You are on page 1of 5

JEAH: HELLO!!! Magandang araw sa lahat!

Sa lahat na nanonood at patuloy na


sumusubaybay sa ating mga episode tuwing sabado dito sa KALAMBAG!
KALAMPAG AT AMBAG NG KABATAAN!
Lahat: (Kumustahan)

JEAH: Eto nanaman po kami,ang Kalambag Negros Occidental na may dala-dalang


panibagong pag-uusapan na tiyak na kapupulutan ng aral ng lahat ng mga
kabataang nanonood! Ano nga ba ang ating paguusapan natin ngayong araw mga
kabataan?
LALAINE : Ang pag-uusapan natin ngayong araw ay patungkol sa pagbubukas ng face to
face classes, paggunita sa Araw ng ating mga bayani o National Heroes Day at kaugnay
niyan ay ang selebrasyon ng International Day of Peace.
JEAH: Wow! Ganda naman ng topic nating ngayon. Pero bago natin tuluyang talakayin
ang ating usapin ngayong sabado ay balikan muna natin yung ating napag-usapan noong
nakaraang episode. Ano nga ba ang ating napag-usapan noong nakaraang buwan?
DAISY: Ang ating napag-usapan noong nakaraang buwan ay tungkol sa National Disaster
Resilience Month, pinag-usapan natin kung anu-ano nga ba ang mga dapat gawin bago
ang sakuna at tuwing may sakuna, at pagkatapos ng sakuna. Nalaman din natin ang iba’t
ibang hakbang na isinasagawa ng ating mga local government officials patungkol rito.
LALAINE: Oo nga marami talaga akong natutunan sa episode nating yun. Nalaman ko rin
na may nakalaan talagang pundo para sa mga natural disasters.
JEAH: NoOng August 22,2022 ay nagsimula ang pagbubukas ng face to face classes dito
sa Minoyan National High School,Murcia, Negros Occidental. Daisy maaari mo bang ibahagi
ang iyong pakiramdam noong unang araw ng klase.
DAISY: Masaya ako dahil sa wakas ay napahintulutan ang ating paaralan na mgsagawa ng
face to face classes dahil sa loob ng dalawang taon tayo ay nasa distance learning
modality. Talagang excited ako na pumasok dahil makakasama ko ang aking mga
kaibigan,kaklase at mga guro.
JEAH: Ikaw naman LAlaine, ano naman ang iyong karanasan sa unang araw ng iyong
klase?
LALAINE: Malaki ang aking paninibago sa unang araw ng pasukan dahil hindi ako sanay
sa mga bagong rules and regulations sa loob ng paaralan hindi katulad noong mga
panahon bago ang pandemya Malaya ang mga mag aaral na makisalamuha sa kapwa mag-
aaral. Pero thankful parin ako na kahit limitado ang aming galaw sa loob ng paaralan,alam
namin na ito ay para sa aming kaligtasan at kapakanan.
JEAH: WOW! THE FEELING IS MUTUAL! Katulad niyo ako ay nagagalak na nagkaroon na
ng IN PERSON CLASSES sa ating paaralan. Kaugnay ng pagbubukas ng klase, noong
August 29, 2022 ang buong bansa naman ay ipinagdiriwang ang NATIONAL HEROES DAY
samantalang ang International Day of Peace naman ay tuwing ika-22 ng Setyembre.
Ano-ano nga ba ang kahalagahan ng pagdiriwang ng mga ito? Unahin natin ang National
Heroes Day.
LALAINE: tama ka dyan Jeah! Alam niyo ban a Napakahalagang ipagdiriwang natin ang
National Heroes Day upang ibalik-tanaw ang mga kagitingan na ipinakita ng ating mga
bayani upang makamit ang kalayaang ating natatamasa ngayon. Mahalaga rin ito upang
hindi maibaon sa limot ng mga kabataan ang mga matatapang nating mga bayani noong
unang panahon.
Lahat:(free to say anything nga related sa National Heroes Day/ Personal
Experiences)
DAISY: At alam niyo ba mga kabataan, Ang Araw ng mga Pambansang Bayani ay hango
sa Republic Act No. 3827 na ipinasa ng Philippine Legislature noong ika-28 ng
Oktubre,taong 1931. Maraming bayani ang nagtangkang ipaglaban ang ating bansa. Kaya
naman ito ay ipinagdiriwang tuwing huling linggo ng Agosto bilang pagbibigay pugay at
pagbabalik gunita sa iba’t ibang personalidad na lumaban at nagtanggol para sa kalayaan
ng Pilipinas.
JEAH : Napakagaling mo naman Daisy talagang nag research ka ng Mabuti! At alam nyo
ba na Napakahalaga ng araw na ito sapagkat dito natin inaalala ang kanilang pag-aalay ng
buhay para sa demokrasya. Sila ang mga nanilbihan ng tapat at nagpatuloy na nabuhay
nang may dangal at kabayanihan para sa kapakanan ng ating bayan.
LALAINE : AT Sila ang hindi kuntento sa kalagayan ng ating bansa noon kaya’t iniwan nila
ng buong tapang ang ginhawa at tahimik na buhay. Nakibaka sila,sumanib sa kilusan at
hindi muna inisip ang sarili upang ipaglaban ang bawat karapatan ng Pilipino.
DAISY: kabilang sa maituturing nating mga bayani na may malaking ambag sa ating
bansa ay sina Dr. Jose Rizal ( Dr. Jose Protasio Rizal Mercado Y. Alonso Realonda), Andres
Bonifacio, Lapu-lapo, Apolinario Mabini, Melchora Aquino or kilalang si Tandang Sora,
Gabriela Silang, Marcelo H. Del Pilar at marami pang iba.
JEAH: Napag-usapan na natin ang ating pambansang mga Bayani, ngayon naman maari
ba naming malaman ang inyong maituturing bayani sa inyong buhay? Ikaw Lalaine?
LALAINE: (BAYANI NG BUHAY KO)

JEAH: ikaw naman Daisy sino ang maituturing mon a Bayani ng buhay mo?
DAISY: (ANG BAYANI NG BUHAY KO)
JEAH: (RESPONSE BASE ON ANSWERS) Ako naman ang maituturing kong bayani ng
buhay ko ay ang aking………

JEAH: Oh ayan! Natalakay na natin ang mga Pambansang Bayani ng ating bansa at ang
mga maituturing nating bayani ng ating buhay at alam ko na sa lahat na nanonood ay
mayroon din kayong bayani ng buhay ninyo..Ngayon naman ay pag usapan natin ang
International Day of Peace.

JEAH: Bago ko kayo tanongin isa-isa kung bakit sa tingin niyo ipinagdiriwang ang
International Day of Peace dito sa ating bansa ay magbibigay muna ako ng kaunting
kaalaman tungkol dito. Ang Internasyonal na Araw ng Kapayapaan, minsan opisyal na
kilala bilang Pangdaigdigang araw ng kapayapaan, ay isang Nagkakaisang Bansa -
sintadong piyesta opisyal naobserbahan taun-taon sa Setyembre 21. Ito ay nakatuon sa
kapayapaan sa buong mundo, at partikular ang kawalan ng giyera at karahasan, tulad ng
maaaring mangyari ng isang pansamantala tigil-putukan sa isang labanan zone para sa
makataong tulong pag-access Ang araw ay unang ipinagdiriwang noong 1981, at itinatago
ng maraming mga bansa, mga pangkat pampulitika, mga pangkat ng militar, at mga tao.
Noong 2013 ang araw ay inialay ng Kalihim-Heneral ng United Nations sa edukasyon sa
kapayapaan, ang pangunahing paraan ng pag-iwas upang mabawasan ang digmaan nang
matagal.

LALAINE: At para sa impormasyon ng karamihan ngayong taon ang international Day of


Peace ay may temang END RACISM. BUILD PEACE. Napakaganda ng tema sapagkat ito ay
napapanahon. Marami akong napanood sa mga balita kung saan marami ang nakaranas ng
Racial Discrimination or Diskriminasyon sa Lahi sa buong mundo.

DAISY: Nagpapasalamat ako na hindi ako nakaranas ng ganitong pangyayari, dahil sa


tingin ko ang Diskriminasyon sa Lahi ay mayroong negatibong epekto sa buhay ng bawat
isa.

JEAH: Oo nga Daisy,marami itong negatibong maidudulot sa ating buhay kaya ay lubos
din akong nagpapasalamat na hindi ko ito dinanas.

JEAH : SA tingin ninyo ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kapayapaan sa ating


mundo or sa paligid?
LALAINE : para sa akin, mahalaga ang pagkakaroon ng kapayapaan upang hindi
magkagulo ang mga mamamayan sa isang bansa,na maaaring magdulot ng karahasan at
diskriminasyon gayundin ito ay mahalaga na mapanatili ang kapayapaan , upang patuloy
na tumakbo ng maayos at matiwasay ang buhay ng mga tao , tungo sa ikabubuti ng
bansa.
DAISY: sa aking pananaw naman ay ang pagkakaroon ng kapayapaan sa isang bansa ay
nangangahulugang pagkakaintindihan ng mga tao rito mahalaga ito sa lahat ng sector ng
ekonomiya,sa pamahalaan at pagkakaisa na mapaunlad ang bansa.
JEAH: Tama ang lahat na nabanggit ninyo daisy at lalaine napakahusay talaga ninyo
kaya ditto nag tatapos ang pagtalakay sa ating mga topiko ngayong sabado .
Ngayong araw ay nabusog tayo ng mga panibagong dagdag sa ating mga kaalaman .
Maraming Salamat mga kabataan , sa mga nanonood , mga manonood pa ng ating episode
tuwing sabado ditto sa kalambag . Nawa’y nag enjoy ang lahat sa ating usapin ngayong
araw .
DAISY:Salamat sa mga nanuod ngaying sabado at naway kayo’y magpatuloy sa
pagsubaybay sa amin tuwing sabado .
LALAINE : maraming Salamat sa lahat sapag guggul nang inyong oras sa pagsubaybay sa
amin kami ay umaasang mayroon kayong natutunan ngayong episode .
JEAH: muli ito ang kalambag team negros occidental

LAHAT: hanggang sa muli paalam

You might also like