Professional Documents
Culture Documents
Phil Iri Filipino GST Passages Grade 4
Phil Iri Filipino GST Passages Grade 4
Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwento. Pagkatapos, basahin ang mga
tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Muning! Muning!
Hanap nang hanap si Susan kay Muning. Dala ni Susan ang lalagyan ng pagkain
ni Muning. May laman na ang lalagyan, pero wala si Muning. Wala siya sa kusina.
Wala rin siya sa silid. Nasaan kaya si Muning?
Bumaba ng bahay si Susan. Hinanap niya kung naroon si Muning. Ikot na siya
nang ikot, pero hindi pa rin niya nakita. Baka lumabas ito ng bahay.
Ngiyaw! Ngiyaw!
Hayun si Muning! Ngiyaw siya nang ngiyaw. Nasa loob siya ng kahon. May mga
kasama si Muning sa loob ng kahon.
Nakita ni Susan ang kasama ni Muning. Mga kuting ang kasama ni Muning sa
kahon! May puti, itim at magkahalong puti at itim na kulay ng kuting. Tuwang-tuwa si
Susan!
Si Brownie ay aking alagang aso. Ang aking aso ay masamang magalit. Minsan
ay may pumasok na malaking manok sa aming bakuran. Kaagad niya itong tinahulan.
Kung hindi lamang siya nakatali nang mahigpit, malamang na habulin niya ito. Nagulat
ang manok at tumakbo ito nang mabilis palabas ng bakuran.
Kagabi ay hindi ko naitali si Brownie. Panay ang ungol niya. Maya- maya ay may
tinahulan siya nang malakas. Biglang lumukso si Brownie sa kanyang tulugan at may
hinabol. Dali-dali kong sinilip ang aking alaga. May napatay siyang daga! Bahagya pa
niyang ginalaw ang kanyang buntot nang makita ako. Kaagad kong binitbit sa buntot
ang daga at ipinakita kay Tatay. Masayang hinimas ni Tatay si Brownie. “Talagang
maaasahan ang asong ito,” sabi niya.
14. Bakit kaya bahagyang ginalaw ni Brownie ang buntot nang makita ang amo?
(Paghinuha)
a. gusto niyang gisingin ang daga
b. nagulat siya sa kanyang ginawa
c. natakot siyang mapagalitan ng amo
d. upang ipakita sa amo ang kanyang ginawa
“Lito! Lito!” Si Mina ang sumisigaw. Kay lakas ng kanyang sigaw. “Bakit, Ate?
Ano iyon?” Ito naman ang tanong ni Lito. Lumapit
siya kay Mina. Ayaw niyang sumigaw pa ang kanyang ate.
“Balat ng saging ito, hindi ba? Sino ang nagtapon nito?” Galit si
Mina. Galit siya sa nagtapon ng balat ng saging.
“Ako, Ate,” sagot ni Lito. Mahina ang kanyang sagot. Mahina ang kanyang
tinig.
“Sabi ko na nga ba. Huwag ka nang magtatapon dito, ha! Sa basurahan ka
magtatapon. Hayan ang basurahan natin. Hayan, natapakan ko ang balat ng saging.
Nadulas ako.”
“E... hindi ko sinasadya, Ate. Talaga, hindi ko sinasadya. Hindi na ako
magtatapon ng balat ng saging kahit saan. Sa basurahan na ako magtatapon.”
“Mabuti. Mabuti kung gayon,” sabi ni Mina.
18. Ano ang naramdaman ni Lito nang tinanong siya ni Mina nang pasigaw?
(Paghinuha)
a. nagalit siya
b. natuwa siya
c. natakot siya
d. nagtampo siya