You are on page 1of 1

I.

PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP
A. Isulat sa patlang kung ang sinalungguhitang salita ay ingklitik, kaganapan ng pandiwa, pamuno sa pangngalan,
panuring na pang-abay o panuring na pang-uri.

pang- abay 1. Maligayang nagdiwang ng kaniyang kaarawan si Maria noong nakaraang Sabado.
ingklitik 2. Masayang balita yata ang dala ni Jenny dahil siya ay nakangiti.
pang-uri 3. Isang makasaysayang pook ang Luneta Park dahil dito binaril ng mga Kastila si Dr. Jose Rizal.
kaganapan ng pandiwa4. Ang mga estudyante sa ikawalong baitang ay nagbasa ng nobela na isinulat ni Jose Rizal.
pamuno 5. Si Binibining Samaira, ang guro sa ikawalong baitang ay namigay ng karagdagang puntos sa mga
mag-aaral na nakapagsaulo ng talasalitaan.
pang-abay 6. Magbabakasyon ang buong pamilya sa Boracay sa susunod na buwan.
pang-uri 7. Saan ko nga ba inilagay ang bilog at itim kong pitaka?
pamuno 8. Si Mateo, ang kapatid ni Juan ay pumunta na ng Amerika at doon na raw mag-aaral.

B. Salungguhitan ang hinihinging mga salitang nagpapalawak sa pangungusap.


(kaganapan ng pandiwa) 1. Ang magkakapatid ay masayang nanood ng pelikula sa Netflix kagabi.
(pamuno sa pangngalan) 2. Si G.Michael, ang MAPEH Coordinator ay dating guro sa Filipino.
(ingklitik) 3. Mga bata, kumain muna kayo ng almusal bago pumasok sa paaralan.
(panuring na pang-abay) 4. Mabilis na tumakbo ang bata nang hinabol siya ng malaking aso.
(panuring na pang-uri) 5. Nagising ang bata dahil sa malakas na tunog ng kaniyang orasan.

C. Bumuo ng pangungusap gamit ang hinihinging pagpapalawak ng pangungusap.


1. (ingklitik)
_______________________________________________________________________________________
2. (kaganapan ng pandiwa)
_______________________________________________________________________________
3. (pamuno sa pangngalan)
________________________________________________________________________________
4. (panuring na pang-abay)
________________________________________________________________________________
5. (panuring na pang-uri)
________________________________________________________________________________

You might also like