You are on page 1of 10

1

Learning Activity Sheet sa


Araling Panlipunan 1
Kuwarter 2 – MELC 1
Mga Kasapi ng Pamilya

REHIYON VI – KANLURANG VISAYAS


A. Panuto: Bigkasin ang tula.

Ang Aking Pamilya


Akda ni: Cathyrin V. Bolaños

O aking mahal na ina


Ikaw ay uliran at pinagpala
Ilaw ka ng tahanan at tagapamahala
Inihahanda ang kailangan ng bawat isa
Sa aking masipag na ama
Masipag at matiyaga
Pagod sa trabaho di alintana
Maibigay lamang lahat sa pamilya
Si kuya na tumutulong sa ama
Si ate naman gumagawa kapag wala ang ina
Si bunso na laging nagpapasaya
Kapag pagod si ina’t ama.
Ang pamilya’y laging nariyan
Sa problema’t kasiyahan laging maaasahan
Pamilya na hindi ka iiwan
Sila’y ating mahalin at ingatan.

B. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon


sa binigkas na tula.

____________ 1. Siya ang ilaw ng tahanan.


____________ 2. Siya ang laging nagpapasaya.
____________ 3. Siya ang gumagawa kapag wala ang ina.
____________ 4. Siya ang katulong ni ama.
____________ 5. Siya ay pagod ngunit di ito alintana.

C. Panuto: Pagtambalin ang hanay A at hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa patlang.

D. Panuto: Gumupit o gumuhit ng larawan na hinihingi sa bawat kahon sa ibaba at


idikit ito.
1
Learning Activity Sheet sa
Filipino 1
Kuwarter 2 – MELC 1
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa
Napakinggang Pabula, Tugma/Tula, at
Tekstong

REHIYON VI – KANLURANG VISAYAS

A. Gawain ng magulang/guro
• Basahin sa mag-aaral ang talata.
Si Mika at Karina ay magkaibigan. Mahilig sa kendi si Mika. Si Karina naman
ay gustong-gusto ang nilagang kamote. Isang araw, biglang sumakit ang ngipin
ni Mika. “Naku, may sira na ang iyong ngipin Mika” sabi ni Karina. Mula noon
iniwasan na ni Mika ang pagkain ng kendi.

• Ipasagot ng pasalita sa mag-aaral ang mga tanong.


1. Sino ang mga bida sa kuwento?
__________________________________________________________________
2. Ano ang gustong kainin ni Mika?
__________________________________________________________________
3. Ano naman ang paborito ni Karina?
__________________________________________________________________
4. Ano ang nangyari kay Mika?
__________________________________________________________________
5. Bakit kaya nasira ang ngipin ni Mika?

__________________________________________________________________

Gawain ng mag-aaral
• Sagutin ng oral o pasalita ang mga tanong.

B. Babasahin ng magulang/guro ang tula

Gawain ng magulang/guro

• Basahin sa mag-aaral ang mga tanong at hayaang sagutin niya ito ng pasalita o
oral.

Gawain ng mag-aaral
• Sagutin ng pasalita o oral ang mga tanong.
1. Ano ang pamagat ng tula?

__________________________________________________________________
2. Sino ang pumuputak sa umaga?

__________________________________________________________________
3. Bakit pumuputak si Mulak?

__________________________________________________________________
4. Ano ang nararamdaman ni Mulak habang dulot niya ang kanyang itlog?

_________________________________________________________________
5. Para kanino ang mga itlog ni Mulak?

__________________________________________________________________
6. Ano ang magandang maidudulot sa iyong katawan kapag kumain ka ng itlog?

_________________________________________________________________

1
Learning Activity Sheet sa
MTB 1
Kuwarter 2 – MELC 1
PANGHALIP PANAO, PANGHALIP PAARI

REHIYON VI – KANLURANG VISAYAS

A. Pag-aralan ang larawan. Piliin ang tamang letra na sumasagot sa bawat tanong.
Isulat ang sagot sa kuwaderno.
1. Sino ang nagwawalis?
a. si ate b. si kuya c. si nanay

2. Sino ang nag-iigib?


a. si ate b. si nanay c. si tatay

3. Sino ang nagpupunas ng mesa?


a. si ate b. si kuya c. si nanay

B. Matutukoy mo ba kung anong uri ng pangngalan ang mga


sumusunod? Gamit ang inyong kuwaderno, isulat ang pangngalan ng
mga nasa larawan kung ito ay TAO, BAGAY, HAYOP o LUGAR.

C. Isulat sa kuwaderno ang tamang panghalip upang mabuo ang


pangungusap. Isulat ang ako, ikaw, siya, akin, iyo, o kanya.
D. Ano ang dapat mong sabihin sa mga sumusunod na kalagayan?
Gumamit ng tamang panghalip.

You might also like