You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

GAWAING PAGKATUTO
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Ang Paggalang na Ginagabayan ng Katarungan at Pagmamahal
( WEEK 3-4 )
Pangalan: ____________________________________
Lebel: ____________________________________
Strand/Track: ____________________________________
Seksiyon: ____________________________________
Petsa: ____________________________________

A. Panimula (Susing Konsepto)

Isa sa pinakapraktikal na paraan upang maipakita ang pagmamahal sa iba ay ang


paggalang. Sa iba marahil ay pangkaraniwan na lamang ang salitang paggalang subalit
ang mas malalim na kahulugan nito ay ang pagbibigay ng katarungan at pagmamahal
sa iba. Paano ito naipapakita sa iba? Narito ang mga halimbawa:

1. Kung ginagalang mo ang mga nakatatanda, hindi ba nagmamano ka sa kanila at


nasasabi ng po at opo. Ito ay pagmamahal sa paraang kinikilala mo na sila ay higit sa
iyo sa kaalaman at karanasan.
2. Ang taong gumagalang sa kapwa ay hindi basta-basta gumagawa ng bagay na
makakasakit sa iba.
3. Paggalang din ang hindi paninira o pagasasalita ng walang katotohanan sa kanyang
kapwa. Karangalan ng isang tao kung pipiliin niyang hindi maging bahagi ng pagkalat ng
tsismis o kasinungalingan.
4. Paggalang rin ang pagbibigay respeto sa iba’t-ibang pananaw, kultura at kaalaman ng
bawat tao.
5. Maituturing rin na paggalang ang pantay na pagtingin sa bawat isang indibidwal na
may iba’t-ibang kakayahan at katangian.

Ano ang ipinapakita sa larawan? Ginagawa mo ba ito?


Ang pagmamano ay isa sa mga magagandang
kaugalian nating mga Pilipino gayundin ang pagsasabi
ng “po” at “opo”. Ito ang mga kaugaliang nagpapakita
ng paggalang. Itinuturo ang mga ito sa murang edad pa
lamang. Ito ay ilan lamang sa ating maipagmamalaki
bilang isang Pilipino. Ngunit habang lumilipas ang
panahon unti-unti nang nawawala o bihira ng nakikita
ito sa mga kabataan ngayon. Nakalulungkot isipin na
may mga kabataang sumusuway o hindi sumusunod sa
mga utos ng mga magulang at nakatatanda.
Sa araling ngayon ay ating aalamin kung ano
ang magiging
bunga ng hindi
pagpapamalas ng pagsunod at paggalang sa mga
magulang at mga nakatatanda. Handa ka na ba?
Kamusta ang iyong nagawa? Ano ang napansin
mo sa panuto? Tama! Hindi naging malinaw ang
panuto. Paano kaya kung walang maayos na panuto?
Ano kaya ang pwedeng mangyari?
Marahil magiging magulo kapag walang maayos na
panuto o patakaran. Sino ba ang gumagawa at
nagpapatupad ng mga ito? Mahusay!!! Ang
mga may awtoridad. Ano nga ba ang awtoridad? Sila

Address: Provincial Sports Complex, Bolbok, 4200 Batangas City


(043)722-1840 / 722-1796 / 722-1437 / 722-2675 / 722-1662
deped.batangas@deped.gov.ph
www.depedbatangas.org

CRN 44 100 18 93 0045


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

ang nagtatakda ng mga pamantayan o batas at sila rin ang nagpapasunod ng mga ito. Kilala mo
ba sila?

B. Kasanayang Pampagkatuto at koda


a. mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na ginagabayan ng katarungan at Pagmamahal
b. bunga ng hindi pagpapamalas ng pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad
 EsP8PBIIIc-10.1
C. Panuto
Basahin ang iyong Learning Activity Sheet at sagutan ang mga Gawain na nasa ibaba.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pangugusap ay nagpapahayag ng PAGGALANG, isulat
naman ang salitang MALI kung hindi.

_________1. Pakikinig sa taong nagsasalita.


_________2. Pagtulong sa matandang tumatawid sa kalsada.
_________3. Naniniwala sa bawat kakayahan ng kapwa.
_________4. Pagpasa ng mga gawain sa itinakdang araw ng guro.
_________5. Pakikipag-usap sa mga nakatatanda ng pabalang.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


“Masunurin at Magalang Ka Ba?”
Panuto: Lagyan ng bituin ang pangungusap kung ito ay nagpapakita ng pagsunod at paggalang sa may
awtoridad. Lagyan naman ng bilog kung hindi.
__________ 1. Tumatawid sa tamang tawiran.
__________ 2. Tumatambay o lumalabas ng bahay kahit oras ng “curfew”.
__________ 3. Nagsusuot ng uniporme at I.D. sa paaralan.
__________ 4. Ginagawa ang mga gawain sa paaralan nang hindi nagrereklamo.
__________ 5. Sinisigawan ang guwardya kapag nasita sa pagkakamali.
__________ 6. Tumatayo ng tuwid habang pinapatugtog ang pambansang awit ng Pilipinas.
__________ 7. Nagtatapon ng basura sa tamang lalagyan.
__________ 8. Nagpapaalam bago umalis ng bahay.
__________ 9. Gumagala sa loob ng paaralan dahil nahuli na sa klase.
__________ 10. Nagbabansag ng hindi maganda sa mga guro.

PROJECT RBB
Magpost sa inyong fb account ng isang pangyayari o sitwasyon na
nagpapakita ng paggalang. Itag ang inyong guro sa ESP
Pangwakas
Natutunan ko na
_________________________________________________________
______________________________________________________________________
Napagisip-isip ko na
______________________________________________________
______________________________________________________________________

D. Mga Sanggunian
Self-Learning Module, Edukasyon sa Pagpapakatao, pahina 6-14

Prepared by, Checked by,

Address: Provincial Sports Complex, Bolbok, 4200 Batangas City


(043)722-1840 / 722-1796 / 722-1437 / 722-2675 / 722-1662
deped.batangas@deped.gov.ph
www.depedbatangas.org

CRN 44 100 18 93 0045


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

AILYN A. DELOS REYES ADELIA H. PACIA


Teacher I School Head
For questions please contact me: 0955-324-5108

Address: Provincial Sports Complex, Bolbok, 4200 Batangas City


(043)722-1840 / 722-1796 / 722-1437 / 722-2675 / 722-1662
deped.batangas@deped.gov.ph
www.depedbatangas.org

CRN 44 100 18 93 0045

You might also like