You are on page 1of 3

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines COLLEGE OF BUSINESS STUDIES

DHVSU Main Campus, Villa de Bacolor, Pampanga
Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211
Academic Year 2023-2024 SECOND SEMESTER
URL: http://dhvsu.edu.ph

Sosyedad at
Literatura

DHVSU Vision Mission

Vision – A DHVSU envisions of becoming one of the lead universities in the ASEAN Mission – DHVSU commits itself to provide a conducive environment for the holistic
Region in producing globally competitive professionals who are capable of development of students to become globally competitive professionals through quality
creating, applying and transferring knowledge and technology for the sustainable instruction and services; innovation and research towards the sustainable development of
development of the humanity and society. society.

KABANATA I
Aralin 1: Batayang Kaalaman sa Lipunan

SOSYEDAD / LIPUNAN
→ Tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas,
tradisyon at pagpapahalaga.
→ Ito ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na
kumikilos at nagbabago. – Emile Durkheim. (Mooney, 2011)
→ Ito ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao ng
pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan. – Karl Marx (Panopio, 2007)
→ Ito ay binubuo ng tao na may magkakahawig na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao
ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan. – Charles Cooley
(Mooney, 2011)
ELEMENTO NG LIPUNAN
1. Tao o Mamamayan – ang pinakamahalagang elemento ng lipunan na nainirahan sa isang tiyak na teritoryo o
lupang sakop ng lipunan.
2. Teritoryo – lawak ng nasasakupan ng lipunan at tinitirhan ng mga tao.
3. Pamahalaan – ahensiya na nagpapatupad ng mga batas at mga kautusan at nagpapahayag sa kalooban ng lipunan.
4. Soberanya – pinakamataas na kapangyarihan ng lipunan para mapatupad o mag-utos ng kagustuhan nito sa mga
mamamayan sa pamamagitan ng mga batas.
BUMUBUO SA LIPUNAN:
A. Istrukturang Panlipunan
B. Kultura

A. MGA ELEMENTO NG ISTRUKTURANG PANLIPUNAN

1. Institusyon – isang organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
a) Pamilya
b) Edukasyon
c) Ekonomiya
d) Relihiyon
e) Pamahalaan
2. Social Group – tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkatulad na katangian na nagkakaroon ng
ugnayan sa bawat isa at binubuo ng isang ugnayang panlipunan.
3. Status – tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan.
a) Ascribed Status – nakatalaga sa isang indibidwal simula nang siya ay isilang.
b) Achieved Status – nakatalaga sa isang indibidwal sa bias ng kanyang pagsusumikap.
4. Gampanin (Roles) – tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon at mga inaasahan ng
lipunang kanyang gingalawan.

B. KULTURA
→ Ito ay isang kumplikadong Sistema ng ugnayan na nagbibigay kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang
grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan.
→ Ito ay kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi at ang kabuuang
gawain ng isang tao.
→ Ito ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan.

Uri ng Kultura
1. Materyal – binubuo ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan at iba pang bagay na nakikita at nahahawakan
na likha ng tao.
→ Ang mga bagay na ito ay may kahulugan at mahalaga sa pag-unawa sa kultura ng isang lipunan.
2. Hindi Materyal – kabilang dito ang mga batas, gawi, ideya, paniniwala, at norms ng isang grupo ng mga
tao.

DHVSU Vision Mission

Vision – A DHVSU envisions of becoming one of the lead universities in the ASEAN Mission – DHVSU commits itself to provide a conducive environment for the holistic
Region in producing globally competitive professionals who are capable of development of students to become globally competitive professionals through quality
creating, applying and transferring knowledge and technology for the sustainable instruction and services; innovation and research towards the sustainable development of
development of the humanity and society. society.
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY
Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines COLLEGE OF BUSINESS STUDIES
DHVSU Main Campus, Villa de Bacolor, Pampanga
Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211
Academic Year 2023-2024 SECOND SEMESTER
URL: http://dhvsu.edu.ph

Mga Elemento ng Kultura

1. Paniniwala (Beliefs) – tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at
tinatanggap na totoo.
2. Pagpapahalaga (Values) – maituturing itong batayan ng isang grupo kung ano ang katanggap-tanggap at
kung ano ang hindi. Ito ang batayan kung ano ang tama at mali, kung ano ang nararapat at hindi nararapat.
3. Norms – tumutukoy ito sa mga asal, kilos o gawi na binubuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan.
→ Nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon at pakikitungo ng isang indibidwal sa lipunang
kinabibilangan.
a) Folkways – ang pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa
kabuuan.
b) Mores – tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos. Ang paglabag sa mores magdudulot ng
mga legal na parusa.
4. Simbolo – ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit nito. Kung walang simbolo,
walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging possible ang interaksyon ng mga tao sa lipunan.

KABANATA II
Aralin 1: Batayang Kaalaman sa Panitikan
Webster’s New Collegiate Dictionary
→ “Ang panitikan ay kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang isinulat o inilimbag sa isang tanging wika ng mga
tao. ”
G. Azarias
→ “Ang panitikan ay nagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay,
sa pamahalaan, sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Dakilang Lumikha.”
G. Abadilla
→ “Ang panitikan ay bungang-isip na isinatitik.”
Luz A. De Dios
→ “Ang panitikan ay mula sa mga salitang pangyayaring isinatitik at pinalamutian.”

PANITIKAN
→ Ito ay kalipunan ng magagandang karanasan at pangarap o adhikain ng isang lahi. Dito nasasalamin ang iba’t
ibang damdamin ng mga tao tulad ng kalungkutan, kaligayahan, galit, pag-ibig, paghihiganti, at iba pa.
→ Nagpapahiwatig ng tunay na pagkatao ng bawat tao. Samakatuwid, ang panitikang Filipino ay nagpapahiwatig
din ng tunay na pagkatao ng bawat Pilipino.
✓ Maaaring nasusulat o di-nasusulat. Ang mga di-nasusulat ay yaong mga ulat na ‘di nalikom dahil sa ang kultura ay
lubhang matanda na at dahil na rin sa kalagayan ng mga ninuno natin noon.
✓ Magkaugnay ang kasaysayan at panitikan. Ito ay dalawang bagay na laging magkaagapay. Nasusulat sa
kasaysayan ang tunay na nagaganap sa bawat panahon. Ang mga manunulat at makata ay sumusulat ng kanilang
akda mula sa tunay na nakikita sa paligid subalit ito’y nilalagyan ng palamuti upang maging kagila-gilalas o higit na
kaakit-akit, na siyang ipinagkaiba sa kasaysayan.
Layunin at Dahilan ng Pag-aaral sa Panitikan ng Pilipinas
Bilang mga Pilipino, tungkulin nating pahalagahan ang sariling panitikan. Ang mga sumusunod ang siyang mga
dahilan kung bakit dapat pag-aralan ang panitikan ng bansa.
1. Mababatid ng mga tao ang kanilang sariling tatak, ang sariling anyo ng kanyang pagkalahi, ang sariling
kalinangan, at mga minanang yaman ng isip.
2. Makikita nila sa kanilang sarili, ang kalawakan, kalakasan, at kahinaan ng kanilang pag-uugali, at paniniwala.
3. Masasalamin ang nakaraan ng kanilang mga ninuno; kung paano sila nabuhay, nagkamali, at nagtagumpay; at
dahil dito ay maiiwasan nila ang pagkakamali at higit pang mapauunlad at mapayayabong ang mga minanang
kabutihan.
4. Makikita ang mga kapintasan at kagalingan ng sariling panitikan at sa gayo’y magkaroon ng pagsasanay sa
paglinang ng kakayahan at kasanayan sa pagbabago at upang higit na mapadalisay at mapaningning ang mga
kagalingang ito at maiwasan ang mga kamalian.
5. Matutuhang ipagmalaki ang mga bagay na kanila at maging matibay at matatag ang pagkilala sa kanilang
pagkalahi.
6. Mapupukaw ang marubdob na pagmamalasakit at pagpapahalaga sa sariling wika.

DHVSU Vision Mission

Vision – A DHVSU envisions of becoming one of the lead universities in the ASEAN Mission – DHVSU commits itself to provide a conducive environment for the holistic
Region in producing globally competitive professionals who are capable of development of students to become globally competitive professionals through quality
creating, applying and transferring knowledge and technology for the sustainable instruction and services; innovation and research towards the sustainable development of
development of the humanity and society. society.

You might also like