You are on page 1of 1

Ang Nawawalang Pitaka

Hindi pa nagsisimula ang klase kaya naman ang mga mag-aaral ni Gng. Omnes ay kasalukuyang
naglalaro sa hardin ng paaralan. Ang iba naman ay bumibili pa ng mga kakailanganin sa kanilang proyekto sa
Filipino. Ang kanilang mga gamit ay nasa loob na ng silid– aralan. Nahuli ng dating si Liza kaya naman
humahangos siya pagpasok sa paaralan. Hindi niya namalayan na nahulog mula sa bulsa ng kanyang
uniporme ang kanyang pitaka.
Nang oras na ng rises ay naghanda na ang mga mag-aaral sa pagbili sa kantina ng paaralan. Nang
magbabayad na ng biniling biskwit at juice si Liza ay gulat na gulat siya dahil hindi niya makita ang kanyang
pitaka. Tiningnan niya ang paligid ng kantina subalit talagang hindi niya ito makita. Ibinalik na lamang niya ang
bibilhin sanang pagkain sa tindera.
Malungkot na bumalik si Liza sa silid– aralan at muling hinanap ang kanyang nawawalang pitaka.
Nagtanong– tanong siya sa mga kamag– aral ngunit walang sinuman ang nakakita dito. Sinabi ni Liza kay
Gng. Omnes ang nangyari at kaagad naman niyang tinanong ang klase tungkol sa nawawalang pitaka subalit
wala sinuman ang nakadampot o nakakita dito. Tahimik na umupo na lamang si Liza na hindi na alintana ang
gutom na nararamdaman. Iniisip din nya kung paano siya makakauwi dahil naroon din sa pitaka ang kanyang
pamasahe.
Maya– maya ay dumating ang mabait na dyanitor ng paaralan na si Mang Danny. Ipinakita niya kay
Gng. Omnes ang pitaka na kanyang nakuha habang naglilinis sa paaralan. Laking tuwa ni Liza nang makita
niya ang pitaka na dala- dala ni Mang Danny. Tuwang– tuwa siya dahil nabalik ang kanyang pitaka.
Nagpasalamat siya kay Mang Danny dahil sa ginawa.

You might also like