You are on page 1of 1

SI AWANGGAN AT DUYOG

Si Awanggan ay isang Bathalang naglikha ng mundo at sansinukob. Nilikha rin nya ang Bathala ng Araw at
buwan na si Duyog. Nalikha man ni Awanggan ang ibang hayop ay parang may kulang pa rin kay
Awanggan. Gumawa siya ng hayop sa karagatan, pati na rin para sa langit, ngunit hindi pa rin siya
nakontento.

Gumawa si Duyog ng magagandang tanawing panginhawa ngunit hindi pa rin sapat.. Kinailangan nila
ng mga nilalang na marunong alagaan ang mundo ng wala ang tulong nila, ngunit ilang hayop na ang
nagawa niya at wala pa rin ang tama para dito.

At sa wakas, ay pumasok na sa isip ni Awanggan. Alin pa ang mas magandang ilikha kaysa siyempre sa
isang nilalang na katulad niya, mula paa hanggang kanyang ulo, isang nilalang na kawangis ng
lumikha sa mundo. Mula sa bato, ay ginawa niya ang tao, mga nilalang na kasintalino ni Awanggan,
na binigyang kulay ni Duyog ng Puti, Itim, at Kayumanggi.

Ngunit hindi nagtagal ay naging gahaman ang mga tao, hiningi nila ang kakayahang lumipad at iba pa
kahit hindi pa dapat sa kanila, at sa galit ni Awanggan, ang plano sana niyang gawing walang kamatayan
ang tao ‘tulad niya ay hindi natuloy, at hanggang ngayon sa kasalukuyan ay walang taong nagkaroon ng
dati nilang inaasam.

You might also like