You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV- A CALABARZON
Division of Batangas
Lemery Pilot Elementary School
Atienza St., Bagong Sikat, Lemery, Batangas

Name: Score:
Grade and Section:
Tandaan:

Maaaring mabuti o di-mabuti ang wakas ng kuwento. Ito ay depende sa mga pangyayari sa kuwento.
Ano ang mga dapat tandaan sa pagbibigay ng wakas sa kuwentong inyong binasa?

1. Kailangan mo munang basahin nang mabuti ang kuwento upang makapagbigay ng wastong
pagwawakas.
2. Alamin ang buong detalye nito dahil ang wakas ng isang kuwento ay nakabase sa detalye nito.

Panuto:Basahin mong mabuti ang kuwento at punan mo sa ibaba ngtatlong pangungusap na


maaaring maging wakas nito.

Tuwing umaga,magkasabay na pumapasok si Annie at Greg sa paaralan.’’Tara!Maglakad na tayo para


hindi tayo mahuli sa klase”,yaya ni Greg. “Sige!”,sagot ni Annie.’’Mayroon nga pala tayong pagsusulit
ngayon sa Filipino. Nag-aral ka ba?’’sabi ni Greg. “Oo naman,pinaghandaan ko ang araw na ito”,sambit ni
Greg.

Panuto: Ibigay ang wakas ng mga sumusunod na kuwento.


1. Inutusan ng Nanay si Mico sa palengke. Sa daan,tinawag siya ng mga kaibigan na noo’y naglalaro.
Bagaman,iniisip ang utos ng kanyang Nanay,hindi natanggihan ni Mico ang anyaya ng mga
kaibigan. Masaya siyang nakikipaglaro nang may galit na tinig na tumawag sa kanyang pangalan at siya ay
napalingon.

2. Araw-araw,tinitiyak ni Jeda na nakapaghuhulog siya ng kaunting pera sa kanyang alkansya mula sa


baon niya.Pabigat na iyon nang pabigat tuwing binubuhat niya para maghulog ng barya. Subalit minsan

Atienza St., Bagong Sikat, Lemery, Batangas


107409@deped.gov.ph Deped Tayo- Lemery Pilot ES- Batangas 043-740-1438
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV- A CALABARZON
Division of Batangas
Lemery Pilot Elementary School
Atienza St., Bagong Sikat, Lemery, Batangas

narinig niyang dumaraing ang kanyang Ina na kulang ang pambayad nila sa tubig.Pumasok si Jeda sa
kanyang silid dala ang isang lata.

3. Isinama si Fred ng kanyang Ina sa palengke noong nakaraang Sabado. Nakasunod lamang si Fred sa
kanyang Ina habang dala ang mga pinamili nito.Habang naglalakad si Fred ay text siya nang text sa
kaklase niya.Pagtingin niya ay hindi na niya makita ang kanyang Ina.

4.Maagang naulila sa mga magulang si Rafael. Isang mabait niyang Tiya ang kumupkop sa kanya. Ibinigay
sa kanya ang lahat ng kanyang mga pangangailangan hanggang nakatapos siya ng pag-aaral.Nang siya’y
mag- asawa ,iniwan niya ang kanyang Tiya sa mga anak nito. Subalit isang araw, nabalitaan niyang
nasunugan ang kanyang Tiya. Dali-dali siyang sumakay sa kanyang kotse.

5.Matapos na matagumpay na naipasa ang mga pagsusulit, masayang ibinalita kay Dulce na tanggap na
siya sa trabaho. Naging kapansin-pansin ang talino at sipag ng dalaga sa paggawa. Lagi siyang pinupuri
ng kanyang manedyer.Di- nagtagal ay napermanente siya sa trabaho.

Atienza St., Bagong Sikat, Lemery, Batangas


107409@deped.gov.ph Deped Tayo- Lemery Pilot ES- Batangas 043-740-1438

You might also like