You are on page 1of 1

WIKA

Wikang Filipino ito’y ating mahalin,


Huwag magsawang ito’y ating gamitin,
Ipagmalaki natin ang sariling wika natin,
Gamitin natin ito saan man tayo magpunta.

Ang ating wika’y gamitin ng sapat at tama,


Sa pamamagitan ng wika’y ating naiipadama,
Mga saloobin at damdamin natin sa kapwa,
Kung kaya ang wika ay sobrang mahalaga.

Ang Wikang Filipino ay parte na ng ating buhay,


Kung kaya ang buhay nati’y nagiging makulay,
Wikang Filipino ating ibandera’t iwagayway,
Huwag mong ikahiya ipagmalaki nating tunay.

You might also like