inaalagaan ka nila ng husto, minahal ka nila ng buong- buo, at yan ang mga magulang mo.
Sa bawat mayroong mga gulo,
kilala ang kanilang kalooban na matibay at hindi sumusuko, hindi lamang sa salita kundi sa gawa, masisilayan ang pag-ibig na hindi naglalaho.
Pagsusumikap nila ay labis kong hinahangaan,
ginagawang umaga ang gabi para tayo’y matustusan, upang siguraduhin na sa bawat araw, ang pamila’y busog, ligtas, at masaya. Habang lumilipas ang panahon, inyong pagmamahal, walang katumbas na halaga, pasasalamat ko’y lubos, magpakailanman, sa inyong pagmamahal na walang katulad, aming ginagalang at hinahangaan.
Patawad, na minsan ako’y itim na tupa ,
nagawa kung saktan kayo, salita o gawa di dapat sa inyo, taos puso akong humihingi ng tawad at pag intindi.
Inay at Itay , pinapangako ko ,
sa iyong pagtanda’y ako’y laging nasa tabi niyo, ang mag-aalaga sa inyo hanggang maggabi, buong puso ko itong ipagmamalaki.