You are on page 1of 2

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO (ESP)

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapahayag ng pagkamagiliwin


at pagiging palakaibigan at MALI naman kung hindi.
____________1. Lagi kong binabati ang aking guro sa paaralan.
_____________2. Madalas kong kinukumusta ang aking mga kamag-anak na nasa
probinsya.
_____________3. Magiliw akong nakikipag kaibigan sa mga bago kong kilala.
_____________4. Hindi ko pinapansin ang bagong lipat naming kapitbahay.
_____________5. Magalang kong kinausap ang matandang nagtanong sa akin ng
dereksyon patungong simbahan.

Panuto: Lagyan ng PUSO ang diyalogong nagpapakita ng pang-unawa sa


kalagayan ng kapwa at lagyan ng TATSULOK kung hindi.
_______1. Wala kang baon na meryenda? Ito ang baon ko, hati nalang tayo.
_______2. Narito ang iba kong lapis, sayo na lamang para may magamit ka sa pagsusulit
natin mamaya.
_______3. Ayaw kitang maging kaibigan, luma ang iyong sapatos.
_______4. Tumawid ka mag isa, hindi kita tutulungan.
_______5. Halika, sumama ka sa akin at bibigyan kita ng damit na maisusuot mo.
_______6. Nanay, mayroong matandang patawid sa kalsada, alalayan po natin.
_______7. Bata, umalis ka rito!
_______8. Ate Sab nandoon po ang batang pulubi, bigyan po natin ng makakain.
_______9. Dahil wala syang pera, huwag na natin syang isama.
_______10. Dalawin natin si lola at masakit ang kanyang tuhod.
_______11. Jacob, dadaan ako, alis diyan!
_______12. Hindi naman masarap itong binigay mong candy.
_______13. Tulungan n akita Aling Belen sa pagsalok ng tubig.
________14. Nauunawaan ko ang iyong kalagayan.
________15. Sumabay kana sa aming sasakyan para hindi kana mamasahe sa traysikel.

Panuto: Isulat ang TAMA kung ito ay pagiging mabuti at MALI kung hindi.
______________1. Halika rito Hannah, tuturuan kitang sumayaw at umawit.
______________2. Mga pulubi, umalis nga kayo rito sa harap ng aming bahay!
______________3. Ate Krystel, bigyan natin ang bata sa kalye ng kaunting pagkain at
mukhang nagugutom na sya.
______________4. Sumali ka sa choir upang mahasa pa ang iyong boses sa pagkanta.
______________5. Nandito kana naman! Huwag kana ulit babalik dito.

Panuto: Bilugan ang mga salita sa loob ng kahon na may kaugnayan sa salitang
“MALASAKIT”. Bilugan ito.
PANGMAMALIIT PAG-AALALA PANGHIHIYA

PANG- AAPI PAGTULONG PAGMMAHAL

PAGBIBIGAY PAGDAMAY

Panuto: Isulat ang TAMA kung ito ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa at


MALI naman kung hindi.
_______________1. Mas pinili nina Cesar at Oscar na magturo ng libre para sa mga
katutubo na hindi nakakapag-aral.
_______________2. Hindi dapat ikahiya ang pagtulong sa kapwa lalo na kung para sa
ikabubuti nila ito.
_______________3. Natabig ng isang bulag ang tubig ni Marco kaya nagalit siya.
_______________4. Nagkaroon ng sunog sa kanilang lugar kaya sila ay tinulungan ng
ibang tao na hindi naapektuhan ng sunog.
_______________5. Dapat magbigay malasakit sa mga taong may kapansanan.

You might also like