You are on page 1of 3

Samson, Carl Lester F.

BSME 1A
Activity # 1+1+1+1: I Am Still Just a Rat in a Cage

1. Ano ang layunin ng Mouse Utopia experiments ni John Calhoun?

Nagsimula noong 1900’s, kinondukto ni John Calhoun na isang American


ethologist sa Poolesville, Maryland. (https://www.victorpest.com/articles/what-
humans-can-learn-from-calhouns-rodent-utopia) Ang Layunin ng Mouse Utopia
experiment ni John Calhoun ayon sa video na pinanood, ay gumawa ng isang serye
ng rat utopia, o utopia na ang ibigsabihin ay “kathang isip na lugar kung saan lahat
ay perpekto, walang kulang, lahat ng pangangailangan at kagustuhan ay
naibibigay” o rat utopia na ang layunin ay gumawa ng city, kalakip o saradong
lugar para sa mga daga na mayroong walang hangganan na supply ng pagkain at
tubig upang mabuhay para matesting, masuri, at makapagkondukto ng experiment
tungkol sa population growth. Tinawag din na Universe 25, kung saan ang
espesipikong layunin ng experiment na ito ay bumuo ng isang environment na
nakaparata na kung paano nga ba maaalis ang mga problema na pwedeng harapin
ng kamatayan ng mga hayop, o sa kagubatan, kasama na din dito ang pagtest na
mayroong breeding pairs ng mga daga na nakalungsad sa loob ng setup o
komunidad na ginawa. At ang pinakalayunin ng eksperimentong ito ay malaman
kung ano nga ba ang mga posibleng mangyari sa populasyon ng sangkatauhan
pagdating ng panahon. (https://steemit.com/life/@fairider1/experiment-universe-
25-a-paradise-became-hell)

2. Ano ang behavior sink?

Ang Behavior sink, o isang termino galing kay John Calhoun na “Behavioral
Sink” na ang ibigsabihin ay pag-usbong ng populasyon sa kadahilanan ng hindi
kontroladong pag-uugali o aksyon ng isang hayop.
(https://www.smithsonianmag.com/smart-news/how-mouse-utopias-1960s-led-
grim-predictions-humans-180954423/) Ayon sa video na pinanood, ang behavioral
sink ay ang dahilan ng mga pangyayari ng pagtaas o pagdagdag sa patolohiya ng
mga daga na ang bunga ay pag over populate ng mga daga sa eksperimento dahil
sa kanilang stress na nararanasan dahil sa densidad ng kanilang populasyon. Sa
madaling salita, ang behavioral sink ay ang kaugalian na nagreresulta sa pagtaas ng
populasyon sa mga eksperimentong isinagawa. (https://borgenproject.org/theory-
behavioral-sink/)

3. Nag-a-apply ba sa mga tao ang findings ng mga eksperimentong ito? Bakit?


Bakit hindi?

Para sakin, ang Mouse Utopia Experiment ay hindi angkop o akma na i-


apply para sa mga tao. Unang una, ang galawan, kabuhayan, pangangaylangan,
kagustuhan, at isip ng tao ay hindi maihahantulad sa isang daga. Maaaring mataas
ang findings o resulta ng eksperimentong isinagawa ngunit kung iisiping mabuti,
mataas at komplikado ang dipirensya ng mga tao at daga kung pagkukumparahin at
kung iapply ang eksperimento. Sabihin natin na sa tao gumawa ng isang nakaset-
up na lugar, katulad ng eksperimento na ginawa, ibibigay lahat ng
pangangaylangan ng isang tao at tignan na lamang kung paano ang magiging pag
usbong ng populasyon, maiisip mo kaagad na hindi konektado ang lohika na basta
pagsamahin ang mga tao ay tataas ang rate o magkakaron ng overpopulation ng
tao. Isa pang dahilan ay hindi naman doble, triple o mas madami pa ang
panganganak ng isang tao kung itulad sa mga daga na madaming ipinapanganak,
maaaring may mamatay na ibang anak sa daga dulot sa kakulangan sa alaga at
pagbigay ng pangangaylangan, pero madami pa din ang nabubuhay kesa sa
namamatay, mabilis lang din ang pag produce ng mga hayop na ito, kumpara sa
mga tao na madaming kinokonsidera bago mag-anak, ang halimbawa ay pinansyal.

4. Sa iyong palagay, lehitimong problema ba ang overpopulation at


overcrowding sa urban centers? Bakit? Bakit hindi?

Simulan natin sa pagbigay ng kahulugan kung ano nga ba ang


nakokonsidera bilang urban centers. Ang urban center, o sa ingles na “city o any
city” na mayroong populasyon na pumapatak ng sampong libo na katao o mas higit
pa. At ang overpopulation at overcrowding para sakin ay isang problema talaga na
dapat solusyonan. Ngayon, lehitimo nga bang problema ang overpopulation at
overcrowding sa urban centers? Ang sagot ko ay oo, isang malaking dilema ang
overpopulation at overcrowding sa urban centers at hindi lang sa urban centers,
malaking suliranin ito sa buong mundo, lalo na sa lugar ng mga iskwater na kalat
sa iba’t ibang parte ng mundo. Isang totoo na halimbawa ay; Araw-araw, tumataas
ang bilang ng labis na populasyon sa urban centers at mga major cities sa buong
mundo. Dulot ng kakulangan ng edukasyon at pagkawala ng trabaho ng mga tao.
(https://ieltsmaterial.com/overpopulation-in-many-major-urban-centres-around-
the-world-is-a-major-problem/#:~:text=Sample%20Essay-,Overpopulation%20is
%20rising%20at%20an%20alarming%20rate%20in%20major%20cities,in
%20villages%20and%20small%20towns.)

You might also like