You are on page 1of 24

5

MAPEH
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Ikalawang Markahan – Ikalimang Linggo

1|Pahina
MAPEH – Ikalimang Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Ikalawang Markahan – Ikalimang Linggo
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte
nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot
sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Kasanayang Pagkatuto

Manunulat: Beatrice B. Balagot (Music)


Gerald L. Dela Cuesta (Arts)
Jordan B. Corot (Physical Education)
Ramylle Becca Dial (Health)
Tagasuri: Noel L. Falaminiano/Myca M. Montevirgen

Taga-guhit/Tagalapat: Eufren A. Arico


Tagapamahala: Leonardo D. Zapanta, EdD, CESO V
Michelle Ablian-Mejica, EdD
Manolito B. Basilio, EdD
Victor M. Misola
Encarnita D. Deveraturda
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Schools Division of Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Panimula

Ang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto para sa


Ikalawang Markahan-Ikalimang Linggo ay binubuo ng apat na components: Music,
Arts, Physical Education at Health.
Mapag-aaralan sa Music ang “Range” na tumutukoy sa distansya ng
pinakamababa at pinakamataas na nota.
Sa Arts ay ipakikita ang gamit ng “Complementary Colors sa Paglikha ng
Landscape Painting”.
Sa Physical Education, tatalakayin ang “Invasion Games”. Ipakikilala din ang
isa sa mga kilalang larong Pinoy na tinatawag na “Patintero”.
Mapag-uusapan sa Health ang mga iba’t-ibang “Isyung Pangkalusugang
Kaakibat ng Pagbibinata at Pagdadalaga”.
Upang mas higit na maunaawan ang mga paksang ito, halina at simulang
buklatin ang aklat tungo sa pagpapaunlad ng kaalaman at kasanayan.

1|Pahina
Music: Range

Kasanayang Pampagkatuto

Determines the range of a musical example: 1. wide; 2. narrow


MU5MEIIe-8

Mga Layunin

1. Natutukoy ang range ng musika


2. Naitatala ang pinakamababang nota at pinakamataas na nota
3. Napaghahambing ang narrow range sa wide range

Balik Aral

Isulat sa patlang ang pitch name ng bawat nota. Pagkatapos ay subukang


awitin ang katumbas nitong mga so-fa syllables.

____ ____ ____ ____

2|Pahina
Pagtalakay sa Paksa

do ti fa fa mi la so re

Awitin ang mga so-fa syllables na makikita mula sa larawan.


Ano ang napansin ninyo sa mga agwat ng nota sa mga so-fa syllables?
Mayroon bang maikli o malaking agwat?
Ano ang range ng boses kung malapit ang pagitan?
Kapag malaki naman ang pagitan, ano ang range nito?
Nakaya mo bang awitin ang pinakamataas na tono?
Paano mo ito inawit?
Ang range ay tumutukoy sa distansya ng pinakamababa at pinakamataas
na nota musika.
Tinatawag na narrow range kung ang distansya ng pinakamababa at
pinakamataas na nota ay maikli lamang. Kung ang agwat naman ng
pinakamababa at pinakamataas na nota ay sadyang malaki, tinatawag itong
wide range.

Narrow Range Wide Range

3|Pahina
Gawain

Panuto: Tukuyin kung anong range ang ipinapakita sa larawan. Isulat sa


patlang ang tamang sagot.

1. __________ 2. _________ 3. _______ 4. _________ 5. _______

4|Pahina
Arts:
Ang mga Complimentary
Colors sa Paglikha
ng Landscape Painting

Kasanayang Pampagkatuto

Sketches using complementary colors in painting a landscape


A5PL-IIe

Mga Layunin

1. Nailalapat ang gamit sa pantulong na kulay sa pagpipinta ng


isang tanawin
2. Nakasusunod sa panuto sa paggawa ng landscape
3. Nagagamit ang mga complementary colors sa paggawa ng
landscape painting

Balik Aral
Panuto: Magbigay ng limang halimbawa ng complementary colors.
1._______________
2._______________
3._______________
4._______________
5._______________

5|Pahina
Pagtalakay sa Paksa

Ang Kulay Bilang Elemento sa Pagpipinta


Ang harmony o pagkakaisang diwa ay ang maayos at kaakit-akit na
pagkakaayos ng mga kulay at iba pang elemento tulad ng linya at hugis upang
makalikha ng magandang kabuuan. Ang wastong paggamit ng wastong mga
kumbinasyon ng kulay ay maipakikita ang harmony.
Ang proporsyon, sa kabilang banda, ay ang ugnayan ng dalawa o higit pang
mga elemento sa isang disenyo.

Wastong Scale at Proportion


Ang scale at proportion sa sining ay kapwa may kinalaman sa size o laki ng
bagay na iginuguhit o ipinipinta at ang laki ng isa pang bagay bilang pamantayan.
Kapag scale ang pinag-uusapan, karaniwang kinukumpara ang subject sa laki ng
tao. Halimbawa, maaaring sabihin na sampung tao ang taas ng isang gusali.
Halimbawa naman ng isang proportion, ang laki ng mga pinto at bintana ay
naayon sa laki ng gusaling gagawin upang ito ay balance.
Mahalaga ang wastong scale at proportion upang maging makatotohanan
ang pagpipinta.

Gawain

Panuto: Punan ang patlang ng mga tamang sagot mula sa kahon.

complementary colors scale proportion kaakit-akit


pagpipinta maayos malaki

Ang 1.________________ at 2. ________________ sa sining ay kapwa may


kinalaman sa size o laki ng bagay na iginuguhit o ipinipinta at ang laki ng isang
bagay bilang pamantayan. Mahalaga ang mga ito upang maging makatotohanan
ang 3. ________________. Ang harmony ay 4. ________________ at 5. ________________
pagkakaayos ng mga kulay at iba pang elemento tulad ng linya at hugis upang
makalikha ng magandang kabuuan.

6|Pahina
Physical Education:
Invasion Games

Kasanayang Pampagkatuto

Executes the different skills involved in the game


PE6GS-IIc-h-4

Layunin

1. Nalalaman ang mga invasion games na nakapagpapaunlad ng mga


sangkap ng physical fitness;
2. Naisasagawa nang maingat ang mga gawaing pisikal sa paglalaro;
3. Natutukoy ang kahalagahan ng laro sa pagpapaunlad ng mga
sangkap ng physical fitness

Balik Aral

Panuto: Gumuhit ng bituin kung ang gawain ay nakatutulong upang


mapaunlad ang lakas at tatag ng kalamnan.

WALL
SIT

__________1. __________2.

__________3. __________4.

7|Pahina
__________5.

Pagtalakay sa Paksa

Invasion Games
Bukod sa gawaing pisikal ay makakatulong din ang mga laro sa
pagpapaunlad ng mga sangkap ng physical fitness. Alam mo ba ang tinatawag na
invasion games?
Invasion games ang tawag sa uri ng laro na ang layunin ay lusubin o
pasukin ang teritoryo ng kalaban. Halimbawa nito ang mga laro katulad ng
patintero, agawang panyo, araw at gabi at agawang-base. Bukod sa kasiyahan,
nalilinang din ng mga laro na ito ang iba’t ibang mga sangkap ng physical fitness
tulad ng lakas ng kalamnan, tatag ng kalamnan, bilis at liksi.

Patintero

Ang “patintero” ay isa sa mga sikat na larong pinoy na kabilang sa mga


invasion games. Minsan tinatawag itong “harang taga” o “tubigan” dahil kadalasan
ay binubuhusan ng tubig ang lupang nilalaruan. Kalimitang nilalaro ang patintero
sa may kalsada o sa isang lugar na patag. Ang patintero ay nilalaro ng dalawang
pangkat, na may pantay o parehas na bilang ng mga manlalaro sa bawat pangkat.

8|Pahina
Maghanap ng kalaro (kapatid o mga magulang) at laruin ang patintero.
Basahin at unawain ang pamamaraan ng paglalaro nito.

Pamamaraan:
1. Bumuo ng dalawang grupo na magkaparehas ang bilang.
2. Gumuhit ng mga linyang pahaba at pahalang na pantay ang sukat gamit
ang tubig.
3. Pumili ng lider o patotot sa bawat pangkat. Alamin kung sino ang tayang
pangkat sa pamamagitan ng “bato-bato pik” o “jack en poy”. Ang patotot
lamang ang maaring tumaya sa likod ng kahit sinong kalaban.
4. Ang taya ay magbabantay sa bawat linya. Maaaring magpalipat-lipat ang
taya sa ibang linya upang mahuli ang kalahok ng kabilang grupo.
5. Kapag mayroong nakatawid at nakabalik sa koponan na hindi natataya ay
madaragdagan ang kanilang puntos. Ganun din naman ang mangyayari
kung ang mga tumatakbo naman ang magiging taya.
6. Ang pangkat na makakakuha ng pinakamaraming puntos batay sa napag-
usapan ay siyang panalo.

Gawain

Panuto: Isagawa ang larong patintero upang masagutan ang mga


sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.
1. Paano ninyo isinagawa ang mga gawain?
2. Sino sa inyo ang nanalo sa laro?
3. Nasunod mo ba ang pamamaraan sa paglalaro?
4. Paano nakatulong ang larong ito sa iyong pangangatawan?

9|Pahina
Health:
Isyung Pangkalusugang
Kaakibat ng Pagbibinata
at Pagdadalaga

Kasanayang Pampagkatuto

1. Describes the common health issues and concerns during puberty


H5GD-lef-5
2. Accepts that most of these concerns are normal consequence of bodily
changes during puberty but one can learn to manage them
H5GD-Ief-6

Mga Layunin

1. Nailalarawan ang mga karaniwang isyung pangkalusugang


nararanasan sa panahon ng puberty
2. Nauunawaan ang mga isyung kinakaharap sa panahon ng puberty
3. Natatanggap na karamihan sa mga isyu ay normal na pinagdadaanan
sa panahon ng puberty at maaaring matutuhang pamahalaan

10 | P a h i n a
Balik Aral

Panuto: Magbigay ng dalawang maling paniniwala na may kinalaman sa


pagbibinata. Ilagay sa loob ng kahon ang iyong sagot.

Pagtalakay sa Paksa

Mga Isyung may Kinalaman sa Nutrisyon


Sa panahon ng puberty, nagiging maselan ang mga kabataan sa hugis ng
kanilang katawan. Sa sobrang pagnanais na maging payat ay nagkakaroon ng
malaking epekto sa pag-iisip na nagiging dahilan upang magkaroon ng problema
sa pagkain kagaya ng anorexia nervosa, bulimia nervosa, at binge eating disorder
(BED).
Paano maiiwasan ang mga suliraning ito?
• Wastong pagkain sa tamang oras
• Pagsasabi ng mga suliranin sa nutrisyon sa magulang, guro, o
nakatatanda na mapagkakatiwalaan
• Kapag nasa hapag-kainan kasama ang pamilya, ugaliin na kausap
ang pamilya at kumain nang sabay-sabay.
• Huwag ikumpara ang sarili sa iba. Gawin ang tama at maging
positibo sa buhay.

11 | P a h i n a
Mga Isyung may Kinalaman sa Pabago-bagong Pag-iisip at Damdamin

Ang mood swing ay ang pabago-bagong isip at damdamin. Ito ay epekto ng


mabilis na daloy ng mga hormones na nakaaapekto sa ating pag-iisip at
damdamin. Ito ay maaaring dulot ng pre-menstrual syndrome o PMS. Ang kawalan
ng patnubay ng nakatatanda ay maaring humantong sa kawalan ng kontrol sa
pag-iisip at damdamin na maaring mapunta sa pagkakaroon ng problema sa
kaisipan.
Ano ang madalas na sintomas ng PMS?
• Mainit ang ulo
• Pabago-bago ang isip
• Pagiging mapag-isa at malulungkutin
• Pagiging sensitibo
• Pagkain ng labis na carbohydrates

Pag-eehersisyo Stress management


Paraan upang
Makaiwas sa mga
Suliraning
Pangkalusugang
Dulot ng Mood
Swings
Pag-iwas sa inumin at
Madalas ngunit
pagkain ng caffeine,
paunti-unting pagkain
matatamis, at alcohol

12 | P a h i n a
Mga Isyung may Kinalaman sa Kabuwanan

Ang dysmenorrhea ay isang kondisyon sa panahong may regla ang babae


kung saan nakakaramdam ng matinding pulikat ng puson. Ang pangunahing
dahilan nito ay ang pagliit at pagkaskas ng linya ng matres dahil sa hindi
balanseng kemikal sa katawan. Ang ibang dahilan ay ang pagkakaroon ng medikal
na problema na kinakailangan ng payo at pagsusuri ng doctor.
Mga madalas na sintomas ng dysmenorrhea:
• Sakit sa puson
• Panghihina
• Sakit sa mga hita
• Panandaliang pagkawala ng malay
• Pagkahilo na may kasamang pagsusuka
• Pagtatae

Pagmamasahe sa
Pagligo ng katawan
maligamgam na
Tamang
tubig
pahinga at
tulog

Mga Paraan upang


Hot Maibsan ang mga
compress Sintomas ng
Dysmenorrhea

Huwag iinom ng
kahit anong gamot
Tamang
nang walang payo
nutrisyon
Pag-eehersisyo ng doktor

13 | P a h i n a
Gawain

Pusuan mo!
Panuto: Iguhit ang puso kung ang pangungusap ay naglalarawan ng
mabuting gawain upang malabanan ang mga isyu ng isang nagdadalaga o
nagbibinata.
___________1. Pag-iwas sa mga pagkain o inumin na nakasasama sa kalusugan.
___________2. Nag-eehersisyo ng tatlumpung minuto hanggang isang oras sa isang
araw.
___________3. Ginugutom ang sarili upang maging balingkinitan ang katawan.
___________4. Kumakain ng mga gulay na mayaman sa bitamina.
___________5. Umaabot ng madaling araw sa paglalaro ng mobile legends o mga
laro sa selpon.
___________6. Pagligo ng maligamgam na tubig upang maibsan ang sakit sa puson.
___________7. Pagiging matamlay at negatibo ng pag-iisip.
___________8. Pagiging magugulatin at balisa.
___________9. Hindi pagpapakonsulta sa doctor kahit na malubha na ang
nararamdaman na pagsakit ng puson.
___________10. Pagtulog ng siyam na oras.

14 | P a h i n a
Pagsusulit

I. Music
Panuto: Ikahon ang pinakamababang nota at bilugan ang pinakamataas na
nota na makikita sa bawat iskor ng awit. Tukuyin din kung anong range ang
ipinakikita dito.

Yaman ng Bayan
1.

2. Ili-ili Tulog Anay

II. Arts
Panuto: Gumawa ng sketch ng inyong paboritong lugar na itinuturing na
makasaysayan gamit ang mga complementary colors. Ilagay ito sa short bond
paper.

15 | P a h i n a
RUBRIKS
Pamantayan Kailangan Patas Mabuti Napakabuti
ng
Kasanayan 2 3 5
1
1. Kalinisan at
kaayusan ng
pagkakadisenyo
2. Mga materyal na
ginamit sa likhang-
sining
3. Pagkamalikhain
4. Pagkasumite sa
tamang oras
Kabuuan

III. Physical Education


Panuto: Iguhit ang sarili na gumagawa ng paborito mong laro. Bigyan ng
pamagat ang iyong iginuhit at isulat ang dahilan bakit gusto mong gawin ito.

16 | P a h i n a
RUBRICS
Pamantayan Indikador Puntos Natamong
Puntos
Nilalaman Naipapakita at naipapaliwanag 3
ang pagbabagong naganap.
Originality Orihinal ang ideya sa pagguhit 3
Kabuuang Malinis ang kabuuang 2
Presentasyon presentasyon
Pagkamalikhain Gumamit ng nakakaakit na kulay 2
at disenyo

IV. Health
Panuto: Isulat ang Tama kung tama ang nakasaad sa pangungusap at Mali
kung hindi.
__________1. Kailangang ikumpara ang sarili sa iba at ipilit ang sarili kahit hindi ito
ang kakayahan.
__________2. Madalas na pag-iyak at pag-iisip ng mga negatibo sa buhay.
__________3. Pagkakaroon ng madalas na stress management lalo na kapag
nahaharap sa mga suliranin kagaya ng mahirap na pagsusulit.
__________4. Pag-eehersisyo.
__________5. Tamang pahinga at tulog upang mapanumbalik ang lakas.

17 | P a h i n a
Pangwakas

Panuto: Isulat ang iyong nais sabihin sa diary. Siguraduhing ito ay may
kaugnayan sa iyong mga natutunan sa aralin at mga nararamdaman ukol dito.

My Diary

Petsa: _________________

Dear Diary,

_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Lagda ng mag-aaral: ____________

18 | P a h i n a
Mga Sanggunian

Copiano, Hazel P., Jacinto Jr., Emilio S. 2016. Halinang Umawit at


Gumuhit: Batayang Aklat. Quezon City: Vibal Group, Inc.

Santiago, Kristine Angela M., Soriano, Katherine Rose S. Fun with Music,
Arts and Physical Education. Tarlac City: Books on Wheels Enterprises.

Sabuya, M. J., et al (2015) Kagamitan ng Mag-aaral sa Edukasyong


Pangkatawan. Deped Central Office.

Gatchalian, Helen, Gezyl Ramos, and Johannsen Yap. 2016. Masigla At


Malusog Na Katawan At Isipan. Quezon City: Vibal Group Inc.

(2015) Patnubay ng Guro sa Pagtuturo sa Edukasyong Pangkatawan. Deped


Central Office.

Lindayag, Evangeline C. s. 2014. Leaps and Bounds MAPEH 5: St.


Agustine Publication, Inc.

Llarinas, Jose. et.al. 1999 Health 5 Teacher’s Manual.

Tan Conchita. 2002. Science for Daily Use 5. Teacher’s Manual.

Flores, R, S. & Bautista, V. M. Learning Material (Physical Education) Grade


5 [pdf]. Deped Cabanatuan. http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-
quarter-2-lms.html

19 | P a h i n a
MUSIC HEALTH
Balik-aral Balik aral:
D E A F Answers may vary
Gawain Gawain
1. narrow 1. 2.
2. wide
3. 4.
3. wide
4. narrow 5. 6.
5. wide
7. 8.
ARTS 9. 10.
Balik-aral
1. Yellow green Pagsusulit
2. Red violet I. Music:
3. Blue green 1. Narrow
4. Blue violet
5. Red orange
Gawain
1. scale
2. proportion 2. Wide
3. pagpipinta
4. maayos
5. kaakit-akit

PHYSICAL EDUCATION
Balik-aral

1.

2. II. Arts: Answers may vary.

3. III. Physical Education: Answers may vary.


4. IV. Health:
1. Mali
5.
2. Mali
Gawain 3. Tama
Answers may vary. 4. Tama
5. Tama

Pangwakas: Answers may vary.

20 | P a h i n a
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang
taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi
ng Ikalawang Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-
aaral ng naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang
Kasanayang Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa
mga pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:

Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga


manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.

Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga


tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan
sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;

Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang patuloy na


paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang gugugulin sa paglilimbag ng
mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga magulang at mag-aaral sa
tahanan.

Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa


kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at

Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa


kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibidwal sa hinaharap.

Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon


ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.

Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
For inquiries of feedback, please write or call:

Department of Education – Region III – Division of Zambales


Learning Resources Management Section (LRMS)
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391

You might also like