You are on page 1of 3

Ika - Pitong Linggo Lakbay - Sanaysay

Christian Lein V. De Jesus


12 – Courage

“La Union”
Isa sa mga pinagmamalaking destinasyon sa Pilipinas kung gusto mong pumunta at
magbakasyon sa beach ay ang La Union dahil sa natatanging yaman at kagandahan ng mga
beach resorts dito. Upang makapasok makapag-bakasyon dito ay kakailanganin ninyo ng
negastibong resulta mula RT-PCR test, magsagawa ng booking sa isang DOT – accredited na
travel agency para sa inyong bahay o resort na kung saan kayo mananatili habang kayo ay
magbabakasyon. Maari kayong magbook sa facebook page na may pangalang “La Union
Alliance of Travel and Tour Agencies” (https://facebook.com/theluatta/).
Upang makarating dito, kayo ay maaring mag renta ng isang sasakyan o van na
nagkakahalaga ng ₱5,000-₱10,000 o sumakay lamang ng pampublikong sasakyan. Una ay
kailangan ninyong sumakay ng bus mula San Fernando, Pampanga hanggang Villasis,
Pangasinan at nagkakahalaga ito ng ₱190-₱270 at tatagal ito ng 2:30 oras, kasunod noon ay
sasakay ka ulit ng bus hanggang Aringay, La Union na nagkakahalaga ng ₱130-₱190 na
magtatagal naman ng 1:30 oras, at panghuli ay sasakay ka ng taxi mula Aringay patungo sa
lungsod ng La Union na nagkakahalaga ng ₱460-₱600 at tatagal naman ito ng kalahating oras.

San Juan Surf Resort


Pagkatapos mong makarating roon ay maari mo ng puntahan ang iyong beach resort na
kung saan ka nagpareserba sakay ng pampublikong sasakyan nila roon. Isa sa mga magandang
beach resort sa La Union ay ang San Juan Surf Resort. Ang bawat kwarto rito ay nagkakahalaga
ng ₱3,200 kada gabi.
The Great Northwest Food Park Kermit
Sa loob ng beach resort ay may restawran na rin ngunit kung gusto mong makaranas ng
kakaibang food trip ay maari kang lumabas sa beach resort at pumunta sa iba’t ibang restawran
sa labas nito gaya na lamang ng “The Great Northwest Food Park” na kung saan ay maraming
pagpipilian na pagkain. Isa sa malapit din na Italian restawran at ang “Kermit”.

Water Sports Mga Pasalubong


Marami ka ring maaring subukang aktibidad o watersports pagdating dito kagaya ng
surfing, jetski, banana boat at iba pa. Pagdating naman sa mga pasalubong na maari mong iuwi
sa iyong mga kaibgan o pamilya, mayroon silang mga keychain, kwintas, pulseras o bracelet at
iba pa pati narin mga kakanin na dinisenyo at ginawa base sa kanilang kultura.

You might also like