You are on page 1of 2

Bakit nga ba namin ginawa ang presentasyon na ito?

Ginawa namin ang presentasyon na ito para maunawaan ninyo kung paano maging mahabagin sa ibang tao.

Efeso 4:32

Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isa't isa. At magpatawad kayo sa isa't isa gaya ng
pagpapatawad ng Diyos sa inyo dahil kay Cristo.

Mga layunin

Bilang mag-aaral, ikaw ay inaasahang…

 makatuklas ng mga halimbawa ng pagkamahabagin at maunawaan ang kalagahan nito


 maihayag ang saloobin kung paano maging mahabagin

Ano nga ba ang pagkamahabagin?

Ang Pagkamahabagin ay isang pakiramdam ng pagbibigay ng awa at habag para sa isang tao dahil sa isang
pangyayari o sitwasyon. Ang pagkakaroon ng habag sa kapwa ay isang kabutihang asal na dapat taglayin ng
isang tao.

Mga halimbawa ng Pagkamahabagin

 Una, Pagbibigay ng pagkain sa mga batang namamalimos sa mga kalye.


 Pangalawa, Ang pagtulong sa kamag-aaral na umiiyak dahil hindi maunawaan ang aralin.
 Pangatlo, Pagkukusang magbigay ng abot sa makakaya sa mga taong nanghihingi ng tulong.
 Pang- apat, Pagbibigay tulong sa mga taong nasalanta ng bagyo o anumang uri ng sakuna.
 Pang lima, Pag-alalay sa isang matandang may kapansanan sa pagtawid sa kalsada.

Mga kahalagahan ng pagiging mahabagin

 Una, Madali nating napapatawad ang isang taong nakagawa sa atin ng kasalanan.
 Pangalawa, Napapaunlad natin ang kakayahang umunawa sa damdamin ng iba o tinatawag na empathy.
 Pangatlo, Nakakagawa tayo ng mabuti sa ating kapwa.
 Pang-apat, Nagkakaroon tayo ng paggalang at pagmamalasakit sa ibang tao.
 Pang lima, Nakatutulong tayo sa ating kapwa kahit na mga simple at maliliit na pamamaraan.
 Pang-anim, Iniiiwas tayo sa mga sitwasyong magbubunga ng di pagkakasundo o pagtatalo.
 Pang pito, Nakakaramdam tayo ng pagmamahal at pagiging maalalahanin sa kapwa.

Ang isa pang halimbawa ng pagkamahabagin ay ang mag-asawang Mike at Sharon Dennehy ng Amerika. Sa
kabila ng matatag na pamumuhay sa piling ng kanilang tatlong anak, naramdaman nila ang awa sa batang
nasa larawan. Sa ilalim ng larawan ay nakasulat, "batang walang mga kamay sa Romania, labis na
nangangailangan ng tahanan." Sa pagkakataong iyon, napagkasunduan ng mag-asawa na ampunin ang
batang taga-Romania.

Ang inakala nilang una at huling pag-ampon ay nasundan pa hanggang sa sila ay nakakupkop pa ng ilan
pang mga batang may mga espesyal na pangangailangan.
Hindi nagtagal, nakapagbigay sila ng tahanan sa siyam na mga bata kaya't, kasma ng kanilang mga tunay na
anak, labindalawang mga bata ang itinuring na nilang Pamilya. Isinasalarawan ng mga Dennehy ang
pagkamahabagin. Sa kanilang pagkupkop sa mga batang hindi nila kadugo at ang ilan sa kanila ay may
kapansanan pa, hindi nila binigyang-pansin ang hirap na maaring idulot nito sa kanila.

Nakakatulong ang pagiging mahabagin dahil natutulungan natin ang mga taong may kapansanan, mga
matatanda, at iba pa. Naging halimbawa din ang Dehenny family dahil pag ampon nila Mike at Sharon
dehenny ng mga batang may espesyal na pangangailangan.

aming mga natutunan:

Miguel Simeon B. San Jose: Ang aking natutunan sa araling ito ay ang pagtanggap sa mga taong may mga
kapansanan at mga taong may espesyal na pangangailangan.

Althea Pacorib: Dapat tayo tumulong sa nangangailangan ng tulong, at ating tandaan ay mayaman man o
mahirap dapat pantay-pantay ang pagtingin natin sa mga tao

Edsel M. Bula Jr.: Ang aking natutunan sa araling ito ay tumulong ka sa ibang tao kahit hindi mo kakilala o
Kadugo.

tanong para sa aking mga kaklase

Kung ikaw ay isang mayaman na tao, ano ang iyong gagawin para maging mahabagin sa iba?

Inihandang tanong ni Miguel Simeon B. San Jose

Bakit mahalaga sa isang tao ang pagiging mahabagin?

Inihandang tanong ni Althea Pacorib

Ano ang naidudulot ng mahabagin?

Inihandang tanong ni Edsel M. Bula Jr.

Paano mo mai-aaply sa sarili mo ang pagiging mahabagin?

Inihandang tanong ni Althea Pacorib

You might also like