You are on page 1of 32

1

CHRISTUS VINCIT,
CHRISTUS REGNAT,
CHRISTUS IMPERAT
Dakilang Kapistahan ni Kristong Hari
Gabay sa pagtatanod sa Banal na Sakramento
PANIMULA
Namumuno: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu
Santo.
Bayan: Amen.

Namumuno: Purihin ang Diyos Amang makapangyarihan sa


lahat na gumawa ng langit at lupa.
Bayan: Kapuri-puri ang Diyos magpakailanman.

Namumuno: Purihin si Hesukristo ang bugtong na Anak at


Haring pastol ng tanan.
Bayan: Kapuri-puri ang Diyos magpakailanman.

Namumuno: Purihin ang Banal na Espiritu, Panginoon at


nagbibigay buhay na siyang nagpanibago sa
buong mundo.
Bayan: Kapuri-puri ang Diyos magpakailanman.

Namumuno: Sa araw na ito ay ipinagbubunyi natin ang


maringal na paghahari ni Kristo sa buong
sanlibutan. Sa katapusan ng ating paglalakbay, sa
pagdating ng kaganapan ng panahon ating
itinatampok at ipinagbubunyi ang tagumpay ng
Diyos. Lumilipas ang lahat at umuuwi ito sa
ganap na pakikipag-isa sa iisang Lumikha. Ang
tagumpay ng Haring Pastol na si Kristo na
naghatid ng umaapaw na pag-ibig na siyang
sumira sa lahat ng anyo ng pagkaalipin ay
dumarating at naghahatid ng ganap ng paghahari.
Sa harap ng Banal niyang Katawan, ang kabanal-
banalang sakramento atin siyang dakilain,
sambahin at iluluklok sa trono ng ating mga puso.

1
ISANG PAGKAIN, ISANG KATAWAN, ISANG BAYAN
(Lucio San Pedro)

Katulad ng mga butil na tinitipon


Upang maging tinapay na nagbibigay buhay
Kami nawa’y matipon din
At maging bayan Mong giliw

Koro: Iisang Panginoon, iisang katawan


Isang bayan, isang lahi
Sayo’y nagpupugay.

Katulad din ng mga ubas


Na piniga at naging alak
Sino mang uminom nito
May buhay na walang hanggan
Kami nawa’y maging sangkap
Sa pagbuo nitong bayang liyag. (Koro)

2
ANTIPONA 1
Sa lahat ng pagkakataon si Yahweh ay aking pupurihin;
pagpupuri ko sa kanya'y hindi ko papatigilin.

Awit: Daniel 3:57-88,56


Kaliwa:
Purihin ninyo ang PANGINOON, kayong lahat ng mga nilikha,
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
Purihin ninyo ang PANGINOON, kayong lahat, ng mga kalangitan;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
Purihin ninyo ang PANGINOON, kayong lahat,
mga anghel ng PANGINOON;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
Purihin ninyo ang PANGINOON, kayong lahat,
mga tubig sa ibabaw ng langit;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
Purihin ninyo ang PANGINOON, kayong lahat na bumubuo
ng kanyang hukbo; awitan siya ng papuri at dakilain
magpakailanman.
Purihin ninyo ang PANGINOON, araw at buwan;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
Purihin ninyo ang PANGINOON, mga bituin sa langit;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Kanan:
Purihin ninyo ang PANGINOON, mga ulan at hamog;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
Purihin ninyo ang PANGINOON, lahat ng hanging umiihip sa
sandaigdigan;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
Purihin ninyo ang PANGINOON, apoy at init;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

3
Purihin ninyo ang PANGINOON, nakapapasong init at
matinding lamig;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
Purihin ninyo ang PANGINOON, mga hamog at niyebeng nalalaglag;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
Purihin ninyo ang PANGINOON, mga araw at mga gabi;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
Purihin ninyo ang PANGINOON, liwanag at kadiliman;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
Purihin ninyo ang PANGINOON, graniso at ginaw;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Kaliwa:
Purihin ninyo ang PANGINOON, yelo at niyebe;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
Purihin ninyo ang PANGINOON, kidlat at mga ulap;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Kanan:
O lupa, dakilain ang PANGINOON;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
Purihin ninyo ang PANGINOON, mga bundok at mga burol;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
Purihin ninyo ang PANGINOON, lahat ng tumutubo sa lupa;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
Purihin ninyo ang PANGINOON, mga dagat at mga ilog;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
Purihin ninyo ang PANGINOON, mga bukal ng tubig;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
Purihin ninyo ang PANGINOON, mga balyena
at lahat ng nilikhang nasa tubig;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
Purihin ninyo ang PANGINOON, lahat ng mga ibon sa himpapawid;

4
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
Purihin ninyo ang PANGINOON, mga kawan at mga maiilap
na hayop;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
Lahat ng tao sa daigdig, puhihin ninyo ang PANGINOON;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Kaliwa:
Purihin ninyo ang PANGINOON, bansang Israel;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
Purihin ninyo ang PANGINOON, mga saserdote ng Diyos;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
Purihin ninyo ang PANGINOON, mga lingkod ng Panginoon;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
Purihin ninyo ang PANGINOON, kayong lahat na mga tapat;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
Purihin ninyo ang PANGINOON, lahat ng banal at mababang-loob;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
Purihin ninyo ang PANGINOON, Ananias, Azarias, at Misael;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Kanan:
Pagpalain ang Ama at Anak at Espiritu Santo;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman
Purihin ka sa buong sangkalangitan;
karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.

ANTIPONA 1
Sa lahat ng pagkakataon si Yahweh ay aking pupurihin;
pagpupuri ko sa kanya'y hindi ko papatigilin.

5
Ang Salita ng Diyos
Genesis 1, 1.26-31a

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis


Nang simulang likhain ng Diyos ang lupa at langit,
sinabi ng Diyos: “Ngayon, lalangin natin ang tao. Ating
gagawin siyang kalarawan natin. Siya ang mamamahala sa
mga isda, mga ibon at lahat ng hayop, maging maamo o
mailap, malaki o maliliit.” Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon
sa kanyang larawan. Lumalang siya ng isang lalaki at isang
babae, at sila’y pinagpala. Wika niya, “Magpakarami kayo at
punuin ng inyong mga supling ang buong daigdig, at
pamahalaan ito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga
isda, sa mga ibon, at sa lahat ng maiilap na hayop, maging
malalaki o maliliit. Binibigyan ko rin kayo ng lahat ng uri ng
butil at mga bungangkahoy na makakain. Ang lahat ng
halamang luntian ay ibibigay ko naman sa maiilap na hayop,
malaki man o maliit, at sa lahat ng mga ibon.” At ito nga ang
nangyari. Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa at
lubos siyang nasiyahan.

Ang Salita ng Diyos.

6
Maiksing Pagninilay:

Makapangyarihan ang Salita ng Diyos, pinagbubukalan ito ng


buhay at lahat dito ay nakapangyayari. Anumang sabihin ng
Diyos katuwang ang kanyang Salita, nabubuhay at umiiral.
Nalikha ang langit at lupa, ang araw at buwan, ang liwanag at
dilim, ang tubig at lupa, ang mga hayop: malaki man o maliit
sa makapangyarihang Salita. Ang korona ng paglikha, ang tao
ay nilalang gamit ang Salita, higit pa rito ibinigay ang hininga
ng Diyos. Dahil sa katotohanang ito ang bawat nilikha ay may
tatak ng Salita ng Diyos at pinaghaharian nito. Bawat nilikha
ay marapat lamang na pagharian ng Kristong Salita na kasama
ng Ama at Espiritu Santo. Salitang walang hanggan, maghari
ka sa amin.
Maglaan ng katahimikan.

7
PAGPUPURI KAY KRISTONG HARI
ANG SALITANG WALANG HANGGAN.
Salitang naroon na sa pasimula. Papuri sayo aming Hari.

Salitang kasama ng Ama. Papuri sayo aming Hari.

Salita na siyang Diyos. Papuri sayo aming Hari.

Salitang nagpapairal at lumilikha. Papuri sayo aming Hari.

Salita na siyang buhay. Papuri sayo aming Hari.

Salita ng siyang ilaw sa kadiliman. Papuri sayo aming Hari.

Salitang pinatotohanan ni Juan Bautista. Papuri sayo aming Hari.

Salitang nagkatawang-tao. Papuri sayo aming Hari.

Salitang nakipamayan sa atin. Papuri sayo aming Hari.

Salitang nagpakita ng kaluwalhatian ng Ama.


Papuri sayo aming Hari.

Salitang puspos ng kagandahang-loob at katotohanan.


Papuri sayo aming Hari.

Salita ng pag-ibig. Papuri sayo aming Hari.

Salitang umiiral na bago pa nagkapanahon.


Papuri sayo aming Hari.

Salitang nagparanas ng kagandahan-loob ng Diyos.


Papuri sayo aming Hari.

Salitang nagkatawang-tao. Papuri sayo aming Hari.

8
Kapuri-puri
Fr. Nemy Que, SJ

Kapuri-puri ka, Diyos Amang lumikha ng lahat


Sa Iyong kagandahang-loob narito ang aming maiaalay.

Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa


Ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

Kapuri-puri ang Poong Maykapal


Ngayon at magpakailanman
Kapuri-puri ang Poong Maykapal
Ngayon at magpakailanman.

Mula sa ubas at bunga ng aming paggawa


Ang alak na ito para maging inuming nagbibigay-lakas.

Kapuri-puri ang Poong Maykapal


Ngayon at magpakailanman
Kapuri-puri ang Poong Maykapal
Ngayon at magpakailanman.

9
ANTIPONA 2
Ang kanyang paghahari ay mananatili, at ang lahat ng mga
hari sa mundo ay maglilingkod at susunod sa kanya.

Salmo 72

Kaliwa:
Turuan mo yaong haring humatol ng katuwiran,
sa taglay mong katarungan, O Diyos, siya’y bahaginan;
upang siya’y maging tapat mamahala sa’yong bayan,
at pati sa mahihirap maging tapat siyang tunay.

Kanan:
Ang lupain nawa niya’y umunlad at managana;
maghari ang katarungan sa lupain nitong bansa.
Maging tapat itong hari sa paghatol sa mahirap
at ang mga taong wala’y pag-ukulan ng paglingap;
yaon namang nang-aapi ay malupig at bumagsak.

Kaliwa:
Nawa sila ay maglingkod, silang lahat mong hinirang,
hanggat’t mayro’ng namamalas na sikat ng buwa’t araw.
Hari nila ay matulad sa ulan ng kaparangan;
bumubuhos kung dumating sa lupain yaong ulan.

Kanan:
Yaong buhay na matuwid sa kanyang kapanahunan,
madama ng bansa niya at umunlad habang buhay.
Yaong kanyang kaharian ay palawak ng palawak mula ilog Eufrates,
sa daigdig ay kakalat.

10
Kaliwa:
Sa harap n’ya ay susuko yaong mga nasa ilang;
at ang mga kaaway n’ya’y mahihiga sa lansangan.
Mga haring nasa pulo at naroon sa Espanya,
maghahandog ng kaloob, ihahain din sa kanya.

Kanan:
Pati yaong mga hari ng Arabia at Etiopia,
may mga kaloob ding taglay nilang alaala.
Ang lahat ng mga hari, gagalang sa harap niya,
mga bansa’y magpupuri’t maglilingkod sa tuwina.

Kaliwa:
Papuri sa Ama, at sa Anak at sa Espiritu Santno.
Kapara noong una ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
ANTIPONA 2
Ang kanyang paghahari ay mananatili, at ang lahat ng mga
hari sa mundo ay maglilingkod at susunod sa kanya.

11
Ang Salita ng Diyos
Galacia 4,4-7

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-


Galacia

Mga kapatid:
Noong dumating ang takdang panahon, sinugo ng Diyos ang
kanyang Anak. Isinilang siya ng babae, at namuhay sa ilalim
ng Kautusan upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan.
Sa gayun, tayo’y mabibilang na mga anak ng Diyos.

Upang ipakilalang kayo’ y mga anak ng Diyos, pinagkalooban


niya tayo ng Espiritu ng kanyang Anak nang tayo’y
makatawag sa kanya ng “Ama! Ama ko!” Kaya’t hindi ka na
alipin kundi anak. Sapagkat anak, ikaw ay tagapagmana ayon
sa kalooban ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

12
Maiksing Pagninilay:

Ang kaisa-isang Anak ng Diyos, higit na una bago pa


nagkapanahon,ang hindi nakikita, ang hindi maabot ng pag-
iisip, ang hindi nahahawakan, ang simula ng mga simula, ang
liwanag ng mga liwanag, ang bukal ng buhay at walang
hanggang buhay, ang una sa lahat, hindi natitinag, ang
kaganapan, ang salita ng Ama: narito siyang dumarating sa
kanyang wangis at kinuha niya ang ating kalagayan para sa
kabutihan natin, at ipinagkaisa niya ang kanyang sarili sa
karunungang diwa para sa aking kaluluwa, at dalisayin ito.
Niyakap niya sa kanyang sarili ang lahat sa pagiging tao,
maliban sa pagkakasala. Siya ay ipinaglihi ng Birheng Maria,
na siyang unang nang inihanda katawan at kaluluwa sa
pamamagitan ng Banal na Espiritu. Ang pagsilang niya ay
dapat itangi ng may karangalan. Dumarating siya bilang
Diyos, sa kalagayan ng pagiging tao na kanyang kinuha, iisa sa
pag-iral, taglay ang dalawang elemento: ang laman at ang
espiritu. Ang Espiritu ang nagbibigay ng kabanalan, ang laman
ang tumatanggap nito.

Siya na mayaman ay naging mahirap; inari niya ang karukhaan


ng aking laman, upang kamtin ko ang kasaganaan ng kanyang
kabanalan. Sya na puno ng kapuspusan ay nawalan; hinubad
niya ang kanyang kaluwalhatian, upang ako makahati sa
kaganapan.

Mula sa sermon ni San Gregorio Nazianziano, Obispo.


Maglaan ng katahimikan.

13
PAGPUPURI KAY KRISTONG HARI,
NAGKATAWANG-TAONG DIYOS.

Ikaw na nagkatawang-tao. Sumaamin ka, Panginoon.

Ikaw na isinilang sa sabsaban. Sumaamin ka, Panginoon.

Ikaw na isinilang ni Maria. Sumaamin ka, Panginoon.

Ikaw na kinalinga ng amang si San Jose. Sumaamin ka, Panginoon.

Ikaw na bumuo sa Banal na Mag-anak. Sumaamin ka, Panginoon.

Ikaw na dinalaw ng mga Pastol sa kadiliman ng gabi.


Sumaamin ka, Panginoon.

Ikaw na sinamba ng mga dakilang Pantas.


Sumaamin ka, Panginoon.

Ikaw na pinag-alayan ng mga mamahaling handog.


Sumaamin ka, Panginoon.

Ikaw na binigyan ng ginto tanda ng pagka-hari.


Sumaamin ka, Panginoon.

Ikaw na binigyan ng kamanyang tanda ng pagpari.


Sumaamin ka, Panginoon.

Ikaw na binigyan ng mira tanda ng pag-aalay ng buhay.


Sumaamin ka, Panginoon.

Ikaw na busilak na handog sa Banal na Templo.


Sumaamin ka, Panginoon.

Ikaw na pinanabikan nina Simeon at Ana.


Sumaamin ka, Panginoon.

Ikaw na katuparan ng mga sinabi ng mga propeta.


Sumaamin ka, Panginoon.

14
Liwanag ng aming Puso
Luis Antonio Cardinal Tagle- Fr. Eduardo Hontiveros, SJ

Liwanag ng aming puso sa ami’y manahan ka.


Ang init ng ‘Yong biyay, sa amin ipadama.
Patnubay ng mahihirap, O aming pag-asa’t gabay.
Sa aming saya at hapis, tanglaw kang kaaya-aya.

Liwanag ng kaaliwan, sa ami’y dumalaw ka.


Kalinga mo ang takbuhan, noong unang-una pa.
Pawiin ang aming pagod, ang pasani’y pagaanin.
Minamahal kong kandungan, sa hapis kami hanguin.

Liwanag ng aming puso, sa ami’y manahan ka.


Idulot mo po sa amin, kapayapaang wagas.
Ang iyong gantimpala’t mana, pangako mong kasarinlan.
Ang bunga ng pagkandili: Ligaya magpakailanman.

15
Antipona 3
Ang lahat nawa ng nilalang na nasa langit at sa lupa ay
maninikluhod sa pangalan ni Hesus.

Filipos 2:6-11
Kaliwa:
Kahit siya'y likas at tunay na Diyos,
hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos.
Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos,
at naging katulad ng isang alipin.
Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao.
At nang si Cristo'y maging tao,
nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang kamatayan,
maging ito man ay kamatayan sa krus.

Kanan:
At dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos,
at ibinigay sa kanya ang pangalang higit sa lahat ng pangalan.

Kaliwa:
Sa gayon, sa pangalan ni Jesus
ay luluhod at magpupuri ang lahat
ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa.
At para sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama,
ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ang Panginoon.

Kanan:
Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kapara noong sauna ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
Antipona 3
Ang lahat nawa ng nilalang na nasa langit at sa lupa ay
maninikluhod sa pangalan ni Hesus.

16
Ang Salita ng Diyos
Ezekiel 34, 11-16
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Ako mismo ang maghahanap


at mag-aalaga sa aking mga tupa. Kung paanong hinahanap ng
pastol ang tupa niyang nawawala, gayun ko hahanapin ang
aking tupa. Kukunin ko sila saan man sila itinapon noong
panahon ng kanilang kasamaan. Titipunin ko sila sa iba’t-ibang
dako upang ibalik sa sarili nilang bayan. Doon ko sila aalagaan
sa kaparangan ng Israel, sa tabi ng mga bukal ng tubig at sa
magagandang pastulan. Aalagaan ko sila sa sariwang pastulan
sa tahimik na kaburolan ng Israel. Ako mismo ang
magpapastol sa kanila at hahanap ng kanilang pahingahan.
Hahanapin ko ang nawawala, ibabalik ang nalalayo, hihilutin
ang napilay, palalakasin ang mahihina, at babantayan ang
malulusog at malalakas. Ibibigay ko sa kanila ang kailangan
nilang pagkain.”

Ang Salita ng Diyos.

17
Maiksing Pagninilay:

Mga minamahal na kapatid, narinig ninyo ang pagsubok na


pinagdaraanan ng mga pastol. Inyong isaalang-alang ang mga
salitang ito ng ating Panginoon at isubok ito sa inyong sarili.
Tanungin ninyo ang inyong mga sarili kung kayo ay kabilang
sa kawan ng Panginoon, kung kilala ninyo siya, kung sa
liwanag ng kanyang katotohanan nagniningning ito sa inyong
mga diwa. Tinitiyak ko sa inyo na hindi sa pananampalataya
na mauunawaan ninyo ang Panginoon, kundi sa PAG-IBIG;
hindi lamang sa pag-iisip, kundi sa pagkilos. Si San Juan
Ebanghelista ang may akda ng ganitong pangungusap. Sinabi
niya, ang sinumang nagsasabi na kilala niya ang Diyos at hindi
tumutupad sa kanyang mg autos ay sinungaling.

Kasunod nito, idinagdag ng Panginoon: Kung paanong nakikilala


ako ng Ama at siya’y nakikilala ko; at iaalay ko ang aking buhay para
sa aking mga tupa. Maliwanag na sa kanyang pag-aalay ng
buhay para sa mga tupa nahayag ang kaalaman niya sa Ama at
ang karunungan ng Ama sa kanya. Sa madaling salita, sa
pamamagitan ng pag-ibig kung saan siya namatay para sa mga
tupa ay nahayag ang kanyang dakilang pag-ibig sa Ama.

Mga minamahal na kapatid, halina tumungo sa ganitong


pastulan kung saan mararanasan natin ang ganitong masayang
pagdiriwang.

Mula sa homilya ni Papa San Gregorio Magno sa ikaapat na Linggo


ng Pagkabuhay.

18
PAGPUPURI KAY KRISTONG HARI, PASTOL NG AMA.
Nagtiis ka ng apat napung araw sa ilang. Mahabag ka sa amin.

Nilusong mo ang tubig at nagpabautismo sa ilog Jordan.


Mahabag ka sa amin.

Humirang ka ng mga alagad. Mahabag ka sa amin.

Binago mo ang tubig sa Cana upang maging alak.


Mahabag ka sa amin.

Nagpaggaling ka ng mga may karamdaman. Mahabag ka sa amin.

Iminulat mo ang paningin ni Bartimeo. Mahabag ka sa amin.

Tumuloy ka sa mga makasalan tulad ni Zaccheo.


` Mahabag ka sa amin.

Pinatawad mo at pinalaya ang mga babae tulad ni Magdalena.


Mahabag ka sa amin.

Binuhay mo ang patay na si Lazaro. Mahabag ka sa amin.

Pinarami mo ang tinapay sa limang libo. Mahabag ka sa amin.

Tinapay ka na buhay. Mahabag ka sa amin.

Tinapay ka na buhat sa langit. Mahabag ka sa amin.

Tinapay na handog sa lahat. Mahabag ka sa amin.

Mabuting Pastol. Mahabag ka sa amin.

Pintuan ng Kawan. Mahabag ka sa amin.

Alak na ibinuhos sa ikatutubos ng marami. Mahabag ka sa amin.

Bagong tipan ng Ama. Mahabag ka sa amin.

19
ISANG BANSA
Fr. Eduardo Hontiveros, SJ

I
Oh, kay ganda ng ating buhay
Napupuspos ng pagpapala
Ng sakramentong mahiwaga
Kaloob ni Hesus sa’ting gabay.

II
Oh, kay tamis ng pagsasama
Nagmumula sa pagkakaisa
Bumubukal sa pagsasalo
Sa iisang hapag ay dumalo

Koro:
Purihin si Hesus sa sakramento
Purihin ng lahat ng tao
Purihin siya ng Pilipino
Sa pagkakaisa’y lingapin mo.

20
ANTIPONA 4
Ang wagas na pag-ibig mo'y mainam pa kaysa buhay,
kaya pupurihin kita, O Diyos, at pararangalan.

Salmo 63

Kaliwa:
O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi kong hinahanap;
ang uhaw kong kaluluwa'y tanging ikaw nga ang hangad;
para akong tuyong lupa na tubig ang siyang lunas.
Hayaan mong sa santuwaryo ika'y aking mapagmasdan,
at ang likas mong kaluwalhatian at kapangyarihan.
Ang wagas na pag-ibig mo'y mainam pa kaysa buhay,
kaya pupurihin kita, O Diyos, at pararangalan.

Kanan:
Habang ako'y nabubuhay, ako'y magpapasalamat,
at ako ay dadalangin na kamay ko'y nakataas.
Itong aking kaluluwa'y tunay na masisiyahan,
magagalak na umawit ng papuring iaalay.

Kaliwa:
Laman ka ng gunita ko samantalang nahihimlay,
magdamag na ang palaging iniisip ko ay ikaw;
ikaw ang sa aki'y tumutulong sa tuwina,
kaya sa iyong pagkupkop ligaya kong awitan ka.

Kanan:
Itong aking kaluluwa'y sa iyo lang nananalig,
kaligtasan ko'y tiyak, dahil sa iyo'y nakasandig.
Ngunit silang nagbabantang kumitil sa aking buhay,
sila nga ang masasadlak sa malamig na libingan.

21
Kaliwa:
Mamamatay silang lahat sa larangan ng digmaan,
kakanin ng asong-gubat ang kanilang mga bangkay.
Dahilan sa iyo, O Diyos, ang hari ay magdiriwang,
kasama ng mga tapat magpupuring walang hanggan.
Ngunit silang sinungaling, bibig nila ay tatakpan.

Kanan:
Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kapara noong sauna ngayon at magpasawalang hanggan.
Amen
ANTIPONA 4
Ang wagas na pag-ibig mo'y mainam pa kaysa buhay,
kaya pupurihin kita, O Diyos, at pararangalan.

22
Ang Salita ng Diyos
Mateo 25:31-46
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga


alagad: “Pagdating ng Anak ng Tao bilang Hari, kasama ang
lahat ng anghel, uupo siya sa kanyang trono ng kaluwalhatian.
Titipunin naman sa harapan niya ang lahat ng tao at sila'y
kanyang pagbubukud-bukurin, tulad ng ginagawa ng pastol sa
mga tupa at mga kambing. Inilalagay nito sa kanyang kanan
ang mga tupa, at sa kaliwa naman ang mga kambing. Kaya't
sasabihin ng hari sa mga nasa kanan niya, 'Halikayo, mga
pinagpala ng aking Ama! Pumasok kayo at tanggapin ang
kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang
daigdig. Sapagkat ako'y inyong pinakain noong ako'y
nagugutom; ako'y inyong pinainom noong ako'y nauuhaw.
Ako'y isang dayuhan at inyong pinatuloy. Ako'y walang
maisuot at inyong dinamitan, nagkasakit at inyong dinalaw,
nabilanggo at inyong pinuntahan.'

"Sasagot ang mga matuwid, 'Panginoon, kailan po namin kayo


nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming
pinainom? Kailan po kayo naging dayuhan at aming pinatuloy,
o kaya'y walang maisuot at aming dinamitan? At kailan po
namin kayo nakitang nagkasakit o nabilanggo at kayo'y aming
dinalaw?'

"Sasabihin ng Hari, 'Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa


isa sa mga alagad ko, siya man ang pinakahamak, ako ang
inyong tinulungan.'

23
"Sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, 'Lumayo kayo sa
harapan ko! Isinumpa kayo sa apoy na di namamatay na
inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon. Sapagkat
hindi ninyo ako pinakain noong ako'y nagugutom; hindi ninyo
ako pinainom noong ako'y nauuhaw. Hindi ninyo ako
pinatuloy noong ako'y isang dayuhan. Hindi ninyo ako
dinamitan noong ako'y walang maisuot. Hindi ninyo ako
dinalaw noong ako'y may sakit at noong ako'y nasa
bilangguan.'

"At sasagot din sila, 'Panginoon, kailan po namin kayo


nakitang nagutom, nauhaw, walang matuluyan, walang
maisuot, may sakit, o nasa bilangguan, na hindi namin kayo
tinulungan?'

"At sasabihin sa kanila ng Hari, 'Tandaan ninyo, nang


pagkaitan ninyo ng tulong ang isa sa pinakahamak sa mga ito,
ako ang inyong pinagkaitan.' Itataboy ang mga ito sa
kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay
magkakaroon ng buhay na walang hanggan."

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

24
Maiksing Pagninilay:

Paano nga ba natin mapaghahari si Kristo? Ang suotan siya ng


maringal na kasuotan? Ang siya’y samahan sa banal na oras?
Ang siya’y ipagpugayan sa maringal na prusisyon?

Hindi masama ang mga nabanggit na paraan para dakilain ang


kanyang pagkahari ngunit may paraan ang Panginoon upang
siya ay maghari, ANG MAHALIN ANG KAPWA LALO NA
ANG DUKHANG KAPWA. Hindi nagbabago ang aral niya
tungkol sa pagmamahal: IBIGIN MO ANG DIYOS AT IBIGIN
MO ANG IYONG KAPWA. Isang nakakagulat na sagot ang
inilantad ni Hesus sa mga nasa kanan at sa kaliwa tungkol sa
kanyang paghahari, ‘Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa
isa sa mga alagad ko, siya man ang pinakahamak, ako ang
inyong tinulungan.' Iniluluklok at kinikilala si Hesus kapag
nagawa nating pagmalasakitan at mahalin ang kanyang mga
minahal, ang mga ABA. At sa tuwing tinatalikuran natin at
pinagkakaitan ang pinakamaliit na kapwa, siya ang
tinatalikuran at ibinabagsak: 'Tandaan ninyo, nang pagkaitan
ninyo ng tulong ang isa sa pinakahamak sa mga ito, ako ang
inyong pinagkaitan.'
Sandaling katahimikan.

25
PAGPUPURI KAY KRISTONG HARI,
ANG SASERDOTENG WALANG HANGGAN.
Saserdoteng pumasan sa krus ng mundo. Sinasamba ka namin.

Saserdoteng itinanghal sa kalbaryo. Sinasamba ka namin.

Saserdoteng nananalanging nakapako sa krus.


Sinasamba ka namin.

Saserdoteng nagbigay ng huling hininga sa Ama.


Sinasamba ka namin.

Saserdoteng pumasok sa dakong banal. Sinasamba ka namin.

Saserdoteng naghandog ng minsanan. Sinasamba ka namin.

Saserdoteng inilibing. Sinasamba ka namin.

Saserdoteng pumanaog sa mga yumao. Sinasamba ka namin.

Saserdoteng Muling nabuhay. Sinasamba ka namin.

Saserdoteng umakyat sa langit. Sinasamba ka namin.

Saserdoteng lumuklok sa kanan ng Ama. Sinasamba ka namin.

Saserdoteng bumabalik bilang Hari. Sinasamba ka namin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis


ng kasalanan ng sanlibutan. Sinasamba ka namin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis


ng kasalanan ng sanlibutan. Sinasamba ka namin.

Kordero ng Diyos
na nagbibigay ng kapayapaan. Sinasamba ka namin.

26
Panalangin Pangkalahatan:

Namumuno:
Manalangin tayo kay Kristong Hari ng sanlibutan. Siya ang
panganay sa lahat ng mga sangnilikha at ang lahat ay umiiral
sa kanya. Sa pagdulog natin ating sabihin:

Dumating nawa ang Iyong paghahari, Panginoon.

Panginoong Hesus, ikaw ang aming Diyos at manunubos, ang


Mabuting Pastol at aming Hari, akayin mo ang iyong bayan sa
sariwang pastulan. Manalangin tayo:

Mabuting Pastol, iniaalay mo ang iyong sariling buhay alang-


alang sa mga tupa, maghari ka sa amin, at sa iyong pagkalinga
wala na kaming hihilingin pa. Manalangin tayo:

Panginoong Hesus, aming tagapagligtas, ikaw ay itinalagang


Hari ng buong sanlibutan, likhain mong muli kami sa
pamamagitan mo. Manalangin tayo:

Hari ng sangnilikha, dumating ka sa mundo upang magbigay


saksi sa katotohanan, kalalanin nawa ng lahat ang iyong
paghahari. Manalangin tayo:

Panginoong Hesus, aming guro, dinala mo kami sa ‘yong


paghahari, itulot mong kami ay ay maging banal tuwina
sa’yong harapan. Manalangin tayo:

Panginoong Hesus, lakas ng mga dukha at mahihina, lingapin


mo ang lahat ng dumaranas ng karukhaan sa pangangailangan
materyal at espirituwal. Manalangin tayo:

27
ADSUMUS SANCTE SPIRITUS
Kami ay narito sa Iyong harapan, Espiritung Banal,
nagkakatipon sa Iyong ngalan
Tanging kasama naming pumapatnubay,
Manahan ka sa aming mga puso’t kalooban;
ituro Mo sa amin ang landas na dapat tahakin
at kung paano namin ito sasapitin.
Mahihina kami at makasalanan;
Huwag Mong itulot na manaig ang kaguluhan.
Huwang Mong hayaang ang kamangmangan
ang magligaw sa aming patunguhan
ni ang pagkiling ay mag-udyok sa aming mga hakbang.
Masumpungan nawa namin sa Iyo ang aming pagkakaisa
upang kami ay sama-samang makapaglakbay
tungo sa buhay na walang hanggan
at huwag mawalay sa daan ng katotohanan at marapat.
Ang lahat ng ito ay aming hinihiling sa Iyo,
Ikaw na umiiral sa bawat dako at sandali,
sa pakikipagkaisa sa Ama at sa Anak,
magpasawalang hanggan. Amen.

Namumuno:
Bilang mga anak, manalangin tayo ng may buong pagtitiwala
sa ating Ama sa panalanging itinuro ni Hesus:

Maaring Awitin

Ama Namin…

28
Manalangin tayo:

Ama naming makapangyarihan,


winasak mo ang kapangyarihan ng masama
at pinapanibago ang lahat ng bagay
sa pamamagitan ng iyong Anak na si Hesukristo,
ang Hari ng sanlibutan.
Ipagbunyi nawa ng lahat sa langit at sa lupa
ang kaluwalhatian mo
at huwag manghinawa sa pagbibigay puri sa iyo.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.
Namumuno:
Pagpalain nawa tayo ng Panginoon, iligtas tayo mula sa lahat
ng kasamaan at akayin tayo sa buhay na walang hanggan.

Bayan: Amen

Ang pagtatanod ay maaring sundan ng prusiyon ng Banal na Sakramento o kung walang


prusisyon ay maaring isunod ang PAGBABASBAS NG BANAL NA SAKRAMENTO.

Christ the King

MINISTRI SA LITURHIYA

29
30

You might also like