You are on page 1of 2

1st Summative Test in ESP IV

Pangalan______________________________________Iskor_______Petsa______
Panuto: Iguhit ang sa patlang na nagpapakita ng pagsasabi ng totoo at naman kung
hindi.
_____1. Itinapon mo sa basurahan ang nabasag mong baso kasi natatakot kang pagalitan ng
iyong nanay.
_____2. Nasira mo ang payong ng iyong kapatid at humingi ka ng paumanhin agad sa kanya.
_____3. Itinago mo ang laruan ng iyong kapatid ng tinanong ka nagkunwari kang walang alam.
_____4. Ipinagtapat mo sa iyong ina na ikaw ang kumuha ng pera nya.
_____5. Palihim mong ibinalik sa lalagyan ng iyong kaklase ang krayolang hiniram mo sa kanya
dahil naputol mo ito.
_____6. Pinitas mo ang bulaklak sa hardin.Tinanong ka kung sino ang pumitas nito. Inamin mo
na ikaw.
_____7. Inilihim mo ang resulta ng iyong pagsusulit dahil mababa ito.
_____8. Nakita mong kinuha ni Ana ang laruan ni Marina. Isinumbong mo kay Marina ang
nangyari kahit alam mong magagalit si Ana sa iyo.
_____9. Nasira mo ang eraser na hiniram mo sa iyong kaklase. Agad mong pinaalam sa kanya
kahit na ikagagalit niya ito.
_____10. Di mo sinasadyang matapunan ng tubig ang test paper ng iyong ate. Ayaw mong
mapagalitan kaya inilihim mo ito sa kanya.
Panuto: Isulat ang ( / ) sa patlang kung ito ay nagpapakita ng mapanuring pag-iisip batay sa
balitang napakinggan sa radio o nabasa sa pahayagan o napapanood sa telebisyon at (X)
naman kung hindi.
_____11. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa pakikinig ng radyo.
_____12. Sinusunod ko kaagad ang anunsyo sa aming barangay kahit hindi ko alam kung ito ay
mabuti o hindi.
_____13. Naikokompara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan.
_____14. Sinusuri ko ang mga sangkap ng isang pagkain na nakita ko sa dyaryo bago bumili.
_____15. Nababasa ko ang isang balita tungkol sa kabataan sa Pilipinas.
_____16. Naiisa-isa ko ang maganda at hindi magandang epekto ng programang aking
napanood sa telebisyon.
_____17. Naipaliliwanag ko nang maayos at may kompletong detalye ang balita ukol sa bagyo.
_____18. Inaalam ko muna kung ang aking balitang narinig mula sa radyo ay makabubuti o
hindi.
_____19. Natatakot agad ako kapag may narinig na hindi magandang balita sa radyo.
_____20. Naisasagawa ko ang sunod-sunod na pamantayan sa pagbabasa ng balita.

You might also like