You are on page 1of 17

4

Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 1:
Paggamit ng Hiram na Salita
(Pamilyar at Di-pamilyar)

LU_Q2_FIlipino4_Module1
AIRs - LM
FILIPINO 4
Ikalawang Markahan - Modyul 1: Paggamit ng Hiram na Salita
(Pamilyar at Di-pamilyar)
Ikalawang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o


pagkuha ng bahagi nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Anthony C. Cacas


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagasuri: Gina Dacayanan
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Gracelle P. Ducusin

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan CESO VI
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado PhD, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique PhD, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, San Fernando City, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

LU_Q2_FIlipino4_Module1
4
Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 1:
Paggamit ng Hiram na Salita
(Pamilyar at Di-pamilyar)

LU_Q2_FIlipino4_Module1
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para
sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.

LU_Q2_FIlipino4_Module1
Sapulin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa


modyul. Malalaman mo ang sining ng tamang pagbabaybay at pagsulat ng mga
salita ayon sa tamang pamantayan at gamit. Mga salitang iyong nasasambit
kung ito ba ay hiram na salita o mga bagay-bagay at mga salitang makikita sa
iyong kapaligiran na pamilyar at di-pamilyar sa iyong pang-unawa.

Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo upang lubos mong


maintindihan ang araling ito. Nakahanda ka na ba? Halika simulan na natin.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

Mga Kasanayang Pampagkatuto (MELC):

Naisusulat nang wasto ang baybay ng salitang natutuhan sa aralin; salitang


hiram at salitang kaugnay ng ibang asignatura.
(F4PU-lllb-j-1); at

Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang pamilyar at di-pamilyar sa


pamamagitan ng pag-uugnay sa sariling karanasan.
(F4PT-llb-1.12)

Mga Tiyak na Layunin:

1. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng hiram na salita; at


2. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng salitang pamilyar at di-
pamilyar ayon sa sariling karanasan.

1 LU_Q2_FIlipino4_Module1
Aralin Paggamit ng Hiram na Salita
1 (Pamilyar at Di-pamilyar)

Simulan

Magandang araw sa iyo!


Ano ba ang hilig mong gawin?

Alam kong mahilig kang lumabas at maglaro. Mahilig ka ring manood


ng TV, o maglaro sa internet.

Natutuwa ka kung kalaro mo ang iyong mga kaibigan.

Sa iyong paglalaro, napapansin mo ba ang mga salitang binibitawan mo?


O mga salitang nasasambit mo na pamilyar at di-pamilyar na salita na makikita
sa iyong kapaligiran at bagay bagay na maaari mong maihalintulad sa iyong
karanasan.
Huwag kang mag-alala, ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo, halika
simulan mo na, kaya mo yan!

Subuking gawin ito.


Panuto: Gamitin ang mga hiram na salita na nasa loob ng
kahon upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

basketbol bolpen groseri


drayber telebisyon dyip kompyuter

1. Tuwing sasapit ang ikaapat ng hapon kami ay naglalaro ng _________ sa


plasa.

2. Ang _____________ ng aking Ate ay palagi kong hinihiram dahil sa aking


online class.

3. Kami ay sumakay ng ___________ papuntang simbahan.


2 LU_Q2_FIlipino4_Module1
4. Bumili ang aking Nanay ng paborito kong _____________.

5. Nagbigay ng _____________ ang mga opisyal ng barangay dahil sa


pandemia.

6. Kami ay nanonood ng ____________ nang biglang nawala ang kuryente.

7. Ang aking Tatay ay isang masipag at tapat na_____________.

Lakbayin

Araw-araw nagagamit ang mga salitang hiram na tumutukoy sa mga


salitang pamilyar at di-pamilyar.
Sa paksang ito, tatalakayin natin kung ano ang hiram na salita at ang
gamit nito sa pamamagitan ng pamilyar at di-pamilyar na salita.

Ang mga hiram na salita ay mga salitang bahagi ng wikang Filipino na


kinuha sa wikang dayuhan katulad lamang ng Ingles, Kastila at iba pa. Ang
mga hiram na salita ay walang direktang translasyon sa wikang Filipino, kaya
naman, kadalasang ginagawa ay ang pag-iba ng palatitikan. Halimbawa:
kompyuter, iskedyul, kalsiyum, gadyet at marami pang iba.

Ang pamilyar na salita ay salitang karaniwang naririnig at ginagamit


natin sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Halimbawa: Tatay, Nanay, Tito,
paaralan, kalsada at marami pang iba.

Ang di-pamilyar na salita ay hindikaraniwang naririnig at ginagamit


natin sa pang- araw-araw na pakikipag-usap. Halimbawa: Tsubibo,
salipawpaw, pitaka, kuwaderno, durungawan at marami pang iba.

3 LU_Q2_FIlipino4_Module1
Gawain 1
Panuto: Basahin ang talata. Isulat sa sagutang papel ang wastong
salitang hiram sa tulong ng mga larawan.

www.google.com www.google.com www.google.com

Ang mga mag-aaral at mga magulang ay nag-aalala


dahil sa susunod na pasukan ay gagamit na ng (1)
_________. Ang tangi lang gamit sa kanilang bahay ay
(2) __________. Sinisikap ng pamahalaan na mabigyan
ng (3) __________ang bawat mag-aaral.

Gawain 2
Panuto: Ilagay sa tamang hanay ang mga salitang
nasa loob ng kahon. Gayahin ang tsart at
isulat ang sagot sa sagutang papel.

selfon papel durungawan


tsubibo gadyet bolpen
halaman susi pisara

Hiram na salita Pamilyar Di-pamilyar

4 LU_Q2_FIlipino4_Module1
Galugarin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pag-uusap ng


magkaklaseng sina Albert at Marvin.

www.google.com

www.google.com

Kamusta Albert?

Mabuti naman,
Marvin.
Tapos mo na ba
ang ating aralin
sa Filipino? Hindi pa, ako ay
nanonood ng
telebisyon,
Marvin.
Kailangan nating
gumamit ng
kompyuter sa ating
aralin. Ganun ba, sige
kailangan nating
ipasa ito ayon sa
ibinigay na
Sige Albert iskedyul.
gagamit din ako
ng teksbuk at
isusulat ko ang
sagot sa aking Magandang idea
kuwaderno. yan Marvin, tara
simulan na natin.

5 LU_Q2_FIlipino4_Module1
Sa pag-uusap nina Albert at Marvin, patungkol saan ang kanilang
pinag-uusapan?

Ano ang ginagawa ni Albert?

Ano ang kanilang gagamitin na magkaibigan sa paggawa ng kanilang


aralin?

Panuto: Isulat sa tsart ang mga nabanggit na hiram na salita at


lagyan ito ng tsek (√) kung pamilyar o di-pamilyar.
Gayahin ang tsart at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Hiram na Salita Pamilyar Di-Pamilyar

Ngayon, natukoy at nagamit mo nang lubos ang hiram na salita,


pamilyar at di-pamilyar.

Lagi mong tatandaan..

Ang mga hiram na salita ay mga salitang bahagi ng wikang Filipino na


kinuha sa wikang dayuhan katulad lamang ng Ingles, Kastila at iba pa.

Ang pamilyar na salita ay salitang karaniwang naririnig at ginagamit


natin sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.

Ang di-pamilyar na salita ay hindi karaniwang naririnig at ginagamit


natin sa pang- araw-araw na pakikipag-usap.

LU_Q2_FIlipino4_Module1
6
Palalimin

Gawain 1
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Hiram na Salita

1. kalsiyum
2. imahe
3. siyuting
4. keyk
5. basketbol

Pamilyar

1. paaralan
2. simbahan
3. baso
4. telepono
5. pera

Di-pamilyar

1. malabnaw
2. guni-guni
3. iskawt
4. prayoriti
5. tseke

Napakahusay ng mga sagot mo.


Ipagpatuloy ang mga gawain!

LU_Q2_FIlipino4_Module1
7
A. Panuto: Basahin at kumpletuhin ang usapan sa baba. Piliin
ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

kampus lider kabinet


tropi isport balibol

Elvie : Ano ang paborito mong _______________?

Maki: Ang paborito ko ay ________________ katulad ng Ate ko.

Elvie: Nakita ko nga ang malaking _____________ na


nakalagay sa ibabaw ng ______________ ni Gng. Santos.

Maki : Umaasa ang buong ________________ na ako pa rin ang


kanilang ________________.

Elvie: Galingan niyo ha.

B. Panuto: Ibigay ang hinihingi sumusunod na salita


ayon sa iyong karanasan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

polusyon eksamin drayber


aksiyon plaka
bungad simbahan
konkreto kuwarter puntod

1. Tayo ay magkakaroon ng pagsusulit ngayong _____________.


2. Maingat na _____________ ang Tatay ko.
3. Wala nang sariwang hangin puro na lang _____________.
4. Napakahusay ng aming punong barangay, _____________ agad.
5. Mataas ang makukuha nating marka kung marami tayong
makukuha sa _____________.
6. Doon sa __________________ na kanto makikita mo ang daan papunta
sa presinto.

LU_Q2_FIlipino4_Module1
8
7. Naging ____________________ ang aming bahay noong nangibang
bansa ang aking ina.
8. Parang sirang ___________________ ang pagkanta ng aming
kapitbahay.
9. Papasyal kaming mag-anak sa ____________________sa unang araw ng
Nobyembre.
10. Kami ay taimtim na nagdarasal sa aming _______________.

Sukatin

Panuto: Tukuyin ang mga nasalungguhitang salita. Isulat sa


sagutang papel kung ito ay hiram na salita, pamilyar o
di-pamilyar.

1. Maasim-asim ang pinya.


2. Kay sayang aralin ang sabjek na Filipino.
3. Nawawala ang aking selfon.
4. Napakalinamnam ng barbikyu.
5. Perwisyo nga bang maituturing ang road widening?
6. Masarap ang binigay niyang atsara.
7. Pinakamasaya raw ang buhay hayskul.
8. Nagsisikap ang bawat manggagawa upang magtagumpay sa
kompanya.
9. Nabaril siya ng armalayt.
10. Humarurot ang sasakyan sa haywey.

Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng talata tungkol sa sarili gamit ang mga


hiram na salita, pamilyar at di-pamilyar. Gawin at isulat
ito sa sagutang papel.

LU_Q2_FIlipino4_Module1
9
Ang Aking Sarili

______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
________________________________.

______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
________________________________.

Sa wakas ay narating mo na ang dulo ng aralin. Ang saya-saya


dahil napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay at gawain. Binabati
kita.
NICE ONE!

LU_Q2_FIlipino4_Module1
10
LU_Q2_FIlipino4_Module1
11
Lakbayin
Simulan Gawain 1
A. 1. Basketbol B. 1. kompyuter 1. kompyuter
2. kompyute 2. radyo 2. radio
3. dyip 3. selfon 3. selfon
4. bolpen
5. groseri Gawain 2
6. telebisyon Hiram na salita
7. drayber -selfon
-bolpen
C. Maaaring iba’t ibang sagot ng mga bata -gadyet
Pamilyar
-papel
-susi
-halaman
-pisara
Di-pamilyar
-durungawan
-tsubibo
Galugarin Palalimin
Gawain 1
Hiram na pamilyar di- Maaaring iba’t ibang sagot ng mga bata
salita pamilyar
telebisyon / A. isport B. 1.kuwarter 7. konkreto
Kompyuter / balibol 2. Polusyon 8. plaka
Iskedyul / tropi 4. Aksiyon 9. puntod
Teksbuk / kampus 5. Eksamin 10. simbahan
kuwaderno / lider 6. bungad
Sukatin
1. pamilyar na salita 6. pamilyar na salita
2. hiram na salita 7. hiram na salita
3. hiram na salita 8. pamilyar na salita
Maaaring iba’t ibang sagot ng mga bata
4. hiram na salita 9. hiram na salita
5. di-pamilyar 10. hiram na salita Karagdagang Gawain
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Mga Batayang Aklat Sa Filipino IV, 2015, Wika At Pagbasa pp. 50-
54

Elento, Zarinnah, Academia.edu

Agnes, 197774

TIP 1962 Official/tip.edu.ph

Goconqr.com

Indymoves.org.

Quizlet.com

w.w.w.google.com

LU_Q2_FIlipino4_Module1
12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriclum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

LU_Q2_FIlipino4_Module1
13

You might also like