You are on page 1of 1

Diskriminasyon na nararanasan ng mga miyembro ng LGBTQ+

 Ang kanilang pagiging LGBTQ+ ay nagiging isang salik o dahilan upang sila ay hindi tanggapin sa
trabaho o hindi makatanggap ng promosyon.
 Ang mga LGBT ay may kakaunting oportunidad sa trabaho,bias sa serbisyong medikal, pabahay
at maging sa edukasyon.
 May mga panggagahasa laban sa mga lesbian at patuloy ang pagpatay sa mga LGBT.
 Sa bansang Uganda ng “Anti-Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad na ang same-sex
relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo.
 Sa North Carolina naman ay ipinasa noong 2016 ang isangbatas na nagsasaad na ang paggamit
ng banyo ay batay sa sex na nakasulat sa kanyang birth certificate at hindi sa kaniyang gender.

Diskriminasyon na nararanasan ng mga kababaihan

 Sa China, kilala ang kaugalian ng foot binding na naging dahilan ng pagkaparalisa ng ilang
kakabaihan.
 Ang foot binding ay isinasagawa sa mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga
babaeng ito ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong
bakal o bubog sa talampakan. Ang korte ng paa ay pasusunurin sa bakal o bubog sa
pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng paa nang paunti-unti gamit ang telang mahigpit na
ibinalot sa buong paa. Tinatawag ang ganitong klase ng mga paa na lotus feet o lily feet. Halos
isang milenyong umiral ang tradisyong ito. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula
ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal. Subalit
ang pagkakaroon ng bound feet ng ma kababaihan ang naglimita sa kanilang pagkilos,
pakikilahok sa politika at pakikisalamuha. Sa panahon ng panunungkulan ni Sun Yat Sen noon
1911, tinanggal ang ganitong sistema dahil sa di-mabuting dulot ng tradisyong ito.

You might also like