You are on page 1of 1

Bea Athena M.

Nepomuceno
Filipino – Grade 10

Mga paglabag sa karapatang pantao:


1. Binugbug si kutserong Sinong dahil la mang nakalimutan niya ang kanyang
sedula.
2. Ikinulong si Sinong dahil lamang namatay ang ilaw sa kanyang kalesa, hindi man
lang ito binigyang pagkakataon upang depensahan ang sarili.
3. Inangkin ng mga prayle ang lupain ni Kabesang Tales.
Paggamit sa kapangyarihan at salapi upang makuha ang nais:
1. Tinaasan ang buwis sa tubuhan ni Tales upang di na ito makapagbayad at ma-
angkin ng mga prayle ang lupain ni Tales.
2. Kinulong pa din si Tales dahil natalo ito sa korte kahit siya ang nasa katwiran.
3. Ginamit din ang pagkakakulong ni Tales upang makapanghingi ng pera mula sa
pamilya.
Kahirapan, kalupitan, at pananamantala sa kapwa:
1. Madali lang abusuhin at bugbugin ang mga mahihirap katulad ni Sinong dahil
wala silang kalaban-laban.
2. Kinukutya si Basilio dahil sa pananamit niya na di makasabay sa mga
mayayaman.
3. Napilitan si Tales na mamasukan bilang katulong dahil sa pang-gigipit na ginawa
sa kanya ng may mga kapangyarihan.
Mga paraan upang mahinto o maiwasan ang mga ito sa ating henerasyon:
1. Matutong rumespeto sa tao maging ano man ang estado ng kanilang buhay.
2. Tulungan ang mga mahihina imbes na abusuhin at gamitin.
3. Bigyan ng pagkakataon ang bawat-isa. Wag lamang tumingin sa panlabas na anyo
dahil bawat tao ay may taglay na kakayahan.
4. Huwag magalit kung ikaw ay tila nalamangan ng iba. Matutong maging masaya sa
narating ng iba. Dadating din ang oras mo. At meron ka din namang narating na
hindi din narating ng iba.
5. Patuloy lang lumaban sa buhay at huwag sumuko. Kung mahina ka man ngayon,
pwedeng ikaw naman nasa taas bukas. Kapag nangyari yun, maging responsible
lamang sa paggamit ng kapangyarihan.

You might also like