You are on page 1of 2

Ang Pagbasa at Pagsulat ng Dula

Dula,drama o play sa Ingles


-nagtataglay ng diyalogo at aksiyon ng mga tauhan
-may pangunahing intensiyon na itanghal sa harap ng manunuod
-Ganapan (tradisyunal-entablado/impormal na lugar-kalsada

Sanligan ng Dula
1. Panahon ng Katutubo
-nag-ugat sa ritwal at seremonyang isinasagawa noon

2. Panahon ng Espanyol
-libangang-pandulaan at may kinalaman sa relihiyon

3. Panahon ng Amerikano
-isinilang ang sarsuwela na nagpapakita ng kaapihan at ang paghihimagsik sa bayan
-Walang Sugat ni Severino Reyes

4. Panahon ng Komonwelt
-ang pelikulang Tagalog ay nagpahina sa dulang Tagalog

5. Panahon ng Hapon
-ang tinatalakay ay karaniwang katatawan na nasisingitan din ng mga pahaging
-SaPula, Sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo

6. Panahon ng Republika- Dekada 50


- ang opera ay sinubukan namang ipalabas sa mga tanghalan
-ang dulang iisahing yugto ay binuhay ng don Carlos Palanca Awards

7. Pagkaraan ng Bagong Lipunan-Dekada 70


-karaniwang paksa nito ang kahirapan at kaisipan ng mga karaniwang tao, pagbatikos sa maling paraan at
paggamit ng dahas ng pamahalaan

8. Panahon ng EDSA People Power-Kasalukuyan


-nanumbalik ang demokrasya
-PETA, Teatro Pilipino

Elemento ng Dula
1. Tauhan-ang gumaganap sa dula
2. Tagpuan- lugar at panahong pinangyarihan ng kwento sa dula
3. Baghay- magkakasunod at magkkaugnay na mga tagpo
4. Diyalogo-usapan ng dalawa o higit pang tauhan
5. Espektakulo- tumutukoy sa mga elementong awdiyo-viswal
Mga Anyo o Uri ng Dula
1. Trahedya-ang bida ay hahantong sa malungkot na wakas o kabiguan

2. Komedya- nakakatawa at may tonong nang-uuyam o nanunuligsa

3. Parsa (Farce)- nagbibigay aliw sa pamamamgitan ng pagamit ng komikong pananalita, pagpapakita ng


kalabisan, karangyaan na malayong mangyari

4. Musikal- nagkakahalo rito ang musika, sayaw, awit, pagbigkas ng diyalogo (Hal. Phantom of Opera)

5. Pambata- may pangunahing layuning mapanood ng mga bata at umaakit sa kawilihan ng bata na may
pagpapahalagang angkop sa kanial (Hal. Si Butsiki, ang Unang Santang Baboy sa Langit)

Mga Teknik at Kagamitan sa Pagsulay at Pagtatanghal ng Dula

A. Intertelstuwalidad- tumutukoy sa masalimuot na pagkakaugnayan ng isang teksto sa iba pang teksto

1. Alusyon- di tuwirang pagtukoy o pag uunay sa isang tao, pangyayari, bagay o ideya

2. Pagsisipi- aktuwal na paggamit sa isa o ilang pangungusap mula sa ibang teksto.

3. Parodiya- paggagad sa isang teksto nang may ipinapalit na ibang mga salita para sa layuning magpatawa sa
panunuligsa (Hal. Ang mga Utos ng Fraile/Ang sampong Utos ng Prayle mula sa Dasalan at Tocsohan ni
Marcelo H. Del Pilar)

4. Pun-pagllaro sa salita na may ibat-ibang kahulugan o kaya’y ng mga salitang waring magkasintunog ngunit
may naiibang kahulugan

5. Soliloquy- pagkausap nang malakas ng isang tauhan sa kanyang sarili.

6. Monologo-may nag-iisang tauhang nagsasalita ngunit ang dalawa ay nagkakaiba sa nakikinig

B. Aside o Aparte-pananalita ng tauhan na nakatutok sa mga manunuod at hindi intensiyong iparinig sa iba
pang mga tauhan.

You might also like