Napakaraming magagandang katangian ang kulturang Pilipino. Bilang Pilipino,
tungkulin nating palaganapin at pagyamanin ang mga pamanang ito.
1. Nakakita ka na ba ng flyer o brochure? Karaniwan itong ipinamimigay kung may
produktong nais ipakilala sa mga mamimili. Gumawa ng isang flyero brochure na maglalarawan ng isang aspekto ng kulturang Pilipino.
2. Lagyan din ng pamagat o tag line ang ginawang materyal. Halimbawa: Pilipinas ang Ganda! Tayo Na!
3. Mga halimbawa ng maaaring gawin ay:
Masasarap na pagkaing Pilipino Mga larong Pilipino Mga pambansang sagisag at kahalagahan Isang tanyag na Pilipino sa kaniyang larangan Isang tanawin o lugar sa Pilipinas na maaaring puntahan Mga natatanging kaugalian sa Pilipinas Isang popular na kuwentong Pilipino na alam mo