You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Ministry of Basic,Higher and Technical Education


Schools Division of Maguindanao ||
Nuling National High School
Salimbao, Sultan Kudarat Maguindanao Del Norte

ANG EPEKTO NG MODERNONG TEKNOLOHIYA SA MGA


MAG-AARAL NG IKA-LABING DALAWANG BAITANG SA
PAARALAN NG NULING NATIONAL HIGH SCHOOL
SA TAONG 2023-2024

12- Ostrich
2023- 2024
KABANATA 1

PANIMULA

Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral, kapag ang mga kabataan ay napapagod
na sa kanilang pag-aaral, dalawa ang maari nilang gawin. Una ay ang magpahinga para may
lakas sila upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Ang paggawa ay maari silang magpatuloy
sa paggawa sa tulong ng kanilang “kaibigan” at “kaagapay” sa lahat ng posebling oras at
pagkakataon.
Ayon kay Bertllo (2011) sa kasaysayan ng edukasyon ay malaki ang naiambag ng
teknolohiya. Sa katunayan, itoy isa sa mga pagunahing paraan kung bakit ang pag-aaral ay
nagiging madali, at mabisa kung kaya naman napakaraming mag-aaral ang sumasangguni sa
teknolohiya para sa kanilang pag-aaral.
Ang teknolohiya ay nagbibigay hindi lamang ng kaalaman at libangan sa mga
mag-aaral. Bukod sa telebisyon , cellphone at syempre ang personal kompyuter at ang dala
nitong internet.
Masasabi natin na napakaraming naitulong ang teknolohiya sa ating buhay, lahat
ng sector sa ating komunidad ay nadama ang kahalagahan ng mga makabagong teknolohiya sa
pang araw-araw na pamumuhay. Tunay nga‘t nabago na ng teknolohiya ang paraan ng buhay ng
mga mag-aaral. Ang mga impossible dati ay kaya ng gawin ngayon, ngunit mayron nga bang
disiplina ang mga mag-aaral upang magamit ng maayos ang mga dala nitong dulot? Lahat ng
bagay ay sumasama kapag nasobrahan at isa sa mga bagay na ito ay ang teknolohiya.

You might also like