You are on page 1of 5

“Si Ama”

Edgardo Reyes

Si Ama ay may ugaling kanyangkanya isang dahilan upang siya'y maging malimit na paksa ng usapan. At
sa mga usapan tungkol sa kanya na narinig ko — narinig ko mula kay Ina, mula sa mga kapatid ni Ama,
mula sa mga kapitbahay, mula kung kani-kanino — ay para ko na ring nasaksihan ang buhay niya na
hindi ko nasaksihan.

Nalaman ko halimbawa, na si Ama ay nakatapos ng pitong grado, ito ang katangiang maipagmamalaki na
kung iisiping siya'y nag-aral sa panahong Bihirang-bihira ang may hilig mag-aral. (Ipinanganak siya nang
taong si Rizal ay barilin sa Luneta.) Alam ko pati ang pagkakapangasawahan nila ni Ina. Labindalawang
taon ang katandaan ni Ama kay Ina.

Aywan ko kung bakit sa kabila ng malaking katandaan niya kay Ina ay nagustuhan siya ni Ina, ngunit
alam ko kung bakit lumagpas siya sa akmang gulang ng pag-aasawa; panganay siya sa pitong
magkakapatid, maaga silang naulila sa ama, at natural, mangyari pa, na siya ang magdala ng pamilya.
Nang may kumikita na sa mga kapatid niya ay saka pa lamang siya nakaisip mag- asawa.

Bago mamanhikan si Ama ay nagpundar muna siya ng bakuran at bahay. Ngunit nang siya'y mamanhikan
na (kasama ang malalapit na kamaganak) ay hinihingan siya ng dote ng mga magulang ni Ina, bukod pa
ang mga kondisyon sa kasal. Pasudlungan daw niya ng dalawang sibi ang bahay ng kanyangbibiyenanin
at ipakumpuni ang bulok na batalan. Sa kasal, pinapagbubuwal siya ng dalawang kalabaw.

Nagpaalam sina Ama at ang sabi'y iisipin ang kanilang hinihingi, ngunit hindi na nagbalik si Ama. Sabi raw
ni Ama kay Ina nang sila'y makanakaw ng pagkakataong magkausap," D i ko kaya ang hinihingi nila, at
kaya ko ma'y di ako lokong magpapa-laklak nang gayon sa mga taong may malalaklak naman sa kanilang
bahay.

Dalawang manok, kayakong magbuwal; kung lalagpas pa roon ang gusto nila'y sabihin mong kanila ka
na at akin na ang dalawang manok ko." Nasakyan naman ni Ina ang punto ni Ama; katunavan, para
ipakilala ni Ina na hindi mahalaga sa kanya ang magarbong kasal, ay niyakag niya si Ama na magtanan
sila.

Kayat sa kanilang pagkakapangasawahan, ni ang dalawang manok ay hindi nabuwal. Nagalit si Ingkong
(ang ama ni Ina), ang pamalita'y hindi sila makapapanhik maski kalian. Itaga raw iyon sa bato. Sinubok
nilang pumanhik itinaboy sila ng mura.

Sinubok uli nila nang may apo na (si Ate Mating) sa kanila si Ingkong minura sila nang kaunti ngunit
murang mura-murahan nakapagmano sila. Latero si Ama Tumatanggap siya ng ano mang gawaing may
kaugnayan sa lata: paatip ng bahay, alulod.

Ang silong ng aming bahay ay talyer na gawaan niya ng batya, palanggana, sandok, rigadera, imbudo,
kung anu-ano pa.

Apat kaming anak (Si Ate Maring, si Kuya Selmo, si Dikong Ige, at ako), at kami'y katukatulong niya sa
talyer. May oras kami para sa laro, may oras para sa iskuwela, may oras na ukol sa pagtatrabaho. Sa
kanya'y walang bata- bataris.
Mapapahiya sa kanya ang sinu mang makikihingi ng balde. Dapat siyang bayaran ng bayad na sa palagay
niya'y katumbas ng kanyang ipinagtrabaho. Hindi siya napababataris at hindi naman nambabataris

Minsan, noo'y maliliit pa kami, si Ama ay nagkaroon ng trabaho sa malayo at may isang linggong hindi
umuwi. Sa ikatlong araw ng kanyang di pag-uwi ay lumakas ang hangin, walang lubay ang ulan; ang
balita'y may bagyo.

Sa takot ni Ina na baka ibuwal ng bagyo ang aming bahay ay tumawag siya ng isang kapitbahay at
pinadagdagan ang serga ng aming bahay. Nang umuwi si Ama ay napansin agad niya ang bagong serga.
"Mabuti, sabi ni Ama.'IE sino'ng pinagkabit mo nire? "Si Omeng " sabi ni Ina. "O, e, magkano'ng ibinigay
mo?" Atubili ang sagot ni Ina "Nalimutan ko, e."Nagalit si Ama. "Naghirap 'yong tao'y di mo binayaran?
Hala, padalhan mo ng sampiseta"

Kung ang ugali ni Ama ay hindi kabisado ng aming kapitbahay, walang pagsalang marami siyang
makakasumangan. Si Ama ay hindi nangungutang at hindi mauutangan. Noong panahon ng Hapon,
natatandaan ko, ay nagkahirapan

sa bigas. Mapera kami (perang Hapon), ngunit ang mabibili ang wala. Naghanda ng isang bayong na pera
si Ama. "Titingin ako sa San Rafael," sabi ni Ama. Umaga nang umalis si Ama at nang bumalik ay gabi na;
ang bayong ay may lamang apat na salop na bigas.

"Gutom na'ng mga bata kaya nanghiram muna 'ko ng sanggatang kina Iska at siya kong inilugaw," balita
ni Ina kay Ama. Nagalit si Ama.

Masakit din ang salitang sinabi niya kay Ina. "Uli-uli, ke mamatay kayo sa gutom, huwag kayong
mangungutang. Ang problema nati'y problema natin, huwag n'yong idamay ang mga kapitbahay. Hala,
palitan mo.'ng kinuha mo ke Iska; patubuan mo ng sandakot" S i Ama ay hindi nagsisimba, ngunit kami
ay hindi niya pinagbabawalang magsimba. Kapag pista sa aming baryo, kahit paano'y tumutulong siya sa
abuluyan, ngunit hindi siya pumapayag na kami'y maghanda. "Paano po kung magkabisita tayo?"
minsa'y nasabi ni Ate Maring kay Ama. "Baka po magdatingan dito ang mga kaklase ko."

"Harapin mo, tapos!" sabi ni Ama. "Di baleng magpakain tayo ng iba kung hindi makagigipit sa 'tin, pero
sa 'tin lang e di magkahusto'ng kabuhayan natin, paanong gagawin mo?" Sa pag-aasawa ng mga anak ay
liberal si Ama.. "Di ko kayo pakikialaman," sabi niya sa amin, "Ke Hudas at Hudesa ang mapili n'yo,
bahala kayo.

Me mga isip naman kayo. Isang bagay lang: pag-aasawa n'yo'y magsasarili kayo. At sa kasal, ayoko nang
mangungutang kayo, o hihingi ng pangkasal sa 'kin.

Pagkaraan ng giyera ay sumigabo ang nagpapagawa ng bahay at si Ama ay tumanggap ng maraming


trabaho. Maestro latero siya at kaming tatlo nina Kuya Selmo at Dikong Ige ang piyon. Sinusuwelduhan
niya kami nangarawan.

Ang sahod namin ay aming amin, hindi bumabahagi si Ina, at iyon ay sa kagustuhan na rin ni Ama.
"Gastahin n'yo para sa inyong sarili," sabi ni Ama. "Ipag-aral n'yo." Kayat sa tulong ng paglalatero, lahat -
kami'y nakakarera. Naging sikat kami sa aming baryo.
Sino ang maniniwalang sa baryo namin na ang halos lahat ay nabubuhay sa pagsasaka ay may isang
pamilyang lahat ng anak ay titulado? Sa naging kapalaran namin, nindi lahat ay pumupuri kay Ama,
nariyan din ang mga pumupula. "Kuripot kasi, e." "Walang kapwa-tao." "Animo'y kung sinong Poncio
Pilato."

Sunud-sunod arig taon ng aming pag-aasawa kayat sa loob lamang ng apat na taon ay nawalan sina Ama
ng anak na walang asawa. At bilang pagsunod sa kagustuhan ni Ama, bawat mag-aasawa sa ami'y
nagsasarili. Sa mga may pinagtapusan ay hindi mahirap ang pagsulong.

Ilang taon lamang at si Kuya Selmo, empleyado sa bangko, ay nakapagtayo ng magandang bahay sa
Makati. Si Dikong Ige, Kimiko sa habihan ng tela, ay nagkakotse at nagkabahay sa Pasig. Si Ate Maring,
maestra sa haiskul, ay may bahay na rin sa

Caloocan. Ako'y nangungupahan ng "apartment" sa Quezon City ngunit may hinuhu lugan na akong lote
at nagbabalak na ring magpatayo ng bahay.

Samantala'y matanda narin si Ama, sila ni Ina ay naroroon pa rin sa luma


naming bahay, na gayong latere siya ay pawid ang bubong. Sa buhay nila ni Ina, ang pinakamalaking
pagbabagong mapapansin ay ang patuloy na pagdami ng puti sa kanilang mga buhok. Kung lilingunin ang
pinagmulan naming magkakapatid ay masasabing malalayo na rin ang aming nararating.

Ang bagay na ito ay nauugnay sa balibalitang nahihigingan namin: umano, kaming magkakapatid ay
walang turing na mga anak. Pagkatapos daw na maiangat kami"ni Ama ay pinabayaan na namin sila sa
ibaba. Sa aming kawalang-utang na loob, marahil ay kami lamang ang makauunawa.

Ang kalagayan nina Ama ay na pag-usapan na naming magkakapatid. Kukunin namin sila. Nagkaroon pa
nga kami ng pagtatalo, pag-aagawan, pagkat dalawa lamang silang kukunin namin at kami'y apat na
kukuha.

Napagkayarian na lamang namin na kung sino ang gustongsamahan nina Ama ay siyang
mananalo. Umuwi kami at ang aming napagusapan ay sinabi namin kila Ama. Inaasahan naming
matutuwa si Ama, ngunit nagkamali kami. "Magtigil nga kayo," sabi sa amin ni Ama.

"Handa kami sa pagtanda naming ng ina ninyo, anong 'kala n'yo? At kayo ba'y papagsasarilinin ko ng
ano?" At ang pagpupumilit namin at ang pagpapaliwanag ay hindi pinakinggan ni Ama.

Ibang balak naman ang sumaisip namin. "Ipagiba natin ang bahay na pawid at ipagpagawa natin sila ng
bago," mungkahi ni Kuya Selmo, at iyon ay sinang-ayunan namin. Ngunit muling binigo ni Ama ang
aming pagmamagandang-loob. "Tama ne'tong bahay ne'to sa 'min ng ina n 'yo," sabi ni Ama. Tama na sa
tao yaong pagtulog ay hindi nahahamugan."

Basta't may pagkakataon din lamang ay umuuwi kami sa lalawigan at dinadalaw namin sina Ama.
Nagpapasalubong asalubong kami ng damit, pagkain, kagamitan sa bahay, ngunit hindi kami nagbibigay
ng pera pagkat tiyak namang hindi tatanggapin ni Ama. "Hindi pa
naman kayo kayamanan, a," sasabihin ni Ama.
Mahina na si Ama. Malabo na ang kanyang mata at makupad na siyang kumilos. Wala na ang dating bilis
niya sa pagsisinsil ng lata, ang dating bilis niya sa paghihinang. Maluwag na ang balat sa maugat niyang
bisig at parang mabigat na para sa kanya ang soldador, ang istanyo.

Paggawa naman ng lababo ang inaatupag niya, at iyon ay ipinagbibili ni Ina sa palengke. Minsan, sa awa
ko, ay nilihim ko. Si Ina. Inaabutan ko ng pera si Ina, ngunit iyon ay ayaw niyang kunin. "Magagalit ang
ama mo," sabi ni Ina.

"Di huwag pc n'yong sabihing binigyan ko kayo," sabi ko. "Hindi ko magagawa, anak," sabi ni Ina. "Hindi
nga niya malalaman, pero ang kaso'y di ko kayang maglihim sa kanya. Di ko kayang magtago ng anuman
sa kanya. Saka di naman naming masyadong kailangan ang pera

. Pagkain lang naman ang pinagkakagastahan namin." Nahuhukot si Ama ay gumigiray naman ang luma
naming bahay. "Sa edad n'yong 'yan e di na kayo dapat magtrabaho," sinasabi namin sa kanya.

"At anong gusto n'yo, mamatay ako nang nakatunganga?" Bunga ng katandaan ay malimit
nang dapuan ng sakit si Ama. Kayat nang isang araw ay lumuwas ang isa naming pinsan at ibinalitang
patay na si Ama, naiyak kami ngunit ang balita'y hindi naging kagulat-gulat sa amin.

Gumayak kami sa madaliang paguwi, kasama ang pami-pamilya. At bago kami nagkanya- kanyang uwi, si
Kuya Selmo ay nakasama ko sa pagbili ng korona. "Pihong aasahan sa atin ang malakihang libing at isang
malakihang lamayan," sabi ni Kuya Selmo. "Kahiya-hiya sa baryo natin at sa mga kamag-anak natin kung
sa ating kalagayang ito'y hindi natin maibigay iyon sa Ama." "Ano'ng mainam na gawin natin?" tanong
ko.

"Gastahan natin nang todo ang Ama.


Antalahin natin ang libing para maipagpagawa natin siya ng libingang marmol. Ibili natin siya ng
maganda at mahal na ataul. Kumasundo tayo ng musiko. Umarkila tayo ng mga dalawampung karitela
para walang maglakad sa mga makikipaglibing. Sa lamayan, ibigay natin ang kaya nilang kainin." "Tama,"
sabi ko. "Tutal, ngayon lamang naman natin pagkakagastahan ang Ama "

Sa luma naming bahay nang dumating kami, ang mga nakikiramay ay nagpapayok ng
galyetas na ipinaaanod sa matabang na kape. Wala ni isang manok na pinapatay sa kusina. Sa duluhan
ng bakuran ay tatlong karpintero ang gumagawa ng ataul. (Sa aming bayan ang mayayaman lamang ang
kapag namatayan ay bumibili ng yari nang ataul).

Si Ama ay nakaunat sa papag. Alam kong siya'y patay na ngunit aywan ko kung bakit pilit kong isinasaisip
na siya'y natutulog lamang. Ibig kong huwag umiyak pagkat lalaki ako, ngunit sa gayong pagkakataon
pala ang lalaki'y nawawala sa kanyang pagkalalaki. Ang napag-usapan namin ni Kuya Selmo ay sinang-
ayunan nina Dikong Ige at Ate Maring.

Malakihang lamayan. Kontri-kontribusyon kami ng tig-sasandaang piso kay Ate Maring na sasamahan
niya ng sandaan din bago ibigay kay Ina. "Para sa'n 'to?" tanong ni Ina nang ibigay na sa kanya ni Ate
Maring ang pera. At ang aming napagkayarian ay inilahad namin kay Ina. "Magpabili na 'gad kayo ng
baboy, saka maraming manok," sabi ni Dikong Ige.

"Patigilin na n'yo ang gumagawa ng ataul at bumili na lang tayo ng yari," sabi ni Kuya Selmo.
Ngunit hindi nasunod ang aming nais pagkat tumutol si Ina.

"Hindi ko magagawa 'yon sa ama n'yo," sabi ni Ina. "Lalo na ngayong nanahimik na siya." At sa paliwanag
ni Ina ay lumitaw na si Ama pala ay nag-ipon ng perang pampalibing sa sarili nito. Kaunti lamang ang
natipon ni Ama, ngunit sasapat na sa isang aba, payak na libing, na umano'y siyang ibig ni Ama. Nais ko
sanang sabihin kay Ina na anuman ang gawin namin sa libing ni Ama ay maaari pagkat wala na si Ama
upang tumutol.

Ngunit naisip ko na isang malaking kalapastanganan kung magsasamantala kami sa sandaling si Ama ay
hindi na makapagtanggol. Puntod lamang ang pinaglibingan kay Ama, ngunit damang-dama ko ang
dangal at katapatan ng libing na iyon. Hanggang sa huling hantungan ay dala ni Ama ang kawalan ng
pagkukun.

You might also like