You are on page 1of 1

Glosaryo

Anti-Violence Against Women and Their Children Act - Isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban
sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga
ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.
Bakla - Lalaking nakaramdam ng atraksiyon sa kapwa lalaki, may iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos
na parang babae.
Babaylan-Isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad sa mga sinaunang
priestess at shaman.
Bisexual-Taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit nakararamdam
din ng kaparehong atraksiyon sa katulad niya ng kasarian
Female Genital Mutilation - Isang prosesong pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang
walang anumang benepisyong medikal.
Foot Binding - Ito ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga babaeng ito ay
pinapaliit hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan.
GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms Integrity, Leadership and Action) - Isang
samahan sa Pilipinas na laban sa iba't ibang porma ng karahasang nararanasan ng kababaihan na tinaguriang
bilang Seven Deadly Sins Against Women.
Gender - Tumutukoy sa panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinakda ng lipunan para sa mga babae at
lalaki.
Marginalized Women - Mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may
limitadong kakayahan namatamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo.
Lesbian-Tinatawag ding tomboy, mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; babaeng may pusong
lalaki at umiibig sa kapwa babae.
LGBTQ- Isang inisyal na tumutukoy sa lesbiyan, bakla, bi-sexual, transgender, at mga di tiyak.
Oryentasyong Seksuwal - Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong
apeksyonal, emosyonal, seksuwal, at malalim na pakikipagrelasyong seksuwal sa taong ang kasarian ay
maaaring katulad ng sa kaniya, iba sa kaniya, o kasariang higit sa isa.
Queer o Questioning- mga taong hindi pa tiyak o hindi pa sigurado ang kanilang sekswal na
pagkakakilanlan.
Purdah- Pagsasagawa ng mga Muslim at ilang Hindu sa India ng pagtatabing ng tela sa kababaihan upang
maitago ang kanilang mukha at maging ang hubog ng kanilang katawan.
Sex -Tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian nanagtatakda ng pagkakaiba ng babae at lalaki.
Transgender-kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kanyang
pag-iisip ang pangangatawan ay hindi magkatugma siya ay maaring may transgender na katauhan.
Women in Especially Difficult Circumstances-Babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na
katayuan tulad ng mga biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng
prostitusyon, "illegal recruitment", "human trafficking" at mga babaeng nakakulong.

You might also like