Professional Documents
Culture Documents
1 Thesis
1 Thesis
Kami po sina John Rick Orate at Vince Junard Quiamco, na nasa ikatlong taon ng kursong
Pansekundaryang Edukasyon sa Filipino sa Kolehiyo ng Edukasyon, Mindanao State
University-General Santos. Sa kasalukuyan, kami ay may asignaturang FIL198 (Metodo ng
Pananaliksik), isang asignatura na naglalayong ituro sa mga mag-aaral ang mga
pamamaraan sa paggawa ng pananaliksik. Inaasahang matutunan ng mga mag-aaral ang
mga panimulang kaalaman sa pagsasagawa nito. Gayundin, inaasahang makapagsagawa
ng pananaliksik ang mga mag-aaral bilang bahagi ng kanilang pangangailangan sa
nasabing asignatura.
Sa kadahilanang ito, magalang po naming hinihingi ang inyong pahintulot na maisagawa ang
aming pananaliksik sa mababang paaralan ng Datal Salvan Elementary School. Ang mga
makukuhang datos at impormasyon ay magsisilbing pundasyon gagawing pag-aaral.
Sinisigurado ng mananaliksik na ang nga impormasyong makukuha ay magiging
kumpidensyal. Kami ay lubos na umaasa sa inyong positibing tugon kaugnay sa liham na
ito.
Gumagalang,
Pinagtibay ni:
Tinanggap ni:
______________________________