You are on page 1of 2

ARALIN III

Ang teksto ay naglalarawan ng paglaganap ng ideyang liberalismo sa Europa, partikular


sa Espanya, na may pundasyon sa Enlightenment at nagbibigay diin sa kalayaan at
pagkakapantay-pantay. Itinatampok ang mabilis na pag-usbong ng liberal na kaisipan
sa Espanya, kung saan ang mga pampolitikong manunulat tulad nina Voltaire,
Jean-Jacques Rousseau, at John Locke ay tumutol sa umiiral na monarkiyal na
sistema.

Binabanggit din ang impluwensya ng Himagsikang Pranses sa pagbuo ng liberal na


ideya, na naging inspirasyon para sa mga Pilipino sa kanilang minimithing pagbabago.
Ang Cadiz Constitution ng 1812 sa Espanya ay nilikha upang tapusin ang mga
pang-aabusong dulot ng konserbatibong sistema. Ipinagpapahalaga ng konstitusyon
ang mga liberal na ideya tulad ng karapatan sa pagboto, pambansang soberanya,
monarkiyang konstitusyonal, kalayaan sa pamamahayag, reporma sa lupa, at malayang
kalakalan.

Nakapagdudulot din ito ng epekto sa Pilipinas, kung saan isinagawa ang halalan sa
Maynila upang pumili ng kinatawang Pilipino na ipapadala sa Cadiz. Bagamat hindi ito
nagtagumpay sa Pilipinas, nagresulta ito sa paghinto ng kalakalang galyon, pagbabago
mula sa merkantilismo patungo sa malayang kalakalan, at pagsiklab ng pag-aalsa sa
Ilocos laban sa pagkansela ng konstitusyon noong 1815.

Ang mga pangyayari na ito ay nagbigay daan sa pag-usbong ng mga bagong kaisipang
nagmumula sa Enlightenment sa Europa, lalo na sa hanay ng mga Pilipino na nasa
panggitnang uri, na nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral sa Europa sa ika-19
siglo.

Mga Kaakibat na Suliraning Pambayan na naranasan ng mga Pilipino

Maraming nagdaang suliranin ang mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila nang huling
dalawampung taon ng ika 19 na dantaon. Ito'y ukol nauukol sa walang katarungang
pamamahala ng mga Kastika sa mga Pilipino.

1. Nagkaroon ng kapangyarihan ang mga prayle at pamahalaan


● Sumibol ang natatanging anyo ng Espanyol na pamahalaan sa Pilipinas, ang"Pamahalaan
ng mga prayle" o frailocracia.
● Hawak ng mga prayle ang Buhay panrelihiyon at edukasyon ng Pilipinas
● Kontrolado din nila ang pulitika, impluwensiya, at kayamanan
● Pag usbong ng mga prayleng masasama
i. Sekularisasyon ng mga parokya
● Katiwalian ng mga Gobernador Heneral
● Nalimitahan ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pagpili ng relihiyon
at iba
pa.
2. Diskriminasyon at Usaping Pang agraryo
● Mga Indio
● Mga kababaihan
● Pag –aari ng mga Lupang pansakahan/Hacienda
3. Pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino
● Guardia sibil (Konstabularyo)
4. Ang litigasyon
● Pandaraya sa hukuman
● Pagsasakdal ng mga inosente
● Pag ikot ng pera
● Mabagal na pagproseso
● Ang pagkakasangkot sa isang kaso ay isang "Kalamidad"
5. Ang pagbabawal sa pagtitipon ng mga Pilipino
● Ang lumalaban sa pamahalaan ay pinarurusahan
● Arsenal

Reaksiyon ng mga Pilipino sa Mapanupil na Pamamalakad ng mga Kastila

maganda ang hangarin ng Hari ng Espanya para sa Pilipinas, ngunit dahil sa malayo ito
sa Espanya, nagkaroon ng pagkakataon ang mga opisyal ng pamahalaan at mga prayle
na abusuhin ang mga Pilipino. Maraming pang-aalipusta, panggigipit, pandaraya, at
kabuktutan ang naganap, na nagresulta sa paghihirap at pagtitis ng mga Pilipino. Sa
kalahati ng ika-19 na dantaon, natutunan ng mga may pinag-aralang Pilipino na tumutol
sa pamumuno ng mga Kastila, at ang pagtutol na ito ay lumakas hanggang sa sumiklab
ang himagsikan.

A) Pagtakas
B) Pagtanggap
C) Paglaban

You might also like