You are on page 1of 9

MGA ISYUNG

KALAKIP NG
MIGRASYON
Presentasyon ng : Groupo 10
PANIMULA
Pagtutuuan sa bahaging ito ang mga
kalakip na isyu ng migrasyon partikular
ang mga banta sa kalagayan ng migrante
FORCED LABOR, HUMAN
TRAFFICKING AND SLAVERY
Pagkakataon at panganib ang maibibigay ng
migrasyon. Napakalinaw nito sa pagdagsa ng mga
migranteng mangagagawa patungong Kanlurang Asya.
Sa isang banda, ang mga migranteng manggagawa ay
nakapagdadala sa kanilang pamilya ng libo-libong
dolyar na remittance.
NAITULONG SA KANILANG PAMILYA
UPANG MAKAAHON SA KAHIRAPAN

1.PAGPAPAGAWA NG BAHAY
2.PANTUSTOS SA PAGPAPAARAL
3.PAMBAYAD SA GASTUSING
PANGKALUSUGAN
Sa kabilang banda naman ay may mga migranteng namamatay,
nasasadlak sa sapilitang pagtatrabaho, at nagiging biktima ng
trafficking. Ang mga karanasan ng karamihan sa mga migrante ay
nasa gitna ng dalawang mukhang ito ng migrasyon. Marami sa
mga domestic worker ang napupunta sa maayos na trabaho.
Marami rin ang nahaharap sa ibat-ibang uri ng pang-aabuso tulad
ng hindi pagtanggap ng sahod, pagkakulong sa bahay ng kanilang
amo, hindi pagkain, sobrang trabaho, at ilang kaso ng matinding
psychological, pisikal, at sekswal na pang aabuso.
Nakapagtala ang Human Rights Watch ng dose-dosenang kaso kung saan
ang pinagsamang mga kalagayang ito ay kahalintulad na ng kalagayang
sapilitang pagtatrabaho, trafficking, o mala aliping kalagayan
Inamin ng mga opisyal ng Saudi labor at social affairs na kinapanayam ng
Human Rights Watch ang problema sa pang aabuso sa mga domestic
worker Subalit kanilang idiniin na maayos ang trato sa karamihan ng
domestic worker sa nasabing bansa. Wala pang datos na lumalabas ang
makakapagbigay ng wastong bilang ng mga domestic worker na
nahaharap sa paglabag sa kanilang karapatan sa paggawa o sa iba pang
karapatang pangtao. Subalit lalong lumalaki ang banta na sila ay maabuso
dahil sa mgan kahinaan sa labor code at mahigpit na gawi sa immigration
sa nasabing bansa. Maliit lamang ang pag-asa ng mga nakatikim ng pang
aabuso na tuluyang maituwid ang sinapit nila.
AYON SA TALA NG INTERNATIONAL
LABOR ORGANIZATION
-Halos 21 milyong tao ang biktima ng forced labor, 11 4 milyon dito ay mga
kababaihan at 9.5 milyonnaman ay mga kalalakihan
-Umabot sa 19 na milyon ang biktima ng eksploytasyon ng pribadong
indibiduwal at mga kompanya at lagpas sa dalawang milyon naman ng mga
rebeldeng grupo--Sa mga biktima ng eksploytasyon, 4.5 milyon ay biktima ng
eksploytasyong sekswal
- Nakalilikha ng US$ 150 bilyong illegal na kita ang forced labor taon-taon
- Malimit na mga migrant workers atindigenous peoples ang nagiging biktima ng
forced labor
GAWAIN:
Sa isang buong papel sumulat ng
essay patungkol sa mga maaring
magandang dulot na kalakip ng
migrasyon
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like