You are on page 1of 1

Panimula

Si Henri René Albert Guy de Maupassant o mas kilala bilang Guy de


Maupassant ay isang kilala at tanyag na manunulat na Pranses. Bilang isang
manunulat, maraming akda na ang kaniyang nailimbag at kabilang na dito ang isa sa
pinakatanyag niyang likha - ang maikling kwento na pinamagatang “Ang Kwintas”.
Masasabing ito ay sumasalamin sa kultura at katangian ng mga taga-Pransya.
Ang kwentong “Ang Kwintas” ni Maupassant ay patungkol sa kwento ng mag-
asawang nagnais na dumalo sa isang selebrasyon, at dahil sa kagustuhan ng babaeng
asawa na hindi mapahiya sa pagtitipon at makasabay sa mga taong naroroon ay
naghangad ito na humiram ng mga kagamitang mamahalin sa kaniyang kaibigan – isa
na nga rito ang mukhang mamahaling kwintas. Sa kalagitnaan ng pagsasaya, hindi nito
napansin na nawawala na sa kaniyang leegan ang kwintas, hinanap niya ito paroo’t-
parito, subalit hindi na natagpuan pa. Sa kagustuhan mapalitan ang alahas na hiniram,
ginugol ng mag-asawa ang sampung taon ng kanilang buhay upang magtrabaho nang
sa gayon ay mabayaran ito nang sapat. Laking gulat at dismaya ng mag-asawa nang
malamang ang kwintas na ipinahiram sa kanila ay isang imitasyon at peke lamang,
kung saan nabili lamang ito ng kanilang kaibigan sa murang halaga. Sa kabuuan ng
bawat pahayag sa kwento, masasabing pinag-isipan nang maigi ang mga ito, kung
saan maihahalintulad ito sa mga pangyayari sa totoong buhay na may mga taong mula
noon hanggang sa kasalukuyan ang nagmamalabis, at hindi nakukuntento sa mga
bagay na mayroon na sila. Halimbawa na lamang nito ay ang mga pulitiko lalo sa
kasalukuyan kung saan ginagamit nila ang pera o kaban ng bayan upang bumango ang
kanilang mga pangalan; sukdulang gumastos sila ng ilang milyon upang magmukhang
marami silang natutulungan, subalit ang tulong na iyon ay peke lamang at nanggaling
din sa bulsa ng mamamayan.
Ang pangunahing ideya at punto ng akdang ito ay ang hindi pagiging kuntento ng
tao sa kung ano ang mayroon sila at hindi pagharap sa karamihan ng tunay na
pagkatao nila. Ang akdang ito ay naglalayon na maiparating sa kaniyang mga
mambabasa na nararapat tayong matutong makuntento at maging masaya sa kung ano
ang mayroon tayo. Gayundin, nais nitong ipahayag na dapat na maging tapat tayo at
umamin sakali mang tayo nakagagawa ng pagkakasala.

You might also like