You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region
Schools Division of
District of
ELEMENTARY SCHOOL

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2023-2024

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
Bilang DOMAINS
Pamantayan sa Bilang ng
ng %
Pagkatuto Aytem R U A A E C
Araw
1. Nakapagpapakita ng
pagkamahinahon sa
damdamin at kilos ng
kapwa tulad ng:
1.1. pagtanggap ng
sariling pagkakamali at
pagtutuwid nang
1,2
bukal sa loob 17.5
7 7 3,4 7
1.2. pagtanggap ng puna %
5,6
ng kapwa nang maluwag
sa kalooban
1.3. pagpili ng mga
salitang dinakakasakit
ng damdamin sa
pagbibiro
EsP4P- IIa-c–18
2. Nakapagbabahagi ng
sariling karanasan o
makabuluhang
pangyayaring nagpapakita 12,
17.5
ng pangunawa sa 7 7 13, 10,11 8,9
%
kalagayan/ 14
pangangailangan ng
kapwa.
EsP4P- IId–19
3. Naisasabuhay ang 15,
pagiging bukas-palad sa 16,
7.1. mga nangangailangan 17,
17.5
7.2. panahon ng 7 7 18,
%
kalamidad 19,
EsP4P- IIe– 20 20,
21
4. Nakapagpapakita ng
paggalang sa iba sa mga
sumusunod na sitwasyon:
8.1. oras ng pamamahinga
8.2. kapag may nag-aaral 22,23
8.3. kapag mayroong 17.5 24,25
7 7
maysakit % 26,27
8.4. pakikinig kapag may 28
nagsasalita/
nagpapaliwanag
EsP4P-IIf-i– 21

5. Paggamit ng pasilidad 6 15% 6 30 29,31 34 32,


The creator/editor of this Periodical Test does not claim ownership over its contents such as (pictures, illustrations, stories, etc.). This PT is only
intended as reference for teachers.
The creator/editor shall/does not allow/permit any individual to sell this Periodical Test or to share without his/her permission. @edumaymay
ng paaralan nang may
pag-aalala sa kapakanan
ng kapwa
8.5.1. palikuran 33
8.5.2. silid-aklatan
8.5.3. palaruan
EsP4P-IIf-i– 21
6. Pagpapanatili ng
tahimik, malinis at kaaya-
35,
ayang kapaligiran bilang
6 15% 6 36 37, 39,40
paraan ng
38
pakikipagkapwa-tao
EsP4P-IIf-i– 21
100
TOTAL 40 40 7 17 6 6 2 2
%

Prepared by: Checked and Verified by:

Teacher III Teacher III


Noted by:

School Principal I

Republic of the Philippines


The creator/editor of this Periodical Test does not claim ownership over its contents such as (pictures, illustrations, stories, etc.). This PT is only
intended as reference for teachers.
The creator/editor shall/does not allow/permit any individual to sell this Periodical Test or to share without his/her permission. @edumaymay
Department of Education
Region
Schools Division of
District of
ELEMENTARY SCHOOL

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2023-2024

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Maglilihim ka ba sa nagawang pagkakamali upang hindi mapagalitan ng magulang?


A. Oo, ililihim ko ang pagkakamali ko upang di mapagalitan.
B. Tangapin ko ang pagkakamali at ituwid nang bukal sa loob
C. Ililihim ko na lang, wala namang nakakita..
D. Bahala na po.

2. Aamin ka ba kapag ikaw ay nagkamali sa kasalanan na ikaw ang gumawa?


A. Opo C. Hindi po ako sigurado
B. Hindi D. Bahala na po

3. Pinapatawad ko ang aking kaibigan na humingi ng paumanhin sa akin.


A. Palagi C. Hindi ko ginagawa
B. Paminsan, minsan D. Wala sa nabangit

4. Nakikinig ako sa mga payo o puna ng aking mga magulang o guro nang maluwag sa kalooban?
A. Tama C. Hinayaan ko lang sila magsalita
B. Hindi D. Tinatakpan ko nalang ang aking tainga

5. Ang mga salitang ginagamit sa pagbibiro ay dapat bang piliin?


A. Tama C. Bahala na
B. Mali D. Wala sa nabangit

6. Humihingi si Kisha ng kapatawaran sa mga nasabing masasama at di na ulit babanggitin ang mga salitang
nakakasakit sa kanyang kapwa. Tama ba ang ginagawa ni Kisha?
A. Tama, humingi ng tawad at ipangako na hindi na uulitan ang kapag nakapagsalita ng masama sa
kapwa.
B. Mali, Hindi na kailangan humingi nang tawad sa kapwa
C. Hindi na lamang papansinin.
D. Wala sa nabangit

7. Papasok ka na ng inyong paaralan, at sa iyong pagmamadali ay di mo sinasadyang matabig at mabasag ang


plorera na nasa mesa. Alin sa mga sumusunod ang nararapat mong gawin? Bakit?
A. Hahayaan na lamang ang nabasag na plorera dahil malalate ka na.
B. Di na lang papansinin ang nabasag na plorera.
C. Aaminin kay nanay na natabig ko ang plorera.
D. Dadamputin na lang at itatapon ang nabasag na plorera.

8. Alin sa mga sumusunod ang nagbabahagi o nagpapakita ng pang-unawa sa kalagayan ng kapwa tao?
A. Si Aya na laging nang-aaway sa kaklase.
B. Si Jade na ang sariling baon ang iniintindi.
C. Si Norman na binigyan ng payo ang kanyang kaklase.
D. Si Rose na pinagtatawanan ang batang may kapansanan.
9. Paano mo maibabahagi ang pang-unawa sa ibang tao?
A. Sa pagtulong sa kapwa na nangangailangan.
B. Sa pagpapahalaga sa damdamin ng kapwa tao.
C. Sa pagbibigay payo sa mga taong mayroong problema.
D. Lahat ng nabanggit.

The creator/editor of this Periodical Test does not claim ownership over its contents such as (pictures, illustrations, stories, etc.). This PT is only
intended as reference for teachers.
The creator/editor shall/does not allow/permit any individual to sell this Periodical Test or to share without his/her permission. @edumaymay
10. Nasunugan ang iyong kaklase na si Lina. Walang natira sa kanyang damit. Paano mo maibabahagi ang
iyong pang – unawa sa kanyang kalagayan?
A. Bibigyan ko si Lina ng damit na may butas at punit-punit.
B. Wala akong gagawin dahil wala akong maitulong sa kanya.
C. Bibigyan ko si Lina ng damit na malinis dahil naawa ako sa kanya.
D. Bebentahan ko si Lina ng damit para may makuha akong tubo.

11. Si Bella ay batang may kapansanan, lagi siyang kinukutya ng inyong mga kaklase. Sa anong paraan mo
maibabahagi ang iyong pang-unawa sa kanya?
A. Sasali ako sa pagkutya kay Bella.
B. Sisigaw ako nang malakas at aawayin ang aking mga kaklase.
C. Pagsasabihan ko ang aking mga kaklase na huwag kutyain si Bella.
D. Hindi ko papansinin ang pagkutya sa kanya ng aking mga kaklase.

12. Nakita ni Fara na umiiyak ang kanyang kaklase. Kinausap niya ito at tinulungan na makita ang nawawalang
tsinelas. Tama ba ang ginawa ni Fara?
A. Oo, dahil hihingi si Fara ng kapalit sa paghahanap ng tsinelas.
B. Oo, dahil si Fara ay nagpapakita ng pang-unawa sa kapwa.
C. Hindi, dahil hindi naman si Fara ang nagtago ng tsinelas.
D. Hindi, dahil hindi naman sila kasama sa grupo.

13. Binigyan ni Flora ang kanyang kaklase na walang baon dahil ayaw niya itong magutom. Tama ba ang
ginawa ni Flora?
A. Oo, dahil si Flora ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa kanyang kapwa.
B. Oo, dahil hihingi nang kapalit si Flora sa pagbigay niya nang pagkain.
C. Hindi, dahil hindi naman si Flora ang magugutom.
D. Hindi, dahil hindi naman sila magkaibigan.

14. Pinayuhan ni Brenna ang kanyang kaibigan na maging mabait sa kapwa dahil ayaw niya itong mapasama.
Tama ba ang ginawa ni Brenna?
A. Oo, dahil gusto ni Brenna na matakot sa kanya ang mga kaibigan.
B. Hindi, dahil di naman mapapasama si Brenna sa mga kaibigan.
C. Hindi, dahil wala namang kabuluhan ang sinasabi ni Brenna.
D. Oo, dahil maganda ang intesyon niyang payuhan ito nang hindi mapasama ang kaibigan nito.

15. Pinatuloy ni Josefa sa kanilang malaking bahay ang pamilya ng kaniyang kaibigan noong nakaraang
bagyong Ulysses. Tama ba ang ginagawa ni Josefa?
A. Oo, dahil may kapalit ang pagtulong ni Josefa sa mga nasalanta.
B. Oo, dahil si Josea ay bukas-palad sa mga nasalanta nang bagyong Ulysses.
C. Hindi, dahil di naman ito ikakayaman ni Josefa.
D. Hindi, dahil di naman niya kaano-ano ang mga nasalanta.

16. Nag-aabot si David ng tulong kapag may nanghihingi lalo sa mga nasalanta ng bagyo at baha. Tama ba ang
ginawa ni David?
A. Hindi, dahil di naman ito makakatulong kay David.
B. Oo, dahil si David ay mapag-bigay sa mga nasalanta nang bagyo at baha.
C. Hindi, dahil di naman kaano-ano ni David ang mga nasalanta.
D. Oo, dahil may kapalit ang pagtulong ni David sa mga nasalanta nang bagyo at baha.

17. Namigay ng mga delata, bigas at tubig ang mga opisyal ng barangay isang araw matapos ang bagyo. Tama
ba ang ginagawa nang mga kawani nang barangay?
A. Oo, dahil ang kawani ng barangay ay nagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.
B. Oo, dahil ang tulong ng barangay ay may kapalit.
C. Hindi, dahil mauubos lang ang mga delata, bigas at tubig.
D. Hindi, dahil sira ang mga binibigay nilang pagkain at tubig sa mga nangangailangan.
18. Hindi alintana ng isang samahan ng mga mag-aaral ang init, pagod at gutom, maihatid lamang ang kanilang
tulong sa mga biktima ng sunog. Ano ang pinapakitang katangian ng mga mag aaral?
A. Sila ay nagpapakita ng kawalan ng malasakit sa kapwa.
B. Sila ay nagpapakita ng pagtugon sa nangangailangan.
C. Sila ay nagpapakita ng pagiging tamad
D. Wala sa nabanggit.
The creator/editor of this Periodical Test does not claim ownership over its contents such as (pictures, illustrations, stories, etc.). This PT is only
intended as reference for teachers.
The creator/editor shall/does not allow/permit any individual to sell this Periodical Test or to share without his/her permission. @edumaymay
19. Nag-abot ng tulong pinansyal sa mga taga –Albay ang gobernador ng Naga City sa mga nasalanta ng
bagyong Tisoy. Ano ang pinapakitang katangian ng gobernadora ng Naga City?
A. Nagpapakita ang gobernadora ng Naga City nang katamaran.
B. Nagpapakita ng pagmamalabis sa mga nasalanta.
C. Nagpapakita ng pagiging bukas palad sa mga taong nangangailangan.
D. Wala sa mga nabangit.

20. Buong pusong pinatuloy ni Gng. Reyes sa kanilang bahay ang pamilya ng kaniyang kaibigan nang biglang
bumaha sa kanilang barangay noong nakaraang taon. Ano ang pinapakitang katangian ni Ginang Reyes?
A. Si Ginang Reyes ay nagpapakita ng pagkamuhi sa pamilya.
B. Si Ginang Reyes ay nais makinabang sa anong meron ang pamilya.
C. Si Ginang Reyes ay nagpapakita sa pamilya ng malasakit sa kapwa sa panahon nang kamidad.
D. Si Ginang Reyes ay gusto lamang magpasikat sa pamilya.

21. Nakita ni Roden ang matanda na galing sa malayong lugar na humihingi ng maiinom na tubig. Hindi siya
nagdalawang-isip na bigyan ito ng maiinom na tubig na may kasamang pagkain. Ano ang pinakita na katangian
ni Roden sa matanda?
A. Si Roden ay nagpapakita nang pagiging bukas-palad sa matandang nangangailangan ng tulong.
B. Si Roden ay nagpapakita ng kabaitan sa matandang nangangailangan ng tulong.
C. Si Roden ay naiintidihan ang kalagayan ng matanda kaya ito ay kanyang tinulungan.
D. Lahat nang nabangit.

22. Hinihinaan ko ang volume ng telebisyon kapag natutulog ang mga kasama ko sa bahay. Anong pinapakitang
katangian nang sumusunod na pangungusap?
A. Nagpapakita ng paggalang sa oras ng pamamahinga
B. Nagpapakita ng paggalang kapag may nag-aaral
C. Nagpapakita ng paggalang kapag may sakit
D. Nagpapakita ng paggalang kapag may nagsasalita /nagpapaliwanag

23. Matiyaga kong pinapakinggan ang talumpati ng panauhing pandangal sa tuwing mayroong palatuntunan sa
aming paaralan. Anong pinapakitang katangian nang sumusunod na pangungusap?
A. Nagpapakita ng paggalang sa oras ng pamamahinga
B. Nagpapakita ng paggalang kapag may nag-aaral
C. Nagpapakita ng paggalang kapag may sakit
D. Nagpapakita ng paggalang kapag may nagsasalita /nagpapaliwanag

24. May pagsusulit ang aking ate bukas, kaya hindi muna ako magpapatugtog. Anong pinapakitang katangian sa
pangungusap?
A. Nagpapakita ng paggalang sa oras ng pamamahinga
B. Nagpapakita ng paggalang kapag may nag-aaral
C. Nagpapakita ng paggalang kapag may sakit
D. Nagpapakita ng paggalang kapag may nagsasalita /nagpapaliwanag

25. Sa kapitbahay muna ako nakikipaglaro dahil ayaw kong makaistorbo sa aking lolang maysakit. Anong
pinapakitang katangian sa pangungusap?
A. Nagpapakita ng paggalang sa oras ng pamamahinga
B. Nagpapakita ng paggalang kapag may nag-aaral
C. Nagpapakita ng paggalang kapag may sakit
D. Nagpapakita ng paggalang kapag may nagsasalita /nagpapaliwanag

26. Ang nanay ay natutulog dahil pagod ito sa kaniyang mga gawain sa maghapon. Pinatugtog mo ng mahina
ang stereo upang makinig ng iyong paboritong musika. Anong pinapakitang katangian sa pangungusap?
A. Nagpapakita ng paggalang sa oras ng pamamahinga
B. Nagpapakita ng paggalang kapag may nag-aaral
C. Nagpapakita ng paggalang kapag may sakit
D. Nagpapakita ng paggalang kapag may nagsasalita /nagpapaliwanag

The creator/editor of this Periodical Test does not claim ownership over its contents such as (pictures, illustrations, stories, etc.). This PT is only
intended as reference for teachers.
The creator/editor shall/does not allow/permit any individual to sell this Periodical Test or to share without his/her permission. @edumaymay
27. Nais mong makinig ng paborito mong kuwento ng iyong Lola Rosa subalit natutulog na ito. Hayaan mo
nalang siyang matulog muna at pagkagising niya nalang kayo magpakuwento sa kaniya. Anong pinapakitang
katangian sa pangungusap?
A. Nagpapakita ng paggalang sa oras ng pamamahinga
B. Nagpapakita ng paggalang kapag may nag-aaral
C. Nagpapakita ng paggalang kapag may sakit
D. Nagpapakita ng paggalang kapag may nagsasalita /nagpapaliwanag

28. Tumitigil ako sa aking ginagawa upang pakinggang mabuti ang sinasabi ng aking nanay. Anong
pinapakitang katangian sa pangungusap?
A. Nagpapakita ng paggalang sa oras ng pamamahinga
B. Nagpapakita ng paggalang kapag may nag-aaral
C. Nagpapakita ng paggalang kapag may sakit
D. Nagpapakita ng paggalang kapag may nagsasalita /nagpapaliwanag

29. Paano panatilihing malinis ang palikuran sa loob ng silid-aralan?


A. Itapon ang nagamit nang tisyu kahit saan.
B. Ilagay sa loob ng kubeta ang nagamit na tisyu.
C. Buhusan kaagad ng tubig ang kubeta pagkatapos gumamit nito.
D. Iwasang gumamit ng palikuran sa loob ng silid-aralan.

30. Kung ikaw ay isang mag-aaral, kailangan bang makipagtulungan sa pagpapanatili ng kalinisan ng
palikuran?
A. Oo C. Hindi
B. Hindi tiyak D. Walang pakialam

31. Paano mo maipakikita ang maayos na paggamit ng mga pasilidad sa iyong paaralan?
A. Pabayaang nakakalat ang mga kagamitan.
B. Isauli sa tamang lalagyan ang mga aklat pagkatapos ito gamitin.
C. Hayaan ang tagalinis ang susunod sa kalat mo.
D. Susulatan nang hindi magaganda ang mga pintuan at upuan para lalo ka pang makilala sa paaralan.

32. Bakit mahalaga na maging maayos sa paggamit ng mga pasilidad?


A. Para ito ay madaling masira at hindi na magagamit pa ng mga nakakabata.
B. Pabayaan na lang at bibili na lang ng bagong kagamitan ang pamahalaan.
C. Hindi na ito alalahanin pa kasi may tagapag-ayos naman ito.
D. Upang makakaiwas sa sakit, makatitipid sa pera, at mapakinabangan pa ng mga susunod na kabataan.

33. Maliit at hindi bago ang pintura ng aming palikuran subalit batid na malinis at maayos ang kalagayan nito.
Tama ba ang pagaayos, at paglilinis na ginagawa dito?
A. Hindi dahil maliit lang ang kanyang espasyo.
B. Pwede na rin ang mahalaga mayroon kayong palikuran.
C. Nagsasayang lang ng panahon sa paglilinis nito dahil luma na at maliit pa ang espasyo nito.
D. Tama dahil kapag malinis at maayos ang kalagayan nito, nalalayo sa sakit ang mga gagamit dito.

34. Itinatapon ko sa tamang lalagyan ang mga basura ng aking pinagkainan kapag ako ay namamasyal sa parke.
Tam aba ang kanyang ginawa?
A. Palagi C. Hindi
B. Minsan D. Wala sa nabangit

35. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagpapanatili ng katahimikan sa pamayanan?


A. Walang habas na pagpalahaw sa lansangan.
B. Magdamagang sesyon ng kantahan sa videoke
C. Malakas na pagpapatugtog ng radio o paboritong kasangkapang pangtugtog
D. Masaya at banayad na pakikinig sa musika ng hindi nakakagambala sa kapitbahay.

36. Ano ang nararapat ugaliing gawin tuwina matapos gumamit ng mga pasilidad tulad ng paliguan o palikuran?
A. Iwanan ng marumi
B. Dagdagan pa ang kalat
C. Ipaubaya sa tagapaglinis
D. Linising mabuti matapos gamitin
The creator/editor of this Periodical Test does not claim ownership over its contents such as (pictures, illustrations, stories, etc.). This PT is only
intended as reference for teachers.
The creator/editor shall/does not allow/permit any individual to sell this Periodical Test or to share without his/her permission. @edumaymay
37. Ano ang nararapat gawin upang ang dumi o kalat sa sariling bakuran ay maiwasang mailipat sa kapitbahay o
kanugnog na paligid.
A. Linising mabuti ang bakuran.
B. Itambak lamang sa bakuran.
C. Ipagpaliban ang paglilinis ng bakuran.
D. Ipaubaya sa ibang tao ang paglilinis ng bakuran.

38. Nakikiisa ako sa mga programang pangkalinisan at pangkatahimikan sa aming komunidad.


A. Oo C. Minsan
B. Hindi D. Wala sa Nabangit

39. Upang higit na maging masaya at kapakipakinabang ang pamamasyal sa mga liwasan at pook libangan, ano
ang dapat laging isagawa?
A. Makipag-unahan sa paggamit ng mga amenities tulad ng slides/swing.
B. Pitasin at iuwi sa bahay ang mga bulaklak at halamang ornamental.
C. Iwanan at ikubli ang mga pinagbalatan ng mga pagkaing baon sa mga halamanan.
D. Maingat na gamitin at linisin pagkatapos gamitin ang mga pasilidad tulad ng mga palikuran, hand
dryer at iba pa.

40. Ang mga susumusunod ay mga gawaing nagpapakita ng maayos at ligtas na kapaligiran MALIBAN sa:
A. Pagreresiklo ng mga basura
B. Pagsunod na mabuti sa curfew hour
C. Pagsamasamahin ang mga basura sa isang lalagyanan at itapon sa maling tapunan
D. Pagsunod nang mabuti sa mga batas at ordinansa sa komunidad.

Prepared by: Checked and Verified by:

Teacher III Teacher III

Noted by:

School Principal I

The creator/editor of this Periodical Test does not claim ownership over its contents such as (pictures, illustrations, stories, etc.). This PT is only
intended as reference for teachers.
The creator/editor shall/does not allow/permit any individual to sell this Periodical Test or to share without his/her permission. @edumaymay
ANSWER KEY: ESP 4

1. B
2. A
3. A
4. A
5. A
6. A
7. C
8. C
9. D
10. C
11. C
12. B
13. A
14. D
15. B
16. B
17. A
18. B
19. C
20. C
21. D
22. A
23. D
24. B
25. C
26. A
27. A
28. D
29. C
30. A
31. B
32. D
33. D
34. D
35. D
36. D
37. A
38. A
39. D
40. C

The creator/editor of this Periodical Test does not claim ownership over its contents such as (pictures, illustrations, stories, etc.). This PT is only
intended as reference for teachers.
The creator/editor shall/does not allow/permit any individual to sell this Periodical Test or to share without his/her permission. @edumaymay

You might also like