You are on page 1of 32

MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y.

2021-2022

~AVCPS PHILOSOPHY OF EDUCATION~


Every man and woman is endowed with the dignity of a person, thus, he or she
has inalienable right to education. The Church has an obligation to provide an education
for her children by which their whole lives may be inspired by the spirit of Christ. A
Catholic school is not just an environment for providing a series of lessons; it operates
out of an educational philosophy, which aims to meet the needs of the young people of
today in light of the Church‟s faith in Jesus Christ.

It is the religious dimension that makes the Catholic school distinctive. This
religious dimension can be found in (a) the context in which education is delivered, (b)
the means by which the personal development of each student is achieved, (c) the
relationship established between culture and the faith of the Church in the message of
Christ, (d) the fact that all knowledge is informed by and derives its ultimate meaning
from the faith within whose context it is pursued.

It is very important to realize that the Catholic identity of our schools is not
exclusively related to religious instruction and the integration of academic studies into a
unified whole. The Catholic school has a single Christian vision, an integrated concept of
what makes a fully authentic and mature human being. The educational process is not
confined to the curriculum nor to the academic, technical, artistic and sporting
achievements of the school.

The Catholic school should be seen as offering the possibility not only of
exploring the mystery which God is, but also of demonstrating the Gospel in action. It
must be consistent throughout and, in every aspect, reflect the Christian faith, which is its
soul, its inspiration, and its justification.

AVCPS THEME: AVCPSians: We are Gifted to Give

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 1
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

VISION
A Marian educational institution committed to a holistic educational experience
enabling and inspiring students to lead lives of choice, purpose, and service.

MISSION
To create and maintain a student-centered learning environment where teaching
and learning are purpose-driven and students are assisted towards the development of
personal and social responsibility.

GOALS
1. Ensure that every student is valued for their individuality and diversity.

2. Provide set of spiritual and moral values as honesty, integrity and good judgment.

3. Deliver and enquiring and discriminating mind desiring for knowledge and wisdom.

4. Develop student‟s full potential in a stimulating and caring environment for learning.

5. Advance the moral and spiritual well-being of the students based on Marian values.

CORE VALUES
D’ - Discipline

M - Magnanimity

A - Attentiveness

R - Responsiveness

I - Integrity

A - Altruism

N - Nationalism

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 2
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

SUBJECT TITLE: ARALING ASYANO

SUBJECT DESCRIPTION
Ang Araling Panlipunan 7: Araling Asyano ay nagtuturo ng pag-unawa at
pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos at pagtugon sa mga hamon sa mga Asyano sa
kabila ng malawak na pagkakaiba-iba ng heograpiya, kasaysayan, kultura, lipunan,
pamahalaan at ekonomiya tungo sa pagkakaroon ng mapayapa, maunlad at matatag na
kinabukasan. Inilalahad ang mga makabuluhan, makatotohanan, at napapanahong
paglalahad at talakayan ng mga kaganapan, impormasyon, konsepto, paglalahat, teorya,
at prinsipyo ukol sa iba‟t ibang paksa.
Sa araling ito binibigyang diin din ang kalayaan ng mga mag-aaral na
magpahayag at magbahagi ng kanilang damdamin at mga natutuhan. Ilalahad nila sa
malikhaing paraan ang kanilang kasagutan sa pangunahing tanong na ibinigay sa simula
ng aralin. Gagawin nila ito sa pamamagitan ng pipiliing pamamaraan o produktong
isasakatuparan. Maaring isahan o pangkatan ang pagsasagawa nito. Mamarkahan ang
mga gawain sa paggamait ng rubric.

COURSE ORGANIZATION

QUARTER I HEOGRAPIYA NG ASYA


A. Konsepto ng Heograpiya
B. Likas na Yaman ng Asya
C. Ecological Balance sa Asya
D. Yamang Tao at Kaunlaran

QUARTER II SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA HANGGANG SA


IKA-16 NA SIGLA
A. Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya
B. Sinaunang Kabihasnan sa Asya
C. Sinaunang Pamumuhay ng mga Asyano: Relihiyon, Pilosopiya, at
Paniniwala
D. Sinaunang Pamumuhay ng mga Asyano: Mahahalagang Pangyayari
E. Sinaunang Pamumuhay ng mga Asyano: Ang Kababaihan ng Asya

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 3
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

QUARTER III TIMOG AT KANLURANG ASYA SA TRANSISYONAL AT


MAKABAGONG PANAHON
A. Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
B. Nasyonalismo at Pagbuo ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya
C. Digmaang Pandaigdig, Mga Ideolohiya, at Samahan sa Timog at
Kanlurang Asya
D. Pamahalaan, Programang Pangkababaihan, at Edukasyon sa Timog
at Kanlurang Asya
E. Pagbabagong Pang-ekonomiya at Pangkultura sa Timog at
Kanlurang Asya

QUARTER IV SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA SA


TRANSISYONAL AT MAKABAGONG PANAHON
A. Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-silangang Asya
B. Nasyonalismo at Pagbuo ng mga Bansa sa Silangan at Timog-
silangang Asya
C. Pamahalaan at Programang Para sa Kababaihan sa Silangan at
Timog-silangang Asya
D. Pagbabagong Pang-ekonomiya at Pang-edukasyon sa Silangan at
Timog-silangang Asya
E. Kontribusyon ng Silangan at Timog-silangang Asya

WEIGHT DISTRIBUTION OF THE SUMMATIVE ASSESSMENT COMPONENTS


PER LEARNING AREA

ASSESSMENT
WEIGHTS
COMPONENTS
SCIENCE/MATH MAPEH/TLE/ICT
(LANGUAGE)/AP/ESP
Written Works 40% 50% 30%
Performance Tasks 60% 50% 70%

DISCLAIMER
The images in this module are not original works. All are lifted from the
internet using google images.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 4
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

Sa Ngalan ng Aman, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Aba Birheng Maria, napupuno ka ng Grasya! Ang Panginoong


Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at
pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming


makasalanan, ngayon at kung kami‟y mamamatay Amen.

Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak,at ng Espiritu Santo.


Amen.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 5
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

UNANG KWARTER

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang
batayan ng matalino at maunlad na pang-arawaraw na pamumuhay.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang pagunawa sa mga pangunahing konsepto ng
ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang- arawaraw na pamumuhay.

AVCPS PAMANTAYAN SA PAGHUBOG:


Ang magaaral ay inaasahang magpapahalaga at mag-iingat ng mga likas na yaman na
likha ng Diyos.

ARALING 1 Konsepto ng Heograpiya ng Asya

MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES


 Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating – heograpiko: Silangang
Asya, Timog- Silangang Asya, Timog-Asya, Kanlurang Asya, Hilagang Asya at Hilaga/
Gitnang Asya
 Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang
Asyano

MGA INAASAHANG BUNGA SA MAG-AARAL:


Sa araling ito, inaasahang malalaman at mauunawaan ang sumusunod:
1. Nasusuri ang katangiang pisikal ng Asya;
2. Natutukoy ang limang rehiyon ng Asya;
3. Naipaliliwanag ang sariling ideya o opinion ukol sa kung bakit hinati ang
Asya sa limang rehiyon at kung nakatutulong ba ito sa pag-unlad ng bawat
bansa sa Asya;
4. Naipahahayag ang sariling saloobin sa kung paano makakatulong sa bansa
na mapangalagaan at mapanatili ang pagiging natural ng ating mga anyong
lupa at anyong tubig; at
5. Naiguguhit ang mapa ng Asya at napapangalanan ang mga bansang
kabilang dito.
IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL
Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 6
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

Sa pagsisimula ng iyong paglalakbay sa


unang aralin na ito, alamin natin ngayon kung
may kaalaman ka na sa araling tatalakayin sa
pamamagitan ng pagsagot sa panimulang
pagtataya. Simulan mo na.

PANIMULANG PAGTATAYA

Ang ating bansa ay nasa kontinente ng Asya. Ano ang alam mo tungkol sa Asya?
Isulat sa semantic web sa ibaba ang alam mo tungkol sa katangiang pisikal nito. Maaari
kang magdagdag ng mga guhit at bilog.

ASYA

May impluwensya ba ang kapaligiran sa iyong pamumuhay? Ipaliwanag ito.

Sagutan sa Activity Sheets


Pahina 1

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 7
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

PAGLINANG

Sa pitong kontinente ng mundo ang Asya ang pinakamalaki. Sakop nito ang
halos ikatlong bahagi ng kabuuan ng mundo. Ito ay may humigit kumulang na
44,614,000 kilometro kuwadrado. Nahahati ito sa limang rehiyon: Silangang Asya,
Timog-silangang Asya, Kanlurang Asya at Gitnang Asya.

LEKTIYUR I

Heograpiya – ito ay ang pag-aaral sa pisikal na katangian ng mundo at ang


interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran. Ang salitang “heograpiya” ay hango sa
salitang Griyego na geo na nangangahulugang “lupa” at graphein na ibig sabihin
ay “pagsusulat.”

Asya – ito nagmula sa salitang aegean na asu – na ang ibig sabihin ay sinisikatan
ng araw, bukang liwayway o silangan. Pinakamalaki ang kontinente ng Asya kung
ihahambing sa ibang mga kontinente sa daigdig. Sa kabuuang sukat nitong humigit
kumulang na 44,486,104 kilometro kwadrado, halos katumbas nito ang pinagsama-
samang lupain ng North America, South America, at Australia, at halos sangkapat
(¼) lamang nito ang Europe. Tinatayang sang katlong (⅓) bahagi ng kabuuang
lupain ng daigdig ang kabuuang sukat ng Asya. Nahahati sa limang rehiyon ang
Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog Silangan, at Silangang Asya. Ang
pagkakabahagi ng Asya sa mga rehiyon ay naayon sa ipinahihiwatig ng
pagkakakilanlan at kaugnayan ng mga lupaing sakop nito ayon sa pisikal, politikal,
kultural, at historikal.

Kontinente – ito ang ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig.

KONSEPTO NG ASYA
Ang pangalang „Asya‟ ay isang matandang salita. Ang mga Griego ang unang
gumagamit nito. Ang pinaka-unang tao na nagsulat nito ay si Herodotus na tinutukoy
ang isang lugar na ang tawag ay „Anatolia.‟ Ito ay ang mga sibilisasyon sa labas ng
Greece tulad ng Persia at Egypt. Sumunod naman ang salitang „Assuwa‟ o „Assua‟ na
tumukoy sa rehiyon na matatagpuan sa Kanluran ng „Anatolia.‟ Hanggang sa gamitin na
ang salitang „Asya‟ upang tukuyin ang tangway na ngayon ay ang bansang Turkey. Ang
mga Romano naman ang nagpalaki ng sakop ng Asya ha hanggang ngayon ay kilala pa
rin sa parehong pangalan.
IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL
Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 8
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

Eurocentric
Ito ang pananaw na ang mga Europeo ang nag-aangkin ng dakilang tradisyon,
kasaysayan, at kultura. Ang dakilang tradisyon ay nangangahulugan na mas nauna, mas
malawak at mas mahusay kumpara sa iba. Ang mga kabihasnan at paraan ng
pamumuhay sa labas ng kontinente ay bunga lamang ng sibilisasyong Europeo.
Mula sa pananaw na Eurocentric, ang kabihasnang Asya ay nagtataglay lamang
ng maliit na tradisyon kumpara sa kanilang malawak na tradisyon. Ang ibig sabihin ng
maliit ay bunga lamang ng mas dakilang kultura. Ang Asya, maging ang ibang lugar, ay
tagatanggap lamang ng impluwensiya mula sa dakilang tradisyong Europeo.
Ang mga naunang naulat na konsepto ng Asya ay mula sa Eurocentric na
pananaw. Ginamit nila ang mga katagang Malapit na Silangan (Near East), Gitnang
Silangan (Middle East), at Dulong Silangan (Far East) upang tukuyin ang lokasyon ng
Asya. Ilan sa mga tanyag na manlalayag na nakarating sa ilang bansa sa Asya ay sina
Alexander The Great, Marco Polo, Christopher Columbus, at Ferdinand Magellan.

Asian-centric
Ito ang pananaw na tumutuligsa sa Eurocentric na pananaw. Ang Asian-centric
na pananaw ay nagbibigay-halaga sa papel na ginagampanan ng mga Asyano sa
paghubog ng kanilang kasaysayan at kultura. (Wong, 1995) Hindi lamang maliit na
tradisyon ang kabihasnang Asyano na tulad ng sinasabi ng mga Europeo. Sa katunayan,
ang Asya ay may dakila at malawak na tradisyon. Hindi rin totoo na ang kabihasnang
Asyano ay resulta lamang ng sibilisasyong Europeo. Ang pinakamatatandang
kabihasnan sa daigdig ay hindi matatagpuan sa Europa kundi sa Asya. Ang
sibilisasyong Sumer (Iraq), Harappa at Mohenjo-Daro (India), at Shang (Tsina) ay nasa
Asya. Maliban pa dyan, ang mga dakilang relihiyon o pananampalataya ay isinilang sa
Asya: Christianity, Judaism, Islam, Buddhism, Hinduism, at Shinto.
Sa kasalukuyan, ang pananaw na umiiral ay ang „Asian-centric‟ na mula mismo
sa mga katutubo nito. Hindi ito limitado lamang sa paningin ng mga dayuhan o taga-
labas. Ang konsepto ng Asya ay tunay na makatotohanan at sumasalamin sa karanasan
ng mga taga-Asya na namumuhay dito mula pa sa simula ng kasaysayan.

Asiacentrism. Ito ay ang kaisipan na nagbibigay-halaga sa mga wika, pilosopiya,


at kasaysayan ng Asya upang maisalaysay ang kaniyang sariling kuwento. Ito ay
magbibigay-daan upang mas maunawaan at mas maipahayag ang isip at damdamin ng
mga Asyano tungo sa pagkakaisa. Ito ay upang maiwaksi ang pang-aapi sa mga Asyano
at upang makamtan ang tunay na pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 9
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

LEKTIYUR II

PAGHAHATING HEOGRAPIKO

Ang Asya ang pinakamalawak na kontinente. Dahil sa napakalawak nitong


sukat at dahil sa dami ng iba‟t ibang kultura na naka-ugat dito, nagdesisyon ang mga
dalubhasa sa Heograpiya na hatiin ito sa limang (5) rehiyon.
May basehan ang mga eksperto sa heograpiya sa paghahati-hati ng Asya sa iba‟t
ibang rehiyon. Unang-una ang lokasyon. Ang mga bansang magkakasama sa isang
rehiyon ay magkakalapit. Nagiging salik din ang halos pagkakapareho ng kultura at uri
ng pamumuhay ng mga taong naninirahan sa mga bansang kasapi ng rehiyo. Ang
pagkakatulad ng klima ng mga bansa sa isang rehiyon ay mahalaga rin sa proseso ng
pagkakahati-hati. Maging ang pagkakaroon ng pagkakapareho sa mga anyong lupa at
vegetation ay isinaalang-alang din.

MGA REHIYON SA ASYA

Binubuo ng mga bansang dating kabilang sa Unyong Sobyet


(USSR): Kazakhstan, Kyrgyztan, Tajikistan, Turkmenistan,
GITNANG ASYA
Uzbekistan, Azerbekistan, Azerbaijan, Georgia, Armenia, at
Siberia na isang rehiyon sa Russia.
Dito matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng Africa,
Asya at Europa. Dito nakalatag ang mga bansang Arabo (Saudi
KANLURANG
Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq at Kuwait), Gulf States
ASYA
(Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar, at Bahrain), Iran,
Israel, Cyprus, at Turkey.

Bahagi naman ng Timog Asya ang India; mga bansang Muslim


ng Afghanistan, Pakistan at Bangladesh; mga bansang
TIMOG ASYA
Himalayan ng Nepal at Bhutan; at mga bansang pangkapuluan
ng Sri Lanka at Maldives.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 10
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

Ang Timog-Silangang Asya ay minsang binansagang Farther India


at Little China dahil sa impluwensya ng mga nasabing kabihasnan
TIMOG-
sa kultura nito. Ang rehiyong ito ay nahahati sa dalawang
SILANGANG
subregions: ang Mainland Southeast Asia (Myanmar, Thailand,
ASYA
Vietnam, Laos, Cambodia) at Insular Southeast Asia (Pilipinas,
Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, East Timor).

SILANGANG
Binubuo ng China, Japan, North Korea, South Korea, at Taiwan.
ASYA

https://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/gr_8_araling_panlipunan_q1_lm.pdf

 GITNANG ASYA
Ang rehiyong ito ay may malawak na damuha. Dahil sa malaking bahagi nito ay
malayo sa katubigan, nakararanas ito ng sobrang lamig na panahon kung
taglamig at sobrang init na temperatura kapag tag-iit. Dito matatagpuan ang
pinakamalalim na lawa sa mundo, ang Lake Baikal.

Ito ang rehiyong malapit sa Polong Hilaga kaya mayroon itong mahabang
panahon ng taglamig. Subalit matindi rin ang dinaranas nilang tag-init. Madalas
ang paglindol sa rehiyong ito. Mayaman sa „natural gas‟ ang Gitnang Asya.

 KANLURANG ASYA
Ito ay napapagitnaan ng tatlong kontinente: ang Asya, Europa, at Africa.
Malaking bahagi nito ay disyerto. Ang tangway ng Arabia ay may 900,00 sq. mi.
ng Arabian Desert. Ang isa pang malawak na disyerto ay ang Syrian Desert.
Malaki ang kinalaman sa katangiang pisikal ng rehiyong ito sa paghubog ng
kanilang kabihasnan, kultura, at kaugalian.

Sa rehiyong ito isinilang ang mga pinakamalalawak at pangunahing relihiyon sa


daigdig: Christianism, Judaism, at Islam.

 TIMOG ASYA
Makikita sa rehiyong ito ang mga nagtataasang mga kabundukan tulad ng
pamosong Himalayas kung saan kabilang ang pinakamataas na bundok, ang Mt.
Everest. Ang katimugang bahagi naman ay pinalilibutan ng tubig: Indian Ocean,
Arabian Sea, at Bay of Bengal.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 11
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

Ang rehiyon ding ito ay malaking kalupaan subalit mas maliit kaysa isang
kontinente. May pagka-tatsulok ang hugis nito.

 TIMOG-SILANGANG ASYA
Ang rehiyong ito ay isang napakalaking tangway na napaliligiran ng anyong
tubig sa tatlong gilid nito. Kabilang rin sa Timog-silangang Asya ang mga
kapuluan. Nahahati sa dalawa ang rehiyong ito: ang mainland at insular.

Kilala ang rehiyong ito sa pagiging bahagi ng Ring of Fire na matatagpuan sa


Karagatang Pasipiko. Hitik sa bulkan ang lugar na ito na kinabibilangan ng
Mayon, Pinatubo, at Krakatoa. Kilala naman ang mga katubigan tulad ng Ilog
Mekong, South China Sea kung saan kabilang ang West Philippine Sea, at ang
pinakamalawak na lawa sa rehiyon, ang Laguna De Bay.

 SILANGANG ASYA
Ang China ang pangatlong pinakamalaking bansa pagdating sa sukat. Kabilang
sa mga bulubundukin na matatagpuan rito ay ang Himalayas, Kunlun, at
Tianjin. Tanyag naman ang Talampas ng Tibet. Mayroon itong dalawang
disyerto, ang Gobi na nasasakop din ng Mongolia at ang Taklamakan. May
mahahalagang ilog na narito, ang Hwang Ho (Yellow River) at ang Yangtze.

Ang Korea na nahahati sa North Korea at South Korea ay isang tangway


(peninsula). Samatala, ang Japan naman ay isang kapuluan na may apat na
malalaking pulo. Malaking bahagi ng Korea at Japan. Sa silangang Asya isinilang
ang Confucianism, Taoism at Shinto.

GAWAIN I

PANUTO: Panuorin ang isang video patungkol sa heograpiya at mga rehiyon ng Asia:
https://www.youtube.com/watch?v=wy62XvQf_20.

Sagutan sa Activity Sheets


Pahina 2

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 12
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

UGNAYAN NG TAO AT KAPALIGIRAN SA PAGBUO NG KABIHASNANG


ASYANO
Ang buhay at kabuhayan ng mga bansa sa Asya ay hinubog at hinuhubog ng
mga kapaligirang natural. Kasama sa paghubog nito ang mga pagbabagong dulot ng
natural na puwersa tulad ng lindol, tsunami, pagputok ng bulkan, malalakas na bagyo at
pagbabago ng klima. Anumang pagbabago na dulot ng mga pangyayaring nabanggit ay
nakaiimpluwensiya sa buhay at kultura ng mga tao.
Gayundin, ang tao at ang kaniyang gawain ay may impluwensiya sa kapaligiran.
Ang mga sinaunang kabihasnan ay sumibol sa mga lambak-ilog ng Asya. Ang lambak-
ilog ay may mga katangian kung saan maaaring umusbong ang isang pamayanan. Ang
mga Asyanong naninirahan sa mga talampas ay karaniwang nagpapastol ng baka,
kambing, at tupa dahil sa madamo ang kanilang kapaligiran. Dahil mayaman sa mina
ang mga bundok, naging produkto ng mga naninirahan doon ang mga gamit na gawa sa
mga mineral na nakukuha nila rito. Sa mga nainirahan sa tabing-dagat at tabing-ilog,
pangingisda ang naging pangunahing hanapbuhay nila.

Silangang Asya
Sa Silangang Asya isinilang ang Shintoism. Pangunahing itinuturo sa relihiyong
ito ang pagpapahalaga at pagbibigay-proteksiyon sa kalikasan maging ang pagtitipid sa
paggamit ng mga likas na yaman. Dahil dito, naging positibo ang epekto nito sa kanilang
kapaligiran. Hanggang ngayon ay kapansin-pansin ang pag-iingat at pangangalaga ng
mga taga-Silangang Asya sa kapaligiran, lalo na ang mga Hapones.

Timog Asya
Hinduism naman ang pangunahing paniniwala sa Timog Asya. Nagkakaisa ang
mga Hindu na ang Ilog Ganges ay hindi lamang pinagkukunan ng yamang tubig kundi
isang banal na ilog. Ito ay itinuturing nilang tahanan ng diyosa. Batay sa ganitong
paniniwala, iniingatan nila nang lubos ang nasabing ilog.

Timog-silangang Asya
Malawak at marami ang kapatagan sa Timog-silangang Asya. Angkop ito sa
kabuhayang agrikultural. Litaw na litaw sa kultura ng rehiyong ito ang kahalagahan ng
panahon ng pag-aani. Ito ang panahon na sagana kaya dito idinaraos ang maraming
kasiyahan. Iba‟t iba ang mga relihiyon sa Timog-silangang Asya subalit nagkakaisa sila
sa panahon at paraan ng pasasalamat sa biyayang handog ng kapaligiran.

Kanlurang Asya
Islam ang pangunahing relihiyon sa Kanlurang Asya. Malaki ang kaugnayan ng
kapaligiran sa kanilang kultura at kasaysayan. Dahil ang lupain sa rehiyong ito ay
karaniwang disyerto at hindi mataba ang lupa upang mapagtaniman, karaniwang hindi
sapat ang produksiyon ng pagkain. Nagbunsod ito upang makipagkalakalan sila sa
IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL
Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 13
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

malalayong lugar upang magkaroon ng pagkain o kaya ay makipagdigma at sakupin


ang ibang lugar. Nagbigay-daan din ito upang maipalaganap nila ang kanilang relihiyon.

Gitnang Asya
Balot ng yelo sa halos buong taon ang kalupaan sa Gitnang Asya. Umaasa sila sa
pangingisda upang makakain. Sa malubhang tag-lamig ay gumagawa sila ng butas sa
yelo (ice holes) upang makapangisda.
Malinaw ang ugnayan ng tao sa kapaligiran at ang epekto ng kapaligiran sa tao.
Nahuhubog ang kultura dahil sa mga katangiang pisikal ng kapaligiran. Gayundin
naman na nahuhubog ng kultura ang paggamit ng kapaligiran.

Let’s go
PAGSUSULIT

Panuto: Buksan ang iyong Genyo Account at sagutan ang mga katanungan.

TANDAAN

Malaki ang epekto ng pisikal na katangian ng isang lugar sa pamumuhay


ng mga taong naninirahan dito tulad na lamang ng ilan sa iyong napatunayan sa
araling ito. Kaya marapat na iyong mapahalagahan at mapanatili ang kalinisan at
kaayusan ng ating kapaligiran, hindi laang dahil sa dulot nitong natural na
kagandahan ngunit lalong higit dito tayo kumukuha ng ikabubuhay natin sa araw-
araw.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 14
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

ARALIN 2 Likas na Yaman ng Asya


MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES
 Nailalarawan ang mga yamang likas ng Asya
 Nasusuri ang yamang likas at ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal sa
pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon

MGA INAASAHANG BUNGA SA MAG-AARAL:


Sa araling ito, inaasahang malalaman at mauunawaan ang sumusunod:
1. Nailalarawan ang mga yamang likas ng Asya;
2. Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng
mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon; AT
3. Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa ecological balance ng
rehiyon.

Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka


sa araling tatalakayin sa pamamagitan ng pagsagot sa
panimulang pagtataya. Dito mo masusukat ang iyong
kaalaman kung masasagot mo ito ng tama.
Malalaman mo ang wastong sagot habang pinag-
aaralan mo ang modyul na ito. Malaki ang maitulong
ng panimulang pagtataya na ito para sa iyong
pagsisimula.

PANIMULANG PAGTATAYA

Ano sa tingin mo ang mga likas na yaman na matatagpuan mula sa iba‟t ibang anyong
lupa at anyong tubig. Tukuyin ang mga epekto ng mga ito sa mga Asyano.

KAPALIGIRAN LIKAS NA YAMAN EPEKTO SA MGA ASYANO


Hal. Kabundukan Mineral tulad ng ginto Pagmimina ang hanapbuhay
1. Kapatagan
2. Dagat
3. Lawa
4. Ilog

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 15
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

5. Kagubatang
Tropikal

Sagutan sa Activity Sheets


Pahina 1

PAGLINANG

Ang mga likas na yaman ay mga bagay na natural na matatagpuan sa isang


anyong-lupa, anyong-tubig, o behetasyon. Ito ay maaaring isang halaman, hayop, o
mineral. Ang mga ito ay pinagkukunan ng mga ginagamit bilang pagkain, kagamitan,
damit, alahas, o produkto na mahalaga sa tao.

LEKTIYUR I

A. Likas na Yaman sa Timog Asya

Sa India, mayroong humigit kumulang na 54% ng lupa na maaaring bungkalin at


pagtaniman ng iba‟t ibang halamang pagkain na tao. Ang kapatagan ng Ganges ay may
napakatabang lupa na tinatawag na alluvial soil. Ito ang klaseng lupa na nadedeposito sa
lambak at bukana ng ilog pagkatapos ng isang baha.

Sa matatabang lupa maitatanim ang mais, palay, trigo, kape, kamote, bulak, at iba
pang sangkap na pampalasa tulad ng sili, cinnamon, at pepper.

Sa mga hayop naman, tupang karakul ang karaniwang alaga sa bansang


Afghanistan. Sa Bangladesh naman, baka ang kanilang inaalagaan.

Nahuhuli mula sa Indian Ocean ang palos, tuna, dilis, at hipon. Ang mga dagat sa
Timog Asya ay napagkukunan ng iba‟t ibang uri ng shellfish at mga isda gaya ng macherel
at salmon na paboritong pagkain ng mga Asyano.

B. Likas na Yaman sa Silangang Asya

Sakop ng Tsina ang 7% ng lupa sa buong mundo na maaaring bungkalin at


pagtaniman. Ang pinakamahalagang pananim dito ay palay. Nangunguna ang Tsina sa
buong daigdig sa produksiyon ng palay. Ang kanilang ibang mga pananim ay trigo,

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 16
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

mais at oats. Ang Mongolia ay sagana sa yamang lupa na matatagpuan sa mga talampas,
kapatagan, bundok, at lupaing prairie. Mayaman din ang lupa sa mga lambak tulad ng
daluyan ng Yangtze River. Binubungkal din ang lupa ng Mongolian steppe.

Sa rehiyong ito, inaalagaan ang mga hayop tulad ng kalabaw, kamelyo, kabayo,
buriko at yak. Ang mga hayop na ito ay nakatutulongsa mga Asyano sa
paghahanapbuhay. Ang mga dagat dito ay mayaman sa mga isda gaya ng flounder, cod,
tuna, cuttlefish, sea crab, at hipon. Samantala, ang mga ilog dito ay hitik sa carp,
strungeon at hito.

C. Likas na Yaman sa Kanlurang Asya

Ang rehiyong ito ay kilala sa mayaman at malawak na deposito ng petrolyo at


natural gas. Ang kalupaan sa paligid ng Persian Gulf ay pinagmumulan ng malaking
produksiyon ng petrolyo na ginagamit ng iba‟t ibang bansa sa daigdig. Pinakamalaking
tagapagluwas ng petrolyo ang Saudi Arabia. Ang natural gas ng Iran ang pangalawang
pinakamalaking reserba sa buong mundo.

SA mga bundok ng Lebanon matatagpuan ang puno ng cedar. Ilan naman sa mga
pananim sa Kanlurang Asya ay kamatis, sibuyas, trigo, ubas, mais, hazelnut, at ang
tanyag na dates. Kabilang din sa mga pananim sa rehiyong ito ang tabako at tsaa.

D. Likas na Yaman sa Timog-Silangang Asya

Ang rehiyong ito ay mayaman sa mga kagubatang tropikal. Matatagpuan sa mga


kagubatang ito ang maraming puno ng goma, akasya, niyog, at maraming bungang-
kahoy. Sa kagubatan ng Pilipinas makikita ang pinakamaraming uri ng palm at matigas
na kahoy tulad ng apitong, yakal, narra, kamagong, ipil. Kabilang sa mga pananimsa
rehiyong ito ay bulak, trigo, mani, niyog, kape at abaka.

Matatagpuan sa rehiyong ito ang maraming hayop ng tanging sa Timog-Silangang


Asya lamang makikita. Kabilang dito ang tamaraw, tarsier, pilandok, mga unggoy, at
ibang uri ng reptilya tulad ng sawa. Pambihira rin ang ganda ng maraming mga ibon na
makikita rito tulad ng Philippine Eagle o ang tinatawag na monkey-eating eagle.

Malaki naman ang deposito ng natural gas sa Indonesia. Ang mahigit sa 80% ng
langis mula sa Timog-Silangang Asya ay nanggagaling sa bansang ito. Pangunahing
mineral din ng bansang Malaysia ang langis. Sa Pilipinas, ang pangunahing mineral ay
ang tanso.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 17
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

E. Likas na Yaman sa Gitnang Asya

Sa mga lambak-ilog at mga burol nagtatanim ang mga Asyano sa rehiyong ito.
Kabilang sa mga pananim dito ay palay, trigo, bulak, gulay at mansanas. Ang Uzbekistan
ay nagunguna sa pagluluwas ng cotton seed sa buong daigdig. Ang produksiyon ng
pagkain sa rehiyong ito ay nakatuon sa pagtatanim ng trigo, palay, at barley. Ang mga
hayop tulad ng baka at tupa ay inaalagaan at pinararami.

TIYAKIN

A. Punan ang tsart batay sa nabasa.

MGA LIKAS NA YAMAN


Timog-
Timog Silangang Kanlurang Gitnang
Silangang
Asya Asya Asya Asya
Asya

Pinagkukunang
yaman mula sa
kalupaan.

Pinagkukunang
yaman mula sa
katubigan.

Pinagkukunang
yaman mula sa
behetasyon.

Sagutan ang Tiyakin A. sa Activity Sheets


Pahina 2

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 18
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

Let’s go

B. Buksan ang iyong Genyo Account at sagutan ang binigay na pagsusulit.

LEKTIYUR II

IMPLIKASYON NG LIKAS NA YAMAN SA AGRIKULTURA

Ang pagkain ng mga Asyano ay karaniwang


nagmumula sa pagsasaka. Malaki ang implikasyon ng
agrikultura sa panunustos ng pagkain sa malaking
populasyon ng Asya. Sa lawak ng mga lupain na
tinataniman sa Asya, maaaring sapat na ito sa
pangangailangan ng kontinente. Sa katotohanan,
bukod sa kaya nang tugunan ng Asya ang pagkain ng
mga Asyano, ay kaya pa nitong makapagluwas sa
ibang bansa sa labas ng Asya.
Ayon sa report ng World Bank (WDI, 2014), 40% ng lupa sa Asya ay lupang
agrikultural samantalang 30% naman ang kagubatan. Kung titingnan ang datos na ito ay
mukhang sapat na ito dahil sa lawak ng lupain ng Asya. Subalit, may pagkakataon na
kinukulang o kinakapos ang pagkain sa harap ng mga kalamidad tulad ng bagyo,
pagbaha, at tagtuyot. Sa Pilipinas, isyu ngayon ang kakulangan ng bigas sa mga
pamilihan. Hindi sapat ang ani ng mga magsasakang Pilipino kaya kinakailangang pang
umangkat ng bigas mula sa ibang bansa sa Timog-silangang Asya.
May tatlong mahahalagang konsiderasyon ang agrikultura. Ang una ay kung
paano mabibigyan ng sapat na pagkain ang lahat. Pangalawa naman ay ang pag-iwas na
magkaroon ng kagutuman o kakulangan sa pagkain. Ang pangatlo at ang huli ay kung
paano mapananatili (sustainability) ito para sa kinabukasan.
Narito ang mga bansa sa Asya na may pinakamalaking bahagdan ng lupang
agrikultural (ayon sa report ng FAOSTAT, 2014):

1. Kazakhstan 6. Thailand 11. Laos 16. Indonesia


2. Russia 7. Iran 12. India 17. Vietnam
3. Mongolia 8. Myanmar 13. Pakistan 18. Malaysia
4. Afghanistan 9. Bhutan 14. South Korea 19. Pilipinas
5. Cambodia 10. Uzbekistan 15. Nepal 20. Bangladesh

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 19
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

IMPLIKASYON NG LIKAS NA YAMAN SA EKONOMIYA

Malaki ang iniunlad ng ekonomiya ng


Asya sa nakaraang kalahating siglo. Sa
kasalukuyan, ilan sa mga bansa sa Asya ang
pinakamalalaking producer ng mga produktong
agrikultural, pang-isdaan, pagmimina, at
industriyal. Ang malawak na produksiyon ng mga
produkto ay naghatid ng positibong epekto sa
ekonomiya ng Asya.
Marami sa mga bansa sa Asya ay kabilang sa papaunlad na bansa bunsod sa
kasaganaan nito sa likas na yaman. Ang mga ito ay pinagkukunan ng mga materyales na
panustos sa mga pagawaan. Maraming bansa sa Asya ang pinagmumulan ng mga hilaw
na materyales.
Ang pang-ekonomiyang kaganapan sa Asya ay mailalarawan ayon sa maunlad
na bansa tulad ng China, Japan, at South Korea na gumagawa ng tapos na produkto kaya
higit pa silang umuunlad. Samantala, ang mga bansang papaunlad pa lamang ang
pinagkukunan ng hilaw na materyales. Dahil dito maliit lamang ang pakinabang sa
ekonomiya ng mga bansa tulad ng India, Indonesia, Pilipinas, at Vietnam.

Hilaw na Tapos na
Paggawa ng
Materyales Produkto
Produkto
(Raw (Manufacture)
(Finished
Materials) Product)

Habang dumadaloy ang proseso ay tumataas naman ang presyo ng produkto.


Kaya naman maliit lang ang kita ng pinanggagalingan ng hilaw na materyales kumpara
sa mas malaking kita ng mga gumawa ng tapos na produkto.

Ang tapos na
produkto ay 'canned
goods' na 'sliced
Pagdating sa pineapple.' ito
America, ang gma ngayon ay ipagbibili
pinya ay dadaan sa sa mas malaking
Ang Pilipinas ang 'manufacturing halaga
nagtatanim ng pinya. process.'
ang mga bunga ay
dadalhin sa America
sa mababang halaga.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 20
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

Let’s go
TIYAKIN

A. Buksan ang iyong Genyo Account at sagutan ang binigay na pagsusulit.

IMPLIKASYON NG LIKAS NA YAMAN SA PANANAHAN

Sa patuloy na pagdami ng tao ay dumarami rin ang nangangailangan ng


ikabubuhay at pananahanan. Ang dami ng populasyon sa isang bansa ay nakabatay sa
mga katangian ng likas na yaman nito. Habang ang populasyon ay lumalaki nananatili
naman ang sukat ng lupa. Ang Implikasyon nito ay ang isinasagawang „land conversion.‟
Ang halimbawa nito ay ginagawang tirahan ng tao ang dating sakahan o kagubatan,
gayundin sa mga tabing-ilog, tabing-lawa, at tabing-dagat. Gumagamit ang tao ng
teknolohiya upang baguhin ang kakayahan ng lupa at ng kapaligiran.

Dito sa Pilipinas malinaw na halimbawa


nito ang Baguio City. Ang dating kagubatan ng
punong pino ay ginawang pamilihan at tirahan.
Sa gitnang Luzon at Timog Katagalugan,
maraming lupain na dating sakahan ang naging
subdivision. Sa Tagaytay City, maraming
matataas na gusali ang itinatayo upang gawing
tirahan ng tao.

IMPLIKASYON NG LIKAS NA YAMAN SA PANANAHAN

Kung hindi lahat ay karamihan ng kultura sa Asya ay konektado sa kapaligiran


at likas na yaman. Ang mga kilos at ugali ng mga tao ay batay sa kanilang pakikipag-
ugnayan sa kapaligiran. May karanasan ang ibang grupo na nasira ang kapaligiran o
naubos ang likas na yaman kaya unti-unting namatay ang kanilang kultura.

Ang halimbawa nito ay ang kultura ng


tao sa tabing dagat. Ang dating komunidad na
umaasa sa yamang dagat para sa pagkain at
kabuhayan ay naging komunidad na nakasentro
sa turismo. Bunga nito ay unti-unting nabago ang
kultura at pamumuhay ng katutubdo doon. Ang
isang halimbawa nito ay ang pulo ng Boracay.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 21
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

LEKTIYUR III

PANGANGALAGA SA ECOLOGICAL BALANCE NG ASYA

Ang mabilis na pag-unlad ng mga bansa sa Asya nitong mga nakaraang dekada
ay naglagay sa kontinente bilang sentro ng pag-unlad. Dahil sa mahigit na kalahati ng
populasyon ng mundo ay nasa kontinente at dahil sa mabilis na paglago ng ekonomiya,
maraming suliraning pangkapaligiran ang nararanasan ngayon sa Asya. Kabilang sa
mga suliraning ito ang populasyon ng hangin, kakulangan at pagkalason ng tubig,
pagguho ng lupa, at pagkaubos ng likas na yaman. Dahil sa mga kondisyong ito,
nadadamay rin ang ibang kontinente sa mundo.
Ang Asya ang pangunahing tagapaglikha ng greenhouse gas. Greenhouse gas
ang sanhi ng pagkasira ng ozone layer. Kung tuluyang masisira ang ozone layer, mas
lalong lulubha pa ang epekto ng climate change. Patuloy na makararanas ang iba‟t ibang
bahagi ng mundo ng mas malalakas na bagyo at mas matitinding tagtuyot. Ito ang bunga
ng pagkasira ng ecological balance.
Kung hindi mapananatili ang ecological balance, maraming likas na yaman sa
Asya ang mauubos. Kung hindi man, hindi na ito magiging sapat upang matugunan ang
pangangailangan ng mga Asyano. Magdudulot din ito ng pagkasira ng kapaligiran na
maglalagay sa panganib sa mga susunod na henerasyon ng mga Asyano.
Datapwa‟t nagaganap ang mga negatibong pangyayari, tumataas naman ang
kamalayan ng mga Asyano ukol sa kapaligiran. Marami ng mga bansa sa Asya ang
nagpapatupad ng mga patakaran para sa pangangalaga ng kapaligiran. May mga
samahan at organisasyon na kumikilos upang sagipin ang mga endangered species. Ito
ay mga hayop na unti-unti ng nauubos. Isa sa halimbawa nito ay ang Philippine Eagle na
naninirahan sa kabundukan ng Davao. Kabilang din dito ang panda na naninirahan sa
bansang Tsina.
Maliban sa mga samahan o organisasyon, nagpatutupad ang iba‟t ibang bansa
ng mga batas na nangangalaga sa mga halaman at hayop. May mga pandaigdigang
kasunduan para pangalagaan ang biological diversity. Nabuo ang World Charter for
Nature noong 1982 sa pangunguna ng United Nations at ang United Nations Conference
on Environment and Development.
Sa Pilipinas, ipinapatupad naman ang Clean Air Act kung saan pinagbabawal
ang pagsunod sa basura o pagsisiga. Mandao naman ng kagawaran ng kapaligiran at
likas yaman ang parusahan ang sinumang lumalabas o sumisira sa ecological balance.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 22
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

GAWAIN

Panuto: Magsagawa ng isang infomercial na nanghihikayat na gawin o tugunan


ang iyong rekomendasyon ukol sa ecological balance.

BUOD

Ang pagkawala ng ecological balance ay nagdudulot ng maraming


negatibong epekto sa kabihasnang Asyano. Dahil sa paglaki ng populasyon at
pangangailangan sa pagkain, pananahanan, at pag-unlad ng ekonomiya,
nakakaligtaan ang kahalagahan ng ecological balance sa kapaligiran ng Asya. Ang
pagkasira ng anyong-lupa, pagkalason ng katubigan, at pag-iiba ng klima ay
direktang naka-aapekto sa pamumuhay ng mga Asyano. Kung hindi masasagip ito
sa madaling panahon ay may malaking implikasyon sa mga susunod na
henerasyon ng mga Asyano.
Hindi pa huli ang lahat. Sa kabila ng mga pangyayaring ito ay may
mga puwersa na kumikilos upang sagipin o kung hindi man ay bawasan ang di-
magandang epekto ng pagkasira ng ecological balance ng Asya. Kung ang
puwersang ito ay unti-unting madaragdagan at lalakas, mapananatili ang
ecological balance na magiging kapaki-pakinabang hindi lamang sa mga Asyanong
nabubuhay ngayon kundi pati na rin sa mga susunod na salinlahi.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 23
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

ARALIN 3 Yamang Tao at Kaunlaran


MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCY
 Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang-tao sa Asya sa
pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon

MGA INAASAHANG BUNGA SA MAG-AARAL:


Sa araling ito, inaasahang malalaman at mauunawaan ang sumusunod:
1. Nailalarawan ang mga yamang likas ng Asya;
2. Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng
mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon; AT
3. Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa ecological balance ng
rehiyon.

Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka


sa araling tatalakayin sa pamamagitan ng pagsagot sa
panimulang pagtataya. Dito mo masusukat ang iyong
kaalaman kung masasagot mo ito ng tama.
Malalaman mo ang wastong sagot habang pinag-
aaralan mo ang modyul na ito. Malaki ang maitulong
ng panimulang pagtataya na ito para sa iyong
pagsisimula.

PAGLINANG

Ang kontinenteng Asya ay pinatitingkad higit sa lahat ng mga tao nakatira dito.
Sila ay tinatawag na Asyano, ang yamang tao ng Asya. Ang yamang tao ay tumutukoy
sa bilang o pangkat ng tao na may kakayahang maghanapbuhay, magnegosyo, o maging
produktibo upang mapaunlad ang sarili at ang lugar na kinabibilangan. Sila ay
mahuhusay na alagad ng sining, magigiting na lider, makabagong manggagamot,
masisipag na manggagawa, matiising magsasaka, matatalinong guro, matatapat na
negosyante, at marami pang iba.
Ang mga yamang tao ng Asya ang pangunahing bumubuo ng kabihasnang
Asyano. Sila ang humuhubog ng kultura at umuukit ng kasaysayan. Sila ang patuloy na
nakikibaka sa mga hamon ng kasalukuyan at tumutugon sa pangangailangan ng

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 24
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

kontinente. Sila ang lahing nangingibabaw at umaani ng tagumpay sa iba‟t ibang


larangan.
Ang yamang tao ng Asya ang nagpapayaman ng mga likas na yaman sa
kalupaan at katubigan ng Asya. Sila ang gumagawa, nagtatanim, nangingisda,
nagmimina at nag-iimbento upang maging kapaki-pakinabang ang ibang likas na
yaman. Sila ang mga saksi sa makukulay na kultura at tradisyon na walang kaparis
saanman sa daigdig.

LEKTIYUR I

A. Dami ng Tao
Populasyon ang tawag sa bilang ng kabuuang dami ng tao na naninirahan sa
isang particular ng lugar sa isang takdang panahon. Mahalagang element ng bansa at
kontinente ang populasyon. Ang asya ang may pinakamalaking populasyon sa lahat ng
mga kotinente sa buong mundo. Ayon sa worldmeters, 59.55% ng populasyon ng mundo
ay nasa Asya. Mahigit sa kalahati ng populasyon ng mundo ay nasa Asya.
KONTINENTE POPULASYON PORSYENTO
Asia 4,641,054,775 59.5 %
Africa 1,340,598,147 17.2 %
Europe 748,118,822 9.78%
Latin America and Carribean 653,962,331 8.4 %
North America 368,869,647 4.7 %
Australia/Oceania 42,677,813 0.5 %
Pinagkunan: www.worldometers.info
Limang (5) bansa rito ang kabilang sa sampung bansa na may pinakamalaking
populasyon. Ito ay ang China, India, Indonesia, Pakistan at Bangladesh. Samakatuwid, ang
Asya ang may pinakamalaking yamang tao. Kung ito ang pagbabatayan, ang mga bansa
sa Asya dapat ang pinakamaunlad na bansa sa daigdig.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 25
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

B. Komposisyon ayon sa Gulang


Malaki ang kinalaman ng komposisyon ng populasyon ayon sa gulang o edad sa
kalagayang panlipunan ng Asya. May tatlong grupo na ginagamit sa pagpapangkat ng
populasyon ayon sa gulang. Una, ang mga may edad na 0 hanggang 14 ay itinuturing na
mga bata. Ang pangalawa ay ang mga 15 hanggang 64 na taong gulang na tinatawag na
produktibong pangkat. Ang huli ay ang mga edad na 65 pataas na tinatawag na
matatanda.
Ang pangkat na bata at matatanda ay umaasa sa gitnang pangkat, ang mga
naghahanapbuhay o ang mga produktibong bahagdan ng populasyon. Ang mga bata at
matatanda ay umaasa rin sa suporta na galing sa pamahalaan.
May kinalaman kung aling pangkat ng populasyon ang pinakamarami sa
kalagayang panlipunan ng Asya. Mas malaki ang responsibilidad ng pamahalaan kung
mas marami ang mga bata at matatanda kaysa sa mga produktibong mamamayan. Sa
kabilang banda naman, mas maraming katuwang kung mas Malaki ang populasyon ng
mga naghahanapbuhay.

C. Inaasahang Haba ng Buhay at Kasarian


Ang haba ng buhay ng
populasyon ay may implikasyon sa
kalagayang panlipunan maging
ang kasarian. Kung maaas ang
haba ng buhay ng mga
mamamayan, maaaring
nangangahulugan ito na
maginhawa ang buhay ng tao sa
lugar na iyon. Maaaring mataas
ang antas ng kanilang kalagayang
medical at teknolohikal upang
magamot ang mga may sakit lalo
na ang mga matatanda. Sa Asya, ang mga bansang Japan at Singapore ang may
pinakamataas nah aba ng buhay samantalang ang pinakamababa ay Afghanistan, Nepal,
Laos, Myanman, at Cambodia. Kung mapapansin ay malaki ang kaugnayan ng haba ng
buhay ng mamamayan sa antas ng pamumuhay sa isang bansa. Mas mahaba ang buhay
ng populasyon sa bansang mayayaman samantalang mas mababa naman sa mahihirap
na bansa. Mayroon din namang salik tulad ng digmaan, epidemya ng sakit at kalamidad.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 26
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

D. Bilis ng Paglaki ng Populasyon


Pinag-aaralan ang bilis ng paglaki ng populasyon sa isang bansa o rehiyon bawat
taon dahil ito ay mahalaga. Sa pamamagitan ng kaalamang ito, ang pamahalaan at iba
pang samahan ay maaaring makabuo ng balangkas, programa, at patakaran upang
mapabilis o kaya ay mapabagal ang paglaki ng populasyon.
May mga bansa na nangangailangan ng mas
mabilis na pagdami ng tao dahil sa kakulangan sa
yamang tao. Nangangailangan sila ng mas
maraming mamamayan upang matugunan ang
pangangailangang ekonomikal ng kanilang lipunan.
May mga bansa na umaangkat ng mga mamamayan
mula sa ibang bansa upang maghanapbuhay sa
kanilang bansa. May iba rin na hinihikayat ang mga
mamamayan sa ibang bansa na sa kanila tumira at
doon bumuo ng pamilya.
Kabaligtaran naman ang suliranin ng ibang
bansa sa Asya. Nais naman nilang mapabagal ang
bilis nang paglaki ng populasyon. Maaaring
kinukulang na ang kanilang likas na yaman upang
matugunan ang pangangailangan ng kasalukuyang
populasyon.
May mga bansa na may patakaran o batas na nagtatakda na ang mag-asawa ay
magkaroon lamang ng isa hanggang dalawang supling. Nagbibigay sila ng pribilehiyo sa
mga pamilyang sumusunod sa patakaran.
May mga bansa naman na naglulunsad ng programa kung saan nakapagpaplano
ang mag-asawa kung ilan ang anak na gusto nila at kung ilan taon ang magiging agwat
na bawat isa. Mayroon din naman boluntaryo ang paggamit ng contraception,
pagbibigay ng sapat na edukasyon, at mas malawig na karapatan para sa mga
kababaihan.
Mga pamamaraan upang mapabagal ang bilis na paglaki ng populasyon: family
planning, reproductive health law, one-child policy, overseas workers at contraception.

Let’s go
TIYAKIN

A. Buksan ang iyong Genyo Account at sagutan ang binigay na pagsusulit.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 27
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

GAWAIN

Ang inyong komunidad ay humaharap sa


krisis pang-ekonomiya(Situation). Bilang isang artist
(Role), ikaw ay gagawa ng isang COLLAGE (Product)
na nagpapakita sa komunidad (Audience) kung
paano makakamit ang kaunlaran ng mga Asyano sa
pamamagitan ng kanilang yamang tao (Goal). Ang
iyong gawa ay tatayahin batay sa Pagkamalikhain,
Pagkamapanlikha

BUOD

Yamang
Tao ng Hanapbuhay Edukasyon
Asya

Bilis ng
Populasyon Paglaki ng Migrasyon
Populasyon

Gulang ng Haba ng
buhay at
Kaunlarang
Populasyon Kasarian Asyano

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 28
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

RUBRIKS PARA SA PAGSASAGAWA NG INFOMERCIAL

KRITERYA 4 3 2 1
Lubhang Maayos ang Hindi gaanong Magulo ang
maayos ang paglalahad ng maayos ang paglalahad ng
PAGLALAHAD paglalahad ng mga sagot paglalahad ng mga sagot
mga sagot. mga sagot

Wasto lahat ang Halos wasto May ilang mali Maraming mali
mga inilahad ang mga sa mga inilahad sa mga inilahad
na mga inilahad na na na
KAWASTUHAN
pangangailanga mga pangangailang pangangailang
n at mithiin pangangailang an at mithiin an at mithiin
an at mithiin
Lubhang sapat Halos sapat May sapat na Walang
ang detalye at ang detalye at detalye ngunit gaanong
uri ng salitang uri ng salitang di angkop ang detalye at hindi
MGA DETALYE
ginamit sa ginamit sa ilang salitang maayos ang
paglahad paglalahad ginamit sa mga detalye ng
paglalahad paglalahad
Lubhang Malinaw at May ilang mali May mga mali
malinaw at wasto ang sa ibinigay na at kalabuan
PALIWANAG wasto ang ibinigay na paliwanag ang ibinigay na
ibinigay na paliwanag paliwanag
paliwanag
Lubhang Nakahihikayat Hindi gaanong Hindi
nakahihikayat at nakahihikayat nakahihikayat
at makatotohanan at at
PAGHIHIKAYAT makatotohanan ang mga makatotohanan makatotohanan
ang mga paraang ang gma ang mga
paraang inilahad paraang paraang
inilahad inilahad inilahad

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 29
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

RUBRIKS SA PAGGAWA NG COLLAGE

KRITERYA 4 3 2 1
Ang mga Ang mga Ang mga Ang mga
inilahad na inilahad na inilahad na inilahad na
larawan ay larawan ay larawan ay larawan ay
makabuluhan, makabuluhan, kulang at kulang at
detalyado, at nagbibigay nangangailang nangangailang
NILALAMAN ng malinaw na an pa ng an pa ng
komprehensibo
, at nagbibigay kaalaman detalyadong detalyado at
presentasyon malinaw na
ng malinaw na
presentasyon
kaalaman

Ang mga Ang mga Ang mga Ang mga


inilhad na inilhad na inilahad na inilahad na
larawan ay larawan ay larawan ay larawan ay
angkop at angkop at nangangailang hindi angkop
nagpapakita ng kumpleto an ng at hindi kaaya-
KAAYUSAN karagdagang aya
kaaya-ayang
disenyo at kaangkupan at
linaw ng gawa
paglalahad ng
kaalaman

Ang mga Ang mga Nangangailang Ang mga


disenyo at disenyo at an pa ng inilahad na
materyales na materyales na pagpapakita na materyales ay
ginamit ay ginamit ay recyclable ang hindi
PAGKAMALIKH recyclable at mga
recyclable at recyclable at
AIN maayos ang materyales at
nagpapakita ng nangangailang
husay ng pagkakagawa husay ng an pa ng husay
disenyo ng disenyo
pagkakagawa

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 30
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

Sa Ngalan ng Aman, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

O Hesus ko, patawarin Mo kami sa aming mga sala; iligtas Mo


kami sa apoy ng impyero; hanguin Mo ang mga kaluluwa sa
purgatory, lalong lalo na yaong walang nakakaala-ala

Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak,at ng Espiritu Santo. Amen.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 31
MODYUL SA BAITANG 7 - ARALING PANLIPUNAN S.Y. 2021-2022

REFERENCES
Book

Abulencia, Arthur S. Abulencia, Ph.D. et al. Kayamanan Araling Asyano, Binagong Edisyon.
Quezon City, Manila. REX Book Store, Inc., 2020

Online Resources

https://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/gr_8_araling_panlipunan_q1_lm.pdf
www.worldometers.info

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JOSHUA D. OJENAL


Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587 32

You might also like