You are on page 1of 1

2063 F. Suter St.

Sta. Ana Maynila


Hulyo 12,2017
Mahal kong
Jonel,
Kumusta na? Matagal-tagal na rin na wala tayong balita sa
isa't-isa. Ibig kong ipabatid saiyo ang nangyari sa aming barangay.
Ngayong linggong ito ay may mahalaga akong natutuhan. Napagaalaman
ko na may pagkakaiba-iba ang bawat isa sa atin. Hayaan mong
isalaysay ko ito saiyo.

Halos buong linggo ang malakas na pagbuhos ng ulan kung


kaya't lumubog ang lugar namin sa baha. Mabuti na lamang, maagap ang
aming butihing punong barangay na si G. Reyes, na naglagay ng
madaming sandbags sa paligid ng aming lugar upang makatulong sa
pagpigil sa mabilis na pag daloy ng tubig. Ang lahat ng tao sa amin ay
bukas-palad sa paglalagay nito. Sabi nga nila, mas madaling mabibigyan
ng solusyon kung sama sama at bukas-loob sa pagtulong para sa
kapakanan ng lahat. Pinagtutuunan namin ng pansin ang kasabihang
"Ang mabigat ay gumagaan kapag napagtutuwangan."

Umalon ang aking dibdib nang marami nang sandbags ang


naisalansan namin ngunit hindi pa rin napigil ang mabilis na pagdaloy
ng rumaragasang baha. Ngunit hindi kami sumuko at nagtiyaga kami
upang matamo namin ang layunin sa paglutas ng problema.
Magbubukang-liwayway na nang tumila ang ulan. Para kaming lantang
gulay matapos ang unos, subalit kami ay nagalak dahil alam naming
ligtas na kami sa panganib. Ang samahan namin ay tulad ng isang bigkis
na walis. Naramdaman ko ang kaginhawahan dahil ang pagtutulungan ay
malaking epekto sa buhay ng bawat isa.

Ang iyong kaibigan


Dre

You might also like