You are on page 1of 15

Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________

Guro: ______________________________
Module Code: Pasay-AP7-Q2-W3-D1

DEPARTMENT OF EDUCATION – NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 7


Ikalawang Markahan/ Ikatlong Linggo/ Unang Araw

Mahahalagang Pangyayari at Ambag ng Indus


A. MELC: Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus, at Tsina).
LAYUNIN: Naitatala ang mga ambag at mahahalagang pangyayari ng Kabihasnang Indus.

B. PANIMULANG IMPORMASYON
Alamin Natin!
Napag-aralan mo sa nakaraang aralin na naging sentro rin ng sinaunang kabihasnan
sa Asya at mundo ang lambak-ilog ng Indus sa Indian subcontinent o Timog Asya.
Ang mismong ilog ay nakaganyak sa mga sinaunang tao na manirahan at kalaunan
ay magtatatag ng mga pamayanan at lungsod sa magkabilang pampang ng ilog.
Biyayang maituturing ang ilog Indus sapagkat nagkaloob ito ng kabuhayan sa mga
mamamayan partikular sa agrikultura dulot ng pagbabaha nito. Subalit, ang
pagbabaha ng ilog ay naghatid rin ng kalungkutan at nagbunga ng pagkalubog ng
maraming sakahan, napinsalang mga ari-arian, at pagkasawi ng maraming buhay.
Ang kagalingan ng kabihasnang Indus ay hindi lamang masasalamin sa kanilang husay upang
makontrol ang pagbabaha ng ilog kundi maging sa ibang aspekto at larangan. Alamin natin ang
mahahalagang pangyayari at ambag ng Kabihasnang Indus sa kasaysayan ng Asya at mundo.
Hindi pa man natitiyak at nauunawaan ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang mamamayan
ng Indus, naniniwala ang mga historyador na nakapagtatag ng isang maunlad na kabihasnan ang
mga sinaunang mamamayan sa rehiyon. Patunay rito ang mga arkeolohikal na ebidensyang
nahukay ng mga archeologist na siyang magpapaliwanag sa pamumuhay ng mga mamamayan ng
Indus. Ang natatanging halimbawa nito ay ang mahigit sa 100 pamayanan na nagpapatunay ng
maunlad na pamumuhay ng mga sinaunang mamamayan ng lambak-ilog Indus.
Maraming pamayanan at lungsod ang naitatag sa lambak-ilog Indus. Natatangi sa nadiskubre ng
mga archeologist sa kanilang mga natuklasan sa paghuhukay ay ang maayos na pagkakaplano ng
mga lungsod. Dalawa sa kilalang lungsod na ito na nagtataglay ng isang tiyak, maingat, at
masususing pagpaplanong-urban, ang Mohenjo-Daro at Harappa.
Ang mga gusali, tirahan, at mga lansagan sa lungsod ay nakaplano sa sistemang grid na nakaayos
ng pahilerang pahalang at pababa. Ang buong lungsod ay napalilibutan ng makapal na bakod.
Natuklasan na sa gitna ng mga lungsod ay ang moog o citadel, isang kuta o fortress na nagsisilbing
templo at proteksyon ng mga pamilya at naghaharing-uri. Ito ay nakapwesto sa pinakamataas na
bahagi ng lungsod. Sa Mohenjo-Daro halimbawa, isang malaking paliguan o tinatawag Great Bath
ang matatagpuan sa loob ng citadel na ipinapalagay ng mga historyador na ginagamit sa
seremonya o panrelihiyong ritwal ng mga mamamayan. Napaliligiran ang citadel ng mga gusali at
tirahan na gawa sa mud bricks o ladrilyo na may magkakatulad na sukat. Ang mga mud bricks na
ito ay kaiba sa Sumer na oven baked at hindi pinatuyo sa araw kung kaya’t mas higit itong matibay.
Ang ilang mga tirahan ay nagtataglay ng dalawa hanggang sa tatlong palapag na maaaring
pakikiangkop ng mga mamamayan sa taunang pagbabaha ng ilog. Kapansin-pansin rin ang
pagkakaroon ng mga palikuran, padaluyan ng maruming tubig o plumbing system, at mga kanal.
Mula sa mga gusali at tirahan ang mga naipong maruming tubig ay dumadaan sa mga luwad na
tubo patungo sa mga kanal at dumidiretso sa mga hukay na tapunan ng dumi sa labas ng bakod
ng lungsod. Ang pagsasaayos at pagkakatatag ng ganitong sistema ng pagpaplano ng lungsod ay
maituturing sa pagkakaroon ng isang
uri ng sentralisadong pamamahala.

Labi ng mga sinaunang lungsod ng


Harappa (kaliwa sa itaas) at Mohenjo-Daro
(kanan sa itaas) sa kasalukuyang Pakistan.

PINAGKUNAN:
https://www.britannica.com/topic/Indus-civilization

References for Further Enhancement:


1.) https://www.britannica.com/topic/Indus-civilization
https://www.ancient.eu/Indus_Valley_Civilization/
2.) AP7 Modyul para sa Mag-aaral ph. 113

Page 1 of 15
Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________
Guro: ______________________________

Moog o Citadel (kaliwa sa ibaba) at ang


Great Bath (kanan sa ibaba) sa labi ng
sinaunang lungsod ng Mohenjo Daro.

PINAGKUNAN:
https://www.britannica.com/place/Mohenjo-daro

Bakit natatangi ang mga lungsod ng sinaunang kabihasnan ng Indus? Ano-ano ang
paglalarawan sa mga sinaunang lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro?

Bagamat hindi pa natutukoy ang sistema ng pagsulat, tinatayang nasa mahigit 400 sagisag ang
natuklasang bumubuo sa wika ng Kabihasnang Indus. Natagpuan ang mga simbolong ito sa mga
stamp at seal sa mga inukit na batong ginagamit sa pakikipagkalakalan. Mayroon din silang tiyak
na paraan ng pantimbang at pagsukat. Ang mga halimbawa nito ay ang mga nahukay na mudbrick
na may magkakaparehong sukat, hugis, at bigat. Gayundin ang layo ng mga pagitan ng mga kalye
at pagkakahati ng lungsod batay sa sistemang grid.
Polytheistic o sumasamba sa maraming diyos at animistiko ang relihiyon ng mga mamamayan sa
Indus. Patunay rito ang mga natagpuang artifact ng mga estatwa at imahe. Sumasamba sila sa
mga hayop gaya ng kalabaw, toro, at baka na maiiugat sa kahalagahan ng mga ito sa pagsasaka.
Ang pagpapahalagang ito sa mga hayop ay makikita sa mga ukit sa mga clay model at mga stone
seal. Nakatagpo rin ang mga archeologist ng mga estatwa ng mga babaeng nagdadalangtao at
babaeng nagsasayaw. Sumasalamin sa mataas na pagpapahalaga ng mga taga-Indus sa mga
kababaihan. Ilang mga alahas na gawa sa ginto at blue stone na tinatawag na lapis lazuli ang
natagpuan sa mga archeological sites. Kasama rin sa mga ito ang kagamitan at iilang mga armas
na gawa sa bato, copper, at bronse.
Indus stone seals (kaliwa) at mga alahas na
natagpuan sa parehong mga lungsod ng
Mohenjo-Daro at Harappa (kanan).
PINAGKUNAN:
https://blog.nationalgeographic.org/2013/04/17/revealing-india-
and-pakistans-ancient-art-and-inventions/
https://www.harappa.com/slide/ancient-indus-ornaments

Ang mahabang panahon ng pamamayagpag ng kabihasnang Indus mula 2,600 hanggang 2,000
BCE ay biglang nagbago. Nagsimula ang unti-unting pagbagsak nito buhat sa iba’t ibang mga
kadahilanan. Ito ay ang bunga ng pagkasira ng kapaligiran at pagkakaubos ng pinagkukunang
yaman sa lugar, malakas na paglindol na nagdulot sa paglihis ng daloy ng ilog, at ang pananalakay
at pagsakop ng mga Aryan noong 1,200 BCE.
Gayunpaman, hindi maikakaila ang ambag at kontribusyon ng Indus sa pagpapaunlad ng kanilang
kabihasnan. Nagpapatunay rin ito ng kanilang ambag sa kasalukuyang kabihasnan ng Asya at
mundo. Lubhang marami pa ang dapat nating matutunan tungkol sa sinaunang kabihasnan ng
Indus lalong higit na hindi pa natutukoy at nauunawaan ang iniwan nilang sistema ng pagsulat.

Ano-ano ang mga ambag ng Indus sa kabihasnan ng Asya? Paano


nakatulong sa Kabihasnang Indus ang mga ambag na ito sakanilang
pang-araw-araw na pamumuhay? Ano ang kahalagahan at kapanibangan
ng mga ambag na ito sa kasalukuyan?

SANGGUNIAN:
Ph. D., Ronaldo B. Mactal., Padayon: Araling Panlipunan sa Siglo 21 (Araling Asyano), Phoenix Publishing House, Inc., Quezon City, Philippines, 2015.
(ph. 357-366)

Handa ka na ba sa mga Gawain?


Naunawaan mo ba ang aralin ngayong araw? Kung hindi, maaari mong
balikan ang talakayan. Bilang dagdag na kaalaman, maaaring subuking
magbasa ng iba pang mga sanggunian o kaya naman ay magsaliksik sa
internet upang lubos na maunawaan ang aralin. Kung ang aralin naman ay
naging malinaw sa iyo, humanda para sa mga gawaing inihanda para sa
iyo. Humanda at matuto!
References for Further Enhancement:
1.) https://www.britannica.com/topic/Indus-civilization
https://www.ancient.eu/Indus_Valley_Civilization/
2.) AP7 Modyul para sa Mag-aaral ph. 113

Page 2 of 15
Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________
Guro: ______________________________

C. MGA GAWAIN
GAWAIN 1: PAG-ALAM SA MGA KONSEPTO
Piliin mula sa pangkat ng mga salita ang konseptong may kinalaman sa Kabihasnang Indus. Bilugan
ang mga ito. Pagkatapos, bigyang-kahulugan ang konseptong hindi nabibilang sa bawat pangkat.
1. Sistema ng pagkakaplano ng mga lungsod sa Mohenjo-Daro at Harappa.
Grid Organic Radial Grid Sub-urban
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Estruktura na matatagpuan sa pinakamataas na bahagi ng lungsod.
Citadel Pagoda Templo Ziggurat
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Uri ng relihiyon ng ng pagsamba o paniniwala sa maraming diyos.

Animistic Folk Religion Monotheistic Polytheistic


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Ukit na mga ng disenyo ng hayop.
Clay Cylinder Indus Stone Statue
Tablets Seals Seal
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Ang kabihasnang ito ay matatagpuan sa mga kasalukuyang bansa ng India at Pakistan.
Indus Nile Shang Sumer
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

GAWAIN 2: EVENTS DIAGRAM


Kompletuhin ang dayagram sa pamamagitan ng pagtatala ng mga pangyayaring nagpasimula (1),
nagpatatag (2), at nagwakas (3) sa Kabihasnang Indus.

1 2 3

GAWAIN 3:LAF (LIST ALL FACTORS)


Gamitin ang LAF (List All Factors) ng mga pagkakakilanlang kultural at panlipunan ng Kabihasnang
Indus.

References for Further Enhancement:


1.) https://www.britannica.com/topic/Indus-civilization
https://www.ancient.eu/Indus_Valley_Civilization/
2.) AP7 Modyul para sa Mag-aaral ph. 113

Page 3 of 15
Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________
Guro: ______________________________

GAWAIN 4: MY CITY
Bigyang pagsusuri ang dalawang lungsod ng Mohenjo-Daro (kaliwa) sa Kabihasnang Indus at
Pasay at Makati (kanan) sa kasalukuyan batay sa lay-out nito. Tingnan ang mga katangiang taglay
sa pagpaplanong pang-urban ng mga sumusunod na lungsod noon at sa kasalukuyan.
1. Paano nagkaiba at
nagkatulad ang disenyo
at katangian ng mga
lungsod ng Mohenjo-
Daro sa Kabihasnang
Indus at lungsod ng
Pasay at Makati.
Mohenjo-Daro:
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
PINAGKUNAN:
https://www.pinterest.se/pin/552113235564727542/?nic_v2=1a1GH6PsB
https://www.pinterest.ph/pin/507147608025577088/?nic_v2=1a1GH6PsB
Pasay at Makati: _____________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Pagkakatulad: _______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Batay sa mga larawan, anong paghihinuha ang maaaring mabuo sa katangian ng mga lungsod
ng Mohenjo-Daro at Pasay at Makati?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

GAWAIN 5: PUSO AT KAHON


Isulat sa loob ng PUSO ang ilan sa mga naging ambag o kontribusyon ng kabihasnang Indus. Sa
loob ng KAHON, isulat ang mga kabutihang dulot nito noon at sa kasalukuyang kabihasnan ng
Asya at mundo.

References for Further Enhancement:


1.) https://www.britannica.com/topic/Indus-civilization
https://www.ancient.eu/Indus_Valley_Civilization/
2.) AP7 Modyul para sa Mag-aaral ph. 113

Page 4 of 15
Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________
Guro: ______________________________

Bago ka magpatuloy, TANDAAN na:


• Ang sistema ng pagsulat ng Kabihasnang Indus ay hindi pa natitiyak at nauunawaan
hanggang sa kasalakuyan.
• Maraming mga arkeolohikal na ebidensiya ang nagpapatunay sa maunlad at mayamang
kabihasnan ng Indus.
• Ang Kabihasnang Indus ay nagkaloob ng maraming ambag na siyang napapakinabangan
pa rin natin hanggang sa kasalukuyan.

Tara, magpatuloy tayo sa iyong huling gawain!

D. PAGTATAYA
Punan ng tamang salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwa nito. Piliin sa loob ng aklat ang
wastong sagot ng bawat bilang.

Ang kabihasnang Indus ay isang maunlad na kabihasnan sa Indian subcontinent o Timog Asya
noong sinaunang panahon. Umusbong at kalaunan ay umunlad ang mga naitatag na
pamayanan at lungsod sa tabi ng (1) _______________. Dalawa sa mga kahanga-hangangang
lungsod na ito, ang (2) _______________ at (3) _______________ ay nagtataglay ng maunlad
na uri pamumuhay. Ang mga lungsod na ito ay nakapagtatag ng isang maayos na pagpaplanong
pang-lungsod na nakabatay sa (4) _______________. Matatagpuan sa mataas na bahagi at
gitna ng lungsod ang (5) _______________ na nagsisilbing proteksyon ng mga pamilya at
naghaharing-uri. Pawang gawa sa mga (6) _______________ ang mga tirahan at estruktura na
oven baked na higit na mas matibay. Ang pagkakaroon ng isang sistema ng padaluyan ng
maruming tubig o (7) _______________ ay katangi-tangi sa mga lungsod na ito. Mayroon silang
tiyak na sistema ng (8) _______________ at (9) _______________ na kapansin-pansin sa
sukat, hugis at bigat ng mga nahukay na ladrilyo at pagpapalno ng mga lungsod. Batay sa mga
ebidensya, sinasabing ang relihiyon ng mga mamamayan ng kabihasnang Indus ay (10)
_______________ na sumasamba sa maraming diyos.

pantimbang
citadel
plumbing system
Harappa
polytheistic
lambak-ilog Indus
sistemang grid
Mohenjo-Daro
Sumer
mud bricks
ziggurat
pagsukat

Binabati kita! Tiyak kong taglay mo na ang mga kaalamang dapat na


matutunan sa aralin. Ang mga gawaing inihanda para sa iyo ay nakatulong
din na mahubog ang iyong mga kakayahan at kasanayan. Para sa mas
pagpapalalim at pagpapayaman ng iyong mga natutunan, magkita tayong
muli sa susunod na pagtalakay ng bagong aralin.

References for Further Enhancement:


1.) https://www.britannica.com/topic/Indus-civilization
https://www.ancient.eu/Indus_Valley_Civilization/
2.) AP7 Modyul para sa Mag-aaral ph. 113
Inihanda ni: G. Rex John D. Sol
Page 5 of 15 Pasay City West High School
Pangalan: ____________________ Baitang at Pangkat: ____________________
Pangalan ng Guro: ____________________

Module Code: Pasay-AP7-Q2-W3-D2

DEPARTMENT OF EDUCATION - NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 7


Ikalawang Markahan / Ikatlong Linggo / Ikalawang Araw

MELC: Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus at Tsina).
Layunin: Nasusuri ang kagalingan ng mga sinaunang Asyano sa kabihasnang Shang sa paghubog
ng kanilang kabihasnan.

Ang Kagalingan ng Kabihasnang Shang sa Paghubog ng Kanilang Sibilisasyon

PANIMULANG IMPORMASYON
Mahalagang mapag-aralan ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagkakatatag at pag-iral ng kabihasnang
Shang, gayundin ang kahusayan ng mga sinaunang Tsino sa paghubog sa sibilisasyong ito.

ATING TUKLASIN

http://www.chinaknowledge.de/History/Myth/shang-map.html

Dinastiyang Shang, ang unang naitala na dinastiyang Tsino na mayroong parehong dokumentaryo at
arkeolohikal na katibayan. Ang dinastiyang Shang ay ang ipinalalagay na kahalili ng maalamat na unang
dinastiya, ang Xia (c. 2070 – c. 1600 BCE).

Ang mga petsa ng pagkakatatag ng dinastiyang Shang ay nag-iiba mula sa 1760 hanggang 1520 BCE, at ang
mga petsa para sa pagbagsak ng dinastiya ay magkakaiba rin, mula 1122 hanggang 1030 BCE. Ang panahon
ng pamumuno ng dinastiya ay ayon sa nakaugaliang petsa na 1766–1122 BCE. Gayunpaman, ang mga mas
bagong pagtatayang arkeolohiko ang naglagay ng petsa ng pagsisimula ng Shang noong mga 1600 BCE at sa

Page 6 of 15
Pangalan: ____________________ Baitang at Pangkat: ____________________
Pangalan ng Guro: ____________________

pagtatapos ng dinastiya sa 1046 BCE. Ang huling bahagi ng dinastiyang Shang, mula sa paghahari ng
emperador ng Pangeng pasulong (ibig sabihin, mga 1300 BCE), ay tinawag din na dinastiyang Yin.

Ang Shang ay nakasentro sa Hilagang Kapatagan ng Tsina at umaabot hanggang sa hilaga sa modernong
mga lalawigan ng Shandong at Hebei at pakanluran hanggang sa kasalukuyang lalawigan ng Henan. Ang mga
hari ng Shang ay pinaniniwalaang nanirahan sa iba’t ibang mga kapitolyo, isa sa mga ito ay maaaring sa
modernong Zhengzhou, kung saan may mga kayamanang arkeolohiko na natagpuan, ngunit tumira sila sa
Anyang noong ika-14 na siglo BCE. Ang hari ay humirang ng mga lokal na gobernador, at mayroong isang
itinatag na uri ng mga maharlika pati na rin ang masa, na ang pangunahing paggawa ay sa agrikultura.
Naglalabas ang hari ng mga pahayag kung kailan maaaring magtanim, at ang kabihasnan ay may isang
mahusay na sistema ng kalendaryo na may 360-araw na taon at binubuo ng 12 buwan na may 30 araw bawat
isa. Sa panahon ng Shang nagsimulang umunlad ang pagsulat na Tsino, at ang simbolo para sa "buwan" na
nasa kalangitan ay siya ring simbolo para sa "buwan" ng taon. Parehong kinikilala ng kalendaryo ang pag-ikot
ng araw at buwan, at, nagdadagdag pa ng mga buwan kung kinakailangang iangkop ang taong lunar sa taong
solar.

Ang mga instrumento ng musika ay maliwanag na nagmula sa Xia o kung ano man ang lipunan na nauna sa
Shang, dahil mapapansing ang mga instrumento ng Shang ay mas nalinang na at may kasamang isang luwad
na ocarina, na naitono sa mga tunog ng bato, at mga kampanilya at tambol na tanso. (Sinasabi sa mga alamat
na ang mga intrumentong kawayan ay naimbento ng mga matatandang pamayanang mas nauna pa sa Xia.)

Ang mga arkitekto sa panahon ng Shang ay nagtayo ng mga bahay na gawa sa troso sa ibabaw ng mga
palapag na lupa, na may mga dingding na pinatungan ng luwad at mga bubong na dayami. Ang mga nitso ay
hinukay sa luwad, at ang kanilang mga dingding ay nagpapakita ng mga bakas ng mga pagpipinta na may
pagkakahawig sa ilan sa mga palamuti at mga hugis ng hayop na nakalarawan sa mga kilalang kagamitang
tanso noong panahong iyon. Ang mga kagamitang tanso ng Shang ay sinauna, ngunit ang paglinang sa mga
ito ay mababakas sa mga kagamitang seremonyal, gayundin sa ilang kasangkapan sa pagluluto at paghahatid
ng mga pinggan at iba't ibang mga materyales at palamuti. Mayroong lutuang may 3 paa na tinatawag na li, at
sa ibabaw nito ay maaaring lagyan ng isang tansong zeng, isang mangkok na may butas sa ilalim na maaaring
gamitin bilang isang steamer o pampainit ng pagkain. Kapag magkakasama ang mga kagamitang ito ay
tinatawag na yan. Ang mga panghatid ng mga mangkok ay madalas na may hawakan, at ang pambuhos na
mga sisidlan, tulad ng gu, ay may mahabang tubo o nguso. Ang mga ito at maraming iba pang mga sisidlan ay
kadalasang lubhang napalalamutian.

Sagana ang kabihasnang ito sa mga palayok, at ang mga magpapalayok na Shang ay gumawa ng
panghulmang luwad para sa pag-aanyo ng mga tansong kagamitan. Gumamit din sila ng mga panghulmang
luwad upang itatak ang mga dekorasyon sa mga mangkok na luwad — na ang mga hugis sa maraming mga
pagkakataon ay malinaw na nagbigay-inspirasyon sa mga disenyong pangtanso. Ang ilan sa mga palayok ay
nagpapakita na ang mga ito ay posibleng ginawa sa gulong na panghulma. Ang mga palayok ay may
kasamang mga pinggan at mangkok na nababalutan ng puting glaze para sa seremonya at panritwal na
paggamit, pati na rin ang itim na kasanggkapan na nababalutan sa saganang kayumangging glaze para sa
higit na panandaliang gamit.

Ang pag-ukit ng jade ay naging mas maunlad sa panahon ng Shang. Ang mga sandatang panseremonya ay
gawa sa jade, pati na rin mga bahaging jade para sa aktwal na mga sandata. Ang mga jade figurine ay may
hugis ng tao at hayop, na may detalyadong pag-uukit. Marami sa mga bagay na ito ay natagpuan sa mga
libingan ng panahon iyon. Ang mga sining na panlamay ay kumpleto sa lahat ng sukat mula sa maliliit na
kagamitang jade hanggang sa inukit na buto at garing (ivory, minsan nababalutan ng turquoise) at binarnisang
karwahe. Ang mas malalaking mga iskultura na gawa sa marmol ay naaayon sa tema at disenyo ng mga
hayop.

Walang anumang panitikan na natuklasan mula sa Shang, ngunit mayroong maraming mga tala at seremonyal
na inskripsiyon at mga pangalan ng pamilya o angkan, na inukit o iginuhit sa mga buto o bahay ng pagong.
Tatlong uri ng mga karakter ang ginamit sa sistema ng pagsulat ng Shang — mga pictograph, ideogram, at
phonogram — at ang mga talaang iyon ang mga pinakaunang nakatalang sistema ng pagsulat sa Tsina.
https://www.britannica.com/topic/Shang-dynasty

GAWAIN 1: Anu-ano ang mga nagawa ng mga sinaunang Tsino ng kabihasnang Shang na nagpapatunay ng
kagalingan at pagkamalikhain sa paghubog ng kanilang sibilisasyon? Maglista ng lima (5).

1. 4.
2. 5.
3.

Page 7 of 15
Pangalan: ____________________ Baitang at Pangkat: ____________________
Pangalan ng Guro: ____________________

ATING PAGHANDAAN
Naunawaan mo ba ang ating aralin? Kung hindi pa rin, balikan ang ATING TUKLASIN. Kung may Internet o
ibang aklat tungkol sa Asya, magsaliksik ng iba pang kaisipan tungkol sa Kabihasnan / Sibilisasyong Shang
(Shang Civilization). Kung ganap mo nang naunawaan ang ating aralin, maaari ka nang magsagawa ng mas
maraming pagsasanay. Kaya mo ‘yan!

GAWAIN 2:
Maglista ng mga kaalaman tungkol sa kabihasnang Shang ayon sa mga sumusunod na larangan:

KASAYSAYAN PAMAHALAAN ARKITEKTURA

1. 5. 9.

2. 6. 10.

3. 7. 11.

4. 8.

MUSIKA SINING PANITIKAN

12. 15. 18.

13. 16. 19.

14. 17. 20.

GAWAIN 3: MAGBALITAAN TAYO


Basahin ang artikulo, at sagutan ang sumusunod na mga tanong tungkol dito.

Liangzhu: ang 5,000-taong-gulang na sibilisasyong Tsino na kinalimutan ng panahon

Nagpinta ito ng ibang-ibang larawan mula sa tradisyunal na pagtingin sa kasaysayang Tsino. Ang mga
maliliit na pamayanang pansakahan ay nagsimulang lumitaw mga 10,000 taon na ang nakalilipas.
Gayunpaman, kamakailan lamang, ipinalagay na ang unang lipunang estadong Tsino - ang isa na may
pormal na sistemang pampulitika at kumplikadong samahang panlipunan - ay lumitaw 3,600 taon lamang
ang nakalilipas, sa pag-angat ng dinastiyang Shang sa gitnang kapatagan ng Tsina. Ngunit ang Liangzhu,
malayo sa timog-silangan, ay may maraming mga palatandaan ng isang lipunang estado mga 1,700 taon na
mas maaga kaysa sa Shang, pahayag nina Colin Renfrew at Liu Bin, mga arkeologo na nagsagawa ng
karamihan sa arkeolohikal na pagsasaliksik sa Yangtze.

Una, ay ang sukat ng populasyon. Tinantiya ng pangkat ni Liu na umakyat ito sa nasa pagitan ng 22,900 at
34,500 katao, na maraming beses na mas malaki kaysa sa anumang naunang pamayanang Tsino.
Pagkatapos mayroong malinaw na katibayan ng isang mahigpit na pag-aantas sa lipunan, tulad ng malawak
na pagkakaiba sa pagitan ng mga libingan ng mayaman at mahirap. Panghuli, mayroong mga maambisyong
palatandaan ng mga sama-samang paggawa, kabilang ang pagbuo ng mga pader ng lungsod, ang
plataporma ng Mojiaoshan at mala-palasyong mga gusali at sopistikadong pagtatayo ng mga dam o
hydraulic engineering.

PINAGKUNAN: David Robson, South China Morning Post, Abril 18, 2020 (Excerpt)
https://www.scmp.com/magazines/post-magazine/long-reads/article/3080219/liangzhu-5000-year-old-
chinese-civilisation-time

Page 8 of 15
Pangalan: ____________________ Baitang at Pangkat: ____________________
Pangalan ng Guro: ____________________

SHANG LIANGZHU PARA SA AKIN

Ayon sa unang kaalaman na iyong Ayon naman sa balitang iyong Kung ikaw ang tatanungin, aling
napag-aralan, bakit Shang ang nabasa, bakit Liangzhu ang kabihasnan ang dapat ituring na
itinuturing na unang lipunang itinuturing na unang lipunang unang lipunang estado sa China?
estado sa China? Ipaliwanag. estado sa China? Ipaliwanag. Shang o Liangzhu? Bakit?
Ipaliwanag.

GAWAIN 4:
Kung ikaw ay magbubukas ng isang Museum na naglalaman ng mga sinaunang kagamitan na nagpapatunay
sa kasaysayan ng kabihasnang Shang sa China, paano mo ito isasaayos? Iguhit at ipaliwanag sa sumusunod
na Museum Floor Plan. Kumuha ng ideya mula sa babasahin sa una at ikalawang pahina.

Halimbawa

Jia - Ito ay
kagamitang
panritwal ng
dinastiyang
Shang na
ginagamit
lamang
tuwing may
mahalagang
seremonya
sa kaharian.

Page 9 of 15
Pangalan: ____________________ Baitang at Pangkat: ____________________
Pangalan ng Guro: ____________________

RUBRIK Nangangailangan pa ng Katanggap-tanggap Mahusay Pinakamahusay


(Para sa Guro) Pagpapaunlad
PUNTOS / KATEGORYA 1 PUNTO 2 PUNTOS 3 PUNTOS 4 PUNTOS
Imahe ng Primaryang 1-2 imahe 3-4 imahe 5-6 imahe 7+ imahe
Sanggunian
Pagpapakilala sa Imahe 1 salita bawat imahe 1 parirala bawat imahe 1 pangungusap bawat 2+ pangungusap bawat
imahe imahe
Pag-uugnay sa Kagalingan 1 salita bawat imahe 1 parirala bawat imahe 1 pangungusap bawat 2+ pangungusap bawat
ng Kabihasnang Shang imahe imahe
Pagkamalikhain 25% ng espasyo ay 50% ng espasyo ay 75% ng espasyo ay 100% ng espasyo ay
ginamit sa pagguhit at ginamit sa pagguhit at ginamit sa pagguhit at ginamit sa pagguhit at
pagkukulay pagkukulay pagkukulay pagkukulay
Kalinisan 25% ng Museum Floor 50% ng Museum Floor 75% ng Museum Floor 100% ng Museum Floor
Plan Plan Plan Plan

TANDAAN
• Ang dinastiyang Shang ang unang kabihasnan sa China na mayroong mga katunayang
pangkasaysayan at kinikilala ng karamihang mananalaysay sa kasalukuyan.
• Mayroong mga makabagong pag-aaral at pananaliksik na nagpapatunay sa iba pang mas malaki at
organisadong kabihasnan at lipunang estado kaysa Shang. Isa dito ang Liangzhu.

GAWAIN 5: PAHALAGAHAN NATIN


Isulat ang T kung tama at M kung mali ang sumusunod na pahayag.

_____1. Hindi ako mag-aaksaya ng mga pagkaing bunga ng pagtatanim at pagsasaka.


_____2. Pahahalagahan ko ang mga lumang bahay sa Pilipinas.
_____3. Lilikha ako ng mga masining na kagamitan.
_____4. Susuportahan ko ang ilegal na pagpapasok ng mga Tsino sa ating bansa.
_____5. Magsasaliksik pa ako tungkol sa dinastiyang Shang.

PAGTATAYA: PATUNAYAN MO
Piliin ang tamang sagot mula sa kahon at isulat sa patlang bago ang bilang.

1600 BCE Shang sining


1046 BCE Yin agrikultura
1760 BCE Xia arkitektura
1122 BCE Liangzhu panitikan

__________1. Ayon sa pinakabagong pananaliksik, kailan nagwakas ang dinastiyang Shang?


__________2. Saang larangan nabibilang ang pagkaimbento ng Shang sa kalendaryong lunar at solar?
__________3. Ano ang pangalan ng mas maikling dinastiya na sumunod sa Shang?
__________4. Anong dinastiya sa China ang may malinaw na katibayang pangkasaysayan na
umiral nga ito noong sinaunang panahon?
__________5. Saang larangan nabibilang ang pagtatayo ng mga bahay na yari sa troso at luwad ng mga
sinaunang Tsino na kabilang sa dinastiyang Shang?
__________6. Ano ang pangalan ng maalamat na dinastiyang Tsino na sinasabing mas nauna pa sa Shang?
__________7. Ayon sa pinakabagong pananaliksik, anong sinaunang kabihasnan at lipunang estado sa China
ang napatunayang mas matanda pa kaysa dinastiyang Shang?
__________8. Saang larangan nabibilang ang paggamit ng jade sa paggawa ng mga kasangkapan ng mga
sinaunang Tsino na kabilang sa dinastiyang Shang?
__________9. Saang larangan nabibilang ang paggamit ng mga pictograph, ideogram, at phonogram ng mga
sinaunang Tsino na kabilang sa dinastiyang Shang?
__________10. Ayon sa pinakabagong pananaliksik, kailan nagsimula ang dinastiyang Shang?

PAGYAMANIN
Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaisa, Learner’s Modyul, ph. 111-114
https://www.slideshare.net/ssusercdfe4f/araling-asyano-learning-module-second-quarter
https://www.nationalgeographic.org/article/imperial-chinas-dynasties/
https://www.britannica.com/topic/Shang-dynasty
https://www.youtube.com/watch?v=ylWORyToTo4
LARAWAN:
Jia (https://cdn.britannica.com/77/12977-050-EEF03630/Bronze-jia-Shang-dynasty-William-Rockhill-Nelson.jpg)

CYRUS S. MAGBOJOS
Pasay City West High School
2020

Page 10 of 15
Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________
Guro: ______________________________
Module Code: Pasay-AP7-Q2-W3-D3

DEPARTMENT OF EDUCATION – NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 7


Ikalawang Markahan/ Ikatlong Linggo/ Ikatlong Araw
Mahahalagang Pangyayari at Ambag ng Shang
A. MELC: Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus, at Tsina).
LAYUNIN: Naitatala ang mga ambag at mahahalagang pangyayari ng Kabihasnang Shang.

B. PANIMULANG IMPORMASYON
Alamin Natin!
Katulad ng mga kabihasnan ng Sumer at Indus na pawang mga naitatag sa lambak-
ilog, ang Shang sa China ay naitatag rin sa lambak-ilog partikular sa lambak-ilog
Huang Ho noong 1766 B.C.E. Itinuturing na “Pighati ng China” dahil sa mga pinsalang
dulot ng pag-apaw nito. Tinatawag din ang kabihasnang ito na Dinastiyang Shang na
kung saan ang pamumuno ay nagpasalin-salin sa iisang pamilya o angkan.
Maraming historyador ang sumasang-ayon na ang Dinastiyang Shang ang simula ng
kabihasnan ng China buhat sa mga talang pangkasaysayan na iniwan ng mga
pinunong Shang (ito ay buhat sa usapin ng maalamat na Dinastiyang Xia na sinasabing unang
dinastiyang naitatag sa China).
Ang Kabihasnang Shang ay nag-iwan ng mahahalagang tala at ambag sa kasaysayan ng Asya at
mundo na siyang sumasalamin sa matingkad at maunlad na pamumuhay at kulturang Tsino na
siyang ipinagpatuloy ng mga sumunod na humaliling dinastiya hanggang sa kasalukuyan. Ating
alamin ang mga mahahalgang pangyayari at ambag ng Shang na isang patunay sa katanyagan ng
Kabihasnang Tsino.
Ang mga magagarang libingan o royal tombs na nahukay ng mga archeologist ang pinagmulan ng
karamihan sa mga kaalaman sa kasalukuyan ng kabihasnang Shang. Mula sa mga royal tombs,
nabuo ng maraming iskolar ang uri ng relihiyon at pananampalataya ng mga tao sa lipunang Shang.
Ilang mahahalagang kagamitan at bagay na gawa sa jade at bronse, labi ng mga inaalay na tao at
mga alagang hayop na natagpuan na kasamang inililibing ng mga namatay na pinuno ay
nagsasabing naniniwala sila sa kabilang buhay o afterlife. Sumasamba rin sa mga ninuno ang mga
Tsino na sinasabing nagsimula sa kabihasnang Shang. Ang paniniwala na ang espiritu ng mga
ninuno ng pamilya ay maaaring magbigay ng suwerte o kamalasan sa nabubuhay na kasapi ng
pamilya.

Ang Royal Tomb of Fu Hao (natatangi at kakaibang babae ng kanyang


panahon) na isa mga archeological sites sa Ruins of Yin (iba pang
makasaysayang pagkakakilanlan ng dinastiyang Shang). Ito ay
matatagpuan sa kasalukuyang lungsod ng Anyang na naglalaman ng iba’t
ibang mga artifact at mga labi ng parehong tao at hayop.

PINAGKUNAN:
http://www.historytoknow.com/the-shang-dynasty/

Gumagamit ng mga oracle bones upang sumangguni sa kanilang mga diyos ang mga tao ng
lipunang Shang. Ito ay mga buto ng hayop o bao ng pagong na inuukitan ng tanong ng mga pari sa
kanilang diyos. Nalalaman ang kasagutan ng mga diyos sa pamamagitan ng pagdidikit sa isang
mainit na bakal hanggang sa ito ay tuluyang mabiyak. Ang bitak sa oracle bones ay binibigyang
interpretasyon ng mga pari. Ang mga simbolong nakaukit sa mga oracle bones ay pinagmulan din
ng pagkakaroon ng sistema ng pagsulat ng sinaunang China.

Ang mga simbolo sa oracle bone (kaliwa)


isang sinaunang uri ng mga karakter na Tsino
at ebolusyon at iba’t ibang estilo ng sistema
ng pagsulat ng mga Tsino (kanan).

PINAGKUNAN
https://news.cgtn.com/news/7841444d79637a6333566d54/index.html
https://sites.google.com/a/trinity.edu/hng-project/evolution-of-chinese-
writing

References for Further Enhancement:


1.) https://www.ancient.eu/Shang_Dynasty/
https://www.history.com/topics/ancient-china/shang-dynasty
2.) AP7 Modyul para sa Mag-aaral ph. 114

Page 11 of 15
Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________
Guro: ______________________________

Napakarami ng bilang ng mga karakter na dapat maisaulo ng mga Tsino na nais matuto ng ganitong
sistema ng pagsulat. Sa mahabang panahon, ang kahirapan sa pagkatuto ng sistema ng pagsulat
ang naglimita sa bilang ng maraming Tsino na marunong magbasa, magsulat at edukado.
Nakaimpluwensiya ang relihiyon sa paghubog at pagkakabuo ng pagkakakilanlan ng sining ng
Shang. Isang halimbawa nito ang paglikha ng mga kasangkapang gawa sa bronse na itinuturing na
pinakamahalagang artifact ng kabihasnang Shang. Gayundin, ilang mga kasangkapang seramiko
na mula sa kaolin na isang uri ng puti at pinong luwad at trinkets na gawa sa jade ang nalikha ng
mga artisano. Ang komplikado at detalyadong mga ukit at disensyo ng mga kasangkapang likha sa
bronse, mga seramiko at jade ng mga artisano ay ginagamit sa panrelihiyong ritwal.
Kasangkapang bronse, seramiko
at trinket na mula sa Kabihasnang
Shang
PINAGKUNAN:
http://www.chinaonlinemuseum.com/bronzes
-shang.php
http://www.ibiblio.org/chineseculture/contents/
inds/p-inds-c04s02.html
https://www.bbc.co.uk/bitesize/topics/z39j2hv/articles
/z2ckrwx

Maliban sa mga royal tombs na estrukturang nagawa ng mga Tsino, ilang magagarang palasyo na
tahanan ng hari at ng kanyang pamilya, mga bakod na nakapaligid sa buong lungsod at mga dike
na nagsisilbing proteksyon sa palagiang pagbaha ng ilog Huang Ho ang naipatayo ng kabihasnang
Shang.
Pinasimulan din ng kabihasnang Shang ang kauna-unahang sistema ng pera sa mundo gamit ang
mga cowrie shells. Isang tiyak na tiyak na kalendaryo na ayon sa siklo ng buwan ang nalikha rin ng
mga Shang astronomers.

Ang mga cowrie shells ng China ay ginamit bilang pera noong dinastiyang
Shang hanggang dinastiyang Zhou.

PINAGKUNAN:
http://hua.umf.maine.edu/China/Xian/Shaanxi_History/pages/093_History_
Museum.html

Nagtagal ang pamumuno ng dinastiyang Shang hanggang 1122 B.C.E. Ang kanilang pamumuno
ay napalitan ng mas malakas at makapangyarihang dinastiya ng Zhou na namahala ng mahabang
panahon sa China. Ang maraming bagay na pinasimulan ng dinastiyang Shang sa iba’t ibang
larangan ay pinagpatuloy ng pumalit at humaliling dinastiyang namuno sa China hanggang sa
kasalukuyan. Ang mga dakilang ambag ng Shang ay nag-iwan ng pambihirang marka hindi lamang
sa kasaysayan ng China kundi maging sa Asya at mundo.

Ano-ano ang mga ambag ng Shang sa kabihasnan ng Asya? Paano


nakatulong ang mga ito sa pagsulong ng pamumuhay ng mga sinaunang
Tsino sa pang-araw-araw na pamumuhay? Ano ang kahalagahan at
kapanibangan ng mga ambag na ito sa kasalukuyan?

SANGGUNIAN:
Ph. D., Ronaldo B. Mactal., Padayon: Araling Panlipunan sa Siglo 21 (Araling Asyano), Phoenix Publishing House, Inc., Quezon City, Philippines, 2015.
(ph. 375-385)

Handa ka na ba sa mga Gawain?


Naunawaan mo ba ang aralin ngayong araw? Kung hindi, maaari mong
balikan ang talakayan. Bilang dagdag na kaalaman, maaaring subuking
magbasa ng iba pang mga sanggunian o kaya naman ay magsaliksik sa
internet upang lubos na maunawaan ang aralin. Kung ang aralin naman ay
naging malinaw sa iyo, humanda para sa mga gawaing inihanda para sa
iyo. Humanda at matuto!

References for Further Enhancement:


1.) https://www.ancient.eu/Shang_Dynasty/
https://www.history.com/topics/ancient-china/shang-dynasty
2.) AP7 Modyul para sa Mag-aaral ph. 114

Page 12 of 15
Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________
Guro: ______________________________

C. MGA GAWAIN
GAWAIN 1: WORD HUNT
Tukuyin ang mga salita na tumutukoy sa pagkakatatag ng sinaunang kabihasnan sa China. Hanapin
ang sagot sa loob ng kahon na ang sagot ay nasa iba’t ibang direkyon. Bilugan ang sagot at isulat
ang nahanap na salita sa katapat na deskripyon nito sa bawat bilang.

O R Z H O U L H X C M 1. Pighati ng China –
R O G F C J I U E O D 2. Maalamat na dinastiyang namuno sa
China –
A Y W T D T F A Y W E 3. Kinikilalang simula ng sinaunang
C A S G I P M N A R F kabihasnan ng China –
4. Pamumuno na nagpasalin-salin
L L Z H N K L G O I I iisang pamilya o angkan –
5. Paniniwala sa kabilang buhay sa
E T F R A J F H Q E L
wikang Ingles –
B O A G S N R O R S R 6. Ginagamit sa pagsangguni sa mga
diyos –
O M B L T Y G A A H E 7. Uri ng puti at pinong luwad –
N B C N I L O A K E T 8. Gamit na kaunahang-unahang
sistema ng pera –
E S O E Y S C D S L F 9. Magagarang libingan –
S V X I A P M Z P L A 10. Nagpabagsak sa Shang –

GAWAIN 2: NOON AT NGAYON


Makikita sa kaliwa ang mga naging ambag ng Kabihasnang Shang. Sa kanan, iguhit ang kagamitan
na kahalintulad nito sa kasalukuyan. Ipaliwanag ang kaugnayan nito sa gitna.

NOON PALIWANAG NGAYON

References for Further Enhancement:


1.) https://www.ancient.eu/Shang_Dynasty/
https://www.history.com/topics/ancient-china/shang-dynasty
2.) AP7 Modyul para sa Mag-aaral ph. 114

Page 13 of 15
Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________
Guro: ______________________________

GAWAIN 3: FILM STRIPS


Magtala ng mahahalagang kaganapan na naglalarawan sa maunlad na pamumuhay ng mga Tsino
noong panahon ng Kabihasnang Shang sa pamamagitan ng film strips.

GAWAIN 4: ANG AKING HINUHA


Ano ang iyong hinuha kaugnay sa mga ambag ng Kabihasnang Shang? Paano nakatulong
ang mga ito sa pagsulong ng isang maunlad na pamumuhay at lipunan ng mga sinaunang
Tsino?

GAWAIN 5: IMPLUWENSYA SA ASYA


Ipaliwanag kung ano ang naging impluwensya ng Kabihasnang Shang sa kasalukuyang
pamumuhay ng mga Asyano sa pamamagitan ng speech bubble.

Paano nakaimpluwensya ang


sinaunang kabihasnang Shang
sa kasalukuyang pamumuhay
ng mga Asyano?

References for Further Enhancement:


1.) https://www.ancient.eu/Shang_Dynasty/
https://www.history.com/topics/ancient-china/shang-dynasty
2.) AP7 Modyul para sa Mag-aaral ph. 114

Page 14 of 15
Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________
Guro: ______________________________

Bago ka magpatuloy, TANDAAN na:


• Karamihan sa mga kaalaman sa kasalukuyan ng kabihasnang Shang ay nagmula sa mga
magagarang libingan o royal tombs na nahukay ng mga archeologist.
• Nakaimpluwensiya ang relihiyon sa paghubog at pagkakabuo ng pagkakakilanlan ng sining
ng Shang.
• Ang Kabihasnang Shang ay nagkaloob ng maraming ambag na siyang napapakinabangan
pa rin natin hanggang sa kasalukuyan.

Tara, magpatuloy tayo sa iyong huling gawain!

D. PAGTATAYA
Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang KS kung ang pangungusap
ay may KATOTOHANAN sa Kabihasnang Shang at MKS kung ito ay MALI patungkol sa
Kabihasnang Shang.

_____ 1. Nakabuo ng isang tiyak na kalendaryo ang Shang na batay sa siklo ng araw.
_____ 2. Walang kaugnayan ang relihiyon sa paghubog at pagkakabuo ng pagkakakilanlan ng
sining ng Shang.
_____ 3. Ginagamit ng mga tao ng lipunang Shang ang oracle bones upang sumangguni sa
kanilang mga diyos.
_____ 4. Sinasabing nagsimula sa dinastiyang Shang ang pagsamba ng sinaunang lipunang
Tsino sa kanilang mga ninuno.
_____ 5. Itinuturing na pinakamahalagang artifact ng kabihasnang Shang ang paglikha ng mga
kasangkapang gawa sa bronse.
_____ 6. Ang lambak-ilog Huang Ho ang naging sentro ng pag-usbong ng unang kabihasnan na
pinamunuan ng dinastiyang Shang.
_____ 7. Pinasimulan kabihasnang Shang ang kauna-unahang sistema ng pera sa mundo gamit
ang mga baryang gawa sa bronse.
_____ 8. Ang pamumuno ng dinastiyang Shang ay napalitan ng mas malakas at
makapangyarihang dinastiya ng Xia.
_____ 9. Naging madali ang pagkatuto sa sistema ng pagsulat ng mga Tsino dahil sa kaunting
karakter upang ito’y kanilang makibisado.
_____ 10. Ang mga simbolong nakaukit sa mga oracle bones ay pinagmulan ng pagkakaroon ng
sistema ng pagsulat ng sinaunang China.

Binabati kita! Tiyak kong taglay mo na ang mga kaalamang dapat na


matutunan sa aralin. Ang mga gawaing inihanda para sa iyo ay nakatulong
din na mahubog ang iyong mga kakayahan at kasanayan. Para sa mas
pagpapalalim at pagpapayaman ng iyong mga natutunan, magkita tayong
muli sa susunod na pagtalakay ng bagong aralin.

References for Further Enhancement:


1.) https://www.ancient.eu/Shang_Dynasty/
https://www.history.com/topics/ancient-china/shang-dynasty
2.) AP7 Modyul para sa Mag-aaral ph. 114 Inihanda ni: G. Rex John D. Sol
Page 15 of 15 Pasay City West High School

You might also like