You are on page 1of 5

BIYERNES, HUNYO 2, 2023

Biyernes ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)


o kaya Paggunita kina San Marcelino at San Pedro, mga martir

Friday of the Eighth Week in Ordinary Time (Green)


or Optional Memorial of Sts. Marcellinus and Peter, Martyrs (Red)

UNANG PAGBASA
Sirak 44, 1. 9-13
Pagbasa mula sa aklat ni Sirak

Papurihan naman natin ngayon ang ating mga ninuno,


ang mga lalaking natanyag noong kani-kanilang panahon.
Mayroon namang hindi na natatandaan ninuman,
at lubusan nang naglaho ang kanilang pangalan.
Para silang hindi nagdaan sa daigdig na ito,
at gayun din ang nangyari sa kanilang mga angkan.
Narito ang talaan ng mga lalaking tunay na may takot sa Diyos,
ang kanilang ginawa’y hindi pa nalilimutan.
Patuloy na mamanahin ng kanilang mga inapo
ang kanilang magandang pangalan,
at ito ang kanilang magiging mahalagang kayamanan.
Dahil sa tipan sa kanila ng Panginoon,
nanatiling matatag ang kanilang angkan.
At alang-alang pa rin sa kanila,
ay magpapatuloy hanggang sa kanilang kaapu-apuhan.
Hindi mapuputol ang kanilang lahi,
at hindi maglalaho ang kanilang katanyagan.

Ang Salita ng Diyos.

Salamat sa Diyos
2

SALMONG TUGUNAN
Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.
o kaya: Aleluya!

Ang Panginoo’y purihin, awitan ng bagong awit,


purihin sa pagtitipon ng tapat sa pananalig.
Magalak ka, O Israel, dahilan sa Manlilikha
dahilan sa yong hari, ikaw Sion ay matuwa.

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

Purihin sa pagsasayaw, purihin ang kanyang ngalan;


alpa’t tambol ay tugtugin, at siya ay papurihan.
Panginoo’y nagagalak sa kanyang mga hirang,
sa nangagpapakumbaba’y tagumpay ang ibibigay.

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

Sa tagumpay na natamo, magalak ang mga hirang,


sa kanilang pagpipista ay magsaya’t mag-awitan.
Sa pagpuri sa Panginoon, ay bayaang magsigawan.
Ang tatanggap ng tagumpay, ay ang kanyang mga hirang.

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.
3

ALELUYA
Juan 15, 16

Aleluya! Aleluya!
Hinirang tayo ni Kristo
upang mamungang totoo
bilang mabubuting tao.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 11, 11-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Papuri sa Iyo, Panginoon

Sa gitna ng pagbubunyi ng mga tao, pumunta si Hesus sa Jerusalem at pumasok sa


templo. Pagkatapos tingnan ang lahat ng bagay doon, lumabas siya at nagbalik sa
Betania, kasama ang Labindalawa, palibhasa’y gumagabi na noon.

Kinabukasan, nang sila’y pagbalik na mula sa Betania, nagutom si Hesus. Natanaw


nito sa di-kalayuan ang isang puno ng igos na madahon. Nilapitan niya ito upang
tingnan kung may bunga. Ngunit wala siyang nakita kundi mga dahon, sapagkat
hindi pa panahon ng igos noon. Kaya’t sinabi niya sa puno ng igos, “Wala nang
makakakain pa ng iyong bunga.” Ito’y narinig ng kanyang mga alagad.

Pagdating nila sa Jerusalem, pumasok sa templo si Hesus. Kanyang ipinagtabuyan


ang mga nagbibili at namimili roon at ipinagtaob ang mga mesa ng mga
mamamalit ng salapi at ang upuan ng mga nagtitinda ng kalapati. Pinagbawalan
niyang magdaan sa loob ng templo ang sinumang may dala-dalahan. At tinuruan
niya ang mga tao. Sinabi niya, “Nasusulat, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-
dalanginan ng lahat ng bansa.’ Ngunit ginawa ninyong pugad ng mga
magnanakaw.”
4

Narinig ito ng mga punong saserdote at ng mga eskriba. Buhat noo’y humanap sila
ng paraan upang mapatay si Hesus, sapagkat natatakot sila sa kanya, dahil sa
humahanga ang lahat ng tao sa kanyang turo.

Pagdating ng gabi, lumabas na naman ng lungsod si Hesus at ang kanyang mga


alagad.

Kinaumagahan, pagdaan nila’y nakita nilang patay na ang puno ng igos. Naalaala
ni Pedro ang nangyari at kanyang sinabi kay Hesus, “Guro tingnan ninyo! Namatay
ang puno ng igos na sinumpa ninyo.” Sumagot si Hesus, “Manalig kayo sa Diyos.
Tandaan ninyo ito: kung sabihin ninuman sa bundok na ito, ‘Umalis ka riyan;
tumalon ka sa dagat,’ na hindi siya nag-aalinlangan kundi nananalig na mangyayari
ang sinabi niya, ito’y gagawin ng Diyos para sa kanya. Kaya’t sinasabi ko sa inyo,
anuman ang hingin ninyo sa panalangin, manalig kayong natanggap na ninyo iyon,
at matatanggap nga ninyo. Kapag kayo’y mananalangin, patawarin muna ninyo
ang nagkasala sa inyo upang ipatawad din naman sa inyo ng inyong Amang nasa
langit ang inyong pagkakasala. Ngunit kung hindi kayo magpatawad, hindi rin
naman kayo patatawarin ng iyong Amang nasa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pinupuri ka naming, Panginoon Hesukristo

PANALANGIN NG BAYAN

Ikawalong Linggo sa Karaniwang Panahon


Biyernes
Tumawag tayo sa Diyos Ama, na ibinibigay ang kanyang pag-ibig at palagiang
kalinga sa atin, hilingin natin na likhain niya sa ating mga puso at isip ang
pagkakaroon ng bukal na pagsunod sa kanyang mga batas, ating bigkasin:
5

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.


o kaya
Dumito ka sa amin, O Panginoon.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y turuan ang Bayan ng Diyos na sumunod sa
kanyang mga batas hindi dahil sa takot kundi dahil sa pag-ibig, manalangin tayo sa
Panginoon.

Tayo nawa’y maging tapat sa pagsunod sa utos na ibigin ang Diyos at ibigin ang
kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nabubuhay sa kadiliman ng kasalanan nawa’y makatagpo ng


inspirasyon at tapang na mamuhay sa hamon ng utos ng Diyos, manalangin tayo sa
Panginoon.

Ang mga maysakit, mga matatanda, mga nalulumbay, at lahat ng mga nagdurusa
na kasama natin nawa’y hindi natin mapabayaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng walang hanggang kapahingahan,


manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, tanggapin mo ang aming mga panalangin na iniaalay sa iyo


nang may pananampalataya. Makilala nawa namin ang pag-ibig at kapayapaan ni
Kristo, ang iyong Anak at aming Tagapagligtas. Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

You might also like