You are on page 1of 4

Daily Lesson Log in ARABIC LANGUAGE 5

School: SANTA CRUZ CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL Grade Level: 5


Teacher: SAFANAH M. COTONGAN Learning Area: ARABIC LANGUAGE
Teaching Dates and Time: Quarter: 4

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman: Practice Salah (prayer) 5 times a day and Sawm (fasting)
and demonstrate Islamic Etiquette
B. Pamantayan sa Pagganap: Name and familiarize the 5 Obligatory Prayer
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Identify the scheduled time of the Obligatory Prayer
Perform the 5 Obligatory Prayer
Acknowledge the importance of Salah

II. NILALAMAN: The 5 Obligatory Prayer in Islam


Values: God-fearing
Integration: W.A.T.C.H.

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian: Madrasah Curriculum Guide
B. Iba pang Kagamitang Panturo: Visual aids, Manila paper, Laptop, TV

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral
Tanong: Ano ang paksang tinalakay kahapon?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin:


Talasalitaan:
Salah- Pagdarasal
Islam- Relihiyon ng mga Muslim
Qur-an– banal na libro sa Islam

C. Pagganyak
Pagpapakita ng Orasan
Tanong: Marunong ba kayong magbasa ng orasan?
Maaari niyo bang basahin kung anong oras ang pinapakita sa bawat orasan?

D. Paglalahad
Paglalahad ng mga Takdang oras ng pagsasalah.
____________ ____________ ___________ ____________ _____________
Salatu Subh Salatu Lohor Salatu Asr Salatu Maghrib Salatu Isha
E. Pagtatalakay sa bagong aralin
Pagtalakay ng mga kahulugan sa 5 obligatory prayer.
1. Salatu Fajr (Dawn Prayer)
-Ang salah na ito ay ginagawa tuwing madaling araw. Kailangang maisagawa ang
pagsimbang ito bago sumikat ang araw. Kadalasang oras nito ay alas-4 ng umaga.

2. Salatul Lohor (Midday Prayer)


-Isinasagawa ang salah na ito tuwing alas-12 ng tanghali

3. Salatul Asr (Afternoon Prayer)


- Ang pagdarasal ng Asr ay nangyayari sa pagitan ng tanghali at paglubog ng araw. Sa
madaling salita, tuwing alas-3 ng hapon tayo nagsisimba ng salatul asr.

4. Salatul Maghrib
- Isinasagawa ang pagdarasal na ito pagkatapos mismo ng paglubog ng araw. Ang
pagsimba ng maghrib ay nangyayari tuwing alas-6 ng gabi.

5. Salatul Isha (The Evening Prayer)


- Ang pagdarasal na ito ay isinasagawa isang oras pagkatapos ng sunset o paglubog ng
araw. Kadalasang nangyayari tuwing alas-7 ng gabi.

Para di makalimutan, narito ang salitang makapagpapaalala sayo ng mga pangalan ng 5


obligatory prayer. Ito ang salitang ISLAM.
I- Isha
S- Subh
L- Lohor
A- Asar
M- Maghrib

F. Gawain: Kasanayan 1
HULAAN MO AKO!
1. Ako ay isinasagawa tuwing madaling araw. Kadalasang oras ko ay 4:00 ng umaga. Anong
SALAH ako? SUBH
2. Isinasagawa ako tuwing alas 7:00 ng gabi. Anong SALAH ako? ISHA
3. Kilala ako sa katawagang “Afternoon Prayer”. Kadalasang oras ko ay 3:00 ng hapon.
Anong SALAH ako? ASAR
4. Ako ay isinasagawa tuwing tanghali. Anong SALAH ako? LOHOR
5. Isinasagawa ako pagkatapos mismo ng paglubog ng araw. Anong SALAH ako?
MAGHRIB

G. Gawain: Kasanayan 2
Gabay na Tanong:
Bakit mahalaga para sa ating mga Muslim ang mag Salah araw-araw?
Mahalaga bang magsalah tayo sa tamang oras? Bakit?
Ano ang mabuting epekto kung magsasalah tayo sa tamang oras?
H. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Pangkat 1: Panuto: Ibigay kung anu-ano ang mga takdang oras ng mga sumusunod na salah.
Subh, Lohor, Asar, Maghrib, Isha
Pangkat 2: Panuto: Bilang isang muslim,bakit mahalaga na tayo ay magsimba 5 beses sa
isang araw?

I. Paglalahat
Anu- ano ang 5 Obligatory prayer sa Islam?

IV. Pagtataya
Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ang mga sumusunod ay ang 5 obligatory prayer sa Islam, maliban sa;
a. asr b. Fajr c. maghrib d. zakat

2. Alin sa mga sumusunod ang syang tawag sa simba na kung saan ang oras ng pagsamba ay
sa pagitan ng tanghali at paglubog ng araw?
a. asar b. lohor c. maghrib d. subh

3. Ang salah na ito ay isinasagawa tuwing madaling araw.


a. asar b. isha c. lohor d. subh

4. Ang salatul Isha ay isinasagawa tuwing alas 3 ng hapon.


a. tama b. mali c. a at b d. wala sa mga nabanggit

5. Ang salatu-lohor ay kilala sa katawagang;


a. Afternoon Prayer b. Dawn prayer c. Evening prayer d. Midday prayer

V. Takdang Aralin
Panuto: Isagawa ang 5 obligatory prayer sa inyong tahanan. Magpakuha ng litrato habang
nagsasalah at ilagay ito sa bond paper.

Prepared by: Observed by:

SAFANAH M. COTONGAN RYAN C. NALAM DONNA JADE SANTIAGO


Teacher 1 MT-1/ Grade Leader Master Teacher I

Noted by:

HAZEL V. LUNA, PH. D


ESP IV

You might also like