Noong unang panahon, merong isang napakaganda at mabait na
Diyosa nga nag ngangalang Ula. Sya ay isang makapangyarihan na Diyosa at kaya niyang gawin ang lahat. Ngunit, sya ay nag-iisa lamang at ang kaniyang puso ay nalulungkot. Isang araw, napagisipan niya na lumikha ng mundo. Ang kulay ng mundo ay asul at berde na napupuno nang masagana na mga puno, halaman at tubig. Lumikha din sya nang mababait at matatalino na mga tao upang mapabuti ang paligiran. Nakita niya na ang mga tao at hayop ay nagkakasundo at napamabuti ang mundo. Ang puso ng Diyosa ay masayang masaya sa nagawa niya ngunit pagod na pagod ang Diyosa dahil sa kapangyarihan na napalabas niya upang makalikha ng payapa at masaganang mundo. Nag desisyon ang Diyosa na magpahinga upang mabawi niya ang kanyang lakas.
Pagkagising ng Diyosa, siya ay nagulat sa kanyang nakita. Ang
kanyang nilikha nga payapa at masaganang mundo ngayon ay madumi at puno na ng polusyon. Nakatulog pala siya ng tatlong dekada at napabayan ang mundo. Dahil sa mga tao, hindi nila binigyan halaga ang kalikasan at nag resulta sa maraming kamatayan. Ang puso ng Diyosa ay nadurog at puno puno ng sama ng loob. Dahil nakatulog siya ng mahaba, mas lumakas ang kapangyarihan niya. Kaya ngalang, ang kapangyarihan niya ay inubos niya sa pag-iyak. Unang pagkakataon ito na nakita ng mga tao nga ang kanilang Diyosa nga si Ula ay umiyak at nag resulta sa pagbaha ng tatlumpung araw. Ilan lamang ang nakaligtas at sila lumikha ng salitang “ULAN”