You are on page 1of 2

Tulong ng Kuwintas

Sa malayong nayon ng lagumba nakatira si Felipe. Si Felipe ay isang simpleng


lalaki lamang, ngunit sya ay mula sa mayamang pamilya. Ganon pa man sa kabila ng
yaman na meron ang pamilya ni Felipe ay wala padin itong kabiyak sa buhay. Sa kabi
lang, banda ang mga nagiging nobya ni Felipe ay pera at ari-arian lamang ang habol
sa kanya ng mga ito, ngunit hindi sumuko si Felipe sa paghahanap ng tunay na Pag-
ibig bagkos itinuring nya na lamang itong lakas upang hindi sumuko sa kanyang kagus
tuhan, makita ng tunay na pag-ibig. Isang gabi ay hindi makatulog sa kakaisip si Felipe
na kong ano ba ang dapat niyang gawin para makahanap ng isang babaeng mag mam
amahal, sa kanya ng tunay ng hindi dahil sa yamang meron sya. Naisipan nya na lama
ng, na humingi ng tulong sa isang mga diyosa ng pag-ibig. Sinabi nya sa kanyang sarili
na haharapin ko lahat ng hamon na ibibigay sakin ng diyosa ng Pag-ibig.kinabukasan
ay nag patawag si Felipe ng mga tauhan at barko upang pumalaot sa gitang karagatan
kong saan nakatira ang diyosa ng kagandahan at Pag- ibig na si Aphrodite ang diyosa
ng Pag-ibig at kagandahan. Hindi naging madali ang pag hahanap ni Felipe sa diyosa
ng Pag-ibig sa kadahilanan hindi nakisama ang dagat na tila ba ay wawala sa lakas ng
alon na ipinapakita nito. Ganon pa man ay hindi naging dahilan ang ganon bagay para
sumuko na lamang si Felipe sa kanyang ginagawa. Nang makarating na sila Felipe sa
gitnang karagatan hindi na nagsayang ng oras si Felipe at agad naman nyang kinasap
si Aphrodite at sinabi ang kanyang pakay. Nais kong magkaroon ng babaeng mapapan
gasawa, at makakasama ko na pang habang buhay nais kong tulungan mo ako at
ibibigay ko ang iyong kagustuhan,ngunit tanging ngiti lamang ang ginanti niya dito at
sinabi nya kay Felipe na ikaw ay manatili sa kaharian ng Olympus at mamumuhay ng
mahirap pa sa isang mahirap ng limang araw at ibinigay ni Aphrodite ang kanyang
kumikinang na kuwintas at sinabi nya na ang kuwintas na ito ang magiging basihan sa
babaeng kanyang mapapangasawa agad naman itong kinuha ni Felipe. Sa unang araw
ng pananatili ni Felipe sa kaharian ng Olympus ay nakilala nya si Marie. Si Marie ay
maputi, maganda at mahabang buhok, nag pakita ito ng kasipagan kay Felipe ngunit
hindi ito naging sapat na dahilan upang ito ay kanyang mapiling kabiyak sa bubay
inilapag ni Felipe ang Kuwintas ni Aphrodite sa mesa at sinadyang iwan ito. Agad
naman itong napansin ni Marie at tinitigan ng matagal at tumingin sa paligid upang
siguraduhing wala doon si Felipe, naisip ni Marie na kong kukunin nya ito ay yayaman
at hindi na sya maghihirap sa buhay ng ilalagay nya na sana ito sa bulsa ay agad
naman itong nakita ni Felipe at kinuha sa kanya sa subrang kahihiyan ang nadama ni
Marie ay napatakbo na ito sa labas ng tinitirahan ni Felipe. lumipas ang tatlong araw
ay nakilala naman ni Felipe si Mesan, hindi ikakaila na si Mesan ay may pambihirang
ganda at kinis ng katawan. Hindi nag patukso si Felipe sa pambihirang ganda ni
Mesan dahil ang hanap ni Felipe ay tunay na pag-mamahal sa kabila ng kagandahan
ni Mesan isa sa mga katangian nya din ang pagiging makasarili at sinungaling hindi ito
ang hanap ko sabi ni Felipe sa kanyang sarili at nag latuloy na lamang sya sa kanyang
ginawa lumipas ang pang apat araw ni Felipe ay nakilala naman nya si Nida, si Nida ay
naiiba sa lahat sa pakat si Nisa ay Kulot at hindi ganon kaganda ngunit may busilak na
puso at kabaitan sa maghapong magkasama ni Felipe at Nida naipakita ni ang
kanyang pag alalaga at pag respeto nito kay Felipe inasikaso at pinasaya nya si Felipe
ng mga oras na iyon. Ngunit hindi ito sapat hindi magtatagal ang lagmamahalan kong
wala ang tiwala kaya naman ay iniwan na ni Felipe ang kuwintas ni Aphrodite sa mesa
Agad naman ito napansin ni Nida at kanyang hinawakan hinangaan nya ang taglay na
kagandahan ng kuwintas na ito naisip niyang kunin ito ngunit alam nya sa sarili nya na
mali iyon kaya naman ay inilapag nya ulit ang kuwintas nag pinahain na lamang si
Felipe ng kanilang hapunan, nakita lahat ni Filipe ang ginawa ni Nida kaya naman
kinaumagahan ay kinausap nya si Nida kong pwede nya ba iting maging asawa agad
naman pumayag si Nida kay Felipe. Pumunta si Felipe sa kaharian ni Aphrodite at
kayang isinuli ang kuwintas lubus na nag pasalamat si Filipe kay Aphrodite dahil sa
pagpayag nitong manatili si Felipe sa kanyang kaharian at sa pagpapahiram nito ng
kanyang kumikinang sa ganda ng kuwintas nito. Nag makabalik si Felipe sa bayan ng
Lagumba kasama si Nida ay nagpakasala silang dalawa at bumuo ng masayang
pamilya.

You might also like