Pananaliksik

You might also like

You are on page 1of 7

San Lorenzo Ruiz Senior High School

Schools Division of Pasig City

Ang mga Epekto ng mga Kasangkapan at Kagamitan sa Pag-aaral ng mga


kasanayan sa mga Mag-aaral ng Grade 12 TVL Cookery ng San Lorenzo Ruiz Senoir
High School Taong Panuruan 2023-2024

Mungkahing saliksik na ihaharap


ng Senior High school sa
San Lorenzo Ruiz Senoir High School

Bilang pagtupad sa kahingian ng


Asignaturang Pagbasa at
Pagsusuri ng Ibat ibang TekstoTungo sa Pananaliksik

Nina:

Juliet Delos Reyes


John Carl Huliganga
Joseph Ken Manzanero
John Paul Calubag
Dion Kerry Bolasoc

2023
San Lorenzo Ruiz Senior High School
Schools Division of Pasig City
Kabanata 1

Ang Suliranin at Kaligiran nito

Introduksyon at Kaligiran ng Pag-aaral

Ang mga epekto ng mga kasangkapan at kagamitan sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng


baitang 12 TVL Cookery ng San Lorenzo Ruiz Senoir High School ay ang maipabatid sa
lahat kung ano ang mga epekto nito ng kasangkapan at kagamitan sa mag-aaral.
Ang kasangkapan at kagamitan ay mahalaga sapagkat ito ay ginagamit sa pagluluto dahil
bilang isang mag-aaral ng Cookery ay kailangan ito upang mahasa ang kasanayan.

Ang mga kasangkapan at kagamitan ay mahalagang bahagi ng pag-aaral ng mga kasanayan


sa Cookery ng mga mag-aaral ng grade 12 TVL. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga
epekto ng mga kasangkapan at kagamitan sa pag-aaral ng mga kasanayan sa Cookery:
Una,upang pagpapadali ang pag-aaral.
Pangalawa, pagpapalawak ng kaalaman at pang huli pagpapalakas ng kasanayan
Sa kabuuan, ang mga kasangkapan at kagamitan ay mahalagang bahagi
Ng pag-aaral ng mga kasanayan sa Cookery ng mga mag-aaral ng grade 12 TVL. Ang mga
ito ay nakakatulong sa pagpapadali ng pag-aaral, pagpapalawak ng kaalaman, pagpapalakas
ng kasanayan, at pagpapalakas ng kumpiyansa ng mga mag-aaral.

Ayon kay Santos (2019), mahalagang magkaroon ng sapat na kasangkapan at kagamitan sa


pagluluto ng mga mag-aaral upang masiguro ang kalidad ng kanilang mga luto. Kailangan
ng mga mag- aaral ng mga kutsilyo, kawali, sandok, at iba pang kagamitan na
makakatulong sa kanila sa paghahanda ng mga pagkain. Bukod dito, dapat din na mayroong
sapat na kalan at gasul upang masiguro na hindi maantala ang pagluluto dahil sa
kakulangan ng kagamitan.

Sa pananaliksik ni Garcia (2020), natuklasan na ang mga mag-aaral na mayroong sapat na


kasangkapan at kagamitan sa pagluluto ay mas may kumpyansa sa kanilang kakayahan sa
pagluluto. Nakakatulong din ito sa kanilang pag-unlad sa kasanayan sa pagluluto at
pagpapakain sa kanilang sarili at sa kanilang pamilya. Kaya naman, mahalagang bigyan ng
sapat na pansin ang pagkakaroon ng mga kasangkapan at kagamitan sa pagluluto ng mga
mag-aaral upang matulungan silang magtagumpay sa kanilang mga gawain.

Ang pagluluto ay ang gawa ng paghahanda ng pagkain para kainin. Pinapaligiran ito
malawak na sakop ng mga paraan, kagamitan, at pagkakasama-sama ng mga sangkap upang
mapabuti ang lasa at/o ang madaling pagtunaw ng pagkain sa tiyan. Sa pangkalahatan,
kailangan nito ang pagpili, pasukat at pagsama-sama ng mga sangkap sa isang maayos na
paraan sa pagsisikap na makamit ang ninanais na resulta. Kabilang sa pagpipigil ng
pagkatagumpay ang pagkakaiba-iba ng sangkap, kalagayan ng kapaligiran, kagamitan at
ang kasanayan ng taong nagluluto.

“Cooking is like painting or writing a song. Just as there are only so many notes or colors,
there are only so many flavors – it’s how you combine them that sets you apart.” –
Wolfgang Puck
San Lorenzo Ruiz Senior High School
Schools Division of Pasig City
Ang pahayag na ito ni Wolfgang Puck ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaroon ng
kasanayan sa pagpapakain at pagluluto. Tulad ng pagpipinta o pagsusulat ng kanta, ang
pagluluto ay nangangailangan din ng pagkakaroon ng kaalaman at talento sa paghahalo ng
iba’t ibang sangkap upang makabuo ng masarap na pagkain. Sa halip na mag-focus lamang
sa bawat sangkap, mahalaga din na alamin kung paano ito magkakasama upang lumabas
ang masarap na lasa. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng kakaibang karakter ang mga
niluluto natin at magiging malinamnam ang bawat kainan.

Batayang Teoretikal

Ang paksang “ Ang mga Epekto ng mga Kasangkapan at Kagamitan sa Pag-aaral ng mga
Kasanayan sa mga Mag-aaral ng Grade 12 TVL Cookery ng San Lorenzo Ruiz Senoir High
School” ay iniuugnay sa iba’t ibang teorya sa mga kalagayan ng pagkatuto ng wika katulad
ng Teoryang Kognitib.

Ayon sa pananaw sa Teoryang Kognitib na binuo ni John Sweller, ay nakatuon sa kung


paano pinoproseso ng isip ng tao ang impormasyon. Sa pagluluto, ang pagpili at paggamit
ng angkop na kagamitan ay maaaring makaimpluwensya sa kognitib na nararanasan ng mga
mag-aaral sa panahon ng mga gawain sa pagluluto. Ang de-kalidad na kagamitan, na
idinisenyo na may mga ergonomic na tampok at user-friendly na mga interface, ay
maaaring mabawasan ang kognitib sa pamamagitan ng pagpapadali sa kadalian ng
paggamit at pagliit ng mental na pagsisikap. Dahil dito, mas makakatuon ang mga mag-
aaral sa pagbuo ng kanilang mga diskarte sa pagluluto, pag-eksperimento sa mga sangkap,
at pagpapahusay ng kanilang pagkamalikhain.

Ang konstruktibismo ay konteksto ng mga kasanayan sa pagluluto, mapapaunlad ng mga


mag-aaral ang kanilang mga kakayahan sa pamamagitan ng aktibong pakikipag-ugnayan sa
mga kagamitan. Sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang uri ng kagamitan sa pagluluto,
tulad ng mga kalan, hurno, kutsilyo, at mixer, maaaring mag-eksperimento, mag-obserba, at
magmuni-muni ang mga mag-aaral sa mga resulta. Ang aktuwal na karanasang ito ay
nagbibigay-daan sa kanila na bumuo ng kanilang pang-unawa sa mga diskarte sa pagluluto,
pagkontrol sa temperatura, paghahanda ng sangkap, at pangkalahatang mga kasanayan sa
pagluluto

Binibigyan diin dito na mahalagang itatak sa isip ng mga tao ang mga bagay na natututunan
at ang mga impormasyong natanggap sapagkat ito din ay daan upang malaman ang mga
epekto ng kasangkapan at kagamitan sa mga mag aaral.

Konseptwal na Balangkas
San Lorenzo Ruiz Senior High School
Schools Division of Pasig City
Ang batayang konseptuwal o “Conceptual Framework” ay pagpapakita ng Input-Proseso-
Output. Inilalahad ng Input ang layunin ng pananaliksik, profayl ng mga tagatugon tulad ng
edad, kasarian at katayuan sa buhay. Ang Proseso ay pagpapahayag sa mga hakbang na
gagawin samantalang ang Output ay ang naging epekto at posibleng resulta ng pag-aaral na
ito.

Input Proseso Output

 Propayl ng mga
Inaasahan ng mga
Tagatugon
mananaliksik na makalap
Ang mga mananaliksik ay ang epektibo ng mga
gagawa ng interbyu upang Kasangkapan at Kagamitan
1.Edad
makakalap ng mga kasagutan sa sa mag-aaral ng TVL
2.Kasarian Cookery
mga tanong
3. Katayuan sa buhay

Pagsasaad ng Suliranin

Ang pag-aaralan ng mga mananaliksik ay ang mga epekto ng mga Kasangkapan at


Kagamitan sa pag-aaral ng mga kasanayan sa mga mag-aaral kung paano nakakaapekto ito
sa kanilang pag-aaral at kung paano nila ito nalagpasan. Ang pananaliksik na ito ay
naglalayong sagutin ang mga sumusunod na suliranin:

1. Propayl ng mga taga tugon

1.1. Edad
1.2. Kasarian
1.3. Katayuan sa buhay

2.Ano ang mga potensyal na epekto ng tamang paggamit at pagkakaroon ng sapat na


kasangkapan at kagamitan sa pag-aaral ng kasanayan sa cookery ng mga mag-aaral?

2.1.Pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan


San Lorenzo Ruiz Senior High School
Schools Division of Pasig City

2.2.Pagpapaangat ng kahusayan

2.3.Pagpapaigting ng kreatibidad

3.Tunay nga bang mahalaga sa mag aaral ng grade 12 TVL Cookery ang mag sapat na
kagamitan at kasangkapan upang malinang ang kanilang kaalaman?

3.1.Praktikal na karanasan

3.2.Maayos na pag-aaral

4.Paano ba mababago ang kasanayan ng mga mag aaral ng grade 12 TVL Cookery ang pag
kakaroon ng sapat na kasangkapan at kagamitan sa pag aaral?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mgasumusunod:


Sa mga mag-aaral
Makatutulong ang pananaliksik na ito upang lalong mapalawakang kanilang mga kaalaman
kung paano maging isang mahusay na mag-aaral.Nagsisilbing gabay ito upang malinang
ang kanilang kaisipan at kakayanan sa kanilangpag-aaral. Inaasahan na ang pag-aaral na ito
ay makakatulong ng malaki para saepektibong pamamaraan ng pag-aaral at masanay sa
wastong pamamaraan sa pag-aaral.
Sa mga guro

Para sa guro – Magkakaroon sila ng kaalaman sa mga dapat gawin ng kanilang estudyante
nang sa gayon ay magabayan at matulungan ang mga mag-aaral satamang pamamaraan ng
kanilang pag-aaral. Magiging isang malaking karangalan attagumpay sa isang guro na
naging matagumpay ang kanilang mga estudyante sahinaharap.
Sa mga magulang

Para sa magulang – Ang mga magulang bilang unang guro ng kanilang mga anak,
aymakakapag-isip-isip ng mga bagay na maipapayo at maitutulong sa kanilang
anak,kasabay ng paggabay tungo sa maayos at magandang pamamaraan ng kanilang pag-
aaral.
Sa mga administrasyon

Para sa mag-aaral – Makakatulong ang pananaliksik na ito upang magkaroon sila ng


kaalaman kung ano ang maari nilang ibahagi sa mag-aaral tungo sa wastong pag-aaral at
mahikayat ang mga estudyante na mag aral ng mabuti

Hipotesis o Asumpsyon

1. Inaasahan na makapag bigay linaw sa tamang pag gamit ng mga sangkap at kagamitan

2. Inaasahan ang pag alam sa angkop na kagamitan sa pag luluto


San Lorenzo Ruiz Senior High School
Schools Division of Pasig City

3. Inaasahan ang pag tuklas sa ibat ibang kasangkapan

4. Inaasahang malaman ang pinagmulan ng mga kagamitan at kasangkapan.

5. Inaasahan sa pananaliksik na ito na mabigyang pansin ang kahalagahan ng mga


kagamitan at kasangkapan

6. Inaasahang mapadali ang proseso ng pag luluto sa modernong kagamitan

7.Inaasahan ng mga mananaliksik na malaman ang mga epekto ng kasangkapan at


kagamitan sa mag-aaral ng Tvl Cookery ng San Lorenzo Ruiz Senoir High School

Saklaw at Limitasyon

Ang pagsasaliksik na ito ay tumatalakay sa importansya at kalidad ng mga gamit na


ginagamit ng mga mag-aaral sa grade 12 Cookery ng San Lorenzo Ruiz Senior High School.
Sa pamamagitan ng pagsasaliksik na ito, malalaman ang seguridad ng mga mag-aaral sa
kanilang mga gamit. Makikita rin ang kahalagahan ng mga bagong kagamitan na ginagamit
upang mapadali ang mga gawain ng mga mag-aaral ng grade 12 Cookery. Tulad ngayon,
marami nang advanced na kagamitan na maaaring magamit ng mga mag-aaral sa kanilang
pag-aaral upang makapagbigay ng maayos at pulidong gawa na kanila nang iniatas.

Bilang ng respondente ang ng limitadong bilang ng mga mag-aaral ng TVL Cookery na


maaaring isama sa pag-aaral ay maaaring magdulot ng limitasyon sa mga generalisasyon at
pagiging representatibo ng mga natuklasan.
Dapat maingat na isinagawa ang mga pag-aaral na ito upang matiyak ang katumpakan at
kalidad ng mga natuklasan.

Katuturan ng Katawagan
TVL- Ang TVL o “Technical-Vocational-Livelihood” ay isang programa ng pag-aaral sa
Pilipinas na tumutukoy sa mga kurso at kurikulum na naglalayong magbigay ng kasanayan at
kaalaman sa mga estudyante sa mga praktikal na larangan ng trabaho.

Cookery- Ang Cookery ay ang sining at kasanayan ng pagluluto at paghahanda ng pagkain.


Ito ay isang larangang pang-profesyon na naglalayong magbigay ng komprehensibong
kaalaman sa mga kasanayan at pamamaraan sa pagluluto, mula sa pagpili ng mga sangkap,
paghahanda, pagluluto, pag-aayos, at pagpapalasa ng mga pagkain

Teorya- Ang teorya ay isang sistematisadong pagsasalarawan, pagsusuri, at pagsusuri ng mga


kaalaman at impormasyon upang maipaliwanag ang isang partikular na konsepto, pangyayari,
o fenomeno.

Ergonomic- Ang ergonomic ay isang disiplina na sumasaklaw sa pagsasaliksik, pagsusuri, at


pagsasaayos ng mga pagawaing kahihinatnan ng mga tao upang mabigyan sila ng kahusayan,
kaginhawaan, at kaligtasan sa kanilang mga gawain.
San Lorenzo Ruiz Senior High School
Schools Division of Pasig City
User-friendly- Ang “user-friendly” ay isang terminolohiyang ginagamit upang ilarawan
ang isang sistema, aparato, o software na madaling gamitin at nauunawaan ng mga
gumagamit.

Interface- Ang interface ay isang terminong ginagamit sa larangan ng teknolohiya at


kompyuter upang tukuyin ang punto ng pagtatagpo o ugnayan ng dalawang sistema,
aparato, o entidad

Konstruktibismo- Ang konstruktibismo ay isang teorya sa edukasyon at sikolohiya na


nagmumungkahi na ang kaalaman ay itinatag at binuo ng mga indibidwal sa pamamagitan ng
kanilang mga karanasan, pananaw, at mga pag-aaral.

You might also like