You are on page 1of 14

Polytechnic University of the Philippines

Santa Ros Branch

Benepisyong Naidudulot ng Pag-unlad ng Teknolohiya sa Paglinang ng


Sektor ng Agsikapang Sibil sa Pilipinas

Isang Pananaliksik na Iniharap kay Dr. Marion C. Laguerta

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Bilang bahagi sa pagtupad sa pangangailangan sa kursong Filipinolohiya at


Pambansang Kaunlaran, Unang Semestre, A.Y. 2021-2022

Mga Mananaliksik:

Dela Cruz, John Percival D.

Garbin, Tristan Dave C.

Garcia, DG D.

Lafiguera, John Henry P.

Li, Yvonne Maria Elizabeth D.

Mangahas, Li Rouse C.

Refe, Angela S.

Oktubre 2022
Abstrak
Kapansin-pansin ang patuloy na pagsulputan ng mga makabagong teknolohiya sa

Pilipinas na mula sa iba't ibang mga kanluraning bansa. Sa pagsulong ng mga teknolohiyang ito,

nagsimulang mapadali ang pamumuhay at paraan ng pagtatrabaho ng mga manggagawa sa iba't

ibang larangan. Partikular sa sektor ng agsikapang sibil (Civil Engineering), nariyan ang mga

kompyuter, internet, AutoCad, Microsoft Office (MS Office), calculator, at marami pang mga

teknolohiyang nakatulong nang malaki sa mga inhinyerong sibil, at maging sa mga mag-aaral na

kumukuha ng kursong ito. Kumpara noong primitibong lagay ng lipunan, na kung saan ang mga

gawaing ginagawa ng mga civil engineer ay kadalasan mano-mano at ginagamitan ng aktuwal na

proseso, sa ngayon, maaari na itong magawa nang mas mabilis at mas sistematiko gamit lamang

ang mga modernong teknolohiya. Ang mahirap at matagal na gawain noon ay nagagawang

padaliin at pabilisin ng mga teknolohiyang ito. Isa pa, accessible ang mga ito sa internet, at sa

ibang kolehiyo ay ipinapanukala ang mga ito na aralin at gamitin nang libre. Bukod pa rito, dahil

sa modernisasyon, nakatulong ang mga kagamitang ito upang makaayon sa sitwasyon ang mga

manggagawang nasasakupan ng agsikapan. Ang mababasa sa sulating ito ay maaaring maging

daan sa mas malawak na pang-unawa sa modernong teknolohiyang umuusbong sa ating

panahon, at ang mga benepisyong hatid nito sa pambansang kaunlaran.

Ang artikulong "Benepisyong Naidudulot ng Pag-unlad ng Teknolohiya sa Paglinang

ng Sektor ng Agsikapang Sibil sa Pilipinas" ay tumatalakay sa anim na mahahalagang bahagi.

Una, ang pasimula ng pagusbong ng mga teknolohiyang agsikapan. Ikalawa, ang kalagayan ng

sektor ng agsikapang sibil sa paggamit ng mga primitibong teknolohiya noon. Ikatlo, ang
kalagayan ng sektor ng agsikapang sibil gamit ang mga modernong teknolohiya noon. Ikalima,

ang naihatid na benepisyo ng mga teknolohiyang ito sa sektor ng agsikapang sibil. At ikalima,

ang ambag ng teknolohiyang pang-agsikapan sa pamabansang kaunlaran.

Naglalaman din ang artikulong ito ng mga konklusyon at rekomendasyon na nakaayon sa

pag-aaral na ginawa ng mga mananaliksik ukol sa nasabing paksa.

Panimula

Ang kahulugan ng inhinyero, ayon sa Google ay “taong nagdedesinyo, gumagawa, o

nagpapanatili ng mga makina, motor at istruktura” at “taong nagkokontrol ng makina lao na sa

mga eroplano at barko”. Madaming magsasabing ang kahulugang ito ng inhinyero ay makaluma

na at hindi na naaangkop sa kasalukuyang gayak at porma ng Agsikapan. Ang larangan ng

Agsikapan, kung ikukumpara sa primitibong panahon, ay patuloy na nagbabago dahil sa patuloy

na pagsulong at pagbabago ng teknolohiya na sinasandalan ng larangan ng Agsikapan sa

panahon ngayon. Ang teknolohiya ay tiyak na hindi lamang nangangahulugang statik o walang

pagbabago, kung meron man, ang pagyabong nito ay ngayon ay sobrang bilis kaysa sa nakaraan.

Batay kay Hawkins, sa mga bagong teknolohiya na sumisikat at nagiging “in-demand” ngayon

sa merkado, ang mga inhinyero ay kailangang magkaroon ng kamalayan sa mga nasabing

teknolohiya at kung ano ang magiging epekto nito sa larangan at sektor ng Agsikapan. Kahit na

ang industriya ng Agsikapan ay patuloy na nagbabago kasabay na ang mga teknolohiya, ang mga

kakayahan kinakailangan ng mga inhinyero ay hindi magbabago. Ang abilidad na lumutas ng

mga problema at magkaroon ng pagkakaisa bilang isang grupo, higit sa lahat ay ang pagiging

produktibo sa paraang pagiging makabago ay mga katangian ng isang matagumpay na inhinyero.

Ang agsikapan sa ngayon hindi na lamang tinitignan bilang isang industriyal at manupaktural na

larang ngunit isang larangan na mas nagtutuon ng pansin sa ambag nito sa kapaligiran at
paggamit ng naaangkop na teknolohiya para mairesolba ang mga nakikitang problema sa

kalikasan ngayon. Hindi lamang teknolohiya ang nakakaapekto sa Agsikapan ngayon. Ito ay

patuloy ng nagiging data-driven sa kadahilanang patuloy ang pagbabago ng kahingian ng mga

tao at pangangailangan ng komunidad ngayon. Kung mananaliksik ka tungkol sa Agsikapan sa

Google, hindi mabilang na kahulugan ang lalabas kaya masasabing ang Agsikapan ay isang

napakalawak na larangan. Ito ay masasabing pagyabong sa digital na paraan kaysa sa pagbagsak

ng tradisyunal na paraan ng Agsikapan.

Upang mas higit na maunawaan ang pag-aaral patungkol sa benepisyong hatid ng

makabagong teknolohiya sa sektor ng agsikapan sa Pilipinas, bumuo ang mga mananaliksik ng

mga subtopics na makikita sa ibaba:

I. KASAYSAYAN NG TEKNOLOHIYA NG AGSIKAPAN

Ang kasaysayang ng agsikapan ay mahahati sa apat na panahon: 1) pre-

scientific revolution, 2) scientific revolution 3) industrial revolution, and 4)

information revolution

I.1 Ang Agsikapan bago ang Siyentipikong Rebolusyon

Ang pagbuo at pagdiskubre sa agsikapan ay nangyari sa pamamagitan

ng paulit-ulit na pagsubok at pagkakamali ng mga sinaunang manggawa at

inhinyero. Ang kanilang imahinasyon at pagiging malikhain ay nagbunga ng

kahanga-hangang mga makina at instrumento. Marami sa mga monumentong

naitayo noong unang panahon ay lubhang kahanga-hanga dahil sa mga

inhinyerong ito. Ang paghanga ay makikita sa salitang "inhinyero" o

"engineer" mismo. Ito ay nagmula sa salitang Latin na ingeniator, na ang ibig


sabihin ay kaisa ng ingenium o ang tagapaglikha. Tinawag si Leonardo Da

Vinci na Ingegnere Generale. Ang kanyang mga sinulat ay naglalantad ng

sikreto ng mga inhinyero mula sa panahong Renaissance kung saan masigasig

silang nagtatanong at naghahanap ng sagot sa kung paano gumagana o

nagagawa ang isang istruktura at bakit.

I.2 Ang Agsikapan sa Siyentipikong Rebolusyon

Mula sa ika-labing walo hanggang sa ika-labing siyam na siglo, unti-

unting naangkop sa disiplina ng agsikapan ang mga teorya at aplikasyon ng

agham at siyensya. Marami sa mga historyano ay binibigyang credits ang mga

gawa ni Galileo Galilei bilang simula ng pag-akma ng mga teoretikal na

prediksyon sa disenyo at pundasyon ng istruktura. Maraming disiplina sa

natural na agham at sa pag-unlad ng maraming aspeto ng sipnayan tulad ng

calculus ang napagtuunan ng pansin at nabigyang halaga sa pag-aaral ng

agsikapan.

I.3 Ang Agsikapan sa Industriyal na Rebolusyon

Ang simula ng industriyal na rebolusyon ay maisisimbolo ng simula

ng pagkakaroon ng kuryente at elektrisidad, maramihang produksyon at ang

pagpapadali ng mga makina at steam sa mga gawain ng mga tao at hayop.

Ang pag-imbento ng mas kahanga-hanga at tila imposibleng malikhang mga

bagay ay naging isang aspeto ng agsikapan. Ang pagmimina at metalurhiya ay

naging importante dahil gumagawa ang mga ito ng steam.


Nagkaroon ng dibisyon ng gawain ang mga inhinyero at manggagawa

o artisan. Ang mga inhinyero ang nagdidisenyo ng mga makina at istruktura

samantalang ang mga manggagawa o artisan naman ang siya mismong

lumilikha nito.

Ang curricula ng agsikapan ay sinimulang ituro sa kolehiyo at

naglitawan ang mga graduate schools.

I.4 Ang Agsikapan sa Maimpormasyong Rebolusyon

Ang mga akademikong pag-aaral at pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng

agham at siyensya ay naging kalat ng panahong ito matapos ang ikalawang

digmaang pandaigdig, dahil sa digmaang sibil at sa epektong Sputnik. Ang

pagkalaganap ng mga pag-aaral sa agsikapan ay nagmarka sa kasaysayan.

Nagkaroon din ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa disiplina ng

agsikapan tulad ng aerospace, microelectronics, computers, internet, at

cellphone. Dahil sa Turbojet at rocket engines, isinilang ang aeronautical o

astronautic engineering. Sa pangkalahatan, ang may pinakamalaking ambag

sa maimpormasyong rebolusyon ay ang microelectronics,

telecommunications, computer at software engineering

II. KALAGAYAN NG SEKTOR NG AGSIKAPANG SIBIL GAMIT ANG

PRIMITIBONG TEKNOLOHIYA NOON

Ayon sa artikulo na “A Review on Comparison of Ancient and Modern

Construction Materials in Civil Engineering”, sa sinauna at medieval na panahon,

ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya at materyales pang-gusali ay hindi


karaniwan sa mga inhinyero. Ang mga inhinyerong sibil ay gumamit ng putik bilang

pagbibigkis ng materyales.

Ang dayami (Straw) ay isang napakagaan na materyales at ginagamit na noon

pang mga panahon ng medieval. Ang paggawa ng gusali gamit ang dayami ay ginamit

sa pagbibigay ng natural na hitsura sa gusali. Bagaman nagbibigay ang materyales na

ito ng sapat na insulasyon, hindi nito kayang magbigay ng sapat na proteksyon sa

mga gusali mula sa mga natural na kalamidad at sa pagkasunog. Dahil sa mga

katangiang ito, ang paggamit ng dayami ay hindi pumatok upang maging angkop sa

konstruksyon

Ang bato (Stones) ay ginagamit na noong mga sinaunang panahon sa pagtayo

ng mga gusali. It ay matibay at kayang magbigay ng sapat na proteksyon sa mga

natural na kalamidad at sa sunog. Bagaman sa magandang katangian nitong taglay,

ang konstruksyon gamit ang ganitong materyales ay hindi madali dahil sa walang

kasangkapang panggawa tulad ng mga makabagong gamit sa modernong panahon. Sa

kadahilanang ito, ang bato ay hindi lubos na ginagamit sa konstruksyon.

III. KALAGAYAN NG SEKTOR NG AGSIKAPANG SIBIL GAMIT ANG

MAKABAGONG TEKNOLOHIYA NGAYON

Halos lahat ng aspeto ng modernong buhay ng mga tao ngayon ay

naimpluwensyahan o nadiktahan na ng teknolohiya kasama narin ang pagsasaliksik sa

Agsikapan (Ramey, 2017). Masasabi din na ang pagyabong ng teknolohiya ay hindi

lamang nakapagpabago ng pagtuturo ng disiplina at pagsasanay nito ngunit nabago

nito kung ano ang kakanyahan ng Agsikapan. Kung titignan natin ang mga nakaraang
tala ng “Review Engineering Job Posts” sa mga nakaraang taon, madaling

mahihinuha na ang koneksyon ng Agsikapan at Teknolohiya ng Impormasyon (IT) ay

lalong umiigting at ang mga kompanya ay mas naghahanap ng mga inhinyerong may

mas kakayahan sa larangan ng Agsikapan at Teknolohiya ng Impormasyon. Lumalaki

din ang hinihinging teknikal na kakayahan sa mga inhinyero kaya sa kasalukuyang

panahon ang mga inhinyerong sibil ay gumagamit ng mga espesyal na gamit tulad ng

Autocad para magsagawa ng mga gawaing ginagamitan ng mga kamay. Alinsunod

dito, ang Agsikapan sa sektor ng edukasyon ay nagtuturo na rin ng mga gawaing ito

upang makasunod sa mabilis na pagyabong ng sektor ng teknolohiya.

Nagsisimula ang pagbabago ng Agsikapan sa sektor ng edukasyon sapagkat

dito hinuhulma ang pagkatao at nililinang ang kakayahan ng mga susunod na

inhenyero. Batay pa rin kay Ramel (2017), ang teknolohiya sa sektor ng edukasyon

sa Agsikapan ay hindi lamang nagsisimula sa tersiyaryong antas ng edukasyon ngunit

nagsisimula ito sa pagtungtong pa lamang ng mga mag-aaral sa paaralan. Sa mataas

na antas ng edukasyon, ang Agsikapan ay higit na nagbibigay pansin sa mga

kakayahang magagamit ng mga inhinyero sa laranagn ng Agsikapan tulad ng

komunikasyon at pagtutulungan kaysa sa mga pundasyunal na kakayahan tulad ng

Matematika at Siyensiya. Sa madaling sabi, habang may lugar at kinakailangan sa

pagtuturo ng tradisyunal na kakayahan sa Agsikapan, ang pagbabago sa teknolohikal

na aspeto ay nangangahulugan na ang agsikapan ay kailangan ring magbago at

makasabay para sa makabagong kapaligiran.

Batay kay Boilard et.al, (2018), madaming bagong bagay o teknolohiya ang

nagbabago ng timpla kung paano ang mga inhinyero ay magdisenyo at bumuo ng


bagong kagamitan. Nakakagawa sila ng mga bagong oportunidad na kung magagamit

sa tama at lubos na potensyal ay makapagpapabilis sa pagsasama ng mga pagbabago

na makakatulong sa mga manggagawa na lalong maka-angkop sa mabilis na

pagbabago sa kahilingan ng mga mamimili. Noon, ang pagimbento ng mga

kagamitan sa transportasyon ay nangangailangan ng pagtantya-panghuhulang proseso

at madaming naunang modelo. Halimbawa, ang paggawa ng isang bagong modelo ng

sasakyan ay karaniwang inaabot ng apat na taon habang paggawa ng mga eroplano at

barko ay higit na mas matagal kaysa sa paggawa ng sasakyan, kaya sa kasalukuyang

bilis ng pagbabago at pagangkop sa teknolohiya masyado itong matagal. Ang

Digitization ay nagpapabago ng kasulukuyang larangan ng Agsikapan. Binabago nito

ang mga nakasanayan sa pagbibigay ng mas angkop na data ng kakayahan ng mga

kagamitan sa lugar ng trabaho. Dahil sa Digitization, ang mga orihinal na kagamitan

ay nagkakaroon pa ng pagyabong na nakaaangkop pa sa mabilis na pagbabago ng

teknolohiya na nililinang ng mga inhinyero.

Ayon naman kay Andrade (2009), ang mga inhinyero ay gumagamit ng mga

programa tulad ng MS Office, Google Docs, Email at Internet. Sa katunayan, ang

internet ang isa sa pinakamagandang gamit ng mga inhinyero sa kadahilanang

maraming mga kaalaman at ideya na mabilis at tumpak na nakukuha rito. Isa na rito

ang Computer Aided Design o CAD na isang programa na ginagamit sa pagtuturo ng

agsikapan at tumutulong na mas higit na mapadali ang trabaho ng isang inhinyero

dahil nagagawa nitong pag-aralan at gayahin ang halos lahat ng mga bagay na

pagdaraanan ng isang proyekto sa birtwal na paraan. Meron ding mga “3D printers”
na kayang gumawa ng mga gumaganang modelo para sa pag-aaral ng isang

makabagong produkto.

Mahihinuha na ang Agsikapan sa panahon ngayon ay lubusan ng nakasandal

sa anino ng mabilis na pagbabago ng teknolohiya na ang tanging magagawa ng mga

taong bahagi nito ay makiangkop na lamang at sumunod sa agos ng mga pagbabago

na malaki ang maitutulong sa mga suliranin na kinakaharap ng kasalukuyang

panahon.

IV. BENEPISYONG HATID NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA SEKTOR

NG AGSIKAPANG SIBIL SA PILIPINAS

Ayon kay EGIRLTEAM (2015), ang teknolohiya ay isa sa nakapagpabago

ng Agsikapan. Ang pagkalkula at pagdisenyo na karaniwang inaabot ng linggo o

buwan pa ay nagagawa na ngayon sa loob lamang ng ilang oras at araw. Masasabing

napapaikli lamang nito ang oras ng paggawa ng mga proyekto ngunit ang katotohanan

ay ngayon na madali ng magkaroon ng mga pagbabago sa mga produkto at serbisyo

na kayang ialok ng mga inhinyero, ang mga kliyente ay naghahanagad ng mas

maraming pagpipilian na alternatibo maliban sa mga nakasanayang pagpipilian. Dahil

sa madaling pagbabago ng mga desinyo, ma0sasabing ang mga proyekto na maganda

na at sapat na ay lalo pang umaangkop at nagiging pinakamabisang disenyo.

Batay sa The National Academies Press (2004), ang pagbabago sa agsikapan

na trabaho at pagaaral nito ay sinundan din ng pagbabago sa teknolohiya at lipunan.

Bagong mga disiplina at kurikulam ang idinagdag at pinatupad para maibigay ang
sapat na suporta upang matugunan suliranin para mapagsamasama ang mga bagong

pag-unlad sa larang ng Agsikapan. Ang lipunan ay mabilis magbago sa kasalukuyang

panahon kaya’t ang Agsikapan ay dapat maka habol at umangkop sa mga

pagbabagong dala ng kapaligiran at teknolohiya. Madami nang naiambag ang

larangan ng agsikapan sa panahon natin ngayon lalo na sa kalidad ng ating

pamumuhay at lalo na sa hinaharap, na kayang nitong ibigay na oportunidad.

V. TEKNOLOHIYANG PANGAGSIKAPAN BILANG SUSI SA PAMBANSANG

KAUNALARAN

VI. KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Konklusyon

Ayon sa mga impormasyong nalakap at inaral ng mga mananaliksik patungkol

sa pag-aaral ng benepisyong hatid ng makabagong teknolohiya sa sektor ng

agsikapang sibil, nabuo ang konklusyon na ang makabagong teknolohiya ay isa sa

mga naging susi sa pagyabong ng sektor ng agsikapan sa Pilipinas. Kasabay ng pag-

unlad nito, ay ang pagtaas ng ekonomiya sa Pilipinas.

Maraming industriya sa Pilipinas ang nakatuon sa inhinyero, isa na rito ang

civil engineering, na kung saan ang mga industriyang ito ay nakabatay sa teknolohiya

upang maisagawa ang paggawa. Kaya sa kadahilanang umuunlad ang sektor ng

teknolohiya sa Pilipinas ay makikita rin ang sabay na pag-akyat ng ekonomiya nito.


Ang mga teknolohiyang ginagamit sa industriya ng agsikapan, katulad ng MS Office,

Google Docs, Email, Internet, AutoCAD (Computer Aided Design), 3D Printers atbp,

ay talagang nakatulong nang malaki sa mga inhinyero sa kasalukuyang panahon.

Naghatid ito nang pagpapabilis ng gawain, kung kaya mas nagagamit at

nakokonsumo ang kanilang oras sa mas produktibong paraan. Kumpara noon, ang

paggamit ng makabagong teknolohiya ay nakaambag sa mas epektibong paggawa ng

sektor ng agsikapan na kalaunan ay nakaambag naman sa pambansang kaunlaran ng

Pilipinas.

Rekomendasyon

Ayon sa mga impormasyong nalakap at inaral ng mga mananaliksik patungkol

sa pag-aaral ng benepisyong hatid ng makabagong teknolohiya sa sektor ng

agsikapan, nabuo ang mga sumusunod na rekomendasyon:

 Tangkilikin ng mga nagtatrabaho sa industriyang engineering ang mga

makabagong teknolohiyang pangagsikapan.

 Paigtingin ang mga makabagong teknolohiya sa Pilipinas.

 Palawigin ang kaalaman patungkol sa mga teknolohiyang ito sa pamamagitan

ng pagtuturo nito sa mga paaralan.

 Pagtuunan ng pansin ng mga kagawaran ng gobyerno ang mga teknolohiyang

ginagamit sa pagpapagawa ng mga imprastakturang may kalidad.

 Palawakin ang pag-aaral patungkol sa mga makabagong teknolohiyang

nakahanay sa industriyang pangagsikapan.

GAWANG BANGGIT
 The National Academies Press. “The Engineer of 2020: Visions of Engineering in the

New Century”. Science Engineering Medicine. 2004. 20 Oct. 2019 https://www.

nap.edu /read /10999/chapter/2.

 EGIRLTEAM. “Engineering now vs. Engineering then”. EngineerGirl. 14 Oct. 2015. 20

Oct. 2019 < https://www.engineergirl.org/27438 /Engineering-Now-Vs-Engineering-

then->

 Coates, Joseph. “Engineering and the Future of Technology”. Engineering Evolving vol

27 3 December 2008: pp. 10-12.

 Ericksen, Paul. “Strategic Change Doesn’t Always Start at the Top”. IndustryWeek. 18

Oct. 2019. 20 Oct. 2019 < https://prezi.co m/74-egbup5nzn/estilong-mla/>.

 Andrade, David. “Technology in use in Engineering”. Educational Technology Guy. 29

Dec. 2009. 20 Oct. 2019 < http://educationalte

chnologyguy.blogspot.com/2009/12/technology-in-use-in-engineering.html>

 Ramey, Karenhka. “HOW TECHNOLOGY IS CHANGING THE STUDY OF

ENGINEE RING”. Education Technology. 22 Apr. 2017. 20 Oct. 2019. < https://

www.useoftechnology .com/technology-changing-study-engineering/>.

 Hill, Donald. “Engineers and Artisans”. A HISTORY OF ENGINEERING IN CLASSICAL


AND MEDIEVAL TIMES,1984. October 21, 2019

https://content.taylorfrancis.com/books/download?dac=C2012-0-15487-
9&isbn=9781317761570&format=googlePreviewPdf

 Landels, J. D. “Power and Energy Sources”. Engineering in the Ancient World, revised
edition, first edition,1981. October 21, 2019
https://books.google.com.ph/books?
hl=en&lr=&id=Q4aVmw1llwYC&oi=fnd&pg=PA9&dq=ancient+engineering&ots=OlOJ5tr
YDJ&sig=XuJSqh-66hvI07SeMu-Wjqu0BEM&redir_esc=y#v=onepage&q&f=false

 BIBLIOGRAPHY Guy, Cape Town. Cape Town Guy . 29 March 2018. 21 October 2019.

 "Sales-i." March 2014. Then vs. now: how technology has progressed through the years .

21 October 2019.

 Yadav, Anja Yadav and Nikhil Kumar. "A Review on Comparison of Ancient and

Modern Construction Materials in Civil Engineering ." International Journal for

Research in Applied Science & Engineering Technology (IJRASET) (2016): 254-255.

You might also like