You are on page 1of 2

Antonio, Jazmine C.

BS Biology 3-2 MB

PANAPOS NA GAWAIN.
Panuto: sagutan ang sumusunod na katanungan.
1. Paano naimpluwensiyahan ng mga akdang pampanitikan ang bawat tao?
Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga panitikan, may mga aral na napupulot ang isang
tao. Halimbawa, ang Bibliya na naghahatid ng salita ng Diyos. Unti- unti nitong
pinapangaralang ang mga mambabasa nito ng mga ginawang kabutihan at sakripisyo ni Hesus
para sa mga tao. Ngayong panahon, makikita natin kung paano naka-apekto ang Bibliya sa
paniniwala ng mga tao tulad ng pagdadasal at iba pa. Nagkakaroon din ng pagkakataon na
kung saan nagagawa ng isang babasahin na magbigay aral sa mga tao sa kung ano ang tama at
mali. Mayroon ding posibilidad na mabigyan ng inspirasyon ng mga karakter ang mga
mambabasa na gawin din ang kanilang mga ginagawa. Isang halimbawa dito ang mga sinulat
ni Jose Rizal ____.

2. Paano mo mailalarawan ang panitikan bilang instrumento sa pagbabagong bihis ng mga


pamahalaan o pananamapalataya?
Ang panitikan ay naging instrumento sa pagbabagong bihis ng mga pamahalaan at
pananamapalataya dahil ito ay naglalaman ng mahalagang impormasyon na posibleng
magkaroon ng malaking epekto sa mambabasa nito. Isang halimbawa na noong panahon ng
pananakop ng mga Kastila, nagsulat si Jose Rizal ng dalawang kasulatan – Noli Me Tangere at
El Filibusterismo upang mabuksan ang puso at mata ng mga Pilipino para ipaglaban ang
kanilang karapatan at upang maisiwalat ang pagpapahirap ng mga Kastila na kung saan
nagkaroon ng pag-aalsa na pinamunuan ni Andres Bonifacio.

3. Magtala ng mga bansang may akdang pampanitikan na hindi pinahihintulutan makapasok o


makarating sa kanilang lugar. Ano- ano ang mga kaparusahang ipinapataw dito?
Isang magandang halimbawa ng akdang pampanitikan na kung saan napakanormal na
ibenta, ipagbili, o pagmamayari ng mga tao ngunit mahigpit namang ipinagbabawal sa ilang
bansa ay ang Bibliya. Mayroong mahigit kumulang 52 bansa na kung saan mahigpit na
pinagbabawal ang Bibliya (lovepackages, 2019):
Illegal and/or Highly
Covert Operations Only Dangerous and/or Difficult
Restrictive
Afghanistan Algeria Bahrain
Iran Bhutan Bangladesh
Kazakhstan Brunei Central African Republic
Kyrgyzstan China Columbia
Maldives Cuba Egypt
Mauritania Djibouti Ethiopia
North Korea Eritrea India
Saudi Arabia Kuwait Iraq
Somalia Laos Jordan
Tajikistan Libya Kenya
Turkmenistan Malaysia Lebanon
Uzbekistan Morocco Mali
Yemen Oman Myanmar (Burma)
Sudan Nepal
Tunisia Niger
Nigeria
Pakistan
Philippines (Mindanao)
Sri Lanka
Syria
Tanzania
Turkey
United Arab Emirates
Vietnam
Sa mga bansang ito, ang pagkakaroon ng Bibliya ay isang malaking kasalanan na
posibleng makatanggap ang tao ang malaking kaparusahan tulad ng pagkakulong,
pagpapahirap, o kamatayan. Isa ang North Korea sa mga bansang ipinagbabawal ang
pagkakaroon ng Bibliya sapagkat ang kanilang pamahalaan ay tinatawag na “totalitarian state”
na kung saan mahigpit na ipinaguutos ng diktador na ang tangi nilang sasambahin ay ang
kanilang pangulo.

4. Kung ihahambing mo sa mga kasaysayan ng Korea, China, at mga bansa sa panitikan ng kanilang
bayan, masasabi mo bang mahalagang balikan at halukayin ang ating mga sinaunang panitikan
bilang tunay na pagkakakilanlan ng lahing Pilipino. Ipaliwanag.
Oo, masasabi kong mahalagang balikan at halukayin natin ang mga sinaunang
panitikan sapagka’t doon natin malalaman kung saan tayo nagmula. Kung titingnan natin,
maraming mga foreign drama series na pinapakita kung ano ang buhay ng kanilang mga
ninuno noong unang panahon, mga kultura nila na mula noon, hanggang ngayon, ay pinanatili
nila. Kung tutuusin, hindi ganon karaming mga palabas sa Pilipinas ang nagpapakita ng buhay
ng mga ninuno natin noon kung kaya’t wala halos nalalaman ang mga kabataan. Kung sana
lang ay naipreserba ng mga Pilipino ang mga kultura at pananampalataya noong panahon ng
katutubo, mayroon parin sana tayong maipapakita sa mga susunod na henerasyon. Isa nang
paraan ng pagpreserba ng mga kaalaman na ito ay ang patuloy na pagsusulat at pag-a-adapt
para maging isang palabas upang mas maipakita ito sa nakararami.

5. Sumulat ng iyong repleksyong sanaysay hinggil sa kahalagahan ng Preserbasyon ng Panitikang


Pilipino para sa sambayanang Pilipino.

You might also like