You are on page 1of 4

BROADCASTING SCRIPT

Station ID: DZRM sa inyong mga radyo

Music Intro

OOB:

A1: Balitang walang kini kilingan.

A2: Balita na walang pagbubukod.

A1: Walang maihahatid, kundi ang katotohanan

A2: Ito ang DZRM sa inyong mga radyo.

A1 & A2: Ang iyong balita, ang aming serbisyo

MUSIC UP

A1: magandang hapon pilipinas

A2: magadang hapon lungson ng isabela

A1: ang araw ngayon ay ika ____ ng nobyembre, taong dalawang libo dalawamput tatlo

A2: ako ang inyong kaibigan, Jannell Fragata

A1: at ako ang inyong kaagapay, Alrenz Feliciano

A2: naglilingkod sa inyo ang pinaka mainit at pinaka unang balita.

A1: Ang inyong Balita, ang aming negosyo

A2: para sa ulo ng mga nagbabagang balita

Headline Stringer

A2: para sa international news, Libo-libong earthquakes, naitala sa Southern Iceland; apat na libo, inilikas

Headline Stringer

A1: para sa national news, Lalaki, patay matapos makaladkad ng closed van sa Malabon

Headline Stringer

A2: para sa showbiz, Melanie Marquez, full-support sa kanyang anak na si Michelle Dee
Headline Stringer

A1: para sa sports news, Eumir Marcial, sasabak sa pro fight sa maynila bago ang paris olympic

Headline Stringer

A2: Hidilyn Diaz, magbubukas ng weight lifting academy sa rizal.

MUSIC UP

Anchor 1: Libo-libong earthquakes, naitala sa Southern Iceland; apat na libo, inilikas. Narito si Irish
Marquez upang magbalita

News rep 1 : Humigit-kumulang syam na daan lindol ang naitalang tumama sa Southern Iceland. Dahil
dito, inilikas ang nasa apat na libo na mga indibidwal na nakatira sa bayan ng Grindavik. Ayon kay
Matthew James Roberts, director of the service and research division ng Icelandic Meteorological Office,
hindi pa tiyak kung ano ang kasunod na mangyayaring pinsala at baka humantong aniya sa pagsabog ng
bulkan. Sinabi ng isang Belgian resident doon na si Hans Vera na kada oras niyayanig ang lupa at hindi na
siya nakakatulog ng maayos. Itinaas na rin ng Iceland government ang state of calamity sa naturang
bansa. Nabatid na may trentay tres active volcanic system ang bansang Iceland – ito’y pinakamaraming
bilang sa buong Europa.

Irish Marquez, nagbabalita

MUSIC UP

Anchor 2: Lalaki, patay matapos makaladkad ng closed van sa Malabon. Narito si Christian Gatdula upang
magbalita

News rep 2: MAYNILA — Patay ang isang trentay sais-anyos na lalaki matapos makaladkad ng isang
closed van sa kahabaan ng C-4 Road sa Barangay Longos, Malabon City, pasado alas-onse nitong Lunes.
Dead-on-arrival sa ospital ang lalaki na kinilalang si Robert Riza. Ayon kay Pablito Riza, kapatid ng
biktima, bibili lamang sila ng ulam nang mangyari ang insidente.

“Nandoon siya sa kanto. Stop na yung stoplight, naglalakad siya. Ang bilis ng sasakyan, hindi ko alam
paapaano nangyari. Parang gusto pa kami takbuhan ng truck,” sabi ni Riza.

“Ang hirap. Hindi ko kaya. Hindi ko tanggap, sobra ang sakit.”

Kwento naman ni Rey Pajac, tricycle driver na nakakita sa insidente, mabilis ang patakbo ng closed van.

“Nakita ko po kanina, may tumawid na sasakyan humaharurot po, sir. Beating the red light. Humahabol
patawid. May lalaki na tumatawid, hindi nakita ng driver,” aniya.

Nagtamo ng mga sugat sa ulo, tuhod at paa ang biktima na kaniyang ikinamatay.
Ayon naman sa driver ng closed van, galing siya ng Cainta at papunta sana sa fish port para humango ng
isda nang mabangga niya ang biktima na bigla umanong tumawid sa may stoplight.

“Bigla pong tumawid yung tao. Binabaybay ko Samson Road. Naka ‘go signal’, pagdatin ko sa ano may
taong tumawid hindi ko mapapansin yung madilim eh.” Sabi ng driver. Nasa kustodiya na ng Malabon
Traffic Investigation unit ang driver na mahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in
homicide.

Christian Gatdula, nagbabalita

MUSIC UP

ANCHOR 1: Melanie Marquez, full-support sa kanyang anak na si Michelle Dee. Narito si Kim Hipolito
upang magbalita.

NEWS REP 1: Tumulak papuntang El Salvador si Miss International 1979 Melanie Marquez para
suportahan ang anak na si Michelle Dee sa nalalapit na coronation night ng Miss Universe pageant. Ayon
kay Melanie, mas kabado pa siya ngayon kaysa noong sumali siya sa pageant back in 1979. Katunayan
may mga dala siyang Philippine flag sa lahat ng susuporta kay Michelle. Patuloy namang nangugulat ang
kanyang anak mula sa kanyang gown of choice at maging sa kanyang short hair look. Bukod dito,
nasorpresa rin ang dating Miss International sa paandar ni Michelle dahil imbes na ‘Philippines!’ ang
sasabihin nito sa pagpapakilala ng bansa ay ‘Filipinas!’ Proud mommy si Melanie dahil marunong
magsalita ng Espanyol ang kanyang anak. Isinekreto kasi ni Michelle ang lahat ng preparations para sa
Miss Universe 2023 pageant sa kanyang nanay. Win or Lose, pangarap ni Melanie na maging public
servant ang kanyang anak dahil ang puso ni Michelle ay nasa paglilingkod sa kapwa.

Kim Hipolito nagbabalita

MUSCIP UP

ANCHOR 2: Eumir Marcial, sasabak sa pro fight sa maynila bago ang paris olympic.

Narito si Irish Marquez para magbalita

NEWS REP 2: Plano ng MP Productions na pinamumunuan ni eight-division world boxing champion


Manny Pacquiao na sumabak muna si Asian Games Silver medalist Eumir Marcial sa isang pro fight sa
Maynila bago magtungo ng Paris, France para sa 2024 Olympic Games. Puspusan ang paghahanda ni
Marcial sa Paris Games matapos makuha ang runner-up finish sa 19th Asian Games sa China..Bukod dito,
inimbitahan siya ni Pacquiao sa kanyang tahanan sa Forbes Park, Makati at binigyan pa ng boxing tips.
Pinaplantsa na rin ng kampo ni Manny ang susunod na laban ng Asian Games Silver Medalist na
posibleng idaos sa Pebrero. Kahit ano mang plano ng MP Productions ay excited na si Marcial sa susunod
niyang tatahakin sa boxing career.

Irish Marquez, nagbabalita

MUSIC UP

ANCHOR 1: Hidilyn Diaz, magbubukas ng weight lifting academy sa rizal. Narito si Kim Hipolito para
magbalita

NEWS REP 1: Pinangunahan ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang groundbreaking ceremony sa
malapit nang itayo na “HD Weightlifting Academy” sa Jala-Jala, Rizal. Aniya, ito ang kanyang magiging
“training place” para sa paghahanda sa Paris Olympics 2024. Inihayag ni Diaz na ang pasilidad ay hindi
lamang para sa kanyang mga personal na layunin, ngunit ito rin ang kanyang paraan ng pagbabalik-loob
sa bansa at sa mga batang atleta na ngangarap rin maging Olympic medalist at world champion. Sa
ngayon, naka-focus ang Olympian na palakasin ang kanyang pagsasanay habang umaasa siyang
makapag-uwi ng isa pang medalya para sa bansa.

Kim Hipolito nagbabalita

MUSIC UP

ANCHOR 2:Yan ang aming mga nakalap na balita.

ANCHOR 1: Mula sa istasyong di lamang naghahatid ng balitang sariwa kundi balitang tumatatak din sa
inyong puso at diwa.

ANCHOR 2: Ako ang inyog kaibigan, Elaissa Panganiban

ANCHOR 1: At ako ang inyong kaagapay, Alrenz Feliciano

ANCHOR 2: Balitang tapat.

ANCHOR1: Balitang sapat

ANCHOR 1 & 2: Lahat ilalahad,sa inyo’y nararapat. ito ang DZRM, magandang hapon sa ating lahat.

SALAMAT PO!!!

You might also like