You are on page 1of 3

HULI NA

Taon na rin ang nakalipas ng iwan ako ng aking mahal

Tila sa unay lamang may ginhawa

Batid kong mali ako saking mga nagawa

Wala eh, di mapigilan ang bulong ng paligid

Himig ng tinig na sa aking kalamnan at isipan saaki’y umaakit

Madalas na ang aking gawain at hindi maiwasan

Kasabay ng pag-alok ng kapaligiran

Tila manhid kapag natikman

Gutom init at gising na diwa’y sinasabayan

Madalas na nga akong ulira

Madalas na ring tamang hinala

Lumala’t nagwawala kapag ang tama’y nawala

Naturingan na ngang mainit

Bakit pa tinatangkilik at sa maling nakasanayan tawag ng tama ang namimilit

Ngunit para san pang matamaan na parang malawak ang pag-iisip

Aghhh! ganto ata talaga

Kapag laging hinahanap at giyang kana

Maging sa pustura at hulma ng mukha’y mahahalata mona

Madalas na pag ngiwi-ngiwi ng bibig sa kaliwa’t kanan

Bahagyang humihigop sa kada segundong daraan

Naranasan ko pa nga

Yung paikot-ikot na lang sa loob ng bahay

Di mapakali at hindi makapag-isip

Kasabay ng iyak ng aking anak at ang mahiwagang salita na ako lamang ang nakakarinig

Makalipas ang 17 minutong at 8 segundong pag-iikot

Ako’y napatigil ng tumambad sakin ang isang lalaki

Lalaking dilat at ang talukap ng matay nangingitim


Umpak na ang mukha’t hindi na pantay na bibig

Naglalawlaw na balat na buto-buto nitong katawan

At ang magulong nitong buhok na parang balisa sa kakaisip

Matagal tagal ko rin itong tinitigan

Kasabay ang pag rinig ko sa iyak ng aking anak


“tay bat ka naman nagkakaganyan, gumising ka”

Tila sa isang iglap ay nagulantang ang aking pag-iisip

Tila nagising sa matagal ko ng paghihimlay

Doon ko lamang napagtanto sarili ko pala ang kaharap ko

Batid ng aking kamay at tubig mula sa taas

Hindi namamalayang ako na pala’y napapaluha

Kasabay nito ang paghalakhak ko ng iyak

Sabay biglang naramdaman ang isang yapos

Napagtantong nakayakap pala ang aking anak

Kaya naman di kalaunan ako’y napakalma

Ako ay nagising rin sa reyalidad

Ngunit huli na ang lahat

Biglang kalampag ng aming pintuan


Kasabay ang pagtambad ng isang armadong lalaki at nakabaluting mukha

Biglang hila sakin palabas mula sa pagkayakap saakin ng aking anak

Kasabay naman ng pagsara ng pinto at pagpigil nito saaking anak

Yun ang huling pagkakataong narinig ko ang kanyang tinig

“mula sa salitang, tay bumalik ka! (ng may hagulgol ng iyak)

At ng bigla akong pinaluhod at pinayuko

Sabay putok ng bakal na gamit (bang! Bang!)

At biglang handusay ng aking katawan sa lapag.

You might also like