You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BALANGA CITY
CATANING INTEGRATED SCHOOL
QUIRINO ST., SAN JOSE, BALANGA CITY

TALAHANAYAN NG KASANAYAN SA IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3

Level of Behavior, Format, No., &


No. of % of Placement of Items and the
Competencies No.
Weeks Item
Dimension of Knowledge
of
Taugh t R U Ap An E C
Item
Nakapagpapakita ng mga kaugaliang
1,2,
Pilipino tulad ng: pagmamano paggamit ng
3,4,
"po" at "opo" at pagsunod sa tamang 8 5
6,7,
tagubilin ng mga nakatatanda (EsP3PPP-IIIa- 2 20%
8
b– 14)
Nakapagpapahayag na isang tanda ng
16,17,
mabuting pag-uugali ng Pilipino ang
5 18,19,
pagsunod sa tuntunin ng pamayanan
1 12.50% 20
(EsP3PPP-IIIc-d– 15)
Nakapagpapanatili ng malinis at ligtas na
pamayanan sa pamamagitan ng:
paglilinis at pakikiisa sa gawaing pantahanan
9, 10,14,
at pangkapaligiran wastong pagtatapon ng 13
7 11,12 15
basura palagiang pakikilahok sa proyekto ng 2 17.50%
pamayanan na may kinalaman sa kapaligiran
(EsP3PPP-IIIe-g– 16)
Nakasusunod sa mga tuntuning may
kinalaman sa kaligtasan tulad ng mga babala 21,22,
at batas trapiko pagsakay/pagbaba sa takdang 5 23,24,
lugar (EsP3PPP-IIIh– 17) 1 12.50% 25

Nakapagpapanatili ng ligtas na pamayanan sa 26,27,


pamamagitan ng pagiging handa sa sakuna o 28,29, 36,37
kalamidad (EsP3PPP-IIIi–18) 30,31, ,38,
4 15 37.50% 32,33, 39,40
34,35
TOTAL
30 5 2 3 0 0
10 40 100%

Inihanda ni:

ALICE T. MAPANAO
Teacher II

Iwinasto ni:

BENJAMIN JOSEPH B. LOMIBAO


Master Teacher I

Sinang- Ayunan ni:

LISA G. AUSTRIA
Principal IV

Address: QuirinoSt.,San Jose, Balanga City, Bataan 2100


Email Address: cataninges.balangacity@deped.gov.ph
Telephone No.: (047) 240-4900
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BALANGA CITY
CATANING INTEGRATED SCHOOL
QUIRINO ST., SAN JOSE, BALANGA CITY

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 3

Pangalan:______________________________________ Marka:________________
Baitang at Seksiyon: _____________________________

I. Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Isa sa mga kaugaliang Pilipino ay ang _________________.


a. paghalik sa paa b. pagmamano c. pagkaway d. pagyakap
_____2. Kanino dapat magmamano?
a. sa mga kaklase b. sa mga kaibigan
c. sa mga nakatatanda d. sa mga nakababata
_____3. Bakit kailangang mapanatili ang pagmamano?
a. Sapagkat tayo ay tao.
b. Upang tayo ay maging tanyag.
c. Para ito maipagmalaki natin sa buong mundo.
d. Dahil ito ay isa sa mga magagandang kaugalian nating mga Pilipino.
_____4. Ang pagmamano ay tanda ng ________________.
a. paggalang b. pagluluksa c. pagmamahal d. pagyayabang
_____5. Ikaw lang ang tao sa bahay nang biglang dumating ang matalik na kaibigan ng iyong
nanay. Ano ang gagawin mo?
a. Huwag pansinin ang kaibigan ng iyong nanay.
b. Isara ang pinto ng inyong bahay.
c. Magmano sa kaibigan ng iyong nanay.
d. Paalisin kaibigan ng iyong nanay.
_____6. Bakit mahalaga ang pagsasabi ng po at opo sa mga nakatatanda?
a. Dahil ito ay tanda ng paggalang sa kanila. b. Dahil mayroon akong kailangan.
c. Para sabihing mabait ako. d. Wala lang, gusto ko lang.
_____7. Kanino dapat nagsasabi ng po at opo?
a. Sa mga nakatatanda sa iyo. b. Sa mga nakababata sa iyo.
c. Sa mga kaibigan mo. d. Sa lahat ng tao.
_____8. Kailan dapat magsabi ng po at opo?
a. Kapag gusto ko lang sabihin ang po at opo. b. Kapag nakatatanda ang kausap ko.
c. Kapag nagagalit lang sila. d. Kapag may hihingiin ako.
_____9. Paano natin mapapanatili ang kaayusan ng ating kapaligiran?
a. Pagdidilig ng mga halaman. b. Pagtanim ng mga bulaklak sa paligid.
c. Pagtapon ng basura sa tamang lalagyan. d. Lahat ng nabanggit.
_____10. Ang mga sumusunod ay maling pagtrato sa kapaligiran, maliban sa isa:
a. pagsusunog ng basura.
b. hindi maayos na pagtatapon ng basura.
c. pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig.
d. paghiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di nabubulok.
_____11. Ano ang paraan na maaaring gawin ng isang simpleng mamamayan bilang
tagapamahala ng ating kapaligiran?
a. Magpatupad ng mga batas.
b. Magtapon ng basura sa tamang tapunan.
c. Magkaroon ng pagkukusa at maging disiplinado.
d. Lahat ng nabanggit.
_____12. Ano ang mainam na gawin sa mga basurang nagkalat sa paligid?
a. Itapon sa ilog. b. Sunugin ang mga ito.
c. Pulutin at ilagay sa tamang lalagyan. d. Hayaan lamang na pakalat-kalat sa paligid.
_____13. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng isang bagay na makakaya mo para sa
ating kapaligiran, alin sa sumusunod ang iyong gagawin?
a. Magdarasal para sa bayan.
b. Sasama sa mga clean-up drive program.
c. Sasali sa mga proyektong lilikom ng pondo para sa programa ng proper waste disposal.
d. Gagawa ng sariling programang pangkalinisan na maaaring sundin ng ibang mga
kabataan sa iyong barangay.
_____14. Ang sumusunod ay mga mabuting katangian ng wastong paglilingkod sa paaralan
maliban sa isa:
a. pagtulong sa mga proyekto ng barangay
b. pakikisabwat na sirain ang mga hardin
c. pagtatapon ng mga basura sa tamang lalagyan
d. pakikipagtulungan sa mga nakatatanda para sa ikauunlad ng kaayusan at kalinisan
_____15. Ikaw ay nasa pampublikong kalsada at may nakita kang taong nagtatapon ng basura sa
daan. Ano ang dapat mong gawin?
a. Hindi kikibo at pabayaan nalang
b. Lumakad nang matulin na parang walang nakita
c. Hahayaan mo ang bata at huwag pansinin
d. Pupuntahan at sasabihan ng maayos ang tao na itapon ang kaniyang basura sa
basurahan

II. Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong, isulat sa tapat ng bilang ang tsek (✔) kung
ito’y nagpapahayag ng tamang kaugalian, at ekis (X) naman kung mali.

______16. Tumawid sa tamang tawiran.


______17. Itapon ang basura sa bangin.
______18. Makipagdaldalan sa loob ng klase.
______19. Magbigay pugay sa watawat ng Pilipinas.
______20. Magsuot ng I.D. bago pumasok sa eskwelahan.

III. Panuto: Isulat ang salitang Tama kung wasto ang pahayag, at Mali naman kung hindi
wasto.

______21. Nakikipag-unahan sa pagsakay sa dyip.


______22. Bumababa sa tamang babaan.
______23. Sumasakay sa tamang sakayan.
______24. Pumipila sa pagsakay.
______25. Maging alerto sa pagtawid.
______26. Huwag pansinin ang mga sakuna o kalamidad sa paligid.
______27. Ilagay sa survival bag ang mga hindi mahahalagang gamit.
______28. Tumulong sa mga biktima ng bagyo, lindol, o sunog.
______29. Ang mga relief goods ay ipinamahagi ng opisyales ng barangay sa kanilang kamag-
anak na dapat sana ay para sa mga nasalanta ng bagyo.
______30. Sumunod sa mga plano na inilatag ng mga pampublikong opisyal.
______31. Marami tayong nararanasan na kalamidad.
______32. Ang pagiging handa ay makatutulong sa atin upang tayo ay makaiwas at makaligtas
sa ibat ibang uri ng kapahamakan.
______33. Maging mapagmatyag tayo sa mga nangyayari sa ating lipunan lalo na sa ating mga
kalikasan
______34. Ang NDRRMC ay tinatawag na National Disaster Risk Reduction and Management
Council.
______35. Isaisip, isapuso at isagawa ang tamang pamamaraan sa paghahanda sa mga sakuna
para makaiwas sa kapahamakan.
______36. Maghanda ng mga pagkain, gamot at iba pang kailangan dahil may bagyong
paparating.
______37. Hindi ko papansinin kahit may biglang pagyanig ng lupa.
______38. Maglaro sa labas ng bahay para salubungin ang baha.
______39. Maging kalmado at gawin ang lahat ng makakaya kapag may sunog.
______40. Alamin ang mga ligtas na lugar na pwedeng puntahan sakaling magkaroon ng
pagguho ng lupa.

Inihanda ni:

ALICE T. MAPANAO
Teacher II

Iwinasto ni:

BENJAMIN JOSEPH B. LOMIBAO


Master Teacher I

Sinang- Ayunan ni:

LISA G. AUSTRIA
Principal IV
Address: QuirinoSt.,San Jose, Balanga City, Bataan 2100
Email Address: cataninges.balangacity@deped.gov.ph
Telephone No.: (047) 240-4900
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BALANGA CITY
CATANING INTEGRATED SCHOOL
QUIRINO ST., SAN JOSE, BALANGA CITY

Susi sa Pagwawasto sa Ikatlong Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 3


I.

1. b
2. c
3. d
4. a
5. c
6. a
7. a
8. b
9. d
10. d
11. d
12. c
13. b
14. b
15. d

II.
16. /
17. x
18. x
19. /
20. /

III.
21. Mali
22. Tama
23. Tama
24. Tama
25. Tama
26. Mali
27. Mali
28. Tama
29. Mali
30. Tama
31. Tama
32. Tama
33. Tama
34. Tama
35. Tama
36. Tama
37. Mali
38. Mali
39. Tama
40. Tama

Address: QuirinoSt.,San Jose, Balanga City, Bataan 2100


Email Address: cataninges.balangacity@deped.gov.ph
Telephone No.: (047) 240-4900

You might also like