You are on page 1of 5

Petsa: Oktubre 17, 2023 LEARNING COMPETENCY CODE: (F11PT-Ia-85)

LAYUNIN

Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Nabibigyang katuturan ang iba’t ibang pormalidad ng wika

 Nakasusuri ng teksto batay sa kung anong uri ito ng Antas ng Wika;

 Nagagamit ng wasto ang Antas ng Wika gamit ang iba’t-ibang uri ng panitikan

PAKSANG ARALIN

A. PAKSA: Antas ng Wika


B. KASANAYANG PAMPAGKATUTO:Nagagamit ang mabisang paraan ng Antas ng Wika
a. Kalinawan
b. Kaugnayan
C. SANGGUNIAN: Self-Learning Modyul 7
D. KAGAMITAN: Modyul, PPT
E. PAMAMARAAN:Ugnayang tanong-sagot

PROSESO

ALAMIN/TUKLASIN
PANIMULANG GAWAIN
 Panimulang dasal
 Pagtingin ng atendans
 Aktibidad sa pagbabasa (5 minuto)
(Gabay na mga Tanong)
 Patungkol saan ang tulang inyong nabasa?
 Ano ang mensaheng nakapaloob sa tula?
PAGGANYAK (Ken and Barbie)
(progressivism- Trending ngayon ang pagandahan ang mga kabataan ng kasuotan kung kayat
sasamantalahin ito ng guro upang makuha ang atensyon ng mga mag-aaral)
Panuto: Mahahati ang klase sa limang pangkat. Bawat mag-aaral ay may representante upang
maging manika. Ang manikang ito ay kailangan nilang bihisan sa loob ng 30 segundo depende sa
okasyon na ipapakita ng guro sa harapan. Ang pangkat na maunang makakatapos ang siyang may
puntos.

LINANGIN
PAGSUSURI (Anong say mo?)
(Realismo- Pag-aapply ng totoong mga nangyayari)
Panuto: pasasagutan sa mga mag-aaral kung anong pahayag ang naaayong gamitin sa mga
okasyong ipinakita ng guro sa naunang gawain.

Sinabi ng Pari sa Simbahan “huwag mang bintang dahil Diyos lang ang may karapatan”. alin sa
dalawang pahayag ang iyong dapat sabihin?
A. ‘truelaley Father”
B. “maraming salamat po Father sa mga Aral na itinuro ninyo”
Ano naman ang iyong pahayag kung ikaw ay nasa loob ng tahanan?
A. “Nang, Tang intayon manganen”
B. “Mudra, Pudra lafang na tayes”

Kapag ikaw ay nasa labas kasama ang iyong mga kaibigan, alin naman sa dalawang pahayag
ang iyong gagamitin?
A. “it’s so init naman ng hangin here”
B. “maalinsangan ang ihip ng hangin dito”
PAGTALAKAY (Sine mo to)
(Dekonstruksyonismo- Hinahayaan na ang pagpapakahulugan ng mga mga mag-aaral sa bidyung
napanood)

Mga puntong Dapat mapalutang:

Gabay na Tanong
 Anong pangyayari sa balita?
 Paano ipinahayag ang balita?
(Bidyu ng Balita)
Pambansa – salitang ginagamit sa mga aklat pangwika at nagsasa-alangalang sa paggamit ng
gramatika. Ginagamit din itong wikang panturo sa mga paaralan at sa pakikipag-ugnayan sa
pamahalaan. Nagiging pambansa ang isang wika kung ito ay opisyal na naisabatas para
gamitin sa buong bansa.

Gabay na Tanong
 Ano ang nais ipahayg sa tula?
 Ano ang pagkakaiba kung paano ipinahayag ang bidyung ito sa unang bidyu?
(Bidyu ng Tula)
Pampanitikan – Dito nakasalalay at nakikita ang kagandahan, yaman, kariktan at retorika ng
wika. Masining, mabisa at maingat ang paggamit dito ng mga salita. Hindi literal ang
kahulugan ng mga salita dahil nakatali sa hiwaga at sining ang pagpapahayag nito.

Gabay na Tanong
 Ano ang Antas ng wika ang ginamit sa Bidyu?
(Bidyu ng Ilocano Vines)
Lalawiganin – Ginagamit na wika sa mga tiyak at partikular na pook at lalawigan. Makikita
ito sa pagkakaiba ng mga punto o tono sa pagsasalita.

Gabay na Tanong
 Ano ang Antas ng wika ang ginamit sa Bidyu?
(Bidyu ng Conyo words)
Kolokyal – Mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong impomal, na karaniwan sa
pakikipag-usap sa tahanan, kaibigan at paaralan.

Gabay na Tanong
 Patungkol saan ang sinasabi ng reporter?
 Ano ang Antas ng wika ang ginamit sa Bidyu?
(Bidyu ng Beki Words)
Balbal – Itinuturing ito na pinakamababang antas ng wika. Katumbas ito ng slang sa Ingles.
Ngayon naman ay ating balikan ang tulang ating binasa kanina. Hanapin ang mga salita naiiba
sa tula. Ibigay ang iba’t-ibang Antas ng Wika ng mga salitang ito.
SALITA PAMBANSA PAMPANITIKAN LALAWIGANIN KOLOKYAL BALBAL
1. Beautiful maganda marikit napintas Ang ganders
beautiful
ng flowers
2. Food pagkain putahe makan Ang lafang
yummy ng
food
3. Ugly pangit Di kaaya-aya nagalas Ugly chaka
naman ng
clothes mo
mo
4. flawless makinis mayumi nakinis Itong shintabs
flawless
skin ng legs
ko

PAGLALAPAT (Hiraya)
(Differentiated Instruction- Lubos na isinasaalang-alang ang pagkaiba-iba ng mga mag-aaral at
hinahayaan niton ipakita kun saan sila natatangi. )

Para sa paglalapat, ang mga mag-aaral ay naatasang ipakilala ang sarili sa iba’t ibang paraan. Sa
pamamagitan ng pagsagot sa tanong na ‘Sino ako’, ipapahayag ng mga mag-aaral ito ayon sa Antas
ng Wikang pinili.

Iba’t ibang pamantayan:

Pagsulat ng sanaysay: Paggawa ng Tula Pagsasalita:


Kalinawan: 5 punto Organisasyon: 5 punto Hikayat: 5 punto
Organisasyon: 10 Punto Paggamit ng Salita: 10 punto Paggamit ng Salita: 10 punto
Gramatika: 5 Punto Gramatika: 5 punto Gramatika: 5 punto
Kabuoan: 20 puntos Kabuoan: 20 Punto Kabuoan: 20 Punto
PAGTATAYA (tanong ko, Sagot mo!)
Panuto: Ang bawat pangkat ay tatapat sa mga katanungan na nakahanda sa kanilang mga harapan. Sa
loob ng 15 segundo, ang bawat miyembro ng pangkat ay kailangan masagutan ang mga katanungan.
Hindi maaaring maulit ang miyembrong sasagot, maliban kung kulang ang grupo. Bilugan ang sagot.
(10 puntos)
Kasunduan: Panoorin ang Dokumentaryo ni Jessica Soho tungkol sa natagpuang sinaunang sulat ng
mga tao sa Albay. Gawang ng reaksiyong papel.
https://www.youtube.com/watch?v=S6Jj5egqW9Y

Pamantayan sa paghatol ng reaksiyong papel:


Nilalaman: 10 punto
Organisasyon: 10 punto
Gramatika: 5 punto
Kabuoan: 25 punto
Inihanda ni: Sinuri ni:

RUSSELL MAE A. MILAN JEFFREY O. BALLESTEROS


Guro I Master Teacher II

Beneripa ni: Pinagtibay ni:

ROGER L. BERSAMIN DR. ADELA C. LIBUNAO


Head Teacher III Punong Guro IV
Oic, Assistant Principal II

You might also like