Professional Documents
Culture Documents
AP 7 Test Tos 2nd Grading
AP 7 Test Tos 2nd Grading
Talahanayan ng Ispesipikasyon sa
A.Paghubog ng 30% 5 3 2 3 1 1 15
Sinaunang (9,10,11, (1,2,3) (7,8) (4,5,6) (15) (14)
Kabihasnan 12,13)
B.Sinaunang 70% 10 10 5 5 2 1 33
Pamumuhay (23,24,25, (38,39,40 (18,19,20, (33,34,35,36 (16,17) (48)
26,27,28, ,41,42,43 21,22) 37)
29,30,31, ,44,45,46
32) ,47)
KABUUAN 100% 15 13 7 8 3 2 48
AralingPanlipunan 7
IKALAWANG MARKAHAN
Layunin: Nabibigyang kahulugan ang konsepto ng kabihasnan at nailalahad ang mga katangian nito.
Layunin: Nabibigyang kahulugan ang konsepto ng kabihasnan at nailalahad ang mga katangian nito.
2. Bakit kadalasang ang mga unang kabihasnan sa Asya ay umuusbong sa mga lambak-ilog?
A. Dahil ditto sila kumukuha ng pagkain.
B. Dahil sa matataba ang lupa sa lugar na ito na mainam sa agrikultura.
C. Madali para sakanila ang mamuhay.
D. Mahilig silang mangisda at lumangoy.
Layunin: Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan saAsya( Summer, Indus, Tsina).
3. Ang caste system ay sistemang paghahating lipunan ng mga Indo- Aryan. Alin ang HINDI
katangian ng sistemang caste?
A. Binubuo ito ng apat na pangkat.
B. May mga tuntuning sinusunod ito sa pag-aasawa, hanapbuhay ,pananampalataya at iba
pa.
C. Kabilang ang mga magsasaka at mangangalakal sa pangkat ng vaishas.
D. Una ang Kshatriyas sa uri ng mga pangkat.
Layunin: Napapahalagahan ang mga kaisipang Asyano, pilosopiya, at relihiyon na nagbigay-daan sa
paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sapagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.
4. Ang paniniwala tungkol sa reinkarnasyon ng mga Hindu ay ang mga sumusunod maliban sa
isa.Alin ito?
A. Nawawala sa siklo ang masasama at hindi na kailanman magkaroon ng katahimikan.
B. Ito ang siklo ng kapanganakan at kamatayan.
C. Pinaniniwalaan na ang kaluluwa ay muling mabubuhay sa mas mataas o mababang
kalagayan sa lipunan batay sa karma.
D. Ang mabuting tao ay tataas ang ranggo sa sususnod na buhay.
5. Ang nirvana ay nangangahulugan ng tunay na kaligayahan at katahimikan. Kailan ito
mararating o matatamo?
A. Kung natapos nang isang nilalang ang siyam na siklo ng kanyang buhay.
B. Kung nakamit niya ang mokshao ang paglaya sa siklo ng kapanganakan at kamatayan.
C. Kung kabilang siya sa lebel ng Brahmin.
D. Kung nakagawa siya ng tunay na kabayanihan.
Layunin: Napapahalagahan ang mga bagay at kaisipang pinagbatayan ( Sinocentrism, Divine Origin,
Devajarah) sa pagkilala sa sinaunang kabihasnan.
7. Bahagi ng lipunan simula pa noong unang panahon ang relihiyon. Ano ang kahulugan nito?
A. Ito ay pagkilala sa kanyang pinagmulang lahi.
B. Ito ay nagpapaira lng mgadapat sundin sa mga lipunan.
C. Ito ay palaisipang hindi malaman ang simula ang patutunguhan at ang wakas.
D. Ito ay pagkilala ng tao sa isang kapangyarihang sa lahat ng bagay at ang kanyang mga
batas at utos ay sinusunod.
8. Ang kabihasnang Indus, Sumer, Shiang, ang unang kabihasnang umusbong sa buongmundo.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pagkakatulad ng tatlong kabihasnan.
A. Umusbong sa mga lambak-ilog
B. May sariling sistema sa pagsusulat
C. Umusbong ang lahat ng ito sa Kanlurang Asya
D. Naniniwala sa maraming Diyos.
11. Kalipunan ng mga batas na ang layunin nito na ipaalala sa lahat ng mamamayan ang mahigit
na pagpapatupad ngbatas.
A. KodigoniBarummah C. KodigoniAburrabi
B. Kodigoni Hammurabi D.Kodigoni Manu
12. Tinatawag ito sa wikang Ingles na New Stone Age na naganap noong 7000-3000 B.C.E.
A. Paleolitiko B. Mesolitiko C. Panahong Metal D. Neolitiko
Layunin: Nabibigyang kahulugan ang konsepto ng kabihasnan at nailalahad ang mga katangian nito.
Layunin: Napapahalagahan ang mga bagay at kaisipang pinagbatayan( Sinocentrism, Divine Origin,
Devajarah) sa pagkilala sa sinaunang kabihasnan.
15. Kakatawanin mo ang inyong paaralan para sa isang paligsahan ng debate tungkol sa
pilosopiya at misyon ng bawat paaralan sa inyong dibisyon. Anong paghahanda ang gagawin
mo bago ang paligsahan?
A Gumawa ng outline ng isyu at magsaliksik at paghandaan ang mga posibleng
magiging punto ng debate
B. Magsaliksik at maghandang humarap sa karamiha
C. . Magbasa at magsaliksik tungkol sa magiging punto ng debate
D. Magbasa, manood ng balita at maghanda
17. Maaaring narinig mo na mula sa isang galit na tao ang mga katagang “Kakarmahin din siya
balang araw” o di kaya, “Ma-karma sana siya.” Kapag ito’y napakinggan, tila ba ang tao na
nagsasabi nito ay nais mapahamak ang taong kanyang pinagsasabihan. Marahil nakatatak sa
isipan ng ibang mga tao na ang karma ay parang sumpa o kamalasan ngunit hindi ito ang
tunay na diwa ng karma. Ngunit ang tunay na diwa ng Karma ay…
A. ang ating mga gawain ay kasama natin maglalakbay kahit saan at kahit gaano kalayo
man ang ating marating sa buhay. Kung ano man ang ating mga nagawa noon ay siyang
naghubog kung ano tayo ngayon.
B. Paniniwala sa mga gawa na mabuti na magreresulta sa mabuting gawa lamang sa
kapwa.
C. Pagtugon sa masamang pangyayari sa kapwa na produkto ng negatibong karanasan
din sa kapwa.
D. Mabuti at di mabuting gawa at may katumbas na mabuti at di mabuting resulta.
18. Batay sa larawang nakita, paano nakakaimpluwensiya ito sa lipunan ng mga Asyano?
19. Paano natin mapangalagaan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan?
A. Gawing lugar na mapagtambakan at matataguan ng mga kagamitansa digmaan.
B. Makakatulong sa mga kabataan sa pag-unawa sa kasalukuyan dahil sa nakaraan.
C. Ito ay mahalagang ambag ng kasaysayan ng Asya sa daigdig.
D. Magkaroon ng preserbasyon upang manatiling buhay ang kaisipagan ng kanilang mga
ninuno.
Layunin: Napapahalagahan ang bahaging ginampanan ng kababaihan sa pagtataguyod at pagpapanatili
ng mga Asyanong pagpapahalaga.
20. Paano ginampanan ng mga kababaihang pinuno ang kanilang tungkulin bilang lider
ng bansa sa Asya?
A. Binigyan ng pagkakataon ang mga kababaihang may kakayahang manungkulan sa
kanilang bansa.
B. Itinaguyod at pinanatili nila ang Asyanong pagpapahalaga sa panahon ng
kanilang pamumuno.
C. Pinataas nila ang kita ng bansang kanilang pinamunuan
D. Pinalawak nila ang kapangyarihan ng mga kababaihang pinuno sa kanilang bans
Layunin: Nasusuri ang bahaging ginampanan ng mga pananaw, paniniwala at tradisyon sa paghubog ng
kasaysayan ng mga Asyano
21. Paano isinasagawa ang footbinding sa mga batang babae sa Tsina bilang bahagi ng
kanilang kultura?
A. Sa murang edad ay binalot na ng bakal ang paa at hindi pinalalabas ng bahay.
B. Binabali ang buto ng daliri at nilalagyan ng balot na bakal sa paa.
C. Ang mga batang babae sa murang edad ay tinatanggalan na ng kuko at binabali
ang buto ng daliri at lalagyan ng bondage at ibabalot sa bakal o metal ang paa upang hindi
ito humaba pa.
D. Ang mga batang babae ay nilalagyan ng bakal sa paa.
Layunin: Natataya ang impluwensiya ng mga paniniwala sa kalagayang panlipunan, sining at kultura ng
mga Asyano.
22. Isa sa apat na Noble ng katotohanan ng Budhismo ay nagsasaad na "Buhay ay
nangangahulugan na puno ng paghihirap". Ano ang kahulugan ng ganitong pahayag
A. Pang habangbuhay ang paghihirap ng tao
B. Hindi natatakasan ang kahirapan at kalungkutan sa buhay
C. Kahit pa magsumikap ang tao ay makararanas pa rin siya ng paghihirap
D. Bahagi na ng buhay ng tao ang paghihirap at pagpapakasakit
24. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na kinilala nila bilang
dambana ng kanilang diyos o diyosa?
A. Great Wall of China C. Taj Mahal
B. Ziggurat D. Hanging Garden
Layunin: Natataya ang impluwensiya ng mga paniniwala sa kalagayang panlipunan, sining at kultura ng
mga Asyano.
25. Ang pangunahing relihiyon sa India na,mga Aryan ang unang tribong sumam- palataya.
Naniniwala sila sa maraming Diyos mula sa ibat ibang likha ng kalikasan.
A. Buddhismo C. Islam
B. Hinduismo D. Jainismo
Layunin: Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari mula sa sinaunang kabihasnan hanggang sa
ika-16 na siglo sa pamahalaan.
26. Ito ang unang banyagang dinastiya sa China na pinamunuan ni Kublai Khan.
A. Ming C. Sung
B. Tang D. Yuan
Layunin: Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari mula sa sinaunang kabihasnan hanggang sa
ika-16 na siglo sa kabuhayan.
27. Panahong nagtagal ng 600 na taon, mula 1500-900 B.C.E na hango sa salitang Vedas
(karunungan)pagtaboy ng mga Indo-Aryan sa mga Dravidian patungong katimugan maraming
mga Indo-Aryan ang naging magsasaka at natutong mamuhay sa pamayanan.
A. Golden Age C. Panahong Vedic
B. Panahong Paleolitiko D. Panahong Epiko
Layunin: Natataya ang impluwensiya ng mga paniniwala sa kalagayang panlipunan, sining at kultura ng
mga Asyano.
38. Ayon sa Theravada ni Buddha, malilinis ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng
pagsunod sa___________.
A. Walong Landas C. Karma
B. Nirvana D. Reinkarnasyon
Layunin: Natataya ang impluwensiya ng mga paniniwala sa kalagayang panlipunan, sining at kultura ng
mga Asyano.
40. Ano ang maari ninyong ipalagay batay sa pahayag na ito? Ang Budismo ay isinilang sa India,
ang Islam sa Saudi Arabia, at ang Kristiyanismo sa Palestina.
A. Lahat ng relihiyon ay mahalaga.
B. Lahat ng relihiyon ay lumaganap.
C. Lahat ng pangunahing relihiyon ay isinilanga sa Asya.
D. Lahat ng relihiyon ay may aral
Layunin: Nasusuri ang bahaging ginampanan ng mga pananaw, paniniwala at tradisyon sa paghubog ng
kasaysayan ng mga Asyano.
Layunin: Nasusuri ang bahaging ginampanan ng mga pananaw, paniniwala at tradisyon sa paghubog ng
kasaysayan ng mga Asyano.
42. Ang pagpapahalaga sa kapangyarihan ng mga magulang at ang pagmamahal sa mga ninuno
ay binigyang-halaga sa mga turo ni ____________.
A. Chou en-lai B. Confucius C. Lao Tzu D. Mencius
Layunin: Nasusuri ang bahaging ginampanan ng mga pananaw, paniniwala at tradisyon sa paghubog ng
kasaysayan ng mga Asyano.
Layunin: Nasusuri ang mga kalagayang legal at tradisyon ng mga kababaihan sa iba’t-ibang uri ng
pamumuhay.
44. Ang matandang kaugalian ng mga Haponesa ay maglakad na nagpapahuli sa kanilang asawa.
Ano kaya ang dahilan?
A. Maipakita ng mga babae ang paggalang sa asawa.
B. Mabantayanang maaaring gawin ng asawang lalaki.
C. Tanggap ng mga haponesa na mas mababa ang katayuan nila sa lipunan.
D. Masyadong selosa ang mga Haponesa.
Layunin: Nasusuri ang bahaging ginampanan ng mga pananaw, paniniwala at tradisyon sa paghubog ng
kasaysayan ng mga Asyano.
48. Bilang estudyante, Paano mo maisasabuhay ang ginintuang aral ni Confucius na “huwag
mong gawin sa iba ang mga ayaw mong gawin nila sa iyo”.
A. Dapat mapagbigay para hindi ka masaktan .
B. Huwag kang gagawa ng hakbang kung hindi sinasabi ng kasama.
C. Igalang ang mga nakakatanda sa iyo.
D. Huwag kang gagawa ng mga bagay na hindi mabuti sa iyong kapwa.
PREPARED BY:
MA. ROSARIO C. JAICTIN - CONG. PABLO MALASARTE NATIONAL HIGH SCHOOL (BALILIHAN)