay nagkakaroon ng tigas ng kalooban upang hindi igawad
ang kapatawaran sa nagkasala. O maging tulad ka kaya ng butil ng kape na
nakapagpabago sa kumukulong tubig?

15
Kapuna-puna na sa tulong ng butil ng kape, nadagdagan ng kulay at bango ang
kumukulong tubig,” paliwanag ng ama. “Kung ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay
magiging matatag sa oras ng pagsubok. Higit sa lahat, ikaw mismo ang magpapabago
sa mga pangyayari sa paligid mo,” dagdag na paliwanag ng ama. “Paano mo ngayon
hinaharap ang mga suliranin sa iyong buhay?” Ikaw ba ay sumusunod lamang sa kung
ano ang idinidikta ng sitwasyon o nagsusumikap kang maging matatag sa harap ng
mga pagsubok.

Gayundin, patuloy ka rin bang lumilikha ng positibong pagbabago na dulot ng


di magagandang pangyayari? “Kaya anak, ikaw ba ay carrot, itlog, o butil ng kape?”
tanong muli ng ama. Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon – “ako ay magiging butil
ng kape…” katulad mo mahal na ama.
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

Mga Tanong
1. Ano ang tawag sa mga nasasalungguhitang salita/pahayag sa parabula? (1
puntos.)
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Paano nakatutulong ang mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay? (2


puntos.)
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Alam mo ba na...
pasalita man o pasulat, nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso
ang paggamit ng mga salitang nagsasama-sama o nag-uugnay ng isang ideya sa mga
kasunod na ideya? Tinatawag sa Ingles na cohesive devices ang ganitong salita. Sa
komunikatibong gramatikang ito ng wikang Filipino, tinatawag na pang-ugnay ang
mga ito. Sa pagkakaroon ng organisadong mga pangyayari sa bawat bahagi, madali
ngayong matutukoy ang mensaheng nakapaloob dito. May mga angkop na pangugnay
na ginagamit sa pagsasalaysay. Tunghayan ang mga nakatalang impormasyon tungkol
dito upang mabatid kung paano makatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay
upang mabisang maunawaan ang mensaheng nakapaloob sa akdang pampanitikan.
a. Pagsasanay Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon
• Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga
impormasyon. Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka, unang,
sumunod na araw, sa dakong huli, sa wakas, pati, isa pa, at gayon din.
b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal
• Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at
bunga, paraan at layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag
ng kondisyon at kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito
ang dahil sa, sapagkat, ngunit at kasi. Samantalang sa paglalahad ng
bunga at resulta ginagamit ang pang-ugnay na kaya, kung kaya, kaya
naman, tuloy at bunga
16
Malayang Gawain 1

Panuto: Basahin ang sariling pagsasalaysay batay sa binasang parabula at piliin sa


loob ng panaklong ang angkop na pang-ugnay.

1. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala ang


kaniyang ari-arian (kaya’t, saka) ipinatawag niya ang katiwala at tinanong.
2. (Unang, Pagkatapos) tinawag ng katiwala ang may utang na isandaang tapayang
langis.
3. (Saka, Pati) pinaupo at pinapalitan ng limampu ang kasulatan.

4. (Gayon din, dahil sa) ang ginawa sa isa pa. Ginawang walumpung kabang trigo
mula sa isandaang trigo.
5.(Dahil sa, upang) katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala.

Malayang Pagtataya 1

Panuto: Salungguhitan ang angkop na pang-ugnay sa pangungusap.


1. Ang (una, saka) niyang nakita’y ang ilang pulseras.
2. (Sa Wakas, Kung kaya) ay nakatagpo sila sa daungan ng isa sa matatandang
dokar na dahil sa ikinahihiya ang karalitaan sa liwanag ng araw ay sa pagkagat
ng dilim lamang nakikita sa mga lansangan ng Paris.
3. (Sapagkat, Sa wakas) ay nabayaran din nila ang buong pagkakautang, kasama
na ang mga tubo at nagkapatong-patong na tubo ng mga tubo.
4. Pumayag siyang pakasal sa isang abang tagasulat sa Kagawaran ng Instruksyon
Publiko (bunga, sapagkat) walang paraan upang siya’y makilala, panuyuan,
bigyan ng dote, at pakasalan ng isang mayaman at tanyag na lalaki.
5. Naglalaro sa kaniyang balintataw ang anyo ng tahimik na tanggapang
nasasabitan ng mamahaling kurtina, pinaliliwanag ng matatangkad na
kandilerong bronse at may nagtatanod na dalawang naglalakihang bantay na
(dahil sa, gayon din) init ng pugon ay nakatulog na sa dalawang malaking silyon.

17
Malayang Gawain 2

Panuto: Bilugan ang titik ng angkop na gamit ng pang-ugnay sa pagsasalaysay. Isulat


ito sa iyong sagutang papel.

1. Samantala, habang siya’y nakatayo sa springboard ng pool na may taas na


tatlumpung talampakan, dahan-dahan niyang itinataas ang kaniyang dalawang
kamay, ___ umaayos nang nakadipa bilang paghahanda sa pagtalon nang biglang
nag-brownout.
A. kaya naman B. ngunit C. saka D. sumunod

2. Pagod siya sa buong araw na pag-aaral _____ pursigido siyang dapat mapanalunan
ang kampeonato.
A. ngunit B. sumunod C. sumunod na araw D. una

3. Alam niyang kahit hindi siya mag-ensayo, matatanggap pa rin siya _____ matalik na
kaibigan ng kaniyang ama ang Chairman ng Philippine Sports Commission.
A. kasi B. pati C. sa dakong huli D. sapagkat

4. _____ kakulangan ng oras sa umaga dulot ng paglalakwatsa, naisip niya sa gabi na


lamang siya mag-eensayo.
A. Dahil sa B. Gayon din C. Pagkatapos D. Sa wakas

5. _____ na lamang ang kaniyang pagkabigla nang kaniyang makita ang larawan ng
krus sa kaniyang harapan. Siya’y lumuhod sa kinatatayuang springboard at
umusal.
A. Dahil sa B. Gayon C. Saka D. Una

Malayang Pagtataya 2

Panuto: Pumili ng limang (5) pang-ugnay sa loob ng bituin at gamitin ito sa


pangungusap. Isulat sa loob ng kahon ang sagot

pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw, sa dakong


huli, pati,

isa pa, at gayon din, dahil sa, sapagkat, kasi, kaya,

kung kaya, kaya naman, tuloy, bunga

18
A. Panuto: Kumpletuhin ang hagdan ng mga konsepto. Isulat ang sagot sa kahong
inilaan. (1 puntos.)

Ngayon, masasabi ko na…


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Natuklasan ko na…
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Natutunan ko na…
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

B. Pagsagot sa mahalagang tanong

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.

Paano nakatutulong ang mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula,


pagpapatuloy, pagpapadaloy ng mga pangyayari at pagwawakas)?

Sagot: ______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
Rubrik
Puntos Pamantayan
5 Napakahusay na nnaipaliwanag ang sagot.
4 Mhusay na nnaipaliwanag ang sagot.
3 Nakasulat ngunit nangangailangan ng pag-unlad.
0 Walang naisulat.

19
Panuto: Magsalaysay ng isang pangyayari sa iyong buhay kung saan nakatulong ka o
natulungan ka ngayong panahon ng pandemya. Gumamit ng wastong salita o
pang-ugnay na ginagamit sa pagsasalaysay o pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________

Rubrik sa pagpupuntos
Puntos Pamantayan
Napakahusay na nakapagsalayasay at wastong nakagamit ng 4-5 pang-
10 ugnay.
Mahusay na nakapagsalayasay at wastong nakagamit ng 2-3 pang-
9
ugnay.
8 Nakasulat ngunit nangangailangan nang pag-unlad.
0 Walang naisulat.

20
Panuto: Gamit ang GRASPS, bumuo ng tuntuning moral bilang isang huwarang
kabataan ng daigdig.

Goal Ikaw ay makasulat ng sampung (10) tuntunin kung paano maging


isang huwarang kabataan ng daigdig .
Role Kalahok sa conference
Audience Mamamayan ng daigdig
Situation Magsasagawa ang inyong paaralan ng isang pagpupulong ng lahat ng pangulo
ng klase sa pagpili ng modelo ng kabataan para sa nalalapit na Youth
Conference. Bilang kalahok sa nasabing pulong, ikaw ay inaasahang bubuo
ng mga tuntunin (moral rules) ng isang huwarang kabataang pandaigdig.

Product Tuntuning Moral (Moral Rules)


Standards Pamantayan Puntos
5 4 3 Kabuuan
Napakahusay Mahusay Medyo
mahusay
a.) binubuo ng sampung tuntunin Nakabuo ng Nakabuo Nakabuo
9-10 tuntunin ng 7-8 ng 6
tuntunin pababa na
tuntunin
b.) nagpapakita ng katotohanan, Namasid ang 2 K’s 1 lamang
kabutihan, at kagandahang- 3 K’s lamang sa mga
asal ang K’s ang
namasid namasid
c.) nagtataglay ng holistikong dulog Taglay ang 5 Taglay Taglay
na saklaw ang lahat ng holistikong ang 3-4 ang 1-2
kabataan, at dulog holistikong holistikong
(mental, dulog dulog
pisikal, (mental, (mental,
emotional, pisikal, pisikal,
ispiritwal, at emotional, emotional,
sosyal) ispiritwal, ispiritwal,
at sosyal) at sosyal)
d.) baybay at bantas Wala o 1-2 3-5 maling 6 pataas
lamang ang baybay at ang
maling bantas maling
baybay at baybay at
bantas bantas

21
Panuto: Pumili ng paksa na gagamitin sa pagsulat ng isang kuwento o pangyayari.

Mga Paksang Pagpipilian:


1. Epekto ng COVID 19
2. “New Normal” na Pag-aaral
3. Pagsunod sa Health Protocol
4. Epekto ng Labis na Paggamit ng cellphone

Gabay sa pagsulat:
1. Magkakaugnay ang mga ideya.
2. Wastong paggamit ng mga pang-ugnay sa pagsasalaysay.
3. Salungguhitan ang mga ginamit na pang-ugnay.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Binabati kita sapagkat nagawa


mo ang mga gawain na hinihingi
ng modyul na ito. Inaasahan ko
na ipagpapatuloy mo ang pag-
aaral ng kasunod na modyul 3.

22
Panimulang Pagtataya Balikan Malayang Pagtataya 1
1. Una
1. Noong unang panahon Pandugtong sa mga salita, 2. Sa wakas
2. Pagkatapos parirala, o sugnay. 3. Sa wakas
3. una 4. Sapagkat
4. Kaya naman Pangkonek sa mga salita, 5. Dahil sa
5. Sa wakas parirala, o sugnay. Malayang Gawain 2
6. C 1. C
7. A 2. A
8. D Tuklasin 3. D
4. A
9. A Iba-iba ang sagot ng mga
5. B
10. B mag-aaral.
Malayang Pagtataya 2
11. B Iba-iba ang sagot ng mga mag-
12. B Pagyamanin
aaral.
13. B Malayang Gawain 1
14. B 1. Kaya’t
Isaisip
2. Unang
15. C A. Iba-iba ang sagot ng mga
3. Saka
mag-aaral.
4. Gayon din
B. Pagbatayan ang rubrik
5. Dahil sa

Isagawa
Pagbatayan ang rubrik

Tayahin
Pagbatayan ang rubrik

Karagdagang Gawain
Pagbatayan ang rubrik

Sanggunian:
Ambat, Vilma C., at et.al. “Kagamitan ng Mag-aaral Panitikang Pandaigdig IV”. Vibal
Group Inc.2015

23

You might also like