You are on page 1of 3

CENTENNIAL SCHOOL OF THE PHILIPPINES, INC.

School ID: 424508

Edukasyon Sa Pagpapakatao 1

TUNGKULIN SA SARILI AT SA PAMILYA

Aralin 2: Pagkilala sa Sariling Kalakasan at Kahinaan


Basahin ang kuwento.
May Ipagmamalaki si Arjay

“Pasensiya ka na, Mommy. Nahihirapan po kasi talaga ako sa Math.


Promise, gagalingan ko na lang po sa susunod.”.
Hindi makuhang magalit ni Madelyn sa anak na si Arjay nang makita niyang
mababa ang markang nakuha nito sa pagsusulit sa asignaturang Math. Alam ni Mina na
nag-aaral namang mabuti ang anak, kaya lamang ay sadyang hirap itong matuto
pagdating sa numero.
“Huwag ka nang malungkot.” sabi ni Mina sa anak.” Okay lang iyan. Mababa man
ang nakuha mong marka ngayon, may susunod pa namang pagsusulit.”
Isang karaniwang mag-aaral lamang si Arjay sa pinapasukang paaralan. May mga
paborito siyang asignatura. Mayroon din namang nahihirapan siya, tulad kung may isang
bagay na mahusay si Arjay, Ito ay ang pagguhit. Ito ay paborito niyang gawin. Ito rin ang
kaniyang libangan. Kapag siya ay hindi nakapglaro sa mga kaibigan, abala siya sa
pagguhit ng kahit anong bagay.

Isang araw ay nakatanggap si Mina ng tawag mula sa guro ni Arjay. Sinabihan siya nito na
isasali niya sa paligsahan sa pagguhit ang kaniyang anak. Tuwang- tuwa si Mina.

“Alam kong mananalo ka sa paligsahan,Anak,”buong pagtitiwalang sabi ni Mina kay


Arjay nung gabing iyon.

CENTENNIAL SCHOOL OF THE PHILIPPINES ● CENTENNIAL SCHOOL OF THE PHILIPPINES ● CENTENNIAL SCHOOL OF THE PHILIPPINES ● CENTENNIAL SCHOOL OF THE PHILIPPINES
CENTENNIAL SCHOOL OF THE PHILIPPINES, INC.
School ID: 424508

Edukasyon Sa Pagpapakatao 1

“Napakahusay mo kasing magdrowing. Iyan ang talento mo.”

“Salamat, Mommy. Pangako, lalo ko pong paghuhusayan para maipagmalaki mo ako


kahit laging mababa ang mga grado ko sa Math.”

Niyakap ni Mina ang anak. Ibig niyang iparamdam dito ang kaniyang suporta.
“Ipinagmamalaki kita, Anak. Kahit mababa pa ang grado mo sa Math, ipinagmamalaki kita
dahil anak kita, at mahal na mahal kita.”

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang linya kung tungkol sa kuwento ang pahayaag. Lagyan
naman ng ekis(x) kung hindi.
_____1. Malungkot si Arjay dahil mababa ang nakuha niyang grado sa kanilang
pagsusulit sa Math.
_____2. Nagalit si Mina sa anak na si Arjay dahil hindi nito pinagbuti ang pagsusulit.
_____3. Alam ni Mina na sadyang may kahinaan sa Math ang anak niyang si Arjay.
_____4. May talento si Arjay sa pagguhit.
_____5. Mahina man si Arjay sa Math, ang husay niya sa pagguhit ang kaniyang
kalakasan.

Isabuhay Mo

Simula ngayon, mapagbuti ang iyong sarili. Maging masipag at masikap sa iyong pag-aaral.

Kilalanin din ang iyong mga kahinaan at kalakasan.Pagsumikapang mabago at mapabuti ang
iyong mga kahinaan.

CENTENNIAL SCHOOL OF THE PHILIPPINES ● CENTENNIAL SCHOOL OF THE PHILIPPINES ● CENTENNIAL SCHOOL OF THE PHILIPPINES ● CENTENNIAL SCHOOL OF THE PHILIPPINES
CENTENNIAL SCHOOL OF THE PHILIPPINES, INC.
School ID: 424508

Edukasyon Sa Pagpapakatao 1

CENTENNIAL SCHOOL OF THE PHILIPPINES ● CENTENNIAL SCHOOL OF THE PHILIPPINES ● CENTENNIAL SCHOOL OF THE PHILIPPINES ● CENTENNIAL SCHOOL OF THE PHILIPPINES

You might also like